NANG magising si Jeziel ay mag-isa na lang siya sa kama at wala na si Dylan sa kanyang tabi na lubos niyang pinagpapasalamat, dahil sa totoo lang ay hindi niya alam kung paano ito haharapin matapos ang nangyari sa kanilang dalawa kagabi. Napahikab siya at yumakap sa puting unan, tila inaantok pa at gusto pang matulog. Pero ganoon na lang ang paglaki ng mga mata niya nang mapatingin sa orasan at makita kung ano'ng oras na; It's 08:51 AM! And s**t! It's friday, may pasok pa pala siya today! Napabalikwas siya nang bangon at mabilis na bumaba ng kama habang hawak ang makapal na kumot na nakatakip sa kanyang hubad na katawan. Nagmamadali siyang tumakbo palabas ng kuwarto ng kanyang asawa para bumalik na sa kanyang kuwarto; Muntik pa siyang matumba dahil sa panlalambot ng kanyang mga tuhod na