“Can we talk, bro?” Pigil ko kay Fireon bago pa siya mag-alis ng seatbelt at lumabas ng sasakyan. Kanina pa ako kating-kati na kausapin siya ngunit hindi ako makahanap ng timing kanina dahil kasama namin si Vinnea at baka marinig niya ang pinag-uusapan namin. May gusto lang akong linawin sa kaniya at mukhang nakakalimutan yata niya ang aming usapan. Parang sa mga sinasabi niya kanina ay nagsosolo na naman siya ng diskarte kay Vinnea. Parang nakakalimutan niya na dapat pantay lang kami sa aming diskarte. Dapat walang papadaig, papalamang. Pero bakit sa mga salita niya kanina ay parang gusto niya akong lamangan? Sa kaniya na nga ang virginity, bakit parang nangangarap pa siya na masungkit ang first kiss ni Vinnea? Alam ko sobrang nakakaakit ang ginawang pagdila ni Vinnea sa gilid ng kaniya