04

1480 Words
Meaghan's POV Damn Sana pala ay hindi na ako umalis. Hindi ko alam kung makakayanan kong labanan ang ganito karaming zombies. Inikot ko ang aking mata sa pag baka sakali na may mahahanap akong pwedeng taguan o takasan. Sakto at nakita ko ang isang itim na kotse na bukas ang pinto. Bago pa man makalapit ang horde sa akin ay tinakbo ko na ang distansya papunta sa kotse. Bawat dinadaanan ko ay pilit hinaharangan ng iba kaya wala akong choice kung hindi saktan sila. Sinipa ko sa tiyan ang isang zombie na malapit sa akin saka tinagpas ang ulo nito gamit ang itak na hawak ko. Sumirit ang dugo nito bago tuluyan mawalan ng buhay. Suntok at sipa sabay saksak sa dibdib ang paulit ulit kong ginagawa hanggang sa makarating ako sa pupuntahan ko. Nakapasok pa ang susi dito. Dali dali akong sumakay at isinarado ang pinto at bintana. Pilit hinahampas ng mga zombie ang salamin kaya inistart ko na ang sasakyan. Hindi pa ako nakakalayo ng biglang may umungol sa backseat. "Gnaaarrr." Sht! May isang lalaking zombie sa likuran at muntik na akong masunggaban! Buti na lang at napihit ko pakaliwa ang manibela kung kaya na out of balance ito. Dali dali kong kinuha ang pocket knife sa gilid at pinagsasaksak ito bago pa man ako ang makagat nito. Nagkalat ang dugo at mabahong amoy sa kotse kung kaya binuksan ko ang bintana at dali daling umalis sa lugar na iyon. Benj's POV Napuno ng tawanan at kwentuhan ang loob ng kotse. Kahit nauubusan na ko ng english pagkausap dito ay okay lang. Sabi nya, sya daw si Logan Xi, isang filipino-chinese. Hindi sya masyadong marunong sa tagalog kaya puro english ang usapan namin. Masaya syang kasama, nakakalimutan ko pansamantala ang problema. Sa tingin ko ay kaedad lamang sya ni Kuya. Magkakasundo sila kung sana ay... Hay ayoko na munang alalahanin. Flashback Pagkatapos ng nakita ko doon, tumakbo ako pabalik sa slums area, at doon ko nakita ang nag aalalang mukha ni Mang Ben. "D'yos ko po ikaw bata ka! Aatakihin ako sa puso sa iyo! San ka ba nagpunta ha? Malalagot ako sa kapatid mo kapag —" hindi na nito natuloy ang sasabihin sapagka't humagulgol na ako ng iyak. "Ano bang nangyayari sayong bata ka? Saan ka nagpunta at bakit ka umiiyak? May nangyari ba?" sunod-sunod na tanong nito. Kumalma muna ako bago ko ikinuwento lahat ng napagdaanan ko. Nanatili lang tikom ang bibig nito, tila may gustong sabihin at nag dadalawang isip kung itutuloy pa ba ito o hindi. "Mang Ben, bakit po ganun? May alam po ba kayo? Ano bang ginawa ni kuya sa kanila! Mabait naman sya pero bakit kelangan pa syang patayin!" at nagpatuloy ang pag iyak ko. "Ako ay nalulungkot sa napagdaanan mo at ng kapatid mo. Napaka buting bata nya. Lahat gagawin nya para sayo," saad nito. "Lahat nga nagawa nya para sayo, pero ito ang kinahantungan nya..." hindi ko na narinig ang huling sinabi nya dahil pabulong na lamang ito. Ilang buwan din akong nakatulala at walang gana sa lahat. Nag aalala na si Mang Ben sa akin kung kaya't kinausap nya ako. "Benj hijo," panimula nito. "Alam kong nagluluksa ka sa pagkawala ng kuya mo, pero hindi pwedeng ganyan ka na lamang palagi. Ultimo pagkain ay hindi mo ginagawa, ang laki na ng pinayat mo. Hindi mo na pinagtutuunan ng pansin ang pag-aaral mo, hindi ka na tumutulong kay Ate Layla mo..." Ang tinutukoy nito ay ang guro na si Teacher Layla. Kahit pa nagkaroon ng digmaan at nalipat kami sa masikip na koral na ito, hindi ito naging hadlang sa kanya at sa iba pang bata na gusto matuto kahit wala sa eskwela. Halos lahat ng bata, matanda, kahit ano pang edad ay nagpapaturo sa kanya ng mga basic tulad ng pagbasa, pagsulat at pagbibilang. Katulong nya kami, at ang ilan na nagkaroon ng maayos na edukasyon bago pa man magsimula ang WWIII. Patapos na sana ako ng grade 10, halos tatlong buwan na lang bago ang inaasam naming graduation kaso ay hindi ito natuloy dahil sa nangyari. Mas malala ito kumpara sa pandemya na dulot ng covid noong nakaraang dekada. Anim na taong gulang pa lamang ako ng kumalat ito sa Pilipinas, at isa ako sa maswerte na nakaligtas ng buhay kahit pa nag positive ako noon. "Mang Ben kasi, hanggang ngayon iniisip ko kung bakit nangyari kay kuya iyon. Wala naman kaming kaaway noon, kaya anong karapatan nila na kuhain ang buhay nya?" Masakit pa rin ang alaala ng pagkawala nya, pero nakakaya ko ng pigilan ang luha ko. "Benj hijo, hindi ko alam kung sasabihin ko ito sayo kasi wala naman ako sa posisyon para gawin yon..." nagdadalawang isip ito kung sasabihin sa akin o hindi ang nalalaman nya. "Mang Ben, sabihin nyo na po. Gusto ko lang matahimik at masagot kahit ang ilang katanungan lang please," pakiusap ko rito. Wala naman syang ibang nagawa kundi ang mag buntong hininga at umupo sa tabi ko. "Si Benjo, napaka-bait na bata nyan. Isa sya sa tumulong magligtas ng ibang tao at dalahin sila dito kahit maliit lang ang lugar natin," panimula nito. Mataman lang akong nakikinig sa lahat ng sinasabi n'ya. "Ngunit dahil sa dami ng mga tao, nagkulang tayo sa rasyon ng pagkain. Ang gobyerno, halos pinabayaan tayo. Wala na kaming makuhang ayuda o ano pa man kaya natatakot ang mga tao na maubos ang stock ng pagkain dito," dugtong pa nito "Naisip nya na mamasukan kay Don Beauford, isang haciendero sa kabilang bayan. Mayroon syang malawak na tanim ng palay at iba't ibang klase ng prutas at gulay," tumigil ito na tila nagda dalawang isip kung itutuloy pa ba o hindi. "Ituloy nyo po, gusto kong malaman ang nangyari," pirming sagot ko. Tinuloy nya naman ang kwento. "Sa tuwing umuuwi sya dito apat na beses sa isang linggo, palagi syang may dala na ilang kaban na palay at iba't ibang klase ng prutas, gulay at mga hayop. Kasa kasama nya yung mga tauhan ni Don Beauford pagbitbit ng mga iyon. Natuwa ang lahat kasi kahit papaano ay nakakasurvive tayo dito." Naalala ko 'yun, yung mga panahon na ilang beses sa isang linggo lang kami magkita, pero palagi nya akong pinapasalubungan ng nakabukod na donut o ano man na madadala nya. Nangiti ako sa alaala na iyon. "Pero nung mga huling linggo nya, lagi syang balisa. Pag tinatanong naman namin sya, ang lagi nya lang sinasabi ay okay lamang sya, walang nakakaalam ng nangyayari sa kanya. Kaya isang araw nung umalis sya ay sinundan ko sya. Masyado na akong matanda kaya mabagal ang kilos ko. Nakita ko sya jan sa kabilang bayan na may hawak ng baril, at may taong duguan sa harapan nya," tumingin ito sa akin bago nag patuloy. "Pagkauwi nya ay kinompronta ko sya. Inamin nya ang kasalanan nya. Ang inuutos sa kanya ng don ay ang patayin lahat ng hadlang dito. Wala syang sinabi kung anong klaseng hadlang, kaya hindi ko rin alam kung ano ba ang usapan nila," tumigil ito saglit at nag buntong hininga. "Sinabi nya na ginagawa nya ito para sa lahat, lalo na para sayo. Tutuparin nya ang pangako nya sa mga magulang mo. Iaalis ka nya sa masikip na lugar na ito at hahanap ng mas maayos na pag tutuluyan nyo," dugtong nito Akala ko matagal ko ng tanggap, pero dahil sa mga narinig ko ay napaiyak muli ako. "Bakit naman ganon si kuya? Hindi ko naman kailangan ng marangya na buhay, okay na ako basta magkasama kami," wika ko. "Magbabagong buhay na sya, yun ang sinabi nya sa akin noong huling paalam nya. Kukuhain nya lamang sa don ang bayad nito sa lahat ng tinrabaho nya," tumigil ito at tumingin sa madilim na kalangitan. "Pero hindi na n'ya natupad. Hindi ko akalain na magagawa ng don iyon sa kanya. Kaya naipangako ko sa sarili ko na aalagaan kita, dahil yun ang alam kong sasabihin sa akin ng kuya Benjo mo..." dugtong nya. Kasunod nito ay ang pag una unahang pag bagsak ng malalaking butil ng ulan mula sa madilim na kalangitan, hanggang sa nag tuloy tuloy na ang pagbagsak nito. Pati ang langit ay nakikiramay sa nararamdaman ko. End of Flashback Natigil lang ako sa pag alala ng biglang iniliko ni Kuya Logan ang manibela. Muntik na akong mahampas sa unahan, mabuti na lang at nakasuot ako ng seatbelt. "Ano ba yan? Magpapakamatay ba tayo?" biro ko dito. Hindi ito nagsalita saka buong bilis na pinaharurot ang sasakyan. "Kuya Logan ano bang problema mo?!" bulyaw ko dito. Paano ba naman, halos lumipad na ako sa sobrang bilis kung hindi lang ako naka seat belt. Hindi nya pa rin ako sinagot kaya tinuon ko na lang ang pansin ko sa harapan, at hindi ko inaasahan ang nakita ko. Isang black na kotse ang mabilis din na nagda drive palayo sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD