Elisse's POV Masaya ako habang naglalakad pero sa totoo lang di ko alam kung saan ba ako pupunta. Tumigil ako ng may mapansin akong lalaking nakatayo sa di kalayuan sa pwesto ko. Lumapit ako sakaniya at walang sabi sabing, niyakap ko siya bigla. Sobrang higpit na pagkakayakap ko sakaniya. Nung una akala ko tatanggalin niya yon at magagalit siya sakin. Pero hindi. "Grey!" Nakangiting sabi ko habang yakap yakap pa din siya. "Grey, mahal kita. Mahal na mahal kita." Buong pusong sabi ko. Pakiramdam ko chance ko na to para umamin sakaniya bago pa mahuli ang lahat. Tinanggal niya ang pagkakayakap ko sakaniya at humarap siya sakin na puro dugo ang muka niya. Sa gulat ko ay napaupo ako sa sahig. Nakangiti siya sakin kaya bumilis ang t***k ng puso ko. "Elisse. Hindi kita mahal.