12

1977 Words
Meaghan's POV Nagsimula na kaming tumakbo at nagtago sa likod ng malaking puno. Dinala kami sa gubat ng mga bandidong ito. Pinutol nila ang puno at dito nagtayo ng mga tent na tulugan nila. Flashback Nagising ako sa biglang pag preno ni Kiel. "What the hell was that huh?" "Ano yon Kuya?" "Dito na ba tayo? *yawn*," tumingin tingin ako sa paligid at nagtaka kung bakit nasa gitna pa rin kami ng kalsada. "Oh? Nasaan na tayo? Eto na ba yung farm na sinasabi mo?" takang tanong ko. Hindi pa sila nakakasagot ng may biglang kumalabog sa likod. "Damn! I've been told that there are monsters here! What do you call it? Asawa? Asawang?" "Stronzo! It's aswang and stop blabbering bullshts, they ain't even real," sagot ko sa estupidong tanong ni Logan. "Duh! Zombies became real! What more for that asawang to —" Natigil ang pagsasalita ni Logan ng biglang may kumalampag sa bintana namin. Nanginig sa takot ang dalawa sa likod samantalang kami ni Kiel ay walang emosyon na nakatingin sa kung ano man ang nang gugulo sa amin. "Baba! Magsi-baba kayo o hihilahin ko pa kayo ha?!" maangas na sigaw ng hindi ko kilalang lalaki. Paunti unti ay nagsilabasan ang iba pang tao na naka suot ng itim na may dala dalang itak at pang hataw na kahoy. Naka maskara sila lahat kaya hindi ko makita ang mga itsura nila. "Ano ng gagawin natin mga Kuya? Ate Meaghan?" natatakot na tanong ni Benj. Pare pareho kaming walang kibo, tila nag iisip kung anong gagawin. Walang imik kong binuksan ang pinto at maangas na lumabas. Napatulala ang mga humarang sa amin sa paglabas ko. Well, hindi na kataka taka yon. "Witwiw pare naka tyamba tayo! Sundalong napapaka ganda at sexy haha," sabi nung isa. "Miss beautiful, hindi ka masasaktan kung iki-kiss mo ko hihi," sabi naman ng isa at humakbang palapit sakin. "Hey! Don't you dare touch her you stupid idiots! Never lay your filthy hands on her!" sigaw ni Logan at dali daling lumabas ng truck para tabihan ako. Lumabas na rin sina Benj at naghanda, kung sakaling mapalaban kami. "Sino ka ba ha?! Hahawakan ko lang naman si Miss Beautiful —" hindi pa lumalapat ang kamay nung lalaki ay lumapat na ang paa ni ko sa mukha nito. Round house kick. Lumapit na sa gawi ko ang tatlo, at naghanda sa kung ano man ang posibleng mangyari. Hindi pa man kami nakakatagal sa aming pwesto ay bigla na lang napahiyaw si Logan. "Sht, aah!" angil nito. May isang bandido ang humataw sa kanya sa likuran, at sa lakas ng sigaw ni Logan ay paniyak na masakit iyon. Pabagsak na si Logan ng masalo ito ni Benj. "Kuya, kuya hey! Bangon na! May kalaban pa tayo!" yugyog nya dito. Wala pa ring tugon si Logan, mukhang nawalan sya ng malay sa lakas ng hampas sa kanya. "Mukhang wala ng pag-asa. Ipasok mo na muna sya sa backseat Benj," utos ni Kiel na agad naman sinunod ng huli. Magkatalikuran ngayon ang pwesto namin ni Kiel, para hindi na maulit ang kanina ay bantay namin ang isa't isa. "Ano pang inaantay nyo ha? Hala sugod!" utos ng sinipa ko kanina. Sabay sabay naman sumugod ang tingin ko'y sampung bandido na humarang sa amin. "You son of a btch! *c***k* Don't you dare mess with us!" sigaw ni Kiel habang pinipilipit ang braso nung isang lumapit sa kanya. Umiwas ako sa kahoy na ihahampas sa akin at sinipa ang sikmura ng may ari nito. Napaluhod ito sa sakit kung kaya't sinipa kong muli ito ng solid 45 kick na dahilan para dumugo ang ilong nito at mapasubsob sa lupa. Kaliwa't kanan ang umaatake sa amin kung kaya't tumulong na rin si Benj. Tatlong bandida ang sabay sabay na sumugod sa akin kung kaya't kinuha ko ang baon kong pocket knife at inasinta ang isa sa braso. Tila nagulat ang mga ito na may dala akong patalim. "Oh ano? Kala nyo kayo lang ang may weapons ha?" pang aasar ko sa kanila. Umusok ang ilong nila sa galit ay sabay sabay akong sinugod. Ilag, suntok at tadyak ang paulit ulit kong ginagawa. Sinubukan akong patamaan ng suntok ng isa, ngunit hinuli ko lamang ang kamay nito at pinaikot, dahilan para mapaungol sya sa sakit. Muntik na akong matamaan ng baseball bat, mabuti na lamang at naisalag ko ang aking kamay. Nag-side step ako ng sinipa ito ng back leg 45, sabay suntok ko sa kanyang solar flexus. Napaatras ito ng bahagya dahil sa kawalan ng hininga sa ginawa ko. Two down, one to go. Mukhang patapos na rin sa laban ang iba kaya pinagtuunan ko ng pansin ang huli kong kalaban. Nakasuot ito ng brass knuckles sa kamay, at pumorma na parang isang boksingero sa ring. Pinatunog ko muna ang mga buto ko sa daliri saka nag change into fighting position. Ngumisi lamang ito at bigla akong sinugod. I was caught off guard kaya natamaan ako sa may bandang pisngi. Napaigik ako sa sakit dahil sa bakal na tumama dito. Lalong kumulo ang dugo ko ng mapansin ang tila nang uuyam na tingin nito. Imbes na matakot, ay ginantihan ko ito ng ngisi na ikinataka nito. Hindi pa sya nakaka porma ay nag step round house na ako sabay turning long sa kanyang mukha. "That's what you get for laying your filthy hands on my face," sabi ko rito. Lumapit ako sa pwesto nya kung saan nakahiga ito at sapo sapo ang tinamaan na mukha. Sinuntok ko rin ito sa mukha ng ilang beses hanggang sa mawalan ito ng malay. "Oh ano guys? Tapos na ba kayo? Basic diba?" sabi ko at humarap sa mga kasamahan ko. Laking gulat ko ng makitang parehong nakabusal ang bibig nila at may nakatutok na baril sa mga sentido. Dalawang lalaki ang may hawak sa kanila, ang isa ay humithit muna ng sigarilyo bago magsalita. "Ano miss? Sasama ka sa'min o papasabugin ko mukha ng mga kasama mo?" maangas na tanong nito sa akin. Ang ilan sa mga napatumba namin kanina ay nanghihinang tumayo, halatang iniinda pa rin ang sakit na naranasan at lumapit doon sa may hawak kila Kiel at Benj. "May kasama pa yan Boss, mukhang intsik naroon sa loob ng kotse," sabi ng isa nilang kasama. Ito yung binastos ako kanina. Dahan-dahang lumapit ang iba patungo sa truck, tila nakikiramdam kung may gagawin ako o wala. Nang maramdaman na hindi ako kikilos ay inilabas nila si Logan na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. "Boss jackpot! Ang daming armas dito HA HA," natutuwang sabi ng isa. Nagsisilipan naman ang iba at ng makumpirmang totoo nga ang sinabi ng kasama ay nag bunyi ang mga ito. "Sumunod ka na lang, at wag mo na balakin na tumakas o ano pa. Tandaan mo, hawak namin ang mga kasama mo at mag isa ka lang," sabi ng tumatayong lider nila at nagsimula ng maglakad palayo. Humakbang na rin ako rito habang pinapakiramdaman kung okay pa ba yung isa sa likod ko. Nang masigurong wala na silang ibang gagawin samin ay tahimik kong sinundad ang lider nila patungo sa isang masukal na gubat. End of Flashback "Where have you been? Why are you seperated from us? How did you escape? and hey! Where is Benj huh? Do you —" natigil lamang ang bibig ni Logan ng tinakpan ito ni Kiel gamit ang kamay nya. "You're so noisy, better shut the hell up or else we'll get caught," bulong ni Kiel dito. Umakyat ako sa puno upang masilip kung anong nangyayari. "What are you doing? We might gey caught — hey! Stop it you asshole!" sambit ni Logan ng takpan muli ni Kiel ang bibig nya. "Shuush!" I said while forming a keep silent sign using my fingers. Hindi ko pa rin makita kung anong nangyayari kung kaya't tinalon ko ang katabing puno. Mabuti na lang at nagkakagulo kaya't hindi nila napansin ang ingay na nagawa ko. Nakailang lipat pa ako ng puno, mabuti na lang at nasanay ako sa gubat noon. Sa wakas ay nakahanap na rin ako ng maayos na pwesto kung saan hindi ako kita, pero sila ay kitang kita ko. Ang pinagmulan ng pagsabog ay hindi ko alam, ngunit may tent ng nasusunog doon. 'Yung tent kung nasaan si Benj!" Si Benj! Nakita ko syang tumatakbo palayo, kasama yung matandang kausap nya kanina. Hinahabol sila ng hindi ko mabilang kung ilan pang bandido, kaya pinag butihan ko ang pagtatago. Naghanap ako ng kahit anong pwedeng makatulong sa kanila. Nahagip ng mata ko ang isang matibay na sanga na mapuputol na. Ito siguro yung natapakan ko kanina. Mabilis akong bumaba at namulot ng bato saka dali daling tumaas muli. Hinubad ko ang pony ko, na isang stretchable headband at inayos upang makagawa ng tirador. Isa-isa kong inasinta sa ulo ang mga humahabol sa kanila. "Aray! Sino ba tong lintek na bumato sakin ha?!" pagalit na asik ng tinamaan ko. Kinapa nito ang kanyang noong tinamaan at natatakot na nagsalita. "Dugo! Pre may dugo shet mamamatay na ba ako?!" histerikal na sambit nito. Sila ay napatigil paghabol kila Benj at isa isang nagkatinginan. Nilibot nila ang paningin upang hanapin kung saan galing ang batong iyon. Pagkakataon na ito nila Benj na makalayo lalo at pagkakataon ko na tamaan sila habang nakatigil sa pwesto nila. Natauhan ang mga ito at hinabol muli sila Benj, ngunit bigo sila dahil nakapagtago na ito. Maliksi akong nagpalipat lipat muli ng pwesto upang masundan kung nasaan sila Benj at ng makaalis na kami dito. Ngunit nagulat ako sa nasaksihan ko. Huli na ako. Tatamaan na sana ng bala si Benj ng bigla itong sinalo ng matanda para sa kanya. Mabilis akong bumaba ng puno at hinampas ng napulot kong kahoy ang bumaril dito. Napaluhod ito sa lakas ng hampas ko. Inagaw ko ang baril nito at ipinukpok sa ulo nya, dahilan upang mawalan ito ng malay. "Mang Ben!" hiyaw ni Benj. "Mang Ben! Wag mo akong iwan! Ikaw na lang ang meron ako Mang Ben! Tatakas tayo dito diba po?" maluha luhang tanong nya dito. "Patawarin mo ako hijo hindi —" umubo ang tinawag nyang Mang Ben bago muling magsalita. "H-Hindi ko na kaya hijo. Sana ay maging ligtas ka dahil —"naubo muli ito, ngunit may kasama ng dugo. "Ipinangako ko noon sa k-kuya Benjo mo na aalagaan kita. Kaso ay bigla ka na lamang nawala pag gising ko ng umaga," napatigil ito sa pagsasalita at hinabol ang hininga. "Mang Ben, wag na muna kayong magsalita. Ililigtas ko po kayo okay? Baka may marunong mang gamot sa kasamahan ko, tutulungan namin kayo Mang Ben," naiiyak na wika ni Benj. Umiling lamang ang matanda ang tahimik na lumuha. "I-Ingatan mo ang sarili mo anak, pilitin mong mabuhay sa kabila ng lahat. Wag mong hayaan na lamunin ng galit ang puso mo. Matuto kang tumanggap at," binigyan n'ya ito ng payapang ngiti bago nagpatuloy, "...magpatawad," huling sambit nito bago tuluyan mawalan ng hininga. "Mang Ben hindi! Hindi pwede! Mang Ben huwag n'yo po akong iwan! Hindi na po ako magiging pasaway," umiiyak na sambit ni Benj. "Hindi ko na po kayo iiwan," dugtong nito at tuluyan ng humagulgol ng iyak. Dali dali akong lumapit dito at niyakap sya. "S-Sino ka— ate Meaghan? Ate!" sabi nito at muling umiyak sa balikat ko. Nasa ganoon kaming position ng dumating sina Kiel at Logan, kapwa may hawak ng baril at bitbit ang bag namin na pinaglagyan ng armas. Nagtataka ang mga itong lumapit, ngunit napatigil ng makita ang bangkay sa tabi namin. Nagpalipat lipat ang tingin nila kay Benj at kay Mang Ben, saka ay naaawang tumingin sa una. Lalapit na sana sila ng may sumabog malapit sa direksyon namin. "Hayun sila! Hulihin nyo at patayin! Napaka laking perwisyo na ng dulot nila!" sigaw ng isang bandido habang may nakatutok na bazooka sa aming pwesto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD