Final Chapter

1558 Words
"What makes a girl exceptional..?" Tanong ni Xue kay Aeris saka humilig sya sa dibdib nito, habang nakatingin sa kalawakan. Nasa Isang burol sila at pinagmamasdan ang kagandahan ng kapaligiran. Preskong hangin, mga huni ng ibon lang ang maririnig, nakakabighaning bulubundukin at maaliwalas na langit. Kapayapaan at kaligayahan ang bumabalot na aura sa kanilang dalawa na damang dama ni Xue. Parang bida na rin sya sa isa sa mga pocketbook nyang nabasa na pinapahiram ni Destiny sa kanya. Napangiti sya saka hinawakan ang dalawang braso ni Aeris na nakayakap sa kanya saka sinagot nito ang tanong nya. "Hmmm... bakit gusto mong malaman hmm?" Sabay pinagdaop ni Aeris ang mga kamay nila habang nakayakap pa rin ito sa kanya. "Basta sagutin mo na lang kasi ako pangit! Dali naaa!." "Hahaha kahit kelan demanding at ang sungit mo pa rin... Hmmm para sakin.. Kapag nananatili siyang simple. Kapag confident siya sa sarili niya kahit ilang layer ang bilbil niya." "Heh! Wala akong bilbil nuh." Tinampal ni Xue ang kamay ni Aeris ng maramdaman nyang pinipisil pisil nito ang tiyan nya. Natatawang ibinalik nito ang kamay sa pagkasalikop sa kamay nya. "Kapag wala siyang pakialam kahit parang surfing board ang kanyang katawan dahil wala siyang malaking boobs." Malakas na napahalakhak si Aeris ng bumaba ang tingin ni Xue sa dibdib nito. Saka nakasimangot itong kumalas sa pagkakayakap nya dito. Nagmamartsa itong lumayo sa kanya at umupo sa isang tipak ng bato di kalayuan sa kanya. "Hmp! nakakainis ka naman eh! Hindi mo seneseryoso ang tanong ko." Umirap si Xue at ibinaling sa kabundokan ang atensyon nito. Nilapitan naman sya ni Aeris na natatawa pa rin. Umupo ito sa tabi nya at pilit isiniksik ang katawan kay Xue na nakasimangot pa rin. "Anuka ba naman, masyado kang sensitive! Hindi ko naman sinabing flat ang dibdib mo ah.. Aaaraayy." Pinagsusuntok na ni Xue si Aeris, pikon na pikon na talaga sya dito. "Pangit.. Pangit... Pangit kaaa.... May boobs ako nuh! at hindi flat ang dibdib ko gago!." Maagap na hinawakan ni Aeris ang dalawang kamay ni Xue. Masayag masaya talaga sya kapag ganitong naiinis ng dalaga sa kanya. "Hahaha, sabi ko nga diba! Patingin nga kung anong sukat nyan!.." Panunukso pa nya. "Heh! Isa pang kalokohan sisipain na talaga kitang pangit ka. Kuuu kainis kaa.." "Hindi na! Sige, hindi na! Seryoso na tayo ngayon haha fuck... Saglit.." Huminga muna sya ng malalim saka pinakawalan ang hangin . " Hoooo.. Yan, ok nako! Ahmm.." Matalim ang tinging ipinukol ni Xue kay Aeris.. Umayos naman ito agad at hinawakan na naman ang kamay nya't nilaro laro ang mga daliri habang nagpatuloy sa pagsasalita. "Ahm ok! Kapag hindi niya ipinagpipilitang magtago sa makapal na foundation. Kapag hindi na niya kailangang magsuot ng malalaking hikaw para maging maganda. Kapag magaling siyang magluto. Dahil alam mong kapag naging asawa mo siya, hindi lang puro de lata ang ihahain niya. Kapag alam niyang maganda siya kahit skinny jeans na maong at puting t-shirt lang ang suot niya. Kapag hindi na niya kinakailangang magdamit ng sexy para matawag na hot ng iba. Kapag hindi na niya kailangang magpose sa kapirasong tela dahil ngiti pa lang niya ay pamatay na." Unti unting nawawala ang inis ni Xue, napalitan na yun ng kasiyahan. Tuloy pa rin sa pagsasalita ang binata ni hindi nito napapansin ang reaksyon nya kasi abala ito kakaisip ng mga sasabihin. "Kapag malawak ang kanyang pang unawa. Kapag mataas ang respeto niya sa pamilya niya. Kapag mas pinipili pa din niyang tumawa kahit ang sakit sakit na. Kapag hindi puro pagpapapicture at pagpapaganda lang ang nasa isip niya. Kapag alam niya sa sarili niya na yung boyfriend niya ang kanyang magiging asawang pinapangarap niya." Tapos ng magsalita si Aeris pero si Xue tila ninanamnam pa rin ang mga salitang narinig nito mula sa kanya. Mahigpit nyang niyakap ang masungit na kasintahan.. Hindi sya makapaniwala na ang matagal nya ng pinapangarap na babae ay makakasama na nya habang buhay. Wala na syang pakialam sa nakaraan ang mas mahalaga para sa kanya ay ang kinabukasan. Sabi nga ni Keros sa kanya ng huli silang magkakasama nila Mark, Sylven, Griffin at Prick na dinala nilang hospital para ipa admit dahil nag aalala sila sa kalagayan nito, dehydrated na pala ito sa sobrang kalasingan at suka ng suka. 'Ano naman ngayon kung hindi ikaw ang huling taong mamahalin niya? O yung nag iisang tao sa buhay niya? O hindi ikaw ang unang nagpatibok ng puso niya? Kelangan pa bang isipin yun para maramdaman mong mahal ka niya? Mahal ka niya ngayon at yun ang mas mahalaga. Wala namang taong perpekto, kahit ikaw hindi din. At kahit pagsamahin mo ang dalawang taong hindi perpekto, kelanman hindi pa din magkakaroon ng perpektong relasyon. Pero kung kaya ka niyang pasayahin at pahalagahan sa paraang alam niya at iparamdam sa'yo yung pagmamahal niya, sapat na dahilan na yun para hindi mo siya bitawan. Hindi man siya yung tipo ng babaeng iniisip ka maya't maya, o yung tipong sa'yo lang umiikot ang mundo niya, kelangan mong maintindihan na kahit paano'y ibinigay niya ang kapirasong parte ng buhay niya para maging sa'yo, kahit alam niyang baka sa huli ay masaktan din siya.' Ngayon naiintindihan na nyang mga kaibigang may mga asawa na. Naii strees man sa mga buhay buhay nila ngayon masayang masaya naman kapiling ang kani kanilang asawa't mga anak. At sya ng susunod sa mga yapak ng mga ito.. Niyakap nya ng mahigpit si Xue, saka hinalikan sa gilid ng noo. Hinawakan nyang kamay nito saka inalalayang tumayo kasabay nya, saka kunwari nagulat at biglang sinabing... "Oh My Gosh! Bakit ganyan yung kamay mo? Para kasing bagay sayo yung singsing na dala ko." Kunot nuo namang tiningnan sya ni Xue na nabigla rin sa sinabi nya.. Maya maya tumawa ito sabay hampas sa dibdib nya. "Alam mo para kang magician, naaaliw kasi ako sayo, kahit alam kong niloloko mo lang ako." "Anong niloloko? Totoong sinabi ko!" "Talaga! Eh nasan yung singsing na sinasabi mo?" Kunwaring hinawi ni Aeris ang buhok ni Xue at inipit sa tenga nito, tapos ipinitik nyang daliri saka ipinakita kay Xue ang singsing na nakaipit sa daliri nya. Nanlalaki ang mga mata ni Xue na nakatingin na ngayon sa kamay nyang may hawak pa rin ng singsing. Hinawakan nyang kamay nito saka tinitigan ng seryoso sa mata ang dalaga at sinabing. "Xue Grey, will you marry me?" Kinakabahan nyang tanong dito. Na mas nadagdagan pa ng makitang sumimangot ang dalaga. "Wala ka talagang kasweetan sa katawan Pangit, dito kapa talaga nag propose di man lang sa sosyal na restaurant o di kaya sana niyaya mokong mag travel abroad para feel ko namang ma - " Natigil sa pagsasalita si Xue ng bigla syang halikan ni Aeris, saglit lang naman saka lumayo agad ito sa kanya. "Yes or No lang naman ang hinihintay kung isasagot mo sakin, ang dami mo pang sinasabi tsk..." "Ikaw! palagi mo na lang akong ginugulat kainis ka talagang pangit ka!" "Sus arte ng sungit na'to." Bulong ni Aeris na bahagyang narinig ni Xue pero di klaro kaya nagtanong ito. "Anong sabi mo? Pakilakasan, diko kasi narinig eh!" "Sabi ko, Will you marry me? Ano narinig mo na ba, Dj hugot?" Nangiti na lang sya sa pangalang ginamit ni Aeris sa kanya. Sinapo nyang pisngi nito saka tinitigan ito sa mga mata at sinabing... "I may not get to see you as often as I like. I may not get to hold you in my arms all through the night. But deep in my heart I truly know, you're the one that I love, and can't let you go." Seryosong sabi ni Xue na pinipigilan ang kapilyahang iniisip. Tila naman naiinip na si Aeris sa sagot nya kaya isinuot na nito sa daliri nyang singsing saka masuyong hinalikan ang kamay nya. "Wag mo na lang sagutin, kasi yes or no man ang maging sagot mo, ikakasal pa rin tayo! Kaya halika na maghanda na tayo." "Hahaha dika naman masyadong excited sa lagay na yan ha! Patay na patay ka talaga sakin nuh?" "Oo patay na patay ako sayo! Mula noon hanggang ngayon! Ikaw lang ang tanging babae sa buhay ko wala ng iba!" "Hmmm dahil sa sinabi mo! Halika na pakasal na tayo! Baka maagaw kapa ng iba sakin." "Hahahha Marami mang umagaw sakin mula sayo di naman ako sasama sa kanila eh! Kasi ikaw lang ang gusto ko!" "Talaga! Totoo na yan ha? Dina joke yan ha!" "Peksman! Mamatay man, ikaw lang wala ng iba!" "Peksman din! Ikaw lang ang mahal ko Pangit, wala ng iba." Umaapaw ang kaligayahang nararamdaman ni Aeris, at sa sobrang saya nya ay binuhat nya si Xue na parang bagong kasal. Henele hele nya ito saka pinupog ng halik ang mukha. Na ikinatawa naman ng dalaga habang mahigpit na nakayakap ang mga braso nito sa leeg niya, ngayon lang nya narinig ito na nagsabi na mahal din sya nito. Sadya ngang totoo ang kasabihan na kapag para kayo sa isa't isa, tadhana na ang gagawa ng paraan para kayo ay magkasama. Hindi minamadali ang pag-ibig.. May tamang panahon para dito... - Aeris❤Xue Story - -THE END- "You are my best friend as well as my lover, and I do not know which side of you I enjoy the most. I treasure each side, just as I have treasured our life together." ?MahikaNiAyana

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD