Samantala si Axel ay ipinarada ang sasakyan niya sa parking lot at saka lumabas na nakasuot ng puting plain shirt at black pants. Naglakad siya paloob ng building habang si Princess ay nasa unahan niya na pinindot ang button para buksan ang elevator na nasa harapan niya. Kaagad naman na napansin ni Axel ang babaeng nasa harapan niya na parang nakita na niya nang biglang naalala niya ang ginawa nito sa sa kaniya na pang-aalipusta nu’ng isang linggo exactly. Hinding-hindi niya makakalimutan iyon dahil natapakan ang pagkato niya at sinaktan siya ng mga matatanda dahil lang sa sinabi nito na binastos niya ito pero wala naman katotohanan ang mga sinasabi nito. Nagkataon lang talaga na nahawakan niya ang pwet nito dahil magkalapit sila sa isa’t-isa. Hindi intensyon niya na bastusin ito sa kahit anong paraan. Yes, he’s a womanizer na inaamin niya pero that time ay wala siya sa mood makipaglandian kaya naman dedma sa kaniya. But then, gumawa ng ingay ang babae na kinainis niya kaya ayun tuloy pinagtinginan siya ng mga matatanda ng masama. Mabilis naman niya iyon tinanggi pero too late dahil nahusgahan na siya kahit hindi pa niya naipagtatanggol ang sarili niya.
Napasinghal si Axel nang maalala niya ang ginawa ng babae na inakusahan siya kaagad kahit hindi pa naririnig ang panig niya, habang si Princess ay pumasok na sa elevator at pinindot ang numerong 10 kung nasaan ang unit niya. Dahan-dahan na sumara ang pinto nang biglang may kamay na humarang na ikinagulat ni Princess kaya napaatras siya sa takot. But then bumukas ang pinto at nakita niya ang lalaking nambastos sa kaniya kaya biglang nagbago ang itsura ng mukha niya mula sa masaya dahil sa pagkain niya, hanggang sa napalitan ito at nagkasalubong ang dalawang kilay niya dahil nakita na naman niya ang lalaking antipatiko sa paningin niya. Anyway, pumasok si Axel sa loob ng elevator at tumayo sa tabi ng babae na hanggang ngayon ay hindi pa niya kilala.
Their surrounding was quiet at ni isa sa kanilang dalawa ay walang gusto magsalita at pinakikiramdaman lang ang bawat isa. Ilang saglit pa ay sumagi na sa ilong ni Axel ang mahalamuyak na amoy ng manok na bitbit ni Princess kaya napalingon siya sa kaniya pero kaagad siya umiwas at nag-poker face. Habang si Princess ay tumingin sa gilid niya in the peripheral view of her eyes at tinignan niya ang itsura nito na nakita niya gumagalaw ang ilong nito.
"Anong problema ng lalaking antipatiko na 'to? Bakit may mabaho ba?" nagtatakang tanong ni Princess sa loob ng isipan niya at inamoy niya ang sarili pati ang kili-kili niya pero wala naman siya naamoy na hindi kaaya-aya sa sarili kaya napa-pout siya. "Siraulo 'to, ah. Hindi naman ako mabaho. Kung ganu'n bakit gumagalaw ang ilong niya na parang elephant dahil sa laki nito? Is he insulting me?” asar niyang aniya.
"That smells like a fresh roasted chicken. Is she going to eat her dinner just now? Wait. Did she go anywhere?" hinuha ni Axel at tinignan niya ang babae na nasa gilid niya into his peripheral view. Pinagmasdan niya ito mula ulo hanggang paa at napangiwi siya dahil sa suot nito na grey pants, at black sweater. "Nah. I dont't think she went out. She doesn’t look like one. For the record, does she have a job?" puna niya.
After a few minutes ay narating na nila ang tenth floor at unang humakbang si Axel palabas at susunod na sana sa kaniya si Princess nang bigla itong tumigil mismo sa may pintuan at humarap sa kaniya na ikinagulat na naman niya. Nagtitigan silang dalawa na malapit ang katawan at mukha nila sa isa't-isa kahit mas matangkad si Axel dito, nakayuko kasi siya rito. Kaagad na umatras ng isang hakbang si Princess at nagtagpo ang dalawang kilay niya sa gitna just staring at his annoying face.
"Excuse me? What are you doing?" mataray na reklamo ni Princess.
"Do you remember me? And this? One week ago?" tanong ni Axel at dinuro ang kaliwang mata niya na may kaunting black eye na lang compared the last time they saw each other, the day she punched him on the face.
"I don't know you. Get out," mahinahon na sabi ni Princess at humakbang para lumabas.
Pero hindi umalis si Axel sa pintuan at nagmatigas. Tumingala naman si Princess at nagkasalubong ang mga mata nila na halatang galit na galit sila sa isa't-isa dahil sa nangyari sa kanilang dalawa one week ago na pareho nila hindi makalimutan.
"Are you not going to move? Or you want me to push you?" inis na tinuran ni Princess with her menacing voice.
"Apologize to me now," seryosong banggit ni Axel.
"No, I won't. You touched my butt, remember? Now if you excuse me," sagot ni Princess na nagmatigas din at tinulak ang lalaking nasa harap niya with her arm.
"Just apologize," he insisted bravely.
"Listen, brother. You deserved it. Okay? You're a pervert and a man like you should never have kids. Now get out of my fvcking face before I kick you," galit na galit na sabi ni Princess, threatening him.
"Kick me and I'll kiss you. But if you don't want then let me have that roasted chicken on your hands," pagbabanta ni Axel and he lowered himself to her, playing with her. Gusto niya makuha ang manok na nasa kamay nito at pakiramdam niya ay nagutom siya dahil doon.
Princess smirked dahil sa sinabi ng lalaki habang si Axel ay inilagay ang dalawang braso sa dibdib niya like he owns it. But then all of a sudden ay tinuhod ni Princess si Axel sa gitna na hindi niya nakita na naging dahilan kung bakit napasigaw ito sa sakit at saka niya ito tinulak palabas ng elevator so she can pass through. Si Axel naman ay napaupo sa sahig dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman niya. Namimilipit siya sa hapdi ng ari niya.
"Y-y-you woman, come back here!" sambit ni Axel kahit masakit ang ari niya.
"Manigas ka diyan," sambit ni Princess na nagsalita na ng Filipino langugae at tinalikuran na ang lalaki.
"W-wh-what?! Aaaaaaaggggghhhhh..." ungol ni Axel dahil hindi niya naintindihan ang babaeng kausap niya habang sinusundan ito ng tingin na sinaktan na naman siya. “She got me there again,” bulong niya sa sarili na may inis sa mukha niya.
Samantala hindi na lumingon si Princess at naglakad papunta sa unit niya hanggang sa nakapasok na siya. Si Axel naman ay dinuro ang pinto kung saan pumasok ang babae na sinaktan siya para tandaan kung saan ito nakatira na napag-alamanan niya na magkatabi lang pala sila ng unit. Ganunpaman ay pinilit niya tumayo kahit masakit pa ang ari niya at naglakad siya papunta sa unit niya ng paika-ika. Pumasok siya sa unit niya at nahiga sa sofa na malapit sa kaniya.
"How dare you, you woman. Just you wait and see. I will get my revenge. You should prepare,” bulong ni Axel sa sarili while thinking sa babaeng hindi niya makalimutan at nagpataas ng dander niya.
Eventually, naupo si Princess sa lamesa sa dining together with her laptop na nasa harapan niya at naka-movie mood. Nakangiti siyang kumakain ng isang buong manok at kaunting kanin habang nanonood ng paborito niyang movie. Afterward ay inilagay niya ang mga butong nakuha sa manok sa basurahan at naghugas siya ng kamay. Then naghugas siya ng kobyertos na ginamit niya at saka kinuha ang laptop niya sa lamesa at naupo ulit sa sala to do her searching.
Maya-maya ay naka-isang oras na pero wala pa rin mahanap si Princess nang bigla niya naalala ang sinabi ng mother niya nang magkausap silang dalawa.
...
"I'll give you two options, my daughter," mabilis na wika ni Kristine.
Kaagad naman napalingon si Princess sa mother niya. "And what is that, mother?"
"You choose. Magpapatayo ka ng sarili mong bakery shop or tatanggapin mo ang offer sa iyo nu'ng lalaki na nakausap mo?" nabanggit ni Kristine na pinapili na ang anak.
"Seryoso, Mom, tatanungin mo sa akin 'yan?" hindi makapaniwalang tanong ni Princess sa mother niya.
"Sagutin mo na lang," sambit ni Kristine.
"Either of the two. Mom, nasabi ko na hindi ba na ayaw ko umasa sa iyo—" Pero hindi natuloy ang sasabihin ni Princess nang kontrahin siya ng mother niya.
"Then what are you doing here?" sumbat na tanong ni Kristine.
"Nandito ako para magtanong, Mom, and not to choose. Okay? Alam ko na gusto niyong tumulong pero I can manage po. Please, trust me on this. Alright? For once, gusto ko magtayo ng business ko para kahit wala kayo ay maitatayo ko ang sarili ko. Hopes you understand that, Mom," magalang at direktang sabi ni Princess at tumayo na siya. "Glad that I visited here, Mom. I will go now," aniya niya at binigyan niya ng isang halik sa pisngi ang mother niya then nagpunta siya sa father niya at hinalikan din ito sa magkabilang pisngi, at saka siya lumabas ng kwarto na may seryosong mukha.
...
The next morning, kumakain ng agahan si Princess ng tahimik nang biglang tumunog ang phone niya kaya sinagot niya kaagad ito without looking who it is.
"Hi, Auntie!" masiglang bati ni Amara sa kabilang linya.
Napangiti kaagad si Princess sa narinig niya at sinabi, "Video call." At mabilis niya inalis sa tenga niya ang phone and open her camera for a video call.
Nagpakita rin sa kabilang linya si Rachel at Amara na mukhang galing sa labas dahil nakasuot sila ng panlabas at marami silang bitbit na gamit.
"Saan kayo galing at anong oras na riyan ngayon?" nagtatakang tanong ni Princess while eating ng natirang manok kagabi.
"Namili kami ng gamit niya, Sis. Now lang kami nakabili at naging busy ako pero don’t worry dahil five thousand lang ang nagastos namin pero ang dami na namin napamili,”informed ni Rachel at ibinigay ang phone sa anak para ayusin ang mga pinamili nila.
"Auntie, I bought a princess bag and crayons and notebooks," cute na pagmamayabang ni Amara dahil sa nguso niya na humahaba.
"Oh, really? Wow, that’s nice, baby. Can I see it?" tanong ni Princess, paglalambing niya sa inaanak niya.
At kinuha nga ni Amara ang bag na ipinakita naman niya kay Princess. Namangha si Princess and she complimented Amara nang biglang nagpakita si Nanny Deli sa likod at kumaway. Princess immediately waved her hands too habang si Rachel ay pinagmamasdan ang kaibigan niya at napansin niya na mukhang problemada ito.
"Are you okay, Gale? Ang itim na ng ilalim ng mga mata mo, ah. Nakakatulog ka pa ba ng maayos? O naghahanap ka pa rin ng partner para sa business na gusto mo itayo?" tanong ni Rachel na may pag-aalala.
"Well, wala pa ako nahahanap hanggang ngayon kaya ito ako ngayon, tambay pa rin ng unit. Nakakabagot na sa totoo lang,” pagtatapat ni Princess at nanamlay ang mga mata niya dahil sa pagod at stress.
"Natanong mo na ba ang parents mo about it? Para tulungan ka nila at baka may kilala sila," suggestion ni Rachel habang nag-aayos ng pinamili niya.
"I asked them already at sabi ni Mom nagtanong na rin siya pero walang gustong tumanggap sa akin dahil kaka-graduate ko lang. Gusto raw nila ay 'yung may kahit isang taon na experience after graduating. Gusto ko nga sagutin, eh, paano magkakaroon ng experience kung walang gusto kumuha sa katulad kong kaka-graduate lang? Sige nga?" asar na sagot ni Princess na nilabas ang tunay niyang nararamdaman sa mga manager na nakakausap niya.
"Ayun talaga ang requirements nila, Sis, eh. Pero may punto ka. Mali nga naman ang ganu'n. Masyado naman demanding," reklamo rin ni Rachel na she took her friend's side.
"Super demanding. Tapos ito pa, may tumawag sa akin na may-ari raw ng coffee shop pero sa kasamaang palad ay lalaki naman kaya tinanggihan ko—" Princess pouted nang napatigil siya sa pagsasalita dahil biglang nagsalita ang kaibigan sa kabilang linya.
“Oh. Bakit mo naman tinanggihan? Tinawagan ka na at siya na mismo ang nag-offered sa iyo pero tinanggihan mo pa?” nagtatakang tanong ni Rachel.
“Pero, Sis, lalaki ‘yun at hindi babae. Eh, ang hanap ko ay babae—“ reklamo ni Princess pero hindi natuloy dahil nagsalita na naman ang kaibigan niya.
“At bakit babae lang? Bakit ayaw mo sa lalaki?” hindi makapaniwalang tanong ni Rachel.
“Alam mo na ang dahilan, Sis, kung bakit ayaw ko sa lalaki,” malungkot na tugon ni Princess at iniyuko niya ang ulo niya.
Kaagad na napabuka ng bibig si Rachel nang ma-realized niya kung sino at ano ang dahilan ng kaibigan niya. But then, she closed her mouth at napabuntong-hininga na lang. “Gale,” tawag niya.
“Hmm?” himig ni Princess at iniangat niya ang ulo niya to look at her friend again.
“Alam ko kung anong iniisip mo as of now, Gale, at alam ko kung anong meaning ng mukhang ‘yan. Please, Gale, don’t restrict yourself from doing something that will help you grow. Ano ngayon kung lalaki ‘yung nag-offered sa iyo? That is still an opportunity. Wala ka ng mahahanap na ganu’n. Right? Wala ka ngang mahanap ngayon, eh. Pero tignan mo, siya na mismo ang lumalapit sa iyo to negotiate at gusto ka maging partner in business. Tanggapin mo na, Sis. Okay? Wala ka ng choice. Or gusto mo maghanap ka hanggang sa lumipas ang isang taon but still, wala kang mahanap?” pangongonsensya ni Rachel sa kaibigan with sense.
“Well...” tugon na sabi ni Princess at bigla siya nanahimik dahil she feel guilty sa mga sinabi ng kaibigan.
“Or pwede rin, Sis, you accept his offer at after one year kapag may experience ka na then maghanap ka ulit ng bagong business partner. What do you think?” suggestion ulit ni Rachel.
Nabuhayan naman si Princess sa suggestion na iyon ng kaibigan. “You know what, may point ka,” sambit niya.
“May point talaga ako kaya naman tanggapin mo na ‘yung offer nu’ng lalaki. Okay?” nakangiting sabi ni Rachel convincing her more.
“We will see kapag tumawag ulit,” wika ni Princess at natawa siya ng kaunti.
“Tawagan mo na,” puna ni Rachel at natawa rin sa kaibigan.
“Eh, nahiya ako. Pero kapag hindi ako inatake ng hiya mamaya baka tawagan ko siya,” sagot ni Princess at tumawa na siya ng malakas habang kumakain.
“Loka-loka ka,” tumatawang replied ni Rachel.
Sa kabilang banda, mahimbing na natutulog pa si Axel sa kama niya nang biglang tumunog ang phone niya na nakapatong sa ibabaw ng drawer sa tabi niya. Napa-jerk tuloy ng ulo si Axel na naging dahilan kung bakit naalipungatan siya. Kaagad niya kinuha ang phone niya at sinagot ito kahit hindi pa niya nakikita kung sino ang tumatawag.
“Hello?” bati ni Axel in a husky voice na mukhang hindi maganda ang gising niya dahil nagising siya.
“Hi, baby! Good morning!” maligaya at maingay na bati ng babae sa kabilang linya.
Kaagad na nilayo ni Axel ang phone sa tenga niya at kumunot ang noo niya kahit nakapikit pa siya. “And who are you?” tanong niya nang binalik niya ulit ang phone sa tenga niya.
“I am Anna. Didn’t you remember me? I’m your girlfriend,” masayang pagpapakilala ng babae sa kabilang linya.
“My girlfriend? Nah. I don’t have one. Look, I don’t know who you are. I don’t remember you. So stop calling and bothering me, okay? Bye,” direktang sagot ni Axel na walang paligoy-ligoy at ibinaba na ang tawag at saka ibinalik ito sa ibabaw ng drawer katabi ng kama niya. “What the F,” bulong niya at umikot siya ng kama to go back to sleep.
Samantala ang magandang babae na kausap ni Axel sa kabilang linya ay hindi makapaniwala at tulala lang na nakaupo sa loob ng sasakyan niya habang nasa gitna ito ng kalsada.
“What a jerk and an asshole. Player!” sigaw ng babae na galit na galit at pinatay na niya ang phone niya.
Itutuloy...