Story 13-SWEAR TO LOVE YOU

1927 Words
Title: Swear To Love Authot: MaidenRose7 Characters Khey Ignacio Gin Bernaldez Nung pinayagan ako ng kuya ko na mag-aral ng martial arts somewhere in Japan, sobrang saya ko dahil sa wakas makakalaya na ako sa anino niya! Laging nakabantay, laging nakasunod, laging nakiki-alam si kuya doon. Ang magaling kong kapatid! Kaya mas pinili ko dito mag-aral. Sa loob ng anim na buwan naging master na rin ako at may sariling mga tauhan. Kalayaan. Kasiyahan. Walang nakadikta! Ang saya pala! Papasok na ako sa maliit na bar dito malapit sa school ko nung makuha ang pansin ko ng isang matangkad, matipuno, makisig na lalaki! Pilipino!Nakita ko na siya kanina sa klase. Hmp my type! This is fun! Nilapitan ko agad ang lalaki para makipagkilala. "Hi, bagong estudyante ka ba?" Ngiting tanong ko tabi sakanya. "Who are you?" Tanong niya. "Isa ako sa mga masters ng paaralan mo! Ako si Master Khey." Pagmamayabang ko. "Ah sorry Maam! Narinig ko na nga ang pangalan mo kaso akala ko lalaki. Pasensya na." Aniya. "It's okay. Dahil baguhan ka ililibre kita ng drinks!" Yaya ko. "Sure. It's my pleasure. Doon tayo sa private room para makapagkanta rin tayo." Aniya at tumayo na. Not bad. Di naman ako takot dahil marunong ako sa defence kapag may gawin siyang masama may kinalagyan siya. "Lets go!" Masayang tugon ko at susunod na sana nung may biglang may boses sa likod ko.... "Khey!" Tawag ng boses sa likod ko. I thought life would be an endless fun and freedom until he came! "Gin? Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko! "Your brother will be mad and angry if he saw you in a place like this." Kalmadong puna ni Gin. Kailan pa siya nandito? Si Gin ay kanang kamay ng kuya ko sa Pilipinas at nandito siya. Para saan? "Pinadala ka ba ni Felix para bantayan ako? Pwede ba sabihin mo sa kuya ko kaya ko na ang sarili ko! Di mo ba alam master na ako dito kaya umuwi ka na sa Pinas!" Kako tulak si Gin. Nagulat pa ako nung hinila ako ni Gin palabas ng bar. "Ano ba Gin!" "Khey, alam mo kung gaano ka kahalaga kay kuya Felix mo. Why putting yourself at risk? Sumasama ka sa mga taong di mo kilala!" Sermon niya. "Hey hey Gin. It's Master Khey!" Hablot ng kamay ko at turo sa sarili ko! "So?" "Master right? Means kaya ko na ang sarili ko! Di na ako bata para bantayan niyo! Umuwi ka na sa atin! Utos ko yan sayo!" Kako at tumakbo pauwi ng apartment. Naalala ko pa nung bata pa ako si Gin ang hatid sundo saakin sa school, yaya at bodyguard ko siya. Lahat para saakin. Mas kilala ko pa nga siya kesa kay kuya na busy sa negosyo niya. Limang taon ang agwat ni Gin saakin at iniidolo ko talaga siya noon pa man! Pero ngayon kaya ko na ang sarili ko at ayaw na ayaw kong ituring niya akong mahina at bata pa! Si Gin ay nakatingin lang sa likod ni Khey habang papalayo ito. Dalaga na nga ito at matigas na ang ulo. Dinukot niya ang litrato nilang dalawa na magkasama nung birthday ni Khey sa bulsa. Napailing na lang siya at tinago na muli ito. Mukhang mahihirapan siya kay Khey na matigas ang ulo ngayon kesa dating masunurin niyang senyorita Khey! () Kanina pa ako di makapagturo ng maayos sa training ko dahil sa mga mata ni Gin na nakabantay at tutok na tutok saakin na parang agika, kaya di na ako nakapagpigil na lapitan siya! "Hey, Gin for pete's sake!" Singhal ko pagkalapit sakanya. "Magpalit ka nga ng damit, masyadong bakat ang lahat sayo niyan!" Aniya turo ang suot ko. "Yan! Come on Gin. Paano ako makapagturo ng maayos kung nakatitig ka at panay puna mo saakin?! Get lost!" Kako takbo papuntang rooftop. That nagging Gin nakakagigil! Pagdating sa taas sumandal agad ako sa pader na nadun at pumikit! "Paano ba yan! Kakapintura ko lang nyan sinandalan mo na!" Ani isang boses dahilan ng pagbukas ng mga mata ko. "I'm Howard, yong sa bar naalala mo? Di na kase ako nakapagpakilala sayo!" Aniya. Tama siya nga yong bagong estudyante. "Pasensya na!" Kako tumayo para maayos niya ang pintura. "Okay lang. Minsan lang may maligaw na magandang babae dito! Pwede ka bang makasama mamaya maginom at kumanta?" Tanong ni Howard. Sasagot na sana ako nung, "HINDI, HINDI SIYA SASAMA SAYO!" Sagot ni Gin na nasa likod ko na pala. "Khey bumalik ka na sa training. Delikado sayo ang lugar na to. Nirerenovate palang baka malaglagan ka ng kung ano sa ulo!" Dagdag pa ni Gin. SHIT! NAKAKAINIS NA! Nagmakdol na ako pauwi sa apartment! Maya maya pa sumunod pala si Gin pero di ko pinansin. "Khey, stop messing around with that guy. Pumili ka naman ng pakikisamahan. Di ka ba nagtaka bakit nandito siya? Para magtraining ng pakikipaglaban. Di mo ba naisip na killer siya? Yon kagaya sayo ng estado ang pakisamahan mo." Aniya. Lalong naginit ang ulo ko. "ENOUGH GIN! I'LL TALK TO WHO EVER I WANT AND I WEAR CLOTHES WHAT I EVER I WANT TO WEAR! Pwede ba tigilan mo na ako. Kaya nga ako pumunta dito para iwasan si kuya at lalo na ikaw. Masyado niyong pinapakialaman ang privacy ko! At tinuturing mo kong 10 years old!" Singhal ko. "What makes you so rebellious now? Napakalayo mo na. Samantalang noon habang tinuturuan kita ng assignments mo nakakandong ka pa saakin. Masunurin ka naman saamin ng kuya mo kahit nagagalit ka sumusunod ka parin." Paalala niya. Naginit ang mukha ko nung maalala kung paano niya ko kandungin at kargahin noon. "Tama na Gin. It's in the past. Malaki na ako ngayon! Wag mo ng bangitin yon kahit kailan! Nandito ka lang yata para ipahiya ako!" Singhal ko pa. "I was your protector, mentor, your guard. It's your brother's order and it's my job!" Aniya sindi ng sigarilyo. "Will you do me a favor? Go back to the Philippines!" "No!" "Go away Gin!" "No I'm your guard. I should be here!" Matigas niyang sabi. NAKAKAGALIT NA SOBRA! "DI KO NA KAKAYANIN PA ANG PAMAMAHIYA MO GIN. BUMALIK KA NA KAY FELIX. DI KITA KAILANGAN DITO!" Galit na utal ko at nilagpasan siya. "I see!" Tanging sagot niya. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Di ko na ininda yon at lumabas na ng apartment para pumunta sa bar. Gusto ko lang naman maging malaya at mamuhay sa sarili ko kasalanan ba yon. May guilt man sa puso ko di ko na pinansin gusto ko lang tratuhin niya ng nababatay sa edad ko. () "Sir Gin, si Maam Khey po nasa bar at mukhang lasing na kasama ang iba pang mga estudyante." Ani Sival ang assistant ko. "Hayaan mo na. Mamaya puntahan ko para makapagpaalam." "Saan po kayo pupunta?" "Uuwi na ako ng Pilipinas Sivan at kasama ka. Mukhang kaya na ni Khey ang sarili niya." Malungkot na utal ni Gin. (Bar) "Naku mukhang lasing kana Maam Khey, siguradong magagalit sayo yong yayo mong si Gin." Kantyaw ni Howard. Nagtawanan naman ang ibang kasamahan namin na estudyante rin ng martial arts. Di lingid sakanila king paano ako tratuhin ni Gin. "Yong Gin na yon, napakadaldal at akala niya pag-aari niya ako kung makapagbawal saakin!" Hilo na na sagot ko. "May point naman siya Khey, para sa safety mo." Ani Howard. "Kaya ko na wala siya at di niya ako mapipilit na maging kung ano ang gusto niyang maging ako. Ito ako eh." Suminok pa ako. "Nagaalala lang talaga siya sayo." "Palagi siyang nakamasid. Ayaw niyang nakikipag-usap ako sa mga nagiinom, nagsisigarilyo, at yong mga di nagsisimba at maangas. Samantalang he smoke and drinks. Di nga siya pumupuntang simbahan plus gangster sila ng kuya ko! Like what the hell!" Kako. "Kase alam nila kung ano sila kaya ayaw nilang makikisama ka sa kagaya nila!" "Para sa standard niya walang babagay sakin na sino man!" Malungkot na utal ko. "Walang bagay na iba sayo, siya lang." Ani Howard. "What do you mean?" "Ang makakapasa lang sa standard niya sa lalaki na para sayo ay siya. Gets mo ba?" Tawang dagdag ni Howard. "Kahit mayayamang lalaking manliligaw ko ayaw niya walang pumasa! Siya ang nagturo ng halos lahat saakin. Siya ang first dance ko. First kiss. Sa cheek. Pero lagi niya akong binibaby kaya ako lumayo! He even claim me as his responsibility. Ayaw kong maging pabigat kanino man lalo na sakanya! Damn it!" Halos maiyak na ako at pinilit tumayo kaso nahulog lang ako sa upuan. "Lasing ka na talaga!" "Sir Gin?" "Iuuwi ko na si Khey." Naramdaman ko na lang na may bumuhat saakin. ......... Naramdaman ko na lang ang paglapat ng likod ko sa malambot na kama. Minulat ko ang mga mata ko at tumambad saakin ang gwapong mukha ni Gin. Bumangon ako at pinigil ang kamay niya nung patayo na ito. "Gin. Be honest with me. DO YOU LOVE ME?" Matapang na tanong ko. "Matulog ka na. Ang dami mong nainom!" Aniya. "Do I really look still a child to you?" Naginit na mukhang utal ko. "Khey...matulog ka na. Pakiusap. Bukas aalis na ako!" Aniya. "Gin, go to bed with me." Kako hubad ang damit ko. Nakakalakas talaga ng loob ang alak. "What the f**k Khey. I'm your protector. You brother trusted me!" Pigilas niya. "Touch me Gin! You want me right? You want to be with me? Be honest Gin." Kako pulupot ang mga braso ko sa leeg niya. "Tell me Gin. You love me?" Siniil ko siya ng halik na matagal ko ng gustong gawin. s**t ang sarap ng mga labi niya. "Khey. I always want you. Always wanting this." Aniya yakap ako at hiniga sa kama. Lahat ng pagpipigil namin ay nilabas namin sa isat isa at yon ang gabi na hindi namin makalimutan! (PILIPINAS) "PAANO MO NAGAWA SAKIN TO GIN! PINAGKATIWALAAN KITA! BAKIT!" Galit na galit si kuya habang tinututukan ng baril si Gin. "Kuya wag. Kasalanan ko!" Pagaamin ko. Akmang sampalin ako ni kuya Felix pero pinigil ni Gin ang kamay niya. Suntukin na sana ni kuya si Gin nung sumigaw ang tauhan ni kuya. "Lord Fel, sinasalakay tayo!" Sigaw nila. "Gin, umalis na kayo. Isama mo si Khey. Iligtas mo siya!" Ani Kuya. "Kuyaaaaa!" "Fel paano ka?!" Ani Gin. "Iligtas mo na si Khey ako na bahala dito. May helipad sa rooftop gamitin niyo tumakas na kayo!" Tulak ni kuya kay Gin. "Kuya wag!" Ang bilis ng pangyayari sunos sunod ang pagsabog at lindol. Barilan dito at bombahan. Hinawakan ni Gin ang kamay ko at hinila ako papunta sa rooftop. Nakahanda ng lumipad ang helipad pinauna akong pinapasok ni Gin sa pad bago pa siya makasakay pinagbabaril na kami! Yakap ako ni Gin. Hinila ko siya papasok at lumipad na nga kami. "Gin, laban lang kaya mo yan!" Yugyog ko sakanya. "Khey... "Lumaban ka mahal mo ako diba?" Maiyak na sabi ko. "Gin. Wag pakiusap!" Hikbi ko! May tama si Gin sa may dibdib banda at likod pate narin balikat. "I swear to love you Khey. All my life I've always love you. Even when I die, I have no regrets loving you!" Hirap na utal niya at pumikit na. Napasigaw na lang ako sa sakit at sa maraming dahilan parang sasabog ako sa sobrang sakit! "Giiiin nooooooooo! Please! Please. Pleaseeeeeeeeeeeee! " Hiyaw ko at nandilim ang paningin ko. May tama din pala ako sa dibdib. Hindi ko napansin. Napangiti na lang ako. "Gin. I swear to love you till death." Bulong ko yakap siya at nandilim na lahat. (The End)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD