Nine

1209 Words
"Ang pagpasok sa relasyon ay hindi laro. Damdamin ang naka taya dyan. Hindi masusukat ang pagkalalaki o pagkababae mo sa dami ng relasyong napasukan mo. Hindi mo masusukat ang ka-gwapuhan o ang kagandahan mo dahil lang sa relasyong dumaan sa buhay mo. Wag kang magbilang ng taong lolokohin. Wag mong bilangin ang taong nananakit sa iyo. Wag pumasok sa relasyon kung makikipag hiwalay din. Masarap umibig, alagaan niyo yan. Mapag-uusapan at masosolusyonan ang lahat ng problema. Hindi yan darating sa inyo kung hindi niyo kayang ayusin. Kung nakaka-relate ka kahugot, mag-isip isip ka na. Will you accept your weakness and let go or will you be brave enough and hold on? It’s your choice. May requested song ang isang kahugot natin, kelangan kong iplay kasi pag hindi ay aawayin na naman nya ako haha! Pangit! Panindigan mong pagka Alipin mo ha! See you later!" ♪ ♪ Alipin ♪ ♪ 'Di ko man maamin Ikaw ay mahalaga sa akin 'Di ko man maisip Sa pagtulog ikaw ang panaginip Malabo man ang aking pag-iisip Sana'y pakinggan mo Ang sigaw nitong damdamin Ako'y alipin mo kahit hindi batid Aaminin ko minsan ako'y manhid Sana ay iyong naririnig Sa 'yong yakap ako'y nasasabik Ayoko sa iba Sa 'yo ako ay hindi magsasawa Ano man ang 'yong sabihin Umasa ka ito ay diringgin Madalas man na parang Aso at pusa giliw Sa piling mo ako ay masaya Ako'y alipin mo kahit hindi batid Aaminin ko minsan ako'y manhid Sana ay iyong naririnig Sa 'yong yakap ako'y nasasabik Pilit mang abutin ang mga tala Basta sa akin wag kang mawawala... Ako'y alipin mo kahit hindi batid Aaminin ko minsan ako'y manhid Sana ay iyong naririnig Sa 'yong yakap ako'y nasasabik Pagkat ikaw lang ang nais makatabi Malamig man o mainit ang gabi Nais ko sanang iparating Na ikaw lamang ang s'yang aking iibigin..♪ ♪♪ ♪ Nangangarap habang malayo ang tingin ni Aeris, la syang pakialam kahit nagkakagulo ng mga kaibigan nya sa pag aasikaso kay Prick na muntik ng malunod, buti may sumagip ditong babae kung hindi baka paglalamayan na nilang kaibigan. "Hoy Aeris, tumulong ka naman! tangnang to, wala ng ginawa kundi ang tumunganga at makinig sa radyo e." "Kahapon pa yan ganyan, di makausap ng maayos parang baliw, nakangiti tapos tatawa ng malakas, ang taas ng amatz e!." Naririnig naman nyang reklamo nila Zylven at Mark pero nagbibingi bingihan lang sya. Masyado syang masaya't maligaya para pansinin pang mga bubuyog na nagbubulungan di kalayuan sa kanya. Pagkatapos nyang marinig ang ni request na kanta kay Xue tumayo na syat namulsa saka naglakad palabas ng cottage.. Babalik na syang Manila gusto na nyang makita si sungit, pagkaalala nya sa dalaga napangiti sya't napailing iling ang hindi nya alam na pinagmamasdan pala sya ng dalawang kaibigan na tapos ng asikasuhin si Prick. "Sabi ko naman sayo Bro, e! Kelangan ng dalhin sa psychiatrist yang baliw na yan!" "Lentek! Anuna bang nangyayari sa mga kaibigan natin Mark? Si Prick, nagtangkang magpakalunod tapos ito namang ungas na'to nabaliw.. Hays! Sino pa kayang susunod sa dalawang 'to, tingin mo?" Seryoso ang mukhang hinarap nya ang dalawang chismoso na kunyari nagbubulungan pero naririnig din naman nya. " Baka ikaw ng susunod sakin Zylven, di kaya ikaw Mark! kaya hinay hinay lang sa mga binibitawan nyung salita samin! Nagmamahal lang kami ni Prick kaya wag nyo kaming husgahan! Sige, mauna nako sa inyo bahala na kayo dito." Nagkatinginan naman ang dalawa parehong natameme sa binitawang salita ni Aeris. Sabay pang nanlalaki ang mga mata ng mga ito ng maintindihan nilang sinabi ng kaibigan, saka sabay na sinigawan si Aeris na nakalabas na ng pinto. "Hoy, Aeris bumalik ka ditooo!..." "Gago ka Aeris! bawiin mong sumpa mo samin, tangna ka mapapatay talaga kitang hayop kaaa!" Sigaw ni Zylven na tumakbo palabas ng pinto kasunod si Mark na sumisigaw din. Nakalimutan na ng dalawa si Prick na nahulog sa sahig mula sa pagkakahiga sa sofa at ngayon ay gumagapang ng palabas ng pinto. Abala ang dalawa sa paghabol kay Aeris na mabilis palang tumakbo.. "Pag naabutan kitang hayop ka lulunurin na rin kita sa dagat, Aerissss... bumalik ka ditong ulol kaaaa.." Nanggigil na sigaw ni Zylven, habang si Mark napahinto na lang bigla sa pagtakbo ng malingunan si Prick na nasa buhangin na.. "f**k! Zylven, si Prick nakalabas na ng cottage dalian moooo." "Shit.. Anubang kamalasan tong nangyayari samin? Hoy! Aeris, tulungan mo kami ditoooo.." Natatarantang tumakbo papunta kay Prick si Zylven.. "Nooo... Hinihintay nako ni Sungit kaya bahala na kayo dyan... Kaya nyo na yan! Hahaha." Nalingunan pa ni Aeris si Zylven na buhat sa dalawang paa si Prick samantalang si Mark naman ang nakapwesto sa uluhan hawak ang dalawang braso ng lasing nilang kaibigan. Natatawa sya sa hitsura ng dalawa na hirap magbuhat sa Russian nilang kaibigan, sa laki nito kulang ang dalawang tao para buhatin ito. Babalikan nya sanang mga ito para tulungan ng mag ring ang cellphone nya sa bulsa. Nilabas nya ito saka tiningnan kung sinong tumatawag. 'Sungit calling..... Kaagad nyang sinagot ang tawag mahirap na baka topakin na naman ang mahal nya't awayin na naman sya nito. "Anuba Pangit, ako ba talaga'y balak mong paghintayin dito ha? Kanina pako pinapapak ng lamok ditooo" Patay na! mga isang oras pang byahe mula Dalampasigan pa Manila.. Panu na ngayon ang gagawin nya. "Mahal, saglit lang naman, nasa Dalampasigan pa kasi ako ngay - " "So ano paghihintayin mo ako dito ha! ganun ba?" Alam nyang naiinis na si Xue kaya natataranta na naman sya. Lalo na ng patayan sya ng tawag ni Xue. "Hiyaaaaaaahhh!" Napasigaw na lang sya sa sobrang prustrasyong nararamdaman. "Bro, sang cottage nandun sila Prick? Biglang nagliwanag ang kinabukasan nya ng makita si Griffin.. Hulog ito ng langit sa kanya. Walang sali salitang kinaladkad nyang kaibigan papuntang cottage kung san nandun ang tatlong kaibigan. Mahalaga ang bawat minuto para sa kanya kaya dapat wag sayangin. "f**k! What happened?." " chopper bang dala mo Bro?" "Yeah! Why? "Emergency to kaya bilisan na natin." Sa narinig na sinabi ng kaibigan kaagad namang binilisang tumakbo ni Griffin patungo sa mga nakahilerang cottage sa di kalayuan, pero napabalik din kaagad ito kay Aeris ng mapagtantong dipa pala nya alam kung saang cottage nandun sila Prick. "Bro, dito dali!" Sigaw ni Aeris saka nauna ng tinakbo ang cottage. Kasunod nito si Griffin, wala ng katok katok basta na lang silang pumasok at pinagtulungang buhatin si Prick, apat na silang nagbuhat dito patungong chopper at ng maayos silang nakasakay na lima, agad na pinaandar na iyon ni Keros na syang pilot nila pabalik ng Manila. Nakahinga ng maluwag si Aeris ng nasa himpapawid ng chopper, binuksan nyang cellphone at tiningnan kung san na banda si Xue. Napangiti sya ng ma track nyang nasa waiting shed pa rin nakahinto ang pulang dot. Ibig sabihin nandun pa rin ang dalaga. Dina nakatiis tinawagan na nya ito, isang ring lang at narinig na nyang walang humpay na pagbubunganga ng dalaga. Napangiti na lang sya at ang tanging nasagot nya dito ay... "Sungit, Mahal kita! mahal na mahal." Napatawa na lang sya ng malakas ng pinatayan sya ni Xue ng telepono, pag angat ng mukha nya walong pares ng mga mata ang nakatingin sa kanya..na binalewala lang nya. Basta masaya sya tapos. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD