Chapter 9

2135 Words

Nakatingin lang ako sakaniya habang busy siya sa pakikipagusap kay Ericka. Wala kasi si Aira ngayon at biglaan siyang pumunta daw ng China para sa business ng family niya. Kaya etong si Ericka, ariba na naman sa paglalandi kay Grey.   Ang sakit kaya nilang dalawa sa mata!   "Akala ko pa naman nagkaka-mabutihan na kayong dalawa ni Grey." Nakasimangot na sabi ni Dianne. Katabi ko siya ngayon habang nagaayos kami ng booth namin. Ngayon na kasi ang pinaghandaan naming school fair, kaya nandito kami sa Lacson Gym para magayos. At kung nakakamatay lang ang titig, baka pinaglalamayan na ngayon yang si Ericka na naka-pwesto sa tapat ko at patuloy sa kakalandi kay Grey. Grabe naman kasi e, napaka-lantod!   "Hayaan mo na sila." Sabi ko habang nakatingin pa din sa dalawang love birds sa harap.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD