"Bye girl. Mauna na ako sayo ha. May pupuntahan pa kasi kami nila Mommy e." Tumango lang ako sakaniya at nagpatuloy na lang sa pag-aayos ng mga gamit ko. Naiinis kasi ako, at ang dami na naman naming assignments kaya ang bigat bigat tuloy ng bag ko dahil sa sangkaterbang libro na to. Bakit kaya ganun noh? Kapag nagbibigay ng assignments ang mga teacher, sabay sabay? Ang sakit tuloy sa bangs! "Halika na girl sabay na lang tayo palabas." I was about to close my bag nang maalala ko na kakausapin nga pala ako ni Miss Leonor, adviser namin. s**t! Bakit ko ba nakalimutan yon? Patay ako nito!
"Sorry girl. Mauna ka na pala. Pupunta pa pala ako sa faculty room. Nawala sa isip ko na kakausapin nga pala ako today ni Miss Leonor e." Sinukbit ko na ang mabigat kong bag pack at kinuha ang payong ko. Lagi kong dala dala tong payong ko just in-case of emergency, may pang-pukpok ako. Hehehe. Seriously, dahil kay Mama baka daw kasi biglang umulan. Sweet ni Mama noh? Hihihi.
"Bakit ka kaya kakausapin ni Miss Leonor? Ano bang sabi sayo?" Umiling ako sakaniya at sabay na kaming lumabas ng room. "Baka, papalipatin ka na niya sa section nila Grey. Huhu, mamimiss talaga kita best friend!" Nakatanggap naman siya ng mahinang hampas mula sakin. Ang drama e, kakainis.
"Ewan ko sayo. Impossible naman 'yon kasi 5 months na lang graduate na tayo. Sana last month pa diba? Sige na nga umuwi ka na. Text text na lang tayo mamaya. Bye!" Nag-beso pa muna kami bago tuluyang naghiwalay ng way.
Tahimik ang buong hallway dahil na rin sa kanina pa uwian kaya wala ng estudyanteng nagkalat. Kinilabutan naman ako ng biglang lumakas ang malamig na hangin. Palibhasa ber-month na kaya ang lamig na ng hangin. Natigilan ako ng may marinig akong may sumitsit sa may likuran ko. Nilingon ko iyon pero wala naman akong nakitang tao don. Binilisan ko na lang ang pag-lakad ko or let me say, nanakbo na ako ng sobrang bilis.
Ghad! Takot po ako sa mumu. Wag naman sana mumu 'yon.
Kahit nangangatal na ako sa takot ay maayos pa din akong nakarating sa faculty. Hinanap ko si Miss Leonor sa table niya at siya na lang din pala ang tao dito. Wala na ang ibang teachers. Lumapit ako sakaniya at napatingin naman siya sakin. "Oh, Elisse. Bakit hapong hapo ka? Anong nangyari?" Gusto ko sanang sabihin kay Miss Leonor na nanakbo ako dahil sa natakot ako sa sumitsit sakin kanina pero di ko na lang sinabi sakaniya kasi baka naman pagtawanan lang niya ako e. "Maupo ka, Elisse. Buti na lang at dumating ka. Paalis na sana ako e." Sinunod ko ang sinabi niya at umupo nga ako sa upuan sa harap ng table niya. Hawak hawak ko pa din ang dibdib ko dahil sa hapo at takot.
Hindi na talaga ako magpapaiwang magisa dito sa school. Ayoko na!
"Sorry po Ma'am." Tipid na sagot ko. Ang bilis pa din ng t***k ng puso ko at kinakabahan pa din ako. Hindi dahil sa sasabihin ni Ma'am kundi sa mga mumu. Sure akong mahihirapan na akong sumakay sa labas ng school kaya maglalakad pa ako papunta don sa pinaka-malapit na sakayan sa may bayan pa. Eto lang ang malas sa malayo ang bahay sa school, dusa sa byahe. Hays.
"Good news ito, iha. Dahil sa ikaw ang pinaka-magaling sa section ko lalo na sa Math kaya ililipat kita sa Section A. Sa Math subject lang naman." Nawala ang kaba ko at napalitan ito ng sobra sobrang kaligayahan. Eto na ang resulta ng paghihirap ko, nagbunga na siya at mapapalapit na talaga ako kay Grey ko. Waaahh. Thank you po, Lord! "Iha, magandang record to sayo. Congratulations!" May inabot siya sakin na isang papel. Eto na ata ang bago kong schedule.
Wala naman akong reklamo dahil ito naman talaga ang gusto ko. Waah! Ang saya saya naman!
"Okay Ma'am, salamat po." Nag-bow ako sakaniya at ngumiti ng kay tamis. Wala e, sobrang saya ko lang! Sinukbit ko na ang mabigat kong bag pack na puno ng mga libro at nagpaalam na ako sakaniya. Sabay naman kaming lumabas ng school kaya hindi na ako natakot pang dumaan ulit don sa may hallway.
"Gusto mo bang sumabay na sakin don sa sakayan? Wala na kasing nadaan dyan na bus pauwi sainyo e." Pamimilit ni Miss Leonor sakin. Umiling na lang ako sakaniya kasi mas lalo pa akong mapapalayo ng way kung sasabay ako sakaniya. Nasa labas na naman ako ng school kaya hindi na ako natatakot. Yun nga lang mas nakakatakot ang buhay kaysa sa patay. Di bale na, may payong naman akong dala at pepper spray, just in case. Hahaha.
"Okay na po ako dito Miss Leonor. Magingat na lang po kayo." Wala na siyang nagawa kundi iwan akong magi-sa dito. Habol ko pa ng tingin si Miss Leonor na sumakay na ng tricycle. Ngayon, magisa na lang talaga ako. May maliit na ilaw sa poste na siyang nagbibigay naman ng liwanag sa pwesto ko.
Naglakad lakad ako habang wala pang dumadaang tricycle. Napaka-tahimik at ang presko ng hangin, ang sarap sa pakiramdam. Napatingin ako sa isang restaurant na minsan na naming nakainan ni Dianne na medyo malapit lang dito sa school. Nagulat ako ng may mapansin akong pamilyar na tao na nakatayo sa labas ng restaurant. Busy siya sa pag-cecellphone kaya di niya ako napapansin. Natigilan ako ng may lumapit sakaniyang isang babae at hinalikan siya nito sa pisngi. Pamilyar ang muka nung babae, parang member siya ng cheering squad sa school pero di ko alam ang pangalan niya. Isa pa, di din naman ako interesado.
Medyo lumapit pa ako sa pwesto nila habang seryoso silang naguusap. Ayokong magmukang chismosa pero si Grey to e. Iba to!
"Sorry Baby. Please don't do this to me." Sabi nung cheerer na kinulang sa tela ang suot niyang bestida.
"Tama na Karla. Ayoko na talaga sayo e." Seryosong sabi ni Grey sa babae.
"Pero paano yung nangyari satin kahapon? Di ka ba nag-enjoy? Ginawa ko naman ang best ko ah. Wag mo naman gawin sakin to." Nagsimula ng umiyak yung babae. Kawawa naman siya pero bagay lang sakaniya yon. Ano bang karapatan niya para landiin si Grey ko? Tsk!
"Ikaw ang may gusto non, pinagbigyan lang kita." Nagulat ako ng sampalin ng malakas nung babae si Grey. "I hate you!" With that umalis na yung cheerer. Naiwan si Grey don habang hawak hawak ang pisnging sinampal nung babae. Gustuhin ko man siyang lapitan pero di ko magawa.
Sino ba naman ako?
Naglakad na lang ulit ako pabalik ng school. Dito na lang siguro ako magaantay ng tricycle. Na-hurt ako sa nasaksihan ko kanina. Hindi ko akalaing magagawa ni Grey ang bagay na 'yon. May girlfriend na siya at si Aira 'yon. Pero sino naman yung babae kanina? Girlfriend niya din?
"Hays. Grey, ikaw ba talaga si Mr. Heart breaker?" Grabe di ko matanggap. Naniniwala pa din akong, mabait si Grey at di siya mananakit ng damdamin naming mga babae.
Kanina pa ako nakatayo sa labas ng school pero wala pa ding tumitigil na tricycle. Naisip kong kuhanin ang phone ko sa bag para itext si Mommy na malelate ako ng uwi. Pero, dahil sa daming laman ng bag ko kaya nahirapan akong kuhanin ang cellphone ko na nasa pinaka-ilalim pa ata. Nang makita ko na siyang nag-ilaw ay mabilis ko iyong kinuha at kasabay ng paghawak ko sa cellphone ko ang siyang pag-sitsit na naman sakin na nanggagaling na naman mula sa likuran ko.
Isina-walang bahala ko na lang 'yon at pilit pa ding hinanap ang number ni Mama sa phonebook ko para tawagan. I was about to tap call button nang-
"Pst! Pst! Pst!" Feeling ko malapit lang sa pwesto ko yung sumisitsit. Nanlalamig na ang buo kong katawan at tinutuyuan na din ako ng pawis at pati lalamunan ko. Mas doble ang t***k ng puso ko compare nung maka-eye to eye contact ko si Grey. "Pst! Pst! Pst!" Palakas ng palakas ang pag-sitsit at palakas na din ng palakas ang pag-t***k ng puso ko.
"Grey, tulungan mo ako! Please!" Ayaw ko mang lumingon kasi may napanood ako ng horror movie na ang title ay 'Wag kang lilingon' kaya hangga't maari ayaw ko talagang lumingon. Pero, wala akong choice kundi tumingin sa likod ko. Pinakalma ko muna ang sarili ko at dahan dahan akong tumingin sa may likuran ko.
"Waaaah!!!" Buong pwersang sigaw ko ng may makita akong batang nakatayo sa harapan ko. Madungis ang muka niya at nakangiti siya sakin. Nakaramdam ako ng pangingilabot at kinuha ko ang bag ko at nagmadaling tumakbo.
Wala akong third eye kaya bakit ako nakakita ng multo?
"Ate, laro tayo!" Sigaw niya kaya mas lalo ko pang binilisan ang pag-takbo ko. Bigla na lang akong natalapid sa malaking bato sa may kalsada sa hindi kalayuan sa school. Ang sakit. Napaka-sakit ng paa ko. Pero, wala akong magawa kundi piliting tumayo para makatakbo.
Naririnig ko pa ang pagtawag ng batang multo sakin pati ang malakas na pagtawa niya. Natatakot ako. Takot talaga ako sa mga multo. Ayoko na! Gusto ko ng makauwi!
"Booogsh!" Aray! Ang sakit ng katawan ko. Ano ba tong nangyayari sakin? Sobrang malas ko naman. After kong makarinig ng balita na ililipat na ako sa star section akala ko lucky day ko, tapos eto naman ang kapalit? Ang makakita ng multo, ang madapa at pati ang masagasaan. Ang malas ko naman talaga!
"Miss, okay ka lang ba? Miss, dadalhin kita sa hospital." Hindi ko na siya masyadong maaninag kasi tuluyan na akong nawalan ng malay.
-
"Wala namang nabaling buto sakaniya, iho. Kapag nagising na siya pwede na siyang makalabas ng hospital. Basta, ingatan niyo lang ang kaliwang paa niya dahil sa sprain na nakuha niya sa pagkakatalisod. My advise is wag muna siyang pumasok ng dalawang araw para talagang gumaling na ng mabilis ang paa niya." Minulat ko dahan dahan ang mata ko at bumungad sakin ang puro puti.
"Nasa langit na ba ako?" Mahinang bulalas ko pero napaka-lakas na batok ang natanggap ko. Tinignan ko ang impaktang nambatok sakin at nakita ko ang nagaalalang muka ni Dianne. Anong ginagawa niya dito? Paano niya nalaman na nandito ako?
"Tinawagan ako nung lalaking naka-bangga sayo. Ayos ka lang ba girl? Nagaalala ako sayo. Di ko naman masabi kay Tita, kundi lagot ka." Thanks to her for reminding me na lagot talaga ako kay Mama. Gabing gabi na pero wala pa din ako sa bahay. Grr. Nakakaiyak naman talaga!
"Ano bang nangyari sakin? Tsaka anong ginagawa ko dito?" Nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko.
"Napilayan ka girl. At matagal pa bago ka pa daw makalakad ulit." Dahil sa narinig kong yon, halos mangiyak ngiyak na ako. Eto ba ang ganti sakin ng Dyos, dahil sa pangaaway ko sa mga babaeng lumalandi kay Grey? Kasalanan ko bang ayokong may nakikitang umaaligid sa lalaking mahal ko? Hindi naman diba? Why is this happening to me?! Why? "Joke lang! HAHAHAHAHA!" Paiyak na sana ako pero dahil sa sinabi niya ay nakaramdam ako ng pangungulo ng dugo. Nakangiti pa siya at nagawa pa niyang mag-peace sign sakin. Alam mo yung nag-emote pa ako? Tapos, joke lang pala? Nakakagago diba? Bwiset!
"Ewan ko sayo! Di yun magandang biro! Wala ka talagang magandang maidudulot saking maganda, impakta ka!" Hinampas ko siya ng buong pwersa sa braso niya nang biglang may pumasok na isang lalaki. Hindi ko siya kilala. Kaya nagtataka ako kung bakit siya nandito? Baka naman nagkamali siya ng room na pinasukan. Tama. Nakatingin lang siya sakin at parang may gusto siyang sabihin. Pero infairness, gwapo si Kuya ha. But of course! Mas gwapo si Grey ko.
"Sorry Miss. Ako kasi yung nakabangga sayo kanina. Ayos na ba ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sayo? Ayos ka lang ba talaga?" Sunod sunod na tanong niya. Sunod sunod din naman ang pag-iling ko sakaniya. Nahiya naman ako sa sarili ko. Sobrang mean ko kanina, siya naman pala tong tumulong sakin.
"Ayos na ako. Salamat sa pagdala sakin dito." Tipid na sagot ko sabay ngiti. Wala naman siyang kasalanan, ako ang mali kasi nananakbo ako ng hindi tumitingin sa dinadaanan kaya napahamak ako.
"Eto pala ang bag mo. Nandyan na din ang phone mo. Sorry, if pinakialamanan ko. Kailangan ko lang kasi ng info about you at para matawagan ko na din ang family mo." Muka naman siyang mabait at gwapo siya talaga. "I'm David Trinidad." Trinidad? Parang familiar ang surname niya ah.
"Ah ganon ba. Okay lang. Ako nga pala si Elisse-"
"Elisse." Sabay na sabi namin. "Sorry, nakita ko sa books mo ang name mo kaya nalaman ko. By the way, here's my calling card. Kapag may problema, don't hesitate to call me. Okay na ang hospital bills mo at pwede ka na daw umuwi kapag okay na ang pakiramdam mo." He smiled to me kaya napangiti na din ako.
Bihira lang sa isang tao na mapalagay ang loob sa isang beses lang na pagkikita. Kasi alam kong mabuti siyang tao at mapagkakatiwalaan siya.
That night ay umuwi na din ako. Hinatid pa kami ni David sa bahay at naiilang ako sa ginagawa niya kasi sobrang alaga niya ako. From the first place, di naman niya ako mababangga kung tumitingin ako sa dinadaanan ko e. Feeling niya tuloy, guilty siya sa nangyari sakin. Gaya ng inaasahan, napagalitan ako ni Mama pero mas nagaalala siya sakin kasi gabing gabi na at wala pa ako sa bahay. Naging maayos naman ang lahat at umuwi na din sila David at Dianne.
May nakuha naman akong moral lesson ngayong araw.
Wag uuwi ng gabi at WAG NA WAG KANG LILINGON SA SUMISITSIT!