-Dubai, 7:45 pm- "Nasaan na ba ang lalaking 'yun at bakit hanggang ngayon wala pa siya? Hindi pa rin siya nagte-text or tumatawag kung may gagawin siya. Ang sabi niya sandali lang siya pero bakit hanggang ngayon wala pa siya?" tanong ni Princess na may pag-aalala habang nakatingin sa phone niya at nag-aabang sa text or call ng boyfriend niya na kanina pa umalis ng umaga. "Baka may inaasikaso lang. Stop worrying dahil for sure bago tayo magsara ay darating din 'yun," pampakalma na wika ni Francis sa kaibigan habang naglilinis ng kalat niya since malapit na silang umuwi. "Pero anong oras na. Ganitong-ganito kasi ang nangyari sa ex-second husband ko. Sinabi niya sa akin na bibili lang siya nang manok pero after few minutes may tumawag na sa akin na pulis at sinabi na naaksidente ang asawa