Pagkalapit sa kanya ni Dylan ay hindi niya inaasahan ang paghaklit nito sa kanyang braso at marahas siyang hinila papunta sa dining area. Napasunod naman ang mga katulong na parang hindi na makatayo nang maayos dahil sa panginginig sa takot. “Sit down.” Marahas siya nitong pinaupo sa dining chair. Matapos siya nitong paupuin ay naupo naman ito sa pinakadulong bahagi ng mahabang table, so bale face-to-face silang dalawa. Nakatayo naman sa tabi nila ang mga katulong na nanatiling nakayuko at nanginginig pa rin sa takot. Kahit siya ay parang nanginig na rin sa takot at pasimpleng nilibot ang tingin sa paligid. Parang may nagwala sa loob ng mansyon dahil sa dami ng kalat na mga basag na bagay. Hindi niya alam kung kaninong patak ng dugo ang mga nagkalat pero talagang marami. “D-Dylan, what'