Kabanata 16. Judgemental

2122 Words

“Bakit mo binabalik sa amin ang mga regalo namin sa iyo, Vinnea? Hindi mo ba nagustuhan?” agad na tanong ni Kuya Fire nang makalapit siya sa table ko. Iyong ngiti niyang maluwag na sumalubong sa akin pagbukas niya ng pinto ay napalitan ng simangot at kunot-noo nang makita niya ang mga bulaklak sa ibabaw ng table nila ni Kuya Ice. Nakasunod sa likod niya si Kuya Ice na nakatitig din ng masama sa mga bulaklak at tsokolate na tila hindi kanais-nais na tanawin ang mga ito sa ibabaw ng kanilang mga working table. “It's your favorite chocolate, Vinnea. Pinabili pa namin iyan sa Paris para lang ibigay sa iyo,” malungkot ang tonong saad naman ni Kuya Ice nang ibalik niya ang tingin sa dako ko. Hindi naman ako nagpaapekto sa reaksyon niya. Ano naman kung galing pa sa Paris? Kayang-kaya nilang mag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD