bc

SIN WITH ME, MY BODYGUARD

book_age16+
170
FOLLOW
1.2K
READ
billionaire
HE
badboy
brave
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

Allysah Saavedra, edad 28-year-old, babaeng pinapangarap ng sinuman--- Adan.

Sa ngalan ng pag-ibig; hahamakin ang lahat. Itakwil man siya ng sariling ama. Basta't makasama lang ang lalaking labis na minamahal.

Ngunit paano kung isang araw matuklasan na ginamit lang pala siya ng lalaking pinakasalan?

Mamahalin pa rin ba niya ito at magbulag bulagan. Kahit harap harapan na siyang niloloko at matagal ng pinagpalit sa iba?

-

Mattias Jacob Montemayor, edad thirty 35-year-old, bilyonaryo, matipuno, gwapo at lahat ng katangian panlabas na kaanyuan ng isang lalaki ay nasa kanya.

Dahil sa kagustuhan mapalapit sa babaeng lihim na minamahal ay nagpanggap na ordinaryong lalaki at pumasok bilang isang driver bodyguard.

Wala siyang pakialam kahit may asawa na ang babaeng matagal ng bumihag sa kanyang puso. Ang mahalaga ay lagi niya itong nakikita at nakakasama.

-

Allysah--- gaano katatag ang pagmamahal niya sa asawa? Kung sa araw-araw kasama ang lalaking titig pa lang ay pinag-iinit na siya. Walang iba kundi ang kanyang driver bodyguard; Mattias Jacob Montemayor.

Hanggang saan ang pagpipigil ng isang Allysah Saavedra sa sarili na hindi magkasala. Kung sa tuwina kapag umiiyak siya ay parang superman si Mattias Jacob, bigla itong lumilitaw. Papawiin nito ang lahat ng kanyang kalungkutan, papahiran ang luhaan mukha at alisin ang pighati sa pusong puno ng sakit...

-

Mattias--- paano pigilan ang nag-aalab na damdamin sa babaeng sabik sa haplos at pagmamahal? Sasamahan ba niyang lumusong sa kasalanan ang babaeng matagal ng nagmamay-ari ng kanyang puso. Kahit alam niyang hanggang sa mga oras na yon pilit pa rin umaamot ng atensyon at konting pagmamahal. Mula sa asawa nitong may ibang tunay na minamahal?

=

Basahin sa;

SIN WITH ME, MY BODYGUARD

MATTIAS & ALLYSAH

chap-preview
Free preview
EPISODE- 1
=========== NAGISING si Allyza sa hindi familiar na lugar. Masakit ang buong katawan lalo na ang pinakamahalagang parte ng katawan. Napabalikwas siya ng bangon habang sapo ang ulo. Iniisip ang tunay na nangyari sa nakalipas na gabi. Ngunit wala masyadong malinaw. Maliban sa huling tagpo nila ng lalaking kaulayaw sa mismong loob ng elevator. Pag sulyap niya sa kabilang gilid ng kama ay nakadapa ang hubad na katawan ng isang lalaki. "MATTIAS!” bulalas niya sa pangalan ng kanyang gwapong bodyguard. Sigurado siyang ito lalaki ang kasama niya sa loob ng elevator. Noong una hindi agad nag-zinc sa isipan kung sino ang lalaking katabi sa higaan. Subalit ng gumalaw at nagbaling ang mukha sa banda niya. Nanlalaki ang mga mata ng makilala ang lalaki---walang iba kundi si Mattias Jacob, ang kanyang driver bodyguard. Napatakip siya sa bibig ng unti-unting luminaw sa isipan lahat ng nangyari. At bago pa magising ang lalaking magdamag na kaulayaw ay tumakbo na siya palabas ng pintuan. ============ EPISODE- 1 MAHAL na mahal ni Allysah ang kanyang asawa. Lahat ng kayang ibigay ay ipinagkaloob niya dito. Pera, kasikatan at kalayaang mag buhay mayaman. Si Callum Reyes, gwapo, matangkad at ipinadadama nito ang labis na pagmamahal. Kahit maraming beses sinasabi ng ama na pera lang ang habol nito sa kanya. Binalewala niya lahat ng salita ni Senyor Ignacio Saavedra, ang kanyang ama. Hindi rin niya pinakikinggan ang advice ng kahit sinong kapamilya sa loob ng mansyon. Sinuway niya ang ama at piniling pakasalan si Callum na isang jeepney driver. Wala siyang pinaniniwalaan kundi ang pinakamamahal na asawa. Hindi naman lingid kay Senyor Ignacio Saavedra. Kung gaano kalaking pera ang inilabas ni Allysah sa tuwina. Para lang ibigay sa asawa nito. Hanggang isang araw nakatanggap si Allysah ng notice mula sa ama. Sinabi din nitong hindi na siya makakapag labas ng pera. Ang buong akala niya ay tinatakot lamang siya ng ama. Ngunit pati tatlong sasakyan niya ay kinuha ng mga tauhan ng ama. Ganun din ang lahat ng card niya ay ipina-hold din ng ama. Nang wala ang maibigay si Allysah sa asawa. Doon nagsimula ang panlalamig ni Callum sa kanya. Halos hindi na ito umuwi sa tamang oras. Lagi din lasing kung dumating ng bahay. Naging mainitin ang ulo at laging naka sigaw sa kanya. Saka lang niya na-realize; simula ng kasalin sila. Hanggang sa mga oras na yon ay hindi siya sinisipingan ng kanyang asawa. Nabulag siya sa katotohanan na pakitang tao lamang ang kabutihan at pagmamahal na ipinakikita sa kanya nito. - ISANG umaga, ginising siya ng malakas na sipa. “Bumangon ka riyan at heto ang annulment paper, pirmahan mo yan ngayon din!” “A-Anong ibig sabihin nito, Callum?” pupungas pungas habang naluluha na tanong ni Allysah sa asawa. “Hindi ko na kayang makisama sa isang tulad mo na isang manang at baduy manamit! Kundi lang naman ako nangailangan ng malaking pera hinding hindi kita papatulan! Alam mo ba sa araw-araw na nakikita nakasama kita. Pakiramdam ko katulong ang kasama ko sa higaan!” “Pero ganito naman talaga ang pananamit ko ng pinakasalan mo ako?” “Yeah, tama ka at pinagsisihan ko yon dahil ang buong akala ko ay tunay kang heredera ng mga Saavedra. Hindi naman pala at isa ka lang anak ng katulong na naanakan ni Senyor Saavedra!” nasasaktan siya sa mga binibitawan salita ng kanyang asawa. Ganun pa man ay sinsikap parin unawain si Callum. At tungkol sa ama, ibig sabihin pala pinalabas din nito na hindi siya ang tunay na heredera ng Saavedra? “Nangako ka sa harapan ng Diyos, ganun din sa mga taong sumaksi sa kasal natin. Magsasama tayo sa hirap…” “Tama na ang drama, wala akong pakialam sa sinasabi mong pangako. Kahit sino pwedeng gamitin ang salitang pangako. Hala, pirma at nang makakaalis ka na sa bahay ko!” “Alam mong hindi ko yan pipirmahan at lalong hindi ako aalis sa bahay natin. Legal mo akong asawa kaya may karapatan din ako sa bahay na ito.” mahinahon pa rin sagot ni Allysah sa kanyang asawa. “Ganun ba? Sige tingnan natin kung gaano katigas ang paninindigan mo, huh!” wika pa nito bago siya tinalikuran ni Callum at nagmamadaling umalis. Ang hindi inaasahan ni Allysah, nang bumalik ito kinagabihan. Nakainom at may kasamang magandang babae. Sinalubong pa rin niya ang asawa upang alalayan. Subalit malakas siyang tinabig nito. “Huwag mo akong mahawak hawakan! Nandidiri ako sa itsura mo, para kang katulong na hindi naliligo!” hindi niya pinapansin ang sinabi ni Callum. Mahal niya ang asawa kaya muli siyang lumapit dito. “Bitawan mo ang asawa ako! At maaari bang umalis ka na dito sa pamamahay namin?” utos niya sa babaeng walang planong lumayo sa kanyang asawa. Ngunit ang hindi niya inaasahan ay malakas siyang sinampal ni Callum. “Anong karapatan mong paalisin ang girlfriend ko sa pamamahay na ito? Ikaw ang umalis dahil hindi na kita kailangan wala kang silbi!” bago malakas siya nitong itinulak. At dahil hindi handa ay natumba si Allysah, tumama ang likuran sa matigas na bagay. Ganun pa man tiniis ni Allysah ang kirot sa kanyang likuran na tumama sa kanto ng lamesa. Tumayo pa rin siya at muling lumapit sa asawa. Ngayo’y kasalukuyan paakyat ng mataas na hagdan kasama ang babae nito. “Callum, sandali saan mo dadalhin ang babaeng yan?” Hindi siya papayag na dalhin nito ang babae sa kanilang silid. O kahit saang alin man sa mga guestroom. Kung nais ni Callum makasiping ang babae nito doon sila magpunta sa hotel ay huwag dito sa bahay nila. “Wala kang pakialam!” sabay sipa nito sa kanya na naging sanhi ng pagkahulog niya sa hagdan. - MASAKIT ang katawan ni Allysah ng magising. Luminga siya sa paligid at puro puti ang nakikita niya. May lalaking nakahiga sa mahabang sofa. Walang iba kundi ang magaling niyang asawa. Sa paglipas ng bawat segundo ay bumalik sa isipan ang mga ginawa sa kanya ni Callum. Akmang babangon siya ng makaramdam ng matinding kirot, mula sa kanyang ulo. Kinapa niya iyon at meron benda. Mabilis na nag-isip si Allysah, kailangan maniwala si Callum na meron siyang amnesia. Pumikit si Allysah, habang binabalikan sa isipan ang mga nangyari. Itinaas ang isang kamay at maingat na hinahaplos ang kanyang noo. Paanong kung napasama ang bagsak niya baka hindi lang injuries ang nangyari sa kanya. “Mabuti at gising ka na pala?” napadilat siya sa boses na narinig. Matangkad na lalaki ang nakatayo sa gilid ng higaan niya. Walang iba kundi ang walang kwenta niyang asawa. “S-Sino ka bakit parang galit ka sa akin?” kunot noo na tanong ni Allysah sa asawa. Kailangan niyang panindigan na meron siyang amnesia. “Ahm… hindi mo ba ako natatandaan?” “H-Hindi, bakit pala may benda ako sa ulo, ano ba ang nangyari sa akin, mister?” “Hummm… natatandaan mo ang iyong pangalan?” “Hindi ba’t iyon ang pangalan ko?” turo ni Allysah sa pangalan nakasulat sa gilid ng kanyang bed. “Y-Yeah, iyon nga ang pangalan mo.” at mabilis nag-isip si Callum, bago lihim napangiti. “Ah, okay, pero anong nangyari sa akin bakit naririto ako sa ospital?” “N-Naaksidente ka.” “Saan at bakit nangyari iyon?” “Ahm… t-tumakbo ka upang habulin ang iyong asawa.” “Asawa? May asawa na pala ako?” “Yeah, at kaya mo siya hinahabol dahil ayaw niyang pirmahan ang annulment paper.” “Bakit ako nakikipag-annul sa kanya sa anong dahilan?”panghuhuli ni Allysah sa asawa. “Nahuli mo na may kerida ang asawa mo at sa mismong bahay nyo pa.” naniningkit siya sa galit habang naka kunot ang noo dahil sa mga naririnig. “.... sa katunayan heto ang annulment paper nyo. Pinirmahan na niya bago ka pa maaksidente.” “Kung totoo ang sinasabi mo bakit nasa iyo yan?” “D-Driver bodyguard mo ako at kaya nasa akin ito dahil nabitawan mo ng maaksidente ka.” ngali ngaling sigawan ni Allysah si Callum dahil sa pagpapanggap at mga kasinungalingan nito. “Oh! Ahm… nasaan pala ngayon ang asawa ko?” “N-Naroon sa bago niyang asawa.” “I see.” ang tanging sagot ni Allysah, habang sinisikap na hindi makahalata sa kanya si Callum. “Heto ang annulment paper, iiwan ko na dito. Paki-tawagan mo lang ako kapag napirmahan mo na.” tumango na lang siya sa asawa habang nagngingitngit ang kalooban. - ANG buong akala ni Allysah ay panaginip ang kanyang nakikita, isang perpektong lalaki ang nakatayo sa gilid ng kama niya habang pinupunasan ang kanyang mukha. Walang iba kundi ang kanyang bodyguard na si Mattias. "Hindi ka pa ba napapagod sa klase ng relasyon na meron kayo ni Sir Callum? Kapag nakita ko ang tarantado na yon baka balian ko ng buto upang hindi na makapanakit sayo!" "S-Sino ka bakit kilala mo ako at sino si Callum?" sinikap ni Allysah na hindi siya mahalata ng kanyang bodyguard. Kailangan din niyang paniwalain si Mattias, na may amnesia siya. Dahil nakikita niya ang kuyom nitong mga kamao. Mula ng naging driver bodyguard niya ito ay walang sinasanto. At baka bukas maging laman ng balita ang pagkamatay ni Callum. "Dahil sa tarandado na yon ay ganito ang nangyari sa buhay mo, huh!" Sermon pa ni Mattias sa amo niya. Awang-awa siya sa kanyang Lady Boss, kung alam lang niya na ganito ang sasapitin ni Allysah, sa kamay ng asawa nito. Noon pa sana ay kinuha na niya ito sa ama nitong si Senyor Saavedra. Teenager pa lamang si Mattias Jacob ng unang nakita si Allysah. Kaya ng umalis siya at nag-stay sa London, nangako siya na babalik kapag pareho na silang adult. Subalit nitong nakaraang dalawang taon nalaman niyang nagpakasal sa ibang lalaki ang babaeng lihim na minamahal. Sobra siyang nasaktan kaya kahit naririto na siya sa bansa ay hindi agad nagpakita kay Allysah. Unless kailangan niya itong puntahan. At doon niya napagpasyahan na maging bodyguard nito. ============ Book Title: SIN WITH ME, MY BODYGUARD MATTIAS JACOB MONTEMAYOR & ALLYSAH SAAVEDRA

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook