10

1263 Words
Kiel's POV Everyone seemed shock after hearing what she said. Sino ba naman ang hindi magugulat diba? Anak ng general pala ang kasama namin all along. Naka recover na rin si Benj, except kay Logan na parang tangang hindi pa rin makapaniwala. 'Pfft. He looks stupid.' Meag gracefully walks, avoiding every obstacle she encounters. After a minute ay narating na rin nya ang front door at pinasok ang bahay. It took her atleast 5 minutes bago sya lumabas at sinenyasan kaming sumunod na. We are still careful habang humahakbang papasok sa kanila, mabuti ng sure lol. "Welcome to our humble abode guys," bati ni Meag samin. Lahat ay tulala sa ganda ng interior design ng bahay. Nagkanya kanyang libot ang iba. Sa library ako dumiretso samantalang si Benj ay sa kusina at si Logan naman ay sa sala. 'Basics of Military' 'Compilation of World War Articles' 'Bunker Codes' 'Survival Guide' Ilan lang yan sa laman ng malaking library na ito. Puro tungkol lang naman sa wars, klase ng guns at military ang nandito. Sabagay, ano pa ba ang ie expect ko? Highest ranked general ang nakatira dito. Kinuha ko ang librong may title na Survival Guide at lumabas na. This might help us in the future. Nasa sala na lahat pagbaba ko. "Kumpleto na tayo, let's start. Follow me," utos ni Meag. Sumunod naman kami sa kanya. Pumasok sya sa isang mini office kaya sumunod din kami. Pagkapasok, kung titingnan ay normal office lang ito. May isang table at dalawang chairs, ilang books at ibang documents na nakakalat. Sa pader naman ay may nakasabit na iba't ibang klase ng baril at espada. "Dito na yon ate Meag?" takang tanong ni Benj "Yeah we could use the guns in here, but where are the bags your talking about? And for sure that BIG guns won't last long since we don't have spare bullets," segunda ni Logan. Hindi na lamang sumagot si Meag at kinuha ang katana. Napaatras naman si Logan sa gulat. "Hey chill, I'm just joking okay? No need to s***h me like you did to those zomzoms." Inirapan lamang ito ni Meag at isinaksak ang hawak nya sa angel figurine sa kwarto. Akala namin ay mababasag yun ngunit wala namang nangyari, mukha lang syang gawa sa babasagin na material pero yung puso na sinaksak ni Meag ay parang keyhole. "Wow!" "Ang galing!" Paghanga ng mga kasamahan namin. Bigla na lamang may nabuksan na lagusan pababa. Isang underground hide out. Nagtuloy tuloy lang kami at pare parehong humahanga sa loob. Metal ang paligid nya, at higit sa lahat punong puno ito ng gamit pang militar! Mula sa high quality guns to 3 tier armors and sharp melee weapons ay kompleto ang silid na ito. Pinagbabato kami ni Meag ng tig-iisang military backpack samantalang tactical backpack naman ang kanya. Ang pinagkaiba nila, di hamak na mas malaki at matibay ang tactical backpack dahil gamit ito ng ng navy mismo. "Kuhain nyo lang kung anong kaya nyo. Much better kung madali lang syang i wield para hindi hassle kapag marami tayong kalaban," sabi ni Meag Nag kanya kanya kaming kuha ng gamit. Nagsuot na kaming tatlo ng 3 tier armor, yung mga armor na suot ng militar mismo. Kumuha na rin kami ng pistols at machine guns pati bala nito. Nagdala na rin ako ng shotgun para sure. Katana ang kinuha ni Meag samantalang Machete naman kay Benj. Metal baseball bat ang kay Logan samantalang saw blade mace ang dala ko. Modified ang mace na ito dahil oak ang grip nito at upgraded ang blade. Kumuha na rin ako ng machete at butterfly knife in case na mapalaban ako in short range. "Are we all set?" tanong ni Meag. She looks so fierce wearing military suit. 'Bagay na bagay.' Naipilig ko ang ulo ko sa naiiisip at nauna ng lumabas. 'Geez Kiel, hindi pwede yan,' paalala ko sa sarili. Nasa loob na kami ng kotse at inaantay sya. Nai on nya pa kasi uli yung security sa kanila. 'Goodluck na lang sa papasok.' Ako ang naka assign mag drive ngayon since sa farm kami pupunta. 'Sa Beauford farm...' napangiti na lang ako ng mapait sa naiiisip at sinimulan ng magbyahe papuntang Rodriguez. Mahaba haba ang naging byahe namin kung kaya't inabot na kami ng gabi. Masyado ng madilim kaya naisipan naming maghanap na lang uli ng matutuluyan. Nasa bandang magubat na parte na kami ng Cainta, malamig at madilim. Himala at walang zombies na sumasalubong sa amin. "Isn't it weird guys?" takang tanong ni Logan mula sa likod. "In other places we crossed earlier, they were zombies. It's weird that there are no zombies roaming around here," dugtong pa nito. Napaisip naman kami sa sinabi nya. Totoo naman, mula ng pasukin namin ang kahabaan ng daan na ito ay wala kaming nakikitang pagala gala na zombies. Maski isa wala, at yun ang nakakapagtaka. Natigilan ang pag iisip namin ng bigla na lang tumigil ang sasakyan. Parang may pumutok sa likod kung kaya't napasubsob kaming lahat sa biglaang pagpreno ko. "What the hell was that huh?" "Ano yon Kuya?" Nagising naman si Meag mula sa shot gun seat sa biglang pag tigil namin. "Dito na ba tayo? *yawn*," tumingin tingin sya sa paligid at nagtaka kung bakit nasa gitna pa rin kami ng kalsada. "Oh? Nasaan na tayo? Eto na ba yung farm na sinasabi mo?" takang tanong nito. Hindi pa ako nakakasagot ng may biglang kumalabog sa likod. "Damn! I've been told that there are monsters here! What do you call it? Asawa? Asawang?" "Stronzo! It's aswang and stop blabbering bullshts, they ain't even real," sagot ni Meag kay Logan. "Duh! Zombies became real! What more for that asawang to —" Natigil ang pagsasalita ni Logan ng biglang may kumalampag sa bintana namin. Nanginig sa takot ang dalawa sa likod samantalang kami ni Meag ay walang emosyon na nakatingin sa kung ano man ang nang gugulo sa amin. "Baba! Magsi baba kayo o hihilahin ko pa kayo ha?!" maangas na sigaw ng hindi ko kilalang lalaki. Paunti-unti ay nagsilabasan ang iba pang tao na naka suot ng itim at may dala dalang itak at pang hataw na kahoy. Naka maskara sila lahat kaya hindi ko makita ang mga itsura nila. "Ano ng gagawin natin mga Kuya? Ate Meaghan?" natatakot na tanong ni Benj. Pare-pareho kaming walang kibo, nag iisip kung paano tatakasan ang nasa sampung mga tao na nakapalibot sa amin. Surely we have guns, pero we are definitely outnumbered. Yung guns pa namin ay nasa compartment, at hindi namin yun makukuha kung hindi kami lalabas dito. Nagulat ang lahat ng buksan ni Meag ang pinto at walang emosyong lumabas ng sasakyan. "Witwiw pare naka tyamba tayo! Sundalong napapaka ganda at sexy haha," sabi nung isa. "Miss beautiful, hindi ka masasaktan kung iki-kiss mo ko hihi," sabi naman ng isa at lumapit kay Meag. "Hey! Don't you dare touch her you stupid idiots! Never lay your filthy hands on her!" sigaw ni Logan at dali-daling lumabas ng truck para tabihan si Meag. Lumabas na rin kami ni Benj at naghanda, kung sakaling mapalaban kami. "Sino ka ba ha?! Hahawakan ko lang naman si Miss Beautiful—" hindi pa lumalapat ang kamay nung lalaki ay lumapat na ang paa ni Meag sa mukha nito. Round house kick, wow. Nabigla naman ang mga lalaki at hinigpitan ang hawak sa mga dala nila. Napapalibutan kami, wala kaming takas. Yung sumabog kanina ay gulong, na tiyak ay binutas nila. Damn, fighting zombies are way better than fighting with fellow survivors. Oh God, please let us survive.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD