“Sorry? Hindi ko na kayo papabayaan? Let’s make it up? I want you back?” malakas na banggit ni Rachel while staring at Alek’s text to her. “At sino naman tangang babae ang maniniwala sa ‘yo? ‘Wag ako, gago!” inis na sigaw niya when she came into her senses again. Pero hindi niya maipagkakaila na kinilig siya rito dahil napangiti nang bahagya ang kaniyang mga labi na hindi niya namalayan. And so, she typed to reply back. -Matulog ka na! Nabubuang ka na naman! ‘Wag ako! Siraulo! Gago! (kagat labi pa si Rachel ng pindutin niya ang send button) Napakunot naman ng noo si Alek dahil sa nabasa niya kaya mabilis niya pinindot ang keyboard sa phone niya. -Walang halong biro lahat ng tinext ko sa ‘yo, Rachel. Nagsasabi ako nang totoo. At alam ko na may gusto ka pa rin sa akin. I can tell by your