"Daddy, okay na po ba ang suot ko?" Umikot pa ako kay Daddy para ipakita ang kabuuan ng damit ko. Nahirapan akong hanapin tong damit na to sa SM nung isang araw. Gusto ko kasing maging maganda sa Christmas party namin bukas. "Oo naman anak. Maganda naman talaga ang panganay ko e." Nakangiting sabi ni Daddy sakin. Hindi ko naman napigilang yakapin siya. Ang sweet naman kasi ng Daddy ko e. Tsaka, tama naman siya. Maganda naman talaga ko. Joke! "Aba anong lambingan yan." Sabay kaming lumingon kay Mama na kararating lang galing palengke na namili para sa noche buena this Friday. "Ang ganda naman ang anak ko. Manang mana talaga sa Mama niya." Napangiti na lang kaming dalawa ni Daddy sa sinabi ni Mama. Ang saya ng pasko ko dahil dito mag-papasko si Daddy. January 8 pa ang balik niya