13

1206 Words
Benj's POV Dali dali akong itinayo ni ate Meaghan at patakbong hinila. "Hindi! Hindi ko iiwan si Mang Ben!" sigaw ko sa kanila. Hindi pa rin ako makapaniwala, wala na si Mang Ben. Ang taong kasama namin ni kuya mula pa noong nagkagulo dahil sa gyera. Flashback Malalim na ang gabi at mahimbing na ang tulog ko ng maalimpungatan ako dahil sa ingay. Dahan dahan akong nagmulat at pilit kinapa si Kuya Benjo sa tabi ko. Tuluyan ng nagmulat ang mata ko ng hindi ko sya makapa. Nakita ko syang aligaga na nag iimpake ng mga damit namin. "K-Kuya, anong meron? Bat ka nag —" naputol ang sasabihin ko ng may pagsabog na naman akong narinig. Bahagya rin umuga ang lupang kinatatayuan ng maliit na bahay namin. Dali dali akong tumakbo sa kanyang pwesto at nagtago sa likod nya. "Kuya anong meron? Bakit gan'to?" natatakot na tanong ko rito. Hindi nya ako tiningnan bagkus ay patuloy lang sa pag impake ng mga gamit namin. Binalingan ko ang bukas na tv at bumungad sa akin ang mukha ng isang sikat na tao dito sa Pilipinas. "Isang nagbabagang balita mga kabayan, nag mistulang battle ground ang metro manila dahil sa walang patid na pagsabog at putukan. Narito tayo ngayon sa palasyo upang hingiin ang opinyon ng kataas taasang heneral na si General Abeita." "Magandang gabi sa inyong lahat. Sana ay mapayapa pa rin ang gabi ng mga nasa ibang lugar. Ang giyera na nagsisimula ngayon ay ang simula ng WWIII. Ang hidwaan sa pagitan ng America at China at kanilang mga kaalyado, ay nagresulta sa digmaan na ito. Nagpakalat na kami ng aming mga sundalo at kapulisan upang tulungan ang naiipit sa digmaan na ito. Hinihintay lang namin ang anunsyo ng presidente kung kanino kami papanig sa laban na ito. Sana ay mag ingat kayong lahat at antayin ang mga sundalo at kapulisan na dalhin kayo sa mas ligtas na lugar. Yun lang at salamat sa pag unawa." "May gyera na nagaganap ngayon Benj, kelangan na nating lumikas dahil dito sa Maynila ang battle ground nila," sagot sa akin ni Kuya Benjo at isinarado ang zipper ng maleta. Kinuha ko na rin ang ilang gamit ko at isinilid sa backpack. Nauna na si kuya na lumabas, nasa pinto na ako ng biglang may sumabog sa may mismong bahay namin na naging dahilan ng pag guho nito. "Kuya!" "Benj!" Napaupo na lang ako sa lakas ng pagyanig. Tinamaan ang bahay ng malaking debris galing sa building na katabi namin. Gumuho ang bahay at lumiit ang daanan ko. "Kuya Benjo! Tulungan mo ko! Kuya!" pagsigaw ko. "Antayin mo ko Benj! Tinatanggal ko na 'yung bato!" Unti unti na ring gumuguho ang ilang haligi kaya nilakasan ko pa ang sigaw ko. "Kuya bilis!" "Kuyaaa!" Madadaganan na sana ako ng bato ng biglang may humila sakin palabas, sakto sa pag guho ng buong bahay. "Nako d'yos ko salamat po! Benj okay ka lang ba?!" histerikal na tanong ni kuya. Nanginginig akong tumayo sa kanya at binalingan ang taong humila sa akin kanina. Napatingin naman si kuya Benjo dito. "Ah, naku sobrang salamat po sa pagligtas nyo sa kapatid ko! Tatanawin ko itong malaking utang na loob uhh," napatigil si kuya, hindi alam ang pangalan ng matandang kaharap. "Ben, tawagin nyo na lang akong si Mang Ben," sabi nito at nakipag kamay sa amin. "Excuse me po, dito po tayo sa sasakyan. Dadalhin namin kayo ngayon sa evacuation center," sabi sa amin ng kakalapit lang na sundalo. Tumango naman kami at walang sabing sumunod patungo sa malaking truck na naglalaman ng iba naming ka brgy. Mahaba haba na ang naging byahe namin, mula sa Maynila ay nasa bandang Rizal na kami. Mas tahimik na dito at humina na ang nadidinig namin na putukan. "Ano po general? Wala ng space? Pero paano po ito? Marami pong evacuees mula Maynila... pero... sige po masusunod." Nagulat na lang kami ng itinigil ng driver ang sinasakyan namin. "Pasensya na kayo, punuan na daw sa evacuation centers. Magsibaba na muna kayo, babalikan na lang namin kayo dahil mangangaon pa kami ng ibang nangangailangan ng tulong," sabi nito at pinasibad ang sasakyan. Nagkatinginan kaming lahat, hindi alam kung saan pupunta. "Maglakad lakad na muna tayo, baka sakaling may mahanap tayong masisilungan ngayon," sabi ni kuya Benjo sa kanila. Wala namang nag reklamo at nagpatuloy kami ng lakad. Walang anu ano ay may namataan kaming lumang lugar. Ito yung nabalitaan namin na slums area na nagkaroon ng malaking sunog ilang buwan na ang nakakalipas. Wasak na ang karamihan sa bahay dahil sa sunog, pero dahil sa biglang pagbuhos ng ulan ay wala kaming nagawa kung hindi magsiksikan at sumilong sa tagpi tagpi at masikip na lugar na iyon. Nagpunta sa harapan si Mang Ben at nagsalita sa aming lahat. "Makakaraos rin tayo mga anak, may awa ang Diyos." End of Flashback Doon kami nagsimula. Kung wala sya noon ay baka hindi na ako buhay ngayon. Utang ko sa kanila ni kuya Benjo ang buhay ko. Doon naman sa slums area ay nagsimula kami ng bago. Naghanap kami kaagad ng alternate na pwedeng gawin na bahay, at unti unting bumangon muli sa pag gabay nila Kuya Benjo, Mang Ben at iba pa naming kasamahan. Patuloy kaming hinahabol ng mga bandido, kaya mas binilisan namin ang pagtakbo. "Who the f**k brings the fcking bazooka huh?!" pagalit na tanong ni ate Meaghan. Umiling lang si kuya Kiel at paismid na binalingan si kuya Logan na hindi makatingin sa gawi namin. "You stupid idiota! Now taste your own medicine!" sigaw ni ate Meaghan habang umiiwas sa pagsabog galing sa bazooka. "Ha! Hinding hindi nyo kami matatakasan!" sabi nung isa. "Nakakahiya ka Benj! Tinuring ka naming pamilya tapos ito ang igaganti mo? Sasamahan mo sila pagtakas?!" pasigaw na tanong ng taong kilalang kilala ko. Napatigil ang lahat at tumingin sa gawi ko. Nagtataka kung anong ibig sabihin ng tinuran ni Brandon. "Hindi ganito ang pangarap ko Bran! Hindi ito ang pangarap ni kuya Benjo sa ating mga ka samahan! Bakit kayo nagkaganyan ha? Nakakahiya ka! Apo ka pa naman ni Mang Ben na napakabuti pero ikaw ang promotor nito!" balik sigaw ko. Lalo itong nagalit ng banggitin ko ang pangalan ng kanyang ama. Itinutok nito ang hawak na baril sa akin at sumigaw. "Pagsisisihan mo lahat ng ito Benj! Tandaan mo 'yan! Kung hindi ka niligtas ni tatay ay hindi sya mawawala! Sinisiguro kong magsisisi ka pag nalaman mong ang pumatay sa kapatid mo ay kilala mo pala! Ha! At tatawan—" naputol ang sasabihin nito ng hinila ako ni Kuya Kiel. "Bilisan nyo na! Tumakas na tayo kung gusto nyo pang mabuhay!" sigaw nito. "Ha! Magsisisi ka Benj! Kilalanin mo kung sinong pinagbibigyan mo ng tiwala dahil sila ang sisira nito!" Napatigil ako at napaisip sa sinabi nya. 'Magsisisi? Bakit? Anong tiwala? Anong alam nya sa pagkamatay ni kuya Benjo?' mga salitang nagpapaulit ulit sa isip ko. Natigilan ako pag iisip ng maramdaman ang balang tumagos sa tagiliran ko. "Sht! Benj!" sigaw ni kuya Kiel at dali-dali akong pinasan sa likuran nya. "What shall we do now huh?" pasigaw na tanong ni Kuya Logan habang tumatakbo. Hindi ko na alam ang nangyari dahil bumigat na ang talukap ko at tuluyang nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD