Lumabas ako ng CR ng naka-bihis na. Syempre, nakakahiya naman kay Grey kung makikita niyang nakatapis lang ako ng towel diba? Nakaka-turn off kaya yon! Tinignan ko siya at nakita ko siyang tahimik na nakaupo sa sofa. Napatingin siya sakin na wala na namang expression ang muka niya. Galit ba siya? Hays, wag naman sana. Lumapit ako sakaniya at umupo sa tapat niya. Sa totoo lang, late na kami pero wala akong pakialam. Hindi ko muna yun iintindihin, magpapaliwanag na lang ako kay Miss Leonor mamaya. "Sorry kung hindi kita hinatid sainyo kagabi." Nahihiyang sabi ko. Tumingin siya sakin kaya napaiwas ako ng tingin sakaniya. "Pati sa pag-gamit ng kotse mo ng walang pahintulot. Pasensya na talaga." Dagdag ko pa. "Okay lang. Salamat pala sa pagtulong sakin. Hindi mo naman kailangang