8

1863 Words
ALAM naman ni Bornok na magandang babae talaga ang pulubing inakay niya kagabi, subalit ang makita itong malinis na at bagong ligo ay sadyang nakakagulat para sa kanya. Talaga bang nagawa niyang dalhin ito sa kanyang kwarto? Hindi niya alam kung ano ang nangyayari pero tila may kaunting pagbabago sa kanyang buhay dahil dito. Si Sophie ay naging kaibigan niya at kasama pa niya si Trixie. “Pero… Baka umalis na rin siya,” sabi pa ni Bornok sa sarili at uminom na lamang siya ng kape. Nang tingnan nga niya si Sophie ay nakatulala ito sa kanya na parang may gustong sabihin na hindi maituloy. Napalibot din siya ng tingin sa mga kapwa niya borders at sila ay hindi makapaniwala sa pulubing dinala niya rito kagabi. “Hoy! Bornok! Saan mo nakuha iyon? Quality ang isang iyon ah! Seryoso ka bang pulubi iyon?” wika ni Mark na may pag-akbay pa kay Bornok. Mahahalata nga sa mukha nito ang pagka-interesado sa babaeng lumabas sa CR. “Huwag mong sabihin na naka-score ka doon kagabi?” dagdag pa nito at may paghigpit pa siya ng akbay kay Bornok nang sabihin iyon. Narinig din iyon ng mga nasa labas na borders at si Emily ay napalapit din sa lamesa kung nasaan sila. “Pinilit mo iyon Bornok? Imposibleng patulan ka noon,” ani ng dalaga at si Carlene naman ay pinasundan pa ito na lumapit din sa kanila na isa rin sa hindi makapaniwala. Si Sophie naman ay gustong ipagtanggol si Bornok pero, hindi niya nagawa sapagkat parang naging tikom ang bibig niya sa paglapit ng mga kapwa niya borders sa kanila. Isang lalaki pa nga ang lumapit at isa rin sa nakisalita sa kasamahan nilang wala silang ginawa kundi ang kutyain at pagtawanan. “Bornok… Kilala ka namin. Pinilit mo lang iyon? O baka may sira sa utak ang babaeng iyon?” sinabi pa nito at si Bornok ay nakaramdam ng panliliit sa mga pinagsasabi sa kanya ng mga kasamahan niya. “Tama sila… Imposible nga namang patulan ako ng kagaya noon…” sabi ni Bornok sa sarili at naririnig pa rin niya ang mga sinasabi sa kanya ng mga naroon tungkol sa magandang babaeng nadala niya sa loob ng kanyang kwarto. Para sa kanila ay wala siyang kakayahang makapag-uwi ng ganoon kagandang nilalang. Napahigpit na nga lamang ang pagkakahawak ni Bornok sa tasa na kanyang hawak. Napayuko na lamang siya at nang tingnan niya si Sophie ay napailing na rin lamang ito sa kanya. “Hindi ba kayo makapaniwala na maiisama ako ng tulad ng lalaking iyan sa loob ng kanyang kwarto?” Isang boses ang biglang nagsalita mula sa hindi kalayuan. Lumabas na nga si Trixie at alam na alam niya ang ginagawa ng mga kasamahan ng binatang pinagsalinan niya ng kapangyarihan. Hindi naman siya bulag upang hindi mapansin ang pisikal na kaanyuan ng binata. Sa mundo ng mga mortal ang mata ang palaging nagsasabi kung dapat bang irespeto ang isang indibidwal… at sa kalagayan ng lalaking umakay sa kanya kagabi ay napagkaitan ito ng bagay na iyon. Naglakad si Trixie papunta kay Bornok at itinayo niya ang binata na nahahalata niyang parang nahihiya na sa mga taong nakapalibot sa kanya. “Naiinggit ba kayo sapagkat nagawa niya akong isama sa loob ng kanyang silid?” prangkang winika ni Trixie na pinagmasdan ang mga kalalakihang nang-aalaska kay Bornok. Nginitian niya ang mga ito at sineryosohan ng tingin. “Ang mga tulad ninyo lalaki ay hindi makapaniwalang magagawa akong isama ng lalaking ito sa loob ng kanyang tulugan? Isang malaking sampal para sa inyo ito sapagkat kayo, kakailanganin pa ninyong languin sa alak ang isang babae para masipingan ninyo… O kung minsan ay maglalabas pa kayo ng pera upang maibsan ang init ng inyong katawan…” “Mga nakakaawang nilalang kayo. Tila yata naungusan kayo ng lalaking ito…” Inakbayan ni Trixie si Bornok sa harapan ng mga natahimik na kasamahan nito. Habang hindi pa nga tapos ang kakailanganin niyang araw ay kailangan niyang protektahan ang lalaking nagtataglay na ng kanyang kapangyarihan. Poprotektahan niya ito hindi dahil may pakialam siya rito… ito ay sa kadahilanang kailangan niya ito para sa kanyang pagnanais na maging mortal. Napatawa na lamang si Trixie habang sinasampal ng mga salita niya ang mga nakapaligid kay Bornok. Ganito talaga ang mga mortal. Mahilig silang manghamak ng kapwa kapag ramdam nilang mas nakakaangat sila sa isang tao. “Kayo namang mga babae… Itigil ninyo ang mga bibig ninyo sa pagsasabi ng hindi maganda sa lalaking ito sapagkat kung titingnan natin kung sinong pinakamaganda ngayon sa lugar na ito… ay kilala na ninyo kung sino!” Ang mga salita ni Trixie ay tila mga patalim na bumaon sa dibdib ng mga nasa paligid. Sina Carlene at Emily ay parang nanggigil sa babaeng iyon. Gusto nilang patulan ito, kaso, ang titig kasi nito sa kanila ay parang may ibig-sabihin. Parang hindi ito uurong kahit pa sumagot sila. Napabuntong-hininga na nga lang ang dalawa at pagkatapos ay padabog na bumalik sa kanilang mga kwarto. Ang mga lalaking naroon naman ay umalis na rin at parang napahiya sila sa sinabi sa kanila ng babae. Napatingin pa nga sila kay Bornok at tama si Trixie… naiinggit sila rito sapagkat isang magandang dilag ang kasalukuyang naka-akbay rito. Huling pinagmasdan ni Trixie ay si Sophie na napalunok na lamang ng laway dahil dito. “Sa susunod… Kung seryoso kang maging kaibigan ang lalaking tulad nito. Matuto kang magsalita…” Huling winika ni Trixie at nagbago ang itsura nito na naging maaliwalas na. Napaupo kaagad ito at kinuha ang tasa ng kape na nakita niyang tinimpla para sa kanya ng binata. “Sa akin ito, hindi ba?” nakangiting wika ni Trixie kay Bornok at si Sophie ay dahan-dahang napangiti sa ginawa ng babaeng ito para sa lalaking palaging nakakantyawan dito. Para sa kanya ay napakatapang nito upang ipagtanggol ang lalaking iyon. “Hi! I’m Sophie,” wika niya sa dalaga na ngiting-ngiti matapos humigop ng kape. Pasimple siyang pinagmasdan ng dalaga at umupo na nga muli si Bornok para ipagpatuloy ang naudlot niyang pagkakape. “Ako si Trixie…” ani ng dalaga at pagkatapos noon ay napatingin siya kay Bornok na nakayuko pa rin. “Hindi ka ba masaya sa ginawa ko para sa iyo?” tanong ni Trixie. “H-huh? A-ano… Salamat!” natatawang winika ni Bornok at si Sophie ay napatanong tuloy ng isang bagay. “Boyfriend mo ba siya T-trixie?” Naitanong ng dalaga at si Bornok ay biglang kinabugan ng dibdib nang marinig iyon. “Hindi! Magkakilala lamang kaming dalawa,” mabilis na sagot ni Trixie at si Bornok ay mabilis na napahiya sa sarili niya. Isa siyang malaking asyumero sa pag-aakalang oo ang isasagot nito. “Pero bakit ganoon ka sa kanya?” tanong muli ni Sophie at napangiti siya nang tingnan si Bornok. “Sapagkat kailangan niya ako… At kailangan ko siya.” Napa-iling na lang si Sophie sa sinabi ng dalaga at pagkatapos noon ay nginitian niya si Bornok. Ang mga borders sa paligid ay pansamantalang pinatahimik ang pang-aasar sa lalaking lagi nilang inaalaska. Dahil sa presenya ni Trixie ay nagawa niyang patigilin pansamantala ang mga ginagawa nila. Si Bornok ay naligo na rin at nagsaing. Nagluto siya ng dalawang itlog at sa labas, sa mesang naroon, ay sabay silang kumain ni Trixie para sa kanilang agahan. Papaalis na si Bornok papunta sa kanyang trabaho at dito na siya naglakas ng loob na magtanong kay Trixie. “Saan na ang punta mo ngayon?” “Mamalimos ka pa rin ba?” “Baka wala akong maipakain pa sa ‘yo.” Makikitang nakatitig lang si Trixie sa kanya. Naiilang nga siya dahil dito, pero kailangan niya sabihin iyon. “Kailangan kitang samahan. Sa loob ng ilang buwan sa mundo ninyo, ako ay mananatili sa tabi mo,” sagot ni Trixie na ikinailing ni Bornok. “Tandaan mo… ako ang nakakaalam ng kapangyarihan mo. Ibig-sabihin noon ay kailangan mo pa rin ako. Wala kang pagpipilian kundi ang isama ako, at patirahin sa bahay mo.” Tama nga naman ang dalaga. Wala na ngang choice si Bornok sa mangyayari. Malaking tulong din naman kasi ang nangyari sa kanya dahil kay Trixie. Kailangan niyang bumawi sa ginawa nito at ang pagpapatira rito ay isa nang malaking bagay. “Sige. Basta magbabait ka rito. May trabaho ako mula Lunes hanggang Sabado…” wika ni Bornok at pagkatapos ay lumabas na siya ng kanyang kwarto. Kalmado lang siyang naglakad. Kakaiba nga ang umagang iyon sapagkat sa paglabas niya mula sa compound ay hindi niya inaasahang isa itong pagpasok sa trabaho na walang pang-aalaska siyang maririnig mula sa mga kapwa niya Borders. Masayang pumunta sa trabaho si Bornok. Pagdating nga niya roon ay napansin kaagad ng guard ang kasiyahan sa mga mata niya. “Mukhang maganda ang gising mo ngayon Bornok. Ang bilis ding nawala ng bangas mo kahapon sa mukha ah,” pansin pa ng guwardya at natatawa na lamang si Bornok dahil doon. Nagmadali nga siyang humangos sa lalagyanan ng mga gamit niya. Subalit pagdating niya sa lugar ay isang tili ang narinig niya kung saan ay bigla na lamang isang babae ang aksdinteng nasalo ng kanyang mga kamay at bisig. “Ma’am Geraldine… Bakit po?” nakangiting tanong ni Bornok at doon na nga lalong napatili ang dalaga na imbis na sa ipis na lumipad mula sa locker niya ang maging rason ay naging sa pangit na mukha ng binata napatuon. “Bitawan mo ako Pangit!” bulalas ni Geraldine at agad itong tumayo na kinakabahan pa rin dahil sa nakita niya kaninang ipis. Pasimple pa ngang napasulyap si Bornok sa kurba ng likod at pwetan ng dalaga dahil sa suot nitong black pencil skirt at long-sleeves na white. Hindi niya nga namalayang nakatitig siya rito at nang mapatingin sa kanya si Geraldine ay isang hampas ng bag sa mukha ang nagpabalik sa wisyo ni Bornok. “Bastos ka ah! Tinitigan mo ba ang katawan ko? Hanggang jakul ka na lang Bornok! Hayop ka!” gigil na gigil pang winika ni Geraldine at si Bornok ay napayuko na lamang sa kanyang narinig mula rito. Parang napakadali lang dito ang siya ay maliitin. Dahil ba ganito siya? Napailing na nga lang si Bornok at inilagay na lamang ang gamit sa kanyang lagayan. Naririnig pa rin niya ang masasamang salitang lumalabas sa bibig ni Geraldine at bigla nga rin niyang naalala ang nangyari kahapon. Umalis na lang siya at naglakad na papunta sa bodega. Sinira ni Geraldine ang kanyang umaga at hindi siya makapaniwala na makakaramdam siya ng inis dito. Kahit dati naman ay hindi. Crush niya kasi ito, pero sa hindi malamang dahilan ay gusto na sana niyang sumagot dito kanina. Naalala niya kasi si Trixie kanina. Naalala niya kung paano siya nito dinepensahan mula sa mga nang-aalaska sa kanyang mga kasamahan sa boarding house. Katulad din kasi ng mga ito si Geraldine. Dahil nga nakakaangat ito sa buhay at maganda ay ganoon na lamang siya kung sabihan ng mga nakakasakit na mga salita. Pagdating niya sa bodega ay saglit pa nga siyang napatingin sa kanyang kanang palad. Sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay naalala niyang nahawakan nga pala niya si Geraldine kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD