The next day, matiyaga na naghihintay si Alek sa isang bench around Rizal monument habang ka-text niya ang kapatid sa phone. -Tanong mo nga kung nasaan na siya. (mabilis na type ni Alek) -Tinanong ko na. Maghintay ka lang diyan. Napangiwi si Alek sa nabasa niyang reply from his younger brother. "Naku, kung hindi lang kita napapakinabangan at kapatid, bubugbugin kita, eh. Parang hindi ako ang Kuya mo kung sagutin mo ako, ah. Salamat ka at may kailangan ako sa 'yo," he whispered as if he is talking to Chard. -Nakababa na raw ng taxi. Nandiyan na siya. Umayos ka, ha. 'Wag mo 'yan awayin dahil kung hindi lagot ka sa akin. Tandaan mo, kaibigan ko 'yan since grade school. Mas malapit kami niyan kaysa sa 'yo na bagong salta lang sa pamilya. Pagkabasa ni Alek sa text ay napangiwi siya ulit bu