Story 14-MY SPY

1699 Words
Title: My Spy Author: MaidenRose7 Characters: Nishea Roxas Hugo Escaño Leon Escaño Sa bayan ng Michugan ipinadala ang isang ispeyang babaeng nagngangalang Nishea Roxas galing siya sa bayan ng Moonbeam! Sa panahon ngayon namamayagpag ang bayan ng Michugan dahilan kung bakit ito kilala. Sa lahat ng bayan ang Michugan ang pinakamaun-lad! Pinakamayaman! Dahil sa matalinong namumuno dito at sa matapang na heneral ng mga hukbong nagpoprotekta sa palibot ng bayan. Kaya pinadala si Nishea upang mag-espiya at nakawin na rin ang mga documentong nagpapayaman sa bayan ng Michugan! Nagpanggap siya bilang isang manggagawa at nagtatrabaho sa tanggapan ng pinuno. "Sa wakas! Nakita ko rin kayo!" Bulong ni Nishea halungkat ang mga nakatagong papeles, titulo at mga kontrata sa library ng pinuno ng Michugan na si Leon Escaño. "Kapag ito nadala ko sa bayan namin, lalo na itong mga titulo, magiging pag-aari na ng bayan ko ang mga daanan at lagusan na pinagkikitaan ng Michugan! Makakaangat na ang bayan ko. Mapopromote pa ako bilang General at maisampal ko pa sa mga kababayan ko na magagaling din ang mga babae!" Napabungisngis pa siya habang pinipili ang mga titulo! Titulo ng daanan sa may kweba, tulay at sa daanang gubat. Ito yong mga daanan na malapit para sa pagnenegosyo kaso kailangan mong magbayad sa bayan ng Michugan para makadaan. Medyo may kamahalan ang bayad! "Aheeem. Baka nakakaistorbo ako!" Tinig ni Leon sa likod ni Nishea. Nanigas ang katawan ng dalaga! Mukhang nahuli siya! Patay na! "Anong ginagawa mo dito sa library ko?" Tanong ni Leon sakanya. Dahan dahan siyang humarap at napakagat labi nalang. "Do you find anything interesting lamb?" Taas kilay na kutya ni Leon kay Nishea. "Ahm Lord Leon, pumunta ako dito para sana magtanong kung gusto mo ng kape, kaso wala ka." "Talaga ba? Hindi mo ba kinuha ang mga mahahalagang papel ko na nandito?" "Hindi po!" "Hindi mo ba tiningnan?" Lumapit na ang binata sakanya. "Alam mo ba ang lahat na nandito ay top-secret documents ng bayan ko. Ano kaya ang ginagawa ng gaya mo dito?" Ani Leon hawak ang braso ni Nishea. "Alam mo bang binibitay sa bayan namin ang sino mang nangingialam ng mga mahahalagang bagay namin!" Singhal ni Leon. "Leon wag mong pagbintangan si Nishea!" Sulpot ng kapatid ni Leon na si Hugo at pumagitna sa kapatid niya at sa dalagang espiya. "Hugo, wag kang makiki-alam dito!" "Leon pwede ba, hindi spy si Nishea. Lagi kaming nandito. May usapan kaming magkikita dito. Nagkataon lang na nahuli ako ng dating!" Ani Hugo na siyang ipinagtaka naman ni Nishea. "ANO! AT BAKIT NAMAN KAYO MAGKIKITA DITO MISMO SA LIBRARY KO!" Galit na utal ni Leon. "Ayaw ko sanang sabihin sayo to Leon pero kami ni Nishea ay matagal ng may tinatagong relasyon. Ayaw kong pinagbibintangan siya!" Ngiting sabi ni Hugo kindat at inakbayan pa si Nishea. Magkarelasyon? "Totoo ba yan Nishea?" Tanong ni Leon. "Ah eh? Kase opo!" Sagot nalang ni Nishea kesa naman mabitay siya. "See brother, stop messing around with the girl I love." Ani pa Hugo. Napailing naman si Leon. Kung si Leon ang pinuno ng bayan ng Michugan si Hugo naman ang head na lahat ng hukbo ng bayan. Parehong gwapo, matipuno ang katawan at matalino kaya napaayos nila ang bayan nila. "Basta kailangan ko parin bantayan siya oras oras. Mahirap na. Baguhan lang siya sa lugar natin at di natin siya kilala." Ani Leon. "I volunter! Gusto kong kasama si Nishea kahit oras oras minuminuto pa." Parang kumikinang pang mata ni Hugo. Habang si Nishea naman ay nadismaya dahil may bantay siya paano pa siya makapapuslit ng mga titulo! "Simula ngayon si Nishea ay lilipat na sa bahay ko at makakasama ko siya 24/7." Masayang pahayag ni Hugo. "Anooooooo!" Halos mapasigaw naman si Nishea. " Ano bang pinagsasabi mo. Wala tayong usapan na ganon." "So ano palang plano mo?" Bulong ni Hugo. Napalingon si Nishea kay Leon kaya napatango na lang siya. "Ah yes no problem." Pilit ngiti ng dalaga. Her fate was with Hugo from now on until. (2 days later) Habang busy sa paghahakot ng gamit pang espiya si Nishea para ilipat sa bahay ni Hugo dahil doon na nga daw siya titira. Si Hugo naman ay abala sa pageensayo kasama ang iba pang hukbong sandatahan ng Michugan. "Nisheaaaaa! Andito na ako. Tingnan mo tong dala ko!" Masayang bati ni Hugo pagdating sa bahay. Dali daling tinago ni Nishea ang mga lubid, sandata at kung ano ano pang dala niya galing sa bayan niya sa Moonbeam. "Mukhang napagod ka?" Ani Hugo. "Sobrang laki kase ng bahay mo Hugo kaya napagod ako sa paglilibot." "Ganon ba, kumain na muna tayo nagdala ako ng sabaw at inihaw na laman ng baboy." Ani Hugo naglakad pa puntang kusina. "Hugo makinig ka! Di ko alam kung anong intensyon mo kung bakit mo ako pinagtatakpan pero, Di pa man matapos magsalita si Nishea hinalikan na siya ni Hugo. "Mula ngayon alagaan natin ang isat isa!" Ani Hugo dahilan ng paginit ng mukha ni Nishea sa hiya. Napabuntong hininga na lang siya at naisip niyang sakyan na lang ang trip ni Hugo. "Nish, pwede bang share tayo ng kwarto?" "Ano! Sa laki at daming kwarto ng bahay mo na to makikipaghati ka pa sa kwarto ko?!" "Paano natin mabantayan ang isat isa kung makahiwalay tayo ng kwarto. Dapat bantay natin ang isat isa kahit sa pagtulog diba?" "Oo na. May magawa pa ba ako? Maligo na nga lang. Wag mong pakikialaman ang mga gamit ko ha! May mga pangalan ang drawer ko! Alam mo naman siguro kung saan at anong meron akong gamit!" Makdol ni Nishea. "Okay sige. Salamat Nish. I love you." Ngiting sagot naman ni Hugo kaya napatigil si Nishea. Napaisip siya kung anong trip ba talaga ang meron sa Hugo na to. Tumuloy na sa banyo si Nishea at nagisip kung paano niya matakasan si Hugo para makuha ang mga titulo at makauwi na ng Moonbeam! Binuksan niya na ang shower! "Ngayon na nandito na si Hugo nadagdagan pa ang problema ko! Nakakainis!" "Nish, pwede bang sumabay maligo?!" Napatalon at malapit pang madulas si Nishea nung tumambad sakanya ang hubot hubad na si Hugo. Sa sobrang ganda ng katawan ng binata halos makalimutan niya kung ano ang pakay niya! "HUGO! ANONG, Bago pa makapalag si Nishea siniil na siya ng halik ni Hugo. Ang malamig na tubig galing sa shower ay balewala sa init ng katawan ni Hugo na lumapat sa balat niya. Di na siya nakapalag nung hilahin siya ni Hugo papasok sa loob ng malaking tub sabay hinaplos lahat ng bahagi ng katawan niya. " Hugoo ohhh." "Nishea aaahh." Yon na nga nakuha na ni Hugo ang p********e ni Nishea. (Kinabukasan) "Late ka Hugo. Ang tagal naghintay ng bawat team para sa training ngayong araw!" Ani Leon. Napatingin naman ang lahat kay Nishea na kanina pa nahihiya. Naging busy ang lahat sa darating na pyesta ng bayan ng Michugan kaya nagkaroon ng pagkakataon si Nishea na ipuslit ang mga mahahalagang titulo ng daanan at tulay galing sa library ni Leon at inayos ito sa bahay ni Hugo para sa nalalapit na pag-alis niya ng bayan at paguwi sa talagang bayan niya! "Bukas agad aalis na ako habang tulog pa ang lahat!" "Nishea, nandito na ako! May dala akong masarap na alak. Tara tikman natin! Ito ang pinakamasarap na alak ng bayan namin!" Ani Hugo na kakarating lang. "Ang bait mo naman. Sige tikman natin." (Nishea POV) Naginom ako kasama si Hugo magdamag kaya di ako nakaalis kinabukasan. Di rin pumasok si Hugo at inalagaan ako. Pinagluto at pinaliguan. "I love you Nishea." Alam kong masasaktan si Hugo kapag tagalan ko pa ang pananatili dito. "Gusto kong makasama ka habang buhay Nish." "Sasama ka ba sakin?" "Aalis ka talaga?" "Alam kong alam mo ang pakay ko sa bayan niyo. Ang di ko alam kung bakit mo ako pinagtakpan sa kuya mo.Masaya akong nakasama ka Hugo. Gusto mo bang sumama sakin pauwi ng Moonbeam?" Tanong ko. "Alam mo Nish si Leon na lang ang pamilya ko. Di ko siya basta iwan na lang." Malungkot na utal ni Hugo. "Yan na ba ang sagot mo? Kaya aalis akong mag-isa." (Kinabukasan) "Hugo, aalis na ako! Salamat sa lahat lahat." Paalam ko sakanya. "Magiingat ka." Namumulang mata ni Hugo. Inasahan na ni Hugo na mangyayari to. Mas masakit pala kesa sa inakala niya. Kinuha na ni Nishea lahat ng kailanganin at lumabas na ng bahay na may mabigat na puso. (Nishea) Nakalayo na ako pero ang puso ko hinihila pabalik kay Hugo. Lahat ng pinagsamahan namin naalala ko. Lahat na pag aalaga at pagliligtas niya. Siguro bayan ko ang Moonbeam pero ang puso, buhay at pamilya ko ay si Hugo! Tama nga ang mga kababayan ko malabong magtagumpay ang isang babae sa pag-eespiya. Ako ay ang halimbawa! **** Rinig ko pa ang hikbi ni Hugo. "Hoy, Hugo. Bumangon kana. Tama na yang drama!" Kako talon sa kama kung saan nakahiga pa si Hugo. "Nishea, bumalik ka!" Napabangong utal ni Hugo. "Di ko kayang iwan ang iyaking tulad mo!" Kako. "Masaya akong nagbalik ka! Mahal na mahal kita!" Ani Hugo siil ako ng halik at hinubad ang damit ko. "Ano ba may meeting kayo diba, mahuhuli ka na naman papagalitan ka ni Leon!" Kako tulak siya. "Bahala na siya kung magalit siya ang mahalaga makasama muna kita! You are now mine, my spy!" Natawa na lang ako at niyakap na si Yugo. *** "Martin, wala parin ba sina Hugo at Nishea?" Tanong ni Leon. "Sir, wala pa po." "Late na naman sila. Simula nagsama yang dalawang yan palagi nang nalelate!" "Yaan niyo na Sir baka nagloving loving pa. Mag-asawa narin po kase kayo." Napailing na lang si Leon at napatingin sa bintana. Napakaganda ng panahon. Napakaaliwalas ng sikat ng araw at may mahinang hangin na pumapalid sa mga dahon ng punong naroroon. Nakita niya pa si Hugo at Nishea sa labas namasayang naglalampungan sa daan papunta sa tanggapan. Napangiti na lang siya. Masaya siya para sa kapatid niya. Alam niya ang lahat tungkol kay Nishea pero nagtiwala siya kay Hugo at di siya nagkamali sa dalawa. (The End) For More Stories From Me & For Season 2 Please Support Follow Me At Dreame Just Search MaidenRose7 ??
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD