Higa. Upo. Tayo. Kain. Tulog. Nood ng TV. Yan lang ang pinag-gagagawa ko sa loob ng dalawang araw kong pag-stay dito sa bahay. Ang boring dito lalo na't hindi ko pa nakikita si Grey. Miss ko na kaya ang honey bunch ko. Humanda lang talaga sakin yung mga kiti-kiting dumidikit sakaniya habang wala ako. Kahit wala ako sa school ng dalawang araw, may mga mata akong nakatingin sakanila. Hahaha.
Kasalukuyan akong nanonood ng Movie ngayon 'The Longest Ride' ang title. Si Dianne ang nagsabi sakin na panoorin ko daw to. Fan kasi ang babaeng 'yon ni Nicholas Sparks at dahil sa masunurin naman akong best friend kaya pinanood ko nga siya. Maganda naman ang movie at isa pa ang gwapo din kasi ng bida. Hahaha.
Teka nga speaking of Dianne.
I picked up my phone na nakapatong sa may lamesa ng mag-ring ito ng malakas.
"Hey!" Bungad niya agad sakin.
"Why? Anong problema mo?" I asked her. Focus pa din kasi ako sa panonood kahit kausap ko siya sa phone. Multi-tasking kumbaga. Yung left hand ko hawak ng phone habang ang right hand ko may hawak hawak na 'Nova'. Oh diba? Hahaha.
"Lumabas ka kaya. Haler?" Dahan dahan akong tumayo at sumilip sa may bintana. Aba ang hitad nandon nga sa may labas ng gate. Kaya pala may naririnig ako ng tahol ng aso sa background niya. Hahaha. Sorry naman.
"K fine! Wait mo ako!" Pinatay ko agad ang tawag niya at basta na lang hinagis ang phone ko sa may sofa. Tumayo ako at dahan dahang naglakad para iiwas si 'Juno' kay Dianne. Kahit naman laging nandito si Dianne takot pa din siya sa aso namin. Ewan ko ba don, ang bait bait kaya ng 'Juno' namin. Masyadong maarte ang babaitang to e.
Humarang ako kay Juno kaya siyang mabilis na tumakbo naman ng impakta papasok sa loob ng bahay. Hinimas ko muna ang katawan ni Juno bago sumunod kay Dianne sa loob. Pagpasok ko sa ay prenteng nakaupo si Dianne sa sofa habang tutok na tutok sa pinapanood ko.
Move on agad sa aso?
Hays. Sabagay, kung ako ay adik kay Grey siya naman adik kay Nicholas Sparks. Crush niya daw kasi 'yon e.
"Anong ginagawa mo dito neng?" Hindi niya ako nilingon at may kinuha lang siya sa may bag niya at hinagis niya 'yon sakin. Hindi pa din siya tumitingin sakin hanggang ngayon. Suplada lang ang peg? Ganern?
Tinignan ko yung notebook na binigay niya at nanlaki ang mata ko sa dami ng assignments na nakasulat dito. Pwede bang umabsent muna ulit bukas? Gosh! Ang sakit naman talaga sa bangs e! Ang dami dami naman neto e.
"Tara na, gawa na tayo ng assignments." Kinuha niya ang bag niya at dire-diretso papasok sa kwarto ko. Feeling niya nasa bahay nila siya. Tsk. Pinatay ko na ang TV kasi tapos na din yung movie kaya naman pala balewala na sakaniya, tapos na pala ang movie na di ko na naintindihan. Sinarado ko na din ang pinto kasi mamayang gabi pa naman ang uwi ni Mommy. Si Erin naman kasi nasa mga Auntie ko at sa Linggo pa ang uwi niya dito.
Pagdating ko sa kwarto ko, kinuha ko na din ang mga notebooks at books ko at umupo na kaming dalawa sa sahig. Hindi kami kasya sa iisa kong study table kaya lagi talaga kaming nasa sahig kapag dito siya nakikigawa ng assignments.
"Anong balita?" Nakakunot ang noo niyang tumingin sakin bago muling tumingin sa hawak niyang notebook. Suplada talaga siya ha? Parang makakasabunot ako ngayong araw. Ayaw ba niyang magsalita? Pipi lang?
"Balita kay Grey. Ayaw mo pang diretsuhin e." Natatawa niyang sabi habang kumokopya sa sinusulat ko. Tignan mo to, siya ang pumasok ng dalawang araw at ako ang absent pero sakin pa din siya nakopya. Pasaway talaga. Wala kasing ibang ginawa sa klase kundi magbasa ng libro ni Nicholas Sparks sa likod e kaya di marinig ang tinuturo ni Ma'am.
"Oo na nga. Ano bang balita kay Grey? Hinahanap ba niya ako?"
"Pwe! Asa ka naman girl!" Inirapan pa niya ako bago muling nagsulat. "Ayun sweet na sweet sila ni Aira sa school. Alam mo ba ang tawag sakanila, 'Campus Sweetheart' daw. Bagay na bagay daw kasi talaga yung dalawa.... Yun ang sabi nila ha, pero ako hindi. Team GreLisse pa din ako."
Aba mabuti naman at sinabi niya yun kundi sabunot na talaga siya sakin. "Hahaha, parang galis lang girl. Kadiri! Haha." Natatawang sabi niya. Oo nga noh? Ang panget pala ng name namin kapag pinagsama. Di bale na, basta bagay pa din naman kaming dalawa para sa isa't isa. "Si Ericka naman, wala tameme. Wala naman siyang magagawa e. Malandi lang siya pero si Aira ang girlfriend. Tapos ikaw---" Pinanlakihan ko siya ng mata kaya naman nag-peace sign na lang siya sakin.
Tapos ano ako? Isang babaeng patay na patay kay Grey?
Oo na. Inaamin ko naman e. Kaya nga ang sakit sakit e. Kasi hanggang tingin lang ako sakaniya.
"Pero girl, don't loose hope. Sabi nga ng mga matatanda, girlfriend pa lang 'yon at di pa asawa. Umiyak ka kapag asawa na. So, may chance ka pa girl! Fight lang ng fight!" Pareho na kami ngayong natawa sa sinabi niya. May point naman siya. Hindi pa sila kasal kaya malaki pa din ang chance ko. At isa pa, naniniwala talaga ako na kami ang meant to be ni Grey. Hahaha.
"Pero alam mo ba nakita ko kahapon si Grey kausap si Sia. Yung feeling magandang, second year?" Tumango lang ako sakaniya. Oo kasi, feeling maganda naman kasi talaga 'yon. Isa din 'yon sa mga patay na patay sa Honey bunch ko e. Tsk. "Magkausap yung dalawa. Tapos bigla na lang umiiyak iyong babae." Natahimik ako sa sinabi niya. Baka naging girlfriend din ni Grey yung babae 'yon ha. Hays, grabe. Ayokong maniwalang Mr. Heart breaker nga talaga siya. Ayoko!
Natahimik kaming dalawa sa pagkukwentuhan ng mag-ring ang cellphone ko. Kinuha ko agad 'yon na nakapatong sa kama at mabilis na sinagot nang makita kong mag-flash sa screen ang pangalan ni Mama.
"Hello Ma."
"Elisse, pumunta ka nga muna sa Uncle mo sa may Alabang at kunin mo yung pinadala daw ng Daddy mo. Hindi kasi ako makapunta don at gagabihin ako ng uwi ngayon e. Ang dami ko pang tatapusing reports e." Mahabang paliwanag niya.
"Sige po, Ma. Kasama ko naman po si Dianne e."
"Pasensya ka na, anak. Basta, magdahan dahan ka na lang sa paglalakad mo. Magingat kayong dalawa. Kumuha ka na lang ng pera dyan sa may wallet ko sa kwarto namin ng Daddy mo. Isara mo ng ayos ang bahay ha? Pakainin mo muna si Juno bago kayo umalis. Tapos ang mga kuryente, baka may mga nakasaksak pa. Magingat kayong dalawa. Anong gusto mong pasalubong?" Napailing na lang ako. Ang mga Nanay talaga ang daming pangaral e. Dire-diretso e, pero, love na love ko ang Mama ko kahit ang daldal niya pa. Hahaha.
"Doughnut na lang, Ma tsaka po Wintermelon Milk tea. Hehehe. Sige po, ingat ka din Ma. Babye."
Binaba ko agad ang phone ko at pinatong muli sa kama. Nagtataka naman ang muka ni Dianne ng humarap siya sakin. Nginitian ko siya bago inayos ang mga gamit ko. Tapos na naman ang mga assigments ko at kailangan na naming umalis ng maaga masyadong malayo ang Alabang sa QC, tapos traffic pa. Kaya para makauwi kami ng maaga need na naming umalis agad ngayon.
"Tapos ka na ba? Halika samahan mo muna ako bago ka umuwi."
"Saan? Teka nga, di pa nga ako tapos e. Sinara mo kasi agad ang notebook mo. Ikaw talaga, napaka-buwaya mo e." Hinila ko ang mahaba niyang buhok na kanina ko pa gustong gawin. Ang daming satsat ng babaeng to e.
"Ako na ang bahala dyan mamaya. Sa Alabang lang tayo."
"What? Alabang lang? Maka-lang ka ha?" Inirapan niya ako kaya hinila ko ulit nag buhok niya. Masyadong maarte e, kailangan pang pilitin. "Aray! Napaka-brutal mo talagang kaibigan ka. Osige, halika na nga." Sabay kaming tumayo at iniwan muna namin ang mga gamit namin sa may kama ko. Mamaya na lang namin aayusin 'yon paguwi.
"Pero teka, magbihis muna tayo. Pahiramin mo ako ng damit. Haler, naka-school uniform pa po ako." Natawa na lang sa itsura niya. Oo nga naman, nawala na sa isip ko na naka-pambahay lang din pala ako. Hahaha.
Ikinuha ko siya ng damit at sabay na kaming nagbihis. Nag-suklay at polbo lang kami at naglagay ng konting lip gloss dahil sa gusto ni Dianne. Gusto daw niya maganda siya kapag nasa labas. Baka daw kasi makasalubong namin yung crush niya. Yung crush niya na parang may ari ng library kasi laging nandon. Opposite kaming dalawa pagdating sa taste sa mga lalaki. Ako kasi gusto ko yung mga hot, cool at malakas ang dating. Siya naman mga nerd at parang hindi makabasag pinggan. Hahaha.
Kumuha ako ng pera sa wallet ni Mama gaya ng sinabi niya at pinagtatanggal ko na din lahat ng saksak at baka mapagalitan pa ako ng di oras. Kumuha din ako ako ng de lata para ipakain kay Juno. Half golden retriver tong aso namin at half askal. Hahaha. Hindi siya mahilig sa mga dog food kaya di na kami bumibili non. Sinasayang lang ng asong to e. Masyadong choosy.
"Let's go!" Nilock ko na ang gate at naglakad na lang kami palabas ng subdivision. Madami na namang taxi na dumadaan don at magtataxi na lang kami para mas mabilis. Tsaka, wala namang sinabi si Mama na mag-jeep kami e. Hehehe.
"Ano nga palang nangyari sa meeting niyo kahapon? Ready na ba kayo para sa School fair? Next Friday na 'yon ah."
"Oo naman. Ready'ng ready na kami, kami pa ba? Hahaha. Yung meeting? Naku, meeting meetinginan lang 'yon. Ayaw naman kasi nilang sumeryoso e. Gusto nila ikaw ang nandon sa meeting ayaw makinig kay Grey pati na din sakin. Nagkwentuhan lang tuloy kami kahapon."
"Ano namang pinag-kwentuhan niyo?"
"Secret! Bhle!" Aba, pasaway talaga ng babaeng to. Pasalamat siya bawal ko pang pwersahin ang paa ko kundi nahabol ko na siya. Takbuhan daw ba ako? Ayaw ko namang matagalang tumambay sa bahay. Bukod sa boring na, di ko pa makikita si Honey bunch. Kaya tiisin ko na lang ang bruhang best friend ko na to.
Naunang sumakay si Dianne ng taxi kaya sumunod na lang ako.
"Manong, sa may AAVH po."
"Girl, ano palang gagawin natin sa Alabang?" Imbis na sagutin ay inirapan ko na lang siya. Bahala ka dyan, gantihan lang yan neng. "Eto naman, di na mabiro." Niyakap pa niya ako at pilit inaamo. Amuin niya muka niya. "Sige na nga, sasabihin ko na ang pinag-kwentuhan namin." Nanatili pa din akong nakatingin lang sa unahan at di siya pinapakinggan. "Uy, sorry na nga. Napaka-pikon mo talaga e. Tungkol pamandin kay Grey yung ikukwento ko." Binulong niya pa yung huli niyang sinabi pero halata mo namang pinaparinig niya talaga sakin.
Sige na nga! Naku, kundi lang dahil kay Grey.
"Oh, ano 'yon?"
"Paka-taray mo talaga kahit kelan. Hmp! Wala kasi hinahanap ka niya kahapon." Natigilan ako sa sinabi niya. Alam niyo yung matigas ang puso ko pero biglang lumambot dahil sa salita 'yon. Hinahanap ako ni Grey? Waah! Ibig sabihin namimiss niya din ako? Ibig sabihin, napapansin din pala niya ako? Waaaah!!! Lord thank you, promise magpapakabait na po talaga ako. Di ko na din po aawayin si Dianne. Waaah!!!
"Talaga? Tapos ano pang sabi niya? Dali na kwento mo na!" Inuga uga ko pa siya na para bang batang pilit na nagpapabili ng candy sa Nanay niya. Natawa na lang siya sa kinikilos ko pati na din si Manong Taxi Driver. Sorry na, na-excite lang talaga ako. Si Grey kasi 'yon eh.
"Relax lang. Wala ayon, nung sinabi kong napilayan ka tinanong niya kung bakit daw at paano nangyari. Tapos---" Tumigil siya at tinignan ako ng seryoso. Talagang pasabik pa tong impakta tong e. Makakasakal na talaga ako ng best friend.
"Tapos ano?!" Pinanlakihan ko siya ng mata. Aba, matakot siya sa madilat kong mga mata. Napagkakamalan nga akong mataray dahil sa mga matang to e. Nakakatakot daw. Hahaha. Pero, di ako mataray. Mabait talaga ako. Whahaha.
"Tapos na!"
Matagal na katahimikan bago ko siya pinaghahampas sa braso at pinagsasabunot na may kasamang kurot. Sinakal ko siya ng sobrang higpit hanggang sa umiyak na siya at magmakaawa sakin. Pero syempre, joke lang 'yon. Di ko yun magagawa sa best friend ko. Basta kinurot ko lang siya na sobrang diin. Ayos na 'yon.
"Aray! Grabe, ang sakit nun girl! Ang sama mo talaga!" Tumawa na lang ako para kahit papano mawala ang pagka-inis ko sa babaeng to. Akala ko naman kasi may sasabihin pa pero tapos na pala. Napaka talaga e.
"Ewan ko sayo. Buo pa ba yang turnilyo mo sa utak mo? Tumigil ka na nga dyan. Ka-imbyerna to e." Dinilian niya muna ako bago tumahimik at tumingin sa bintana. Di talaga papatalo to e. Di ko nga alam kung mas matanda ba tong si Dianne kaysa kay Erin kasi si Erin isip matanda na e pero siya naman isip bata. Na-baliktad ata?
Tahimik lang kaming dalawa at tanging radio lang sa taxi ang nagsisilbing ingay sa loob.
Action Balita
Sikat na actor na si Jake Villafuente pumirma ng panibagong kontrata sa Kapamilya Network. Ayon sa balita ay si Jake ang napipisil na mag-reremake ng Hit na korean drama na 'The Innocent Man'. Congatulations Jake! Abangan ang mga susunod na balita.
"Manong dito na lang po." Bumaba kaagad kami ni Dianne matapos kong magabot ng pamasahe.
"Girl, baka di tayo papasukin ni Manong guard." Tinignan ko ang tinuturo niya at may guard nga. Sabagay, exclusive subdivision nga pala to. Kaya mahigpit talaga sila. Yung Uncle ko kasi na dito nakatira ay isang Attorney kaya talagang mayaman. Younger brother siya ni Daddy at galing siya sa UAE last month para puntahan si Daddy don. Dalawa lang kasi silang magkapatid kaya malapit talaga sila sa isa't isa kahit may kaniya kaniya na silang pamilya.
Lumapit kami kay Manong guard na busy sa pag-cecellphone. Kaloka mukang kinikilig pa ata si Manong sa katext niya.
"Manong, kay Atty. Erwin De Castro po. Pamangkin po niya ako." Pinakita ko pa ang ID ko para proof na totoo ang sinasabi ko kasi mukang ayaw maniwala na pamangkin ako ng sikat na abogado e. Porket ba naglalakad at naka-shorts mukang mahirap na? Eto talagang si Manong oh.
"Wait lang po, tawagan ko lang po si Atty." Tumango na lang ako sakaniya at tinignan na lang ang magaganda at malalaking bahay sa bukana. Grabe, halata mo talagang mayayaman ang mga nakatira dito. Kami kasi di masyadong mayaman pero maayos naman ang cost of living namin in short, maigi din ang buhay namin kahit papano. Ayan si Dianne, ganyang kalaki din ang bahay nila. Mayaman din tong bruhang to e.
"Anong gagawin natin kila Uncle?" Yes. Uncle din ang tawag niya sa Uncle ko. Feeling close yan e. Haha. Joke lang, malapit kasi talaga si Dianne sa family ko maging sa side ni Mama sa may Batangas close din siya.
"May pinadala daw si Daddy di ko lang alam kung ano. Di kasi si Mama makapunta kaya tayo ang pinadala dito."
"Ahh-" Di na natapos ni Dianne ang sasabihin niya ng magsalita si Manong. "Basag trip siya oh. Kaloka." Mahina akong natawa sa binulong ni Dianne. Baliw talaga.
"Pumasok na po kayo, Ma'am. Kay Atty pong bahay yung pinaka-dulo na kulay dark blue. Diretsuhin niyo lang yan." Tumango na lang kami sakaniya at pumasok na sa loob. Ang lawak lawak talaga ng loob ng subdivision na to at mas malalaki at magaganda ang mga bahay na nasa loob. Huling punta ko kasi dito, 7 years old palang ako kaya ang dami na talagang nagbago.
"Grabe, ang gaganda ng mga bahay dito. Daig yung mga bahay sa subdivision niyo pati na din samin. Eto na ata yung kay Uncle e." Oo nga, mukang eto na nga. Kulay dark blue daw sa pinakadulo e. Eto na nga.
"Halika, mag-doorbell na tayo." Pipindutin ko na sana ang doorbell nila Uncle ng kulbitin ako ng kasama ko. Salubong ang kilay ko ng lumingon ako sakaniya. Istorbo talaga siya kahit kailan. Gustong gusto ko na ngang makauwi e. "What?"
"Girl, teka lang parang si Grey kasi 'yon oh." Sinundan ko ng tingin ang tinuturo niya. May nakapark na kotse sa tapat ng katabing bahay nila Uncle at may isang lalaking nakatayo doon at nakatingin sa tapat na bahay. Sa porma at tayo palang nung lalaki kahit nasa dilim ay alam kong si Grey nga 'yon.
Nakatingin lang siya sa kulay black and white na bahay kaya tinignan kong mabuti kung kaninong bahay ba yung tinitignan niya. Taga QC din si Grey kaya nagtataka ako kung bakit siya nandito sa Ayala. Sino kaya yung tinitignan niya? Parang seryoso siya e. Sabagay, lagi naman siyang seryoso e. Wala namang bago don.
Bumilis ang t***k ng puso ko ng may nakita akong sexy at magandang babae na lumabas ng bahay na 'yon. Nakaupo siya don sa second floor at may hawak hawak siyang inumin. Nakatingin lang siya sa labas at hindi niya kami napapansin. Para siyang matanda samin ng 3-4 years pero di masyadong halata kasi sexy siya at maganda talaga.
Tinignan ko ulit si Grey at nakatingin pa din siya don sa babae. Parang tinutusok ng milyong milyong karayom ang puso ko sa nasaksihan ko. Di ko na pwedeng lokohin ang sarili ko. Nasasaktan ako kasi kahit kailan wala talaga akong pag-asa kay Grey. Di ko na namalayan na unti unti na pa lang tumutulo ang mga luha ko. Hindi ko na kailangang magtanong pa. Base sa mga kwentong narinig ko, si Martha at itong babaeng ito ay iisa.
Siya ang babaeng mahal na mahal ni Grey.
Siya lang at malabong maging ako.