"How are you, dude? I've been calling you but you are not responding. Marami ka ginagawa?" tanong ni Axel na naupo sa sofa sa living area. Dumating naman si Princess ng unit at hinubad ang sapatos niya, at pagkatapos ay nakita niya ang fiancé na nasa sala kaya tumabi siya rito. "Who's that?" bulong ni Princess para hindi maistorbo ito kung sinuman ag kausap nito sa phone. "Chard," maikling sagot ni Axel at ngumiti siya rito. Pagkarinig ni Princess kung sino ang kausap nito ay nanahimik na siya at hindi na nagtanong pa. Inabala na lang niya ang sarili by opening the television in front of them pero mahina lang ang volume nito para hindi siya makaabala sa pag-uusap ng mga ito at para marinig niya ang usapan ng mga ito. "I am so fvck up lately, dude. Ang daming pinapagawa sa amin. Nai-st