GINISING si Mattias ng sunod sunod na katok. Nagmumula iyon sa pintuan ng kanyang silid. Hubad baro siyang bumangon at malaki ang hakbang na lumapit sa pintuan.
Agad na binuksan ang pinto at tumambad sa mga mata ang luhaan mukha ng kanyang magandang amo.
Akmang magsasalita siya upang magtanong ng pumasok ito sa loob ng kanyang silid. Ilang segundo siyang natilihan bago sumilip sa labas. Nang masiguro na walang ibang tao ay sinara ang pinto at ini-lock iyon.
“Anong nangyari, Ma’am Allysah?”
“Si C-Callum, may kasamang babae. Naroon sila sa kwarto at m-magkatabi sa higaan.” hindi sumagot si Mattias, nakatitig lang siya sa luhaan mukha ng amo.
“... a-akala ko bisita lang niya kaya ipinagtimpa ko pa sila ng kape. N-nang dalhin ko sa guestroom wala na sila doon. T-Tapos narinig kong may ingay sa m-master bedroom. P-Pagpasok ko n-nakita ko silang n-nag-s*x.” napakuyom ang kamay ni Mattias at nagngangalit ang panga sa galit.
“Anong gusto mong gawin ko sa kanila, sige sabihin mo at gagawin ko?”
“W-Wala… h-hindi ko alam, ahm… palayasin mo ang babaeng yon. I mean huwag mo ng hayaan muling makapasok dito sa bahay.”
“Okay, pero bumalik ka na muna sa iyong silid. Kapag nakita ka dito ng asawa mo ay lalong magkakaroon siya ng dahilan na upang saktan ka. Sigurado pipilitin kang pumirma sa annulment paper na hinihingi niya.”
“O-Okay, sige.” binuksan ni Mattias ang pinto at hinintay na lumabas ang amo. Subalit nabigla siya ng yumakap ito sa kanya.
“M-Ma’am Allysah, baka makita tayo ng asawa mo?”
“M-Mattias, ang sakit, nahihirapan akong huminga.” pumihit si Mattias paharap sa amo at bugso ng damdamin ay gumanti ng yakap. Hindi rin napigilan ay hinaplos niya ang buhok nito.
“Inhale exhale, paulit-ulit mong gawin upang magluwag ang iyong dibdib.” tumango tango ang amo bago sinunod ang utos niya. Pagkatapos ay kanyang hinawakan ang magkabilang balikat at inangat ang mukha. Pinahiran ang luha sa magkabila nitong pisngi. Bago muling niyakap at hinalikan sa ulo.
“Go! Doon ka sa guestroom matulog. Masyado ng late at hindi ka dapat nagpupuyat. Tungkol sa babaeng yon, pangako hindi na siya muling babalik dito sa bahay.”
“S-Salamat, Mattias.” bago lumabas ng silid ay lumingon pa sa kanya ang amo.
Nang masigurong wala na ito ay sinara ni Mattias ang pinto. Sinulyapan ang wall clock bago nagsuot ng jeans at t shirt.
Lumabas siya ng bahay at sa wall dumaan. Pagkatapos nagtungo sa paradahan ng taxi.
“Magkano ang rental nito plus palit plate number?” nakita niyang nabigla ang taxi driver sa tinuruan niya. Kaya agad na ipinagpatuloy ang iba pang sasabihin.
“Matagal ko ng alam ang modos nyo na yon. At huwag kang mag-alala nakasara ang aking bibig sa bagay na yon.”
“Dalawang libo bossing.” agad na inabot sa kanya ang susi.
“Pag-alis ko mamaya bumilang ka ng isa hanggang dalawang oras at hintayin mo ako dito.”
“Copy, bossing.” agad na inabutan ni Mattias ng dalawang libo ang taxi driver. At nang makaalis ito ay sumadal siya sa upuan. Inayos ang suot na cap bago tumingin sa side mirror.
Ilang minuto pa siyang naghintay at natanawan ang babae. Agad siyang lumabas at tinanong ito kung sasakay. Nang tumango ay inagbuksan niya ito ng pinto.
“Ihatid mo ako sa terminal 3, bilisan mo at baka ma-late ako sa flight.”
“Okay, Ma’am.” bago pinausad ang taxi gamit ang rear mirror ay mabilis na pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng babae.
Pagkatapos ay mabagal ang takbo na binaybay ang madilim na kalsada.
“Bakit ang bagal mong magmaneho, sabi ko bilisan mo dahil baka late na ako!” malakas na sigaw nito sa kanya. Hindi sumagot si Mattias, ngunit diniinan ang tapak sa silinyador at sumibad sila palayo. Kahit sigaw nang sigaw ang babae ay hindi niya ito pinapansin.
Pagdating sa highway madilim ang parte ng lugar na iyon ay tinigil niya ang taxi.
“Anong ibig sabihin nito, mister? Bakit mo hininto ang taxi sa ganitong lugar. Plano mo akong holdapin? Pwes! Wala kang makukuha dahil wala akong pera!” pagtataray pa nito kay Mattias.
Hindi niya pinapansin ang pagtutungayaw ng babae. Bumaba siya at binuksan ang pinto sa banda nito. Pagkatapos ay mabilis na nahawakan sa braso at malakas hinila pababa.”
“Kakasuhan kita sa ginagawa mo!” hindi niya pa rin ito pinapansin. Bagkus ay kinaladkad patungo sa gilid ng kalye. Hinablot ang bag nito at kinuha ang cellphone. Pagkatapos ay mabilis niremove ang sim at kasamang tinapon sa nakabukas na drainage.
“Hayop ka bakit mo tinapon ang cellphone ko?”
“Kapag nakita ko pa ang mukha mo sa lugar na pinanggalingan mo kanina. Sinisiguro kong uod ang makikinabang diyan sa peke mong katawan!”
“Huwag mo akong takutin.”
“Ganun ba?” mabilis na nahawakan ang babae bago tinulak sa gilid ng drainage. “Gusto mong ihulog kita dyan ng mapaaga ang kasiyahan ng mga uod?”
“H-Huwag po, maawa ka sa akin mister. Meron akong maliit na anak.” nanginginig sa takot habang nakikiusap sa kanya.
“Kung ganun, huwag ka ng babalik dito, go!”
“O-Opo, sir.”
“I said go!” napailing na lang si Mattias ng kumaripas ito ng takbo.
ITINIGIL ni Mattias ang taxi sa dating lugar na pinagkunan. Agad na lumapit sa kanya ang taxi driver at mabilis na pinalitan ang plate number ng taxi.
“Salamat, heto ang susi mo.”
“Bossing, hanggang sa uulitin.” malawak ang ngiti nito bago pinaandar ang taxi palayo.
Siya ay bumalik na sa bahay ng kanyang Lady Boss. pagkarating sa kwarto ay mabilis na naligo. Nagsuot lang ng boxer short at kagaya ng nakasanayan. Tinungo ang higaan bago binagsak pahiga ang katawan.
Ilang minuto pa ang lumipas at tuluyan ng nakatulog.
SA kwarto ni Allysah, mugto ang mga mata niya sa magdamag na pag-iyak. Ganun pa man ay kailangan niyang magtungo sa bahay ng kanyang ama. Nais niyang malaman ang totoong dahilan. Bakit napa balitang hindi siya tunay na anak nito?
Matapos makapag bihis ay sinuot ang kulay itim na shade. Ganun din ang shoulder bag at tinungo na ang pintuan. Tanging manipis na sandal ang suot ni Allysah.
Nakasalubong pa niya sa pasilyo ang asawa. Akmang lalampasan niya ito nang bigla siyang hinablot nito.
“Saan ka pupunta sa ganito kaaga?” hinila niya ang kanyang braso, bago nagpatuloy sa paglalakad. Ngunit muli siyang hinila at mahigpit nahawakan sa buhok. Pagkatapos ay kinaladkad papasok sa isang silid.
“Bitawan mo ako, ano ba nasasaktan ako!” pilit kumakawala si Allysah sa mahigpit na pagkakahawak ni Callum sa braso niya.
“Saan ka galing kagabi ha?”
“Hindi ako umalis ng bahay.” napipilitan pag-amin ni Allysah sa asawa. Ngunit dalawang sampal ang tumama sa kanyang mukha. Tila namanhid ang kanyang pakiramdam dahil sa lakas. Pero tiniis niyang hindi umiyak sa harap nito.
“Aba’t matigas ka na ngayon? Sino ba ang ipinagmamalaki mo ang iyong bodyguard?”
“Huwag mong idamay sa gulo natin ang bodyguard ko. Ikaw ang nambabae kaya sabihin mo sa iyong sarili ang salitang “walang silbe!” muli na sanang hahakbang si Allysah ng minsan pang hinila ni Callum ang kanyang buhok. At namalayan na lang niya nasa sahig ang katawan ni Callum.
“Anong karapatan mong manakit nang babae? Hindi dahil asawa mo siya ay gagawin mo ang iyong bawat naisin!” nagngangalit ang bagang ni Mattias sa galit. Kung pwede lang patayin niya ang lalaking ito.
“Tarantado ka ah! May relasyon ba kayo ng asawa ko kaya malakas ang loob mo na umasta ng ganyan?”
“Huwag mong baliktarin ang pangyayari! Halika ka na, Ma’am Allysah.” bago inalalayan patayo ang amo.
“Sira pala ang ulo mo eh!” hindi na hinintay ni Mattias na mahawakan siya ni Callum agad na sinipa ito patalikod.
Pagdating sa hagdanan ay binitawan na ni Mattias ang amo. Tahimik siyang sumunod dito hanggang makarating sila sa sasakyan.
Pinagbuksan niya ito ng pinto at nang nakaupo na ang amo ay umikot na siya sa drivers seat.
Pagkaupo niya ay tinanong ito dahil parang walang planong magsalita.
“Dalhin mo ako sa mansyon ni Papa.”
“Copy, Ma’am Allysah.” bago pinausad ang sasakyan.
Paminsan minsan ay sinusulyapan niya ang amo na ngayon ay nakapikit. Napaisip siya sa inaakto nito. Dahil kung meron itong amnesia bakit naalala ang bahay ng ama nito? Nngunit nabaling ang pansin niya sa mukha nitong namamaga. At muli ay nakaramdam siya ng galit kay Callum.
Nang may magdaanang pharmacy ay hininto niya ang sasakyan.
“Ma’am Allysah, huwag kang bababa, may bibilhin lang ako.”
“Okay sige.” bumaba agad si Mattias at nagmamadaling pumasok sa loob ng pharmacy.
“Ms. nasaan ang ice pack nyo?”
“Naroon sa pinaka dulo, yung kulay blue na freezer.”
“Salamat.” naglakad siya patungo sa pinakadulo at kumuha ng isang ice pack. Bumili na rin siya ng cream para sa pamamaga ng pisngi ng amo.
Bumalik sa sasakyan ngunit sa tabi ng amo naupo.
“Lalagyan ko ng ice pack ang iyong pisngi.” aniya sa nakapikit na amo. Agad din naman itong nag mulat ng mga mata at tumingin sa kanya. Maya maya ay inalis ang suot na shades. Matinding awa ang naramdaman ni Mattias pagkakita sa namamaga nitong mga mata.
Nais niyang haplusin ang maganda nitong mukha pero hindi dapat. Kaya ang ginawa ay dinampot ang ice pack. Maingat na nilapat sa pisngi ng amo na ngayo’y nakapikit na.
Hindi mapigilan ni Mattias titigan ang mapulang labi ng amo. Noon kahit bata pa lang siya ay pinangarap niyang mahalikan ang labi na yon. Sinabi rin niya sa sarili na ang babaeng ito ang kanyang pakakasalan at…
“Mattias, bakit ganyan ang titig mo sa akin?”
“Oh! Sorry.” at mabilis siyang nag-isip ng sasabihin.
“Bakit ka nagsosorry?”
“Ahm… tungkol sa tanong mo kung bakit ako nakatitig sayo.”
“Bakit nga ba?”
“Iiniisip ko lang kung bakit lagi kang sinasaktan ng asawa mo.” aniya bago umayos ng upo.
“Siguro dahil hindi niya ako kailanman minahal.”
“Paano mo nasabi yon samantalang pinakasalan ka nga niya?”
“Inamin niya na pera lang ang habol sa akin. Ang buong akala yata ay yayaman siya dahil iniisip na ako ang heredera ng Saavedra.”
“Kailan nagsimula ang pambubugbog niya sayo?”
“Nag hummingi siya sa akin ng malaking pera tapos wala akong naibigan. Doon nagsimula ang pinanakit niya sa akin.”
“I see.” ang tanging na sagot ni Mattias sa amo. Muli ay bumangon ang galit niya kay Callum. “Lalagyan ko ng cream ang pisngi mo kaya lang medyo malagkit ito.”
“A-Ako na lang ang maglalagay.” kinuha sa kamay ni Mattias ang cream. Hanggang maari dapat mapigilan ni Allysah ang pagiging malapit niya sa kanyang bodyguard.
Lately, kapag nasasaktan siya ang binata agad ang pumapasok sa kanyang isipan. At hindi yon tama, baka sa halip ay tuluyan na silang magkahiwalay ni Callum. Mahal niya ang asawa kaya dapat simulan dumistansya kay Mattias.