Pareho kaming abala ni Fireon sa aming mga laptop dahil sa mga dokumento na kailangan naming matapos na basahin at isumite sa mga taong kailangan naming padalhan ng mga ito. Nakatapos na ako ng limang dokumento at ang isusunod ko na ay ang business proposal na ipapadala ko sa email ng Ninong Vince namin na ibinilin pa ni Daddy kagabi. Tutok na tutok ako sa aking laptop at binabasang maigi ang bawat letrang tinitipa ko sa keyboard ng aking laptop. Dapat maging pulido ito at walang spelling at grammar na mamali dahil nakakahiya kapag binasa ito ni Ninong Vince na may errors. “Dapat umisip pa tayo ng ibang strategy kung paano tayo mapapalapit kay Vinnea, Ice.” Out of nowhere ay biglang nagsalita si Fireon. Muntik pa akong mapapitlag sa aking inuupuan dahil sa gulat ko sa bigla niyang pagsa