09

1005 Words
Benj's POV Pasikat na ang araw ng maalimpungatan ako. Parang may mahihinang kaluskos akong naririnig sa labas. Hindi ko sana ito papansinin ngunit palakas ito ng palakas na tila may sinisira kaya naisipan ko ng bumangon. Sa kwarto ako nakahiga at katabi ko si kuya Logan. Naalimpungatan din ito sa biglang pagbangon ko. "Sshh kuya, naririnig mo ba yon?" tanong ko rito. Mukhang wala pa ito sa sarili kaya niyugyog ko sya. "Pakinggan mo, parang may sumisira ng harang sa labas," sabi ko pa. Tila natauhan naman ito at tumayo. Dali dali syang sumilip sa konting siwang sa bintana. "Sht! We're surrounded AGAIN! When will this ever stop huh?" naba-badtrip na sabi nito. Lumabas na ako ng kwarto at naabutan si kuya Kiel na nakaupo sa sofa, tipong kakagising lang din. Sinabi ko rito kung anong nakita namin sa labas, at mabilis nitong inayos ang mga gamit na dadalhin namin. Papasukin ko na rin sana sa isa pang kwarto si ate Meaghan na bigla itong bumukas. Hindi pa ako nagsasalita ng binitbit nya ang bag nya palabas ng sala. Dumiretso muna sya sa kusina, at pagbalik ay may timplado ng kape para sa aming lahat. "Umalis na tayo dito, habang hindi pa sila tuluyang nakakapasok." Sinunod naman namin ito. Dumaan kami sa may kusina at lumabas na ng bahay. Mabuti na lang at dito lang sa likod nai- garahe ang truck kaya madali kaming nakatakas. Nakaupo ako sa back seat katabi si kuya Kiel, samantang si kuya Logan ang nasa shotgun seat at si ate Meaghan ang nagda drive. "So saan tayo ngayon? Saan ba yung sinasabi mong farm Benj?" tanong ni ate Meaghan. "Anong farm? Yun bang sa mga sinugod nyo kahapon?" Tanong ni kuya Kiel Nagtataka akong lumingon dito "Paano mo nalaman na may farm ang mga Beauford?" tanong ko Natulala sya saglit, waring may malalim na iniisip, bago tuluyang sumagot. "Doon kasi ako nag trabaho dati kaya alam ko," tanging sagot nito. "Well, that's good to hear! Atleast we have an idea on how to get there or what items can we steal," ani kuya Logan "Sa San Mateo yun, pero masyadong malawak. Hindi rin makakapasok itong truck sa loob dahil makipot ang daanan papunta dun. Dapat ay may malaki tayong paglalagyan ng gamit, para ilang balik lang din tayo. For sure, madaming zombies dun kaya mahirap magpabalik balik," sagot ni kuya Kiel. Sa totoo lang, wala kaming lagayan na malaki bukod sa compartment nito at maliit na space dito sa loob. Tanging backpack lang na laging dala ni ate Meaghan, at maliit na string bag na dala ko mula pa noong umalis ako sa slum area ang lagayan namin. For sure, makakailang balik talaga kami kung iyon lang ang dala namin. Katahimikan ang bumalot sa loob ng kotse, ng mapagpasyahan ni ate Meaghan na magsalita. "I know a place where we could get military and tactical backpacks, as well as protective gear and some weapons to help us survive the Beauford's farm." Nag lighten up naman ang mukha namin. "Really? Where? And how did you know all of these huh?" takang tanong ni kuya Logan. Hindi ito sumagot, bagkus ay pinagpatuloy ang pagdadrive. Inabot rin kami ng oras pagbabyahe, dahil traffic na dulot ng mga abandonadong sasakyan sa kalsada. Sa Mandaluyong pala yung lugar na tinutukoy nya. Pumasok kami sa isang malawak na subdivision, at may pailan ilan na zombies kaming nakikita sa paligid. Tumigil kami sa tapat ng isang malaking bahay, sa dulo ng subdivision na ito. Mabuti at pinakadulo ito, kaya halos walang zombie na nagagawi rito. Bumaba na kami ng sasakyan. Papasok na sana ako ng biglang hinablot ni ate Meaghan ang kamay ko, napasubsob tuloy ako sa lapag. "Aray ko naman, may prob—" naputol ang sasabihin ko ng makitang may nakausli sa lupang tatapakan ko sana kanina. "Wag kayong magpa dalos dalos ng gagawin, puno ang lugar na to ng traps. Isang maling galaw mo lang ay tiyak na ang pagka hospital mo, but since walang operational na hospital ngayon, antayin mo na lang na mamatay ka sa pagkaubos ng dugo," tuloy tuloy na sabi ni ate Meaghan. Sila kuya Logan at kuya Kiel naman ay mukhang namamangha na natatakot sa narinig. Naigala ko ang paningin sa paligid at nakitang may mga nakahandusay na mga zombie sa lapag. May ilan na mukhang kakamatay lang, samantala ang iba ay mukhang naaagnas na. "Kung nagtataka kayo kung bakit namatay yung zombies dito, meron iba't ibang klase ng traps dito. Yung aapakan mo sana kanina ay isang landmine, automatic na sasabog ang lupang tinapakan mo. Meron din na trip wires, na pag napatid ka ay mahihiwa ka o kung mamalasin ka naman ay makukuryente kung sakaling on ang electric circuit nito," huminga muna ito ng malalim bago nagsalita, "at nakikita nyo ba yang lion figurine na yan? Jan sa bibig nyan ay naglalabas ng bala, pag na sense kayo nito within it's vicinity at hindi registered ang mukha nyo, paniguradong kamatayan ang aabutin n'yo," dugtong pa nito. "What? That's insane! Let's just get out of here! Like who the hell will put a lot of traps in their house? Like what kind of a weird family are they?" sarkastikong tugon ni kuya Logan. "I think that's normal for this family to have this kind of security," sagot ni kuya Kiel. "And why is that? Their just plain stupid for risking other people's lives," sagot naman ng isa. "Because we just entered the Abeita Haven." "And what's the point? Why—" hindi na natuloy ni kuya Logan ang sasabihin dahil nagsalita na ako. "The Abeita's are one of the most powerful family in this country," singit ko. Taka pa din itong nakatingin sa akin, "and the highest ranking general in the Philippines is no other than General Abeita, the owner of this house himself." Katahimikan ang bumalot sa lahat. Dahan dahan kaming tumingin kay ate Meaghan, na ngayon ay walang reaksyon ang mukha. "And the general you're talking about is my father. I'm Meaghan Lewis Abeita, and welcome to my home."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD