Four

1205 Words
"Naranasan mo na bang mag mahal ng mali? Nagmahal ka na ba ng may kahati? Nang-angkin ka na ba ng pag aari ng iba? Nagbigay ka na ba ng walang hinihinging kapalit?' Matiim na nakatitig si Aeris sa litrato ni Xue na kuha nya nung Senior high pa lang sila, ng marinig ang sinabi nito sa radyo. Hindi nya inakalang magiging DJ ito kasi ang pangarap nito ay maging isang doctor, sa Solo, pa nga ito nag aral ng medicinal class nito habang sya naman sa Jakarta nag aral ng engineering. "Bakit nga ba minsan may mga bagay na nagagawa tayo na hindi natin inaasahan magagawa pala natin? Sino nga ba ang may gusto mag mahal ng may kahati? Sino nga ba ang may gustong maging pangalawa lang? At sino nga ba gustong magmahal ng mali? Bakit nga ba hindi mo maiwasan mahalin ang pag-aari ng iba? Na kahit anong iwas mo hindi mo mapigilan?Pikit mata mo na lang tinatanggap ang katotohanan makasama mo lang siya kahit sa konting sandali? May pag-ibig na dumarating sa maling panahon at maling pagkakataon.. Gustohin mo man makasama siya hindi naman pwede.. Minsan iniisip mo na sana siya ang kasama mo.. Kasama mong bumuo ng mga pangarap, At kasama mo hanggang sa pagtanda. Sabi nga nila hindi lahat ng mga nagsasama ay nagmamahalan. At hindi lahat ng nagmamahalan ay magkasama." Natatawa sya ng maalala ang mga nangyari sa waiting shed, sa tagal nyang tumatambay dun para abangan ang pagdaan ni Xue galing trabaho, dalawang beses pa lang sila nagkatabing umupo dun at sa dalawang beses na yun puro drama ang narinig nya mula dito. "Mapaglaro ang tadhana minsan akala mo nakita mo na ang taong gusto mong makasama sa habang buhay. Pero sa isang iglap may isang taong gugulo ng mundo mo. At hindi mo inaasahan magbabago ng pananaw mo. Maraming bagay ang hindi mo maipaliwanag at hindi mo maintindihan. Ano nga ba ang dapat at hindi? Ano nga ba ang tama at mali? Kahit gaano ka katalino sa paraan at buhay. Pagdating sa larangan ng pag-ibig mabobo at mabobo ka din. Dahil sa pag-ibig hindi naman utak ang ginagamit kundi puso. Kaya hindi mo mapipigilan o mapipili kung kanino ka magmamahal." Grabe mga hugot ni Xue nakakadala ng damdamin, nakaka buo ng sari saring emosyon. Sabagay ugali na nito ang paghugot at lahat ng hugot nito base sa mga experience nito sa buhay. Unang nag meet sila nung senior high school days, may best friend sya nun na inakala ni Xue na girlfriend nya, pero ang totoo nun palabas lang lahat ng yun para makaganti ang bestfriend nya sa ex nito. In short tumulong lang sya at nung magkabalikan yung dalawa dun na sya nawala sa eksena. Silang involved lang sa sitwasyon ang nakakaalam ng sekretong yun, nahihiya kasi syang malaman ni Xue na torpe sya at kahit kelan dipa sya nakaranas magka girlfriend, dahil ang gusto nyang babae ay may boyfriend na... At yun ay si Xue. "Mahirap itama ang mga pagkakamali..Lalo na kapag nagdudulot ito ng ligaya sayo..Pero kung iisipin mo nga mas masarap tahakin ang tamang landas. Yung bang wala kang nasasaktan na iba at wala kang nasisirang buhay.. Walang sinuman ang maaari mang husga sa taong nagmahal ng mali dahil lahat tayo ay may pagkakamaling nagawa. Ang mahalaga alam mo kung paano ka babangon at itatama ang pagkakamaling iyong nagawa.. Minsan kailangan gawin ang tama kahit labag sya sa iyong kalooban.." Paano kaya kung mag pakita na sya kay Xue? Hindi yung parang anino lang sya na sunod ng sunod dito. Asensado naman ng buhay nya may mga sarili na syang negosyo saka ang totoong dahilan naman nya kaya sya pumasok bilang assassin secret agent ng Hainsha ay para magka koneksyon at maging isang magaling na tracker, dahil sa pamamagitan nun kahit saang sulok man ng mundo si Xue ay mahahanap agad nya gamit ang satellite ng Organization. "Ang pag-ibig naman kasi hindi yan makasarili. Hindi lang kaligayahan mo ang dapat mo sundin. Dapat isipin mo ang taong nasa paligid mo at ang tama. Baka kailangan mo lang tanggapin sa sarili mo na.. You have a right love at the wrong time. Lahat naman pwede pero hindi lahat dapat." So, ayan mga kahugot sana may nakuha kayong konting aral sa mga hugot ko ngayon! May nais sana akong I share na story sa inyo... Hmm actually my senior high school story.. Kaso wala nakong time kasi mag o on air ng ka dj ko na si Zeke. Bukas na lang mga kahugot abangan nyung story ko bukas dito lang sa 143 Heart Radio... Ito po ang inyong dj na hugotera, DJ Xue na nag iiwan sa inyo ng isang hugot na nagsasabing... 'Kung ipagpapalit mo ako, siguraduhin mong mapupunta ka sa taong mamahalin ka ng totoo. Ayoko yung sinaktan mo lang ako para lang sa taong mas wala pang kwenta kesa sayo." Napatawa ng malakas si Aeris ng marinig ang huling hugot ni Xue. Inayos na nyang sarili ng makita sa celpon nya ang pulang dot na gumagalaw at nasa di kalayuan na yun ng inuupuan nyang waiting shed, itinaas na nya sa ulo ang hood ng suot na jacket, nakasumbrero na sya pero pinapatungan nya pa rin ito ng hood ng kanyang jacket, saka nanatiling nakayuko at pinagmamasdan ang paggalaw ni Xue. "Gaga! Bakit ka sumama agad sa tukmol na yan ha? Kuuuu humanda ka pag nakita kita ! lagot sakin yang singit mo." Lihim na napangiti si Aeris ng marinig at maramdamang umupo na si Xue sa tabi nya. Nakikita nyang nakasimangot nitong mukha sa gilid ng mga mata nya. Pasimpleng pinatong nyang braso sa mga hita at nangalumbaba na kunyari abala sa celpon na hawak. Nakikiramdam lang sya sa katabi na panay ang hinga ng malalim para pakalmahin ang sarili nito. "Ah ganun! porke't gwapo!" paused " tse! ang harot mo.. Bff ha! Hindi porket apo yan ni Laloo kampante kana, alalahanin mong ngayon mo lang nakilala yan. O sya sige na bye na nga!" paused ulit.. " Destiny Hedrex! Umayos ka!.. Ok bye na talaga!" Naiinis na tumayo si Xue. Nakasunod naman ang mata ni Aeris sa bawat galaw ng dalaga. Nakikinig lang sya at pasulyap sulyap dito. " Ang gagang yun, nakipag date na kaagad sa Prick Lefur na yun, eh kakikilala lang nya sa tukmol na yun! Nakuuu! Mas marupok pa naman sakin ang hitad na yon. Kainis.." Natigilan naman si Aeris ng marinig ang pangalan ng kaibigan na kabibigkas lang ni Xue. Si Prick may ka date? At kaibigan pa ni Xue? Weeh di ito kapani paniwala! Ang kaibigan pa nyang yun eh napakamanhid nun saka bato ang puso nun eh panung may ka date na ito ngayon? 'Hmmm kailangan malaman ng crazy group itong malaking chismis! Matutuwa siguradong mga yun kasi may manli libre na naman sa boyzone Yeah.' Akmang tatayo na sya ng biglang tumayo na rin si Xue at nagmamadaling maglakad hindi na nito napansin ang celpon nito na naiwan sa inupuan nito kanina sa tabi nya. Dinampot nya kaagad ito at akmang hahabulin ang babae ng biglang mag ring ang phone nitong hawak nya... 'Bhe Andy calling...... Kunot ang noong napatingin sya kay Xue na pasakay ng tricycle. ' Who's this Andy?... ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD