9

1231 Words
TINANGGAP na nga ni Bornok ang kanyang isang linggong sahod mula sa may-ari ng pinagtatrabahuhan niya. Naka-sobre ito at pagtanggap niya ay parang nakahinga siya nang maluwag dahil ang anim na araw niyang pagod ay heto at nabayaran na. Nilampasan nga niya ang mga katrabaho niya na kasalukuyang nakapila na rin para tumanggap. Silang mga taga-bodega at mga taga-deliver ay cash ang sahod pero iyong mga may katungkulan dito ay sa pamamagitan naman ng atm. “Bornok! Sama ka sa amin… Mag-iinom tayo!” bulalas ng ilang mga katrabaho niya. Umiling na lamang siya dahil kaya lang naman siya niyaya ng mga ito ay para siya ang magbayad ng halos kalahati ng magagastos nila. Sa oras na siya pa naman ay malasing ay hindi na niya mapigilan ang sarili na sundin ang sinasabi ng mga ito. “Sa s-sunod na lang…” ani Bornok at ang nasa likuran nga niya ay bigla siyang inakbayan. “Sumama ka na Bornok… Kami ang bahala sa babae…” pabulong na wika nito at naalala na naman ng binata noong may naging ka-table siyang babae noon sa club. Ilang na ilang ito sa kanya at sa huli ay sinabihan pa siyang bastos. May isang beses doon na nabugbog siya dahil lamang doon. Sino ba naman kasi ang papayag na i-table ang tulad niya? “S-sa sunod na lang… Magbabayad kasi ako ng bahay,” sabi pa ni Bornok at naglakad na nga siya nang mabilis. Naririnig pa nga niya na sinasabihan siyang KJ ng mga ito, pero wala na siyang pakialam. Gusto na lamang niyang umuwi para makapagpahinga. Sa pagmamadali nga niya ay bigla naman niyang nabangga si Geraldine sa paglabas niya sa kantuhan. Bumangga si Bornok sa dalaga na nabigla na rin lang sa pagsulpot niya sa harapan nito. Bumangga ang binata sa harapan ng dalaga at ang kamay ni Bornok ay mabilis na humawak sa bagay na pwede niyang makapitan upang hindi matumba. Sa dibdib ni Geraldine! “Nalintikan ka na Bornok! Bakit diyan ka humawak?” bulalas ng mga nakakita at si Bornok ay napatingin sa dalaga nang oras na iyon. Dala ng pagkagulat ni Geraldine ay ang malakas niyang tili dahil ang pangit na lalaking nasa kanyang harapan ay nakadakma sa dibdib niya. Isang malakas na sampal ang ibinigay niya kay Bornok na naging dahilan upang mapaatras ang binata. “Ang bastos mo Bornok!” bulalas nito at ang mga naroon ay napatingin sa nangyari. Si Bornok ay napahawak sa kanyang pisngi at kasunod noon ay ang malakas na hampas ng bag sa kanyang mukha ng babaeng iyon. “Bastos! Bastos!” Doon na nga napaupo si Bornok at pinilit niyang protektahan ang kanyang sarili. Ang mga naroon ay pinanood lang ito hanggang sa ang may-ari ng pinagtatrabahuhan nila ang lumapit dito. “S-sir! Hinawakan niya ako. Tanggalin na ninyo iyan! Lagi ring nakatitig sa katawan ko iyang pangit na iyan! Sige na sir… Kasi kung hindi ay ako na lang ang aalis dito,” may halong pagmamakaawa ang mata ni Geraldine habang nakatingin sa kanyang boss na nasa edad trenta y singko. Dahil nga maganda siya ay alam niyang hindi makakatanggi sa kanya ito. Si Bornok naman ay mabilis na tumayo. Kailangan na niyang magsalita dahil hindi siya pwedeng mawalan ng trabaho. Mahihirapan na naman kasi siyang maghanap ng malilipatan. Ilang buwan pa lang siya rito at kahit mahirap ay kinakaya niya para mabuhay. “B-boss… Huwag po ninyo akong tanggalin… Aksidente lang po iyon.” “S-sorry ma’am. Hindi ko kasi alam na makakasalubong ko kayo…” Makikita sa mga mata ni Bornok ang kagustuhang hindi matanggal sa trabaho. “Sir! Matagal na akong nagtitimpi sa pangit na iyan. He kept looking at my body everytime he saw me here… Sir! Ayaw kong dumating sa time na hipuan pa niya ako. Look on what he did to me?” Hinawakan na nga ni Geraldine ang braso ng kanyang boss at pasimpleng idinikit ang kanyang malambot na dibdib dito. Napailing na lamang ang boss ni Bornok habang nakatingin sa kanya. “Bornok… Ito na ang last day mo. Kailangan na kitang tanggalin. Marami pa naman akong mahahanap na papalit sa iyo.” “B-boss! Hindi na po mauulit… Kailangan ko lang na may trabaho ako…” bulalas pa ni Bornok at nakatingin naman sa kanya nang masama si Geraldine. “Shuhhh! Shuhhh!” bulalas pa ng dalaga na parang nagbubugaw lang ng aso. “Tanggal ka na Pangit! Kaya umalis ka na! Sa wakas… mawawala ka na rito…” masungit pang winika ng dalaga at si Bornok ay napakuyom ng kamao habang naririnig ang boses ng dalaga. Bumuntong-hininga na nga lang si Bornok at naglakad na lamang palabas. Kinuha na niya ang kanyang gamit at naglakad para umalis. Para saan pa kung lalaban siya? Wala rin naman siyang magagawa? Hindi siya kayang tanggapin ng mundong ito. “Akala ko, may silbi na ako… Pero parang wala pa rin pala.” “Kailangan kong makahanap ng trabaho bukas… kasi kung hindi… wala akong kakainin.” Bigla pa niyang naalala si Trixie at inisip niya kung paano pa niya ito mapapatigil sa kanya kung mawawalan siya ng trabaho? “Isa pang problema…” Napatingin siya sa hawak niyang sobre na naglalaman ng kanyang sahod. 1800 pesos lamang ito at kung hindi siya magkakaroon ng trabaho ay paano niya ito pagkakasyahin. Sinilip pa nga niya ang laman nito nang biglang may isang malaking bisig ang humila sa kanya papunta sa isang madilim na lugar. Naramdaman din niyang may matulis na bagay ang nakatutok sa tagiliran niya. “Holdap ito boy! Akin na ang pera mo?” wika ng lalaki na ikinalunok ng laway ni Bornok. Kapag minamalas nga naman daw! “Huwag ka nang pumalag… Ibabaon ko ito sa tagiliran mo?” sabi pa ng holdaper at si Bornok ay nawala ang lakas na magpumiglas. Ibinigay na nga niya ang kanyang sahod sa kamay ng lalaki at pagkatapos noon ay bigla itong tumakbo papunta sa mas madilim na bahagi ng eskinita. Wala ng nagawa si Bornok. Nawalan siya ng trabaho, tapos ngayon… Heto siya at nawalan din ng sahod. Ramdam ni Bornok ang pagkalumbay dahil sa mga nangyaring iyon. Akala niya ay may nagbago na sa kanyang sarili pero siya pa rin ito. Ano ba ang magagawa ng kapangyarihan niyang makatikim ng seks sa panaginip kung sa kanyang paggising ay isa pa rin siyang malas na tao? Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa narating na niya ang kalsada. Naisipan niyang tumawid nang hindi tumitingin sa kaliwa at kanan. Sa paghakbang nga niya ay isang malakas na busina mula sa kanyang kaliwa ang biglang umalingawngaw sa buong paligid. “Gusto ko na lang sigurong mawala…” Wala itong pinagkaiba sa nangyari sa kanya kagabi. Dapat daw ay hinayaan na lamang siyang mamatay nang sandaling iyon. Ang sasakyan ay mabilis na nagpreno at si Bornok ay bigla na lamang hinila ng isang babaeng bigla na lamang dumating sa kanyang likuran. “Ano ba ang iniisip mo lalaki!?” kabadong winika ni Trixie na napaupo na rin nang mailigtas ang binata. Makikita sa mga mata niya ang pag-aalala at ang mga tao sa paligid ay napahinto sa paglalakad dahil sa kamuntikang aksidenteng iyon. Si Bornok ay tuluyan na ngang napaiyak dahil hindi na naman nangyari ang kanyang gusto. May nangyari na namang hindi inaasahan at katulad lang din kagabi… Iniligtas siya muli ng babaeng si Trixie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD