Six

919 Words
"Kahit gaano kadaming coins ang ihagis mo sa fountain, kahit ilang beses ka pang mag crossfinger at kahit ilang signs pa ang hingin mo, Kung hindi talaga para sa'yo, Hindi talaga mapupunta sa'yo." 'Anu daw? At sino namang asungot itong sumisira sa good vibes ko ha? intrimitidong 'to, kalalaking tao pakialamero tse!... Isa pa ngang hagis ng coins para lalong matupad ang wish ko! ng bumalik na si Andy sa piling ko! Sana naman plis lang regalo nyu na lang po sa bday ko!' Papikit pikit pa sya ng mga mata para makapag concentrate, kaso nagsalita na naman ang asungot sa kanyang likuran. "Dati para sa akin... Tuwing babangitin mo ang pangalan ko o kaya ang apelyedo ko, nagkakaroon ako ng matinding damdamin na hindi ko malaman, tumitibok ang puso ko, kinikilabutan ako, at mayroon pang kakaibang nangyayari sa aking tiyan na para bang may nagaganap na kasiyahan. Alam kong parang may mali– pero masaya na parang malungkot. Bakit? Kasi tuwing binabanggit mo ang pangalan ko, alam kong normal lang sayo na banggitin ang pangalan ko ngunit hindi mo alam na may isang tao na nahihirapan at naiilang at nasisiyahan tuwing nababanggit mo ang pangalan ko. Kasi alam kong normal lang sayo, na wala kang pagtingin sa akin. Ganito rin ako tuwing babanggitin ko ang pangalan mo, nahihirapan ako at may nararamdaman na kakaiba." 'Sino ba kasing pinaparingan nya? Baka yung isa pang babae sa tabi ko na nagwi wish din at naghahagis ng coin. Baka naman hindi talaga ako! Kaya ba't ako magpapa apekto diba? deadma na lang ika nga ng iba.' "Tuwing nakikita ka ay iniiwas ko ang aking tingin para matanggal ang ganitong nadarama. Nahihirapan ako kasi hindi ko dapat ito nararamdaman, hindi ko dapat to ginagawa. Nahihirapan ako kasi bago palang ito sa akin. Naiilang. Nahihiya. Sa aking sarili dahil para sayo wala lang. Okay lang. Wala kang pakealam." 'Teka lang! Parang pamilyar sakin ang boses na yun ah! Parang boses ni....' "Tuwing kinakausap at pinagtritripan mo'ko, hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung yung ngiti mo ba ay may meaning, hindi ko alam kung may gusto ko ba sa akin at dinadaan mo lang sa trip ang lahat. " 'Imposibleng sya si....' "Ngunit isang araw–isang kakaibang araw. Nalaman ko. Trip mo lang talaga akong asarin. Trip mo lang talaga ako, masakit, kasi sa laro mo ako yung nahulog. Ako yung umibig. Ito ang mahirap sa akin, nag assuming kaagad ako. Akala ko kasi gusto mo rin ako ngunit nagkamali ako. " "Ha! A - anong...?" "May gusto ka kasing iba at sabi mo hindi mo'ko type.. Masakit." Dina nakatiis pa si Xue, bigla nyang nilingon ang nag mamay ari ng boses na yun.. "A - Aeris!" Malapad ang pagkakangiti nito sa kanya na tila ba kahapon lang sila huling nagkita. "Hi Sungit, na miss mo ba'ko?" "Aeris Red! Ikaw ba talaga yan? Teka baka namamalikmata lang ako.. ah!" Kumurap sya matagal bago dahan dahang iminulat ang mga mata. Ganun pa rin ang hitsura ni Aeris malapad pa rin ang pagkakangiti nito sa kanya. "Ganda ng buhok mo ah! Blue at gold, bagay sayo! Hindi kapa rin nagbabago! Makulay pa rin na kulay ang gusto mo! Hahaha." Hindi alam ni Xue kung bakit biglang namasa ang mga mata nya ng makita ang binata, hindi lang sya masaya, kundi masayang masaya na tinakbo ang pagitan nila ni Aeris at nilundag ito, mabuti na lang at maagap sya nitong nasalo. Ipinulupot nya agad ang mga binti sa bewang nito, na gawain na nya dati pa, saka niyakap ito ng mahigpit. "Nakakainis kang pangit ka! Bakit ngayon mo lang ako binalikan ha!" Naiiyak nyang sabi dito habang panay hampas nya sa likod nito. Pumatak ang mga luha nya pero hinayaan nya lang yun, mas abala kasi sya sa pagdama sa kayakap na binata. "Tahan na sungit! Nababasa ng damit ko! Saka bakit ang bigat bigat mo na ha! Ano bang mga pinagkakain mo chichiria't burger na naman ba?" Nangingiti sya ng marinig ang sinabi ni Aeris. Bigla tuloy nyang naalala na dipa sya kumakain. "Pangit, kain tayo! gutom nakooo..!" Paglalambing nya pa dito na ikinailing naman ng binata. "Tsk! Bakit! masyado ka bang depressed kaya dika kumakain sa oras ha?. Hanggang ngayon pabaya kapa rin sa sarili mo." Kinagat nyang tenga ni Aeris sa inis dito. palibhasa dahil sa nagulat ang binata muntik na syang mabitawan nito. Narinig pa nyang pagmumura nito at paghinga ng malalim. "f**k! Kung kakagatin mo'ko wag sa tenga! Sa leeg ko na lang para masarapan naman ako!" Sa narinig sinabunutan nya ito at pinaghahampas sa likod. Panay naman ang igik ng binata kaya para makalayo ito sa pananakit nya binaba sya nito sa gilid ng fountain at bahagyang lumayo ito sa kanya. "Araaaayyy! Sakit ng likod at anit ko, pakiramdam ko nanlagas ng mga buhok ko, grabe ka sakin, wala ka talagang awa!" 'Bakit lalong gumwapo ang pangit na'to? Kahit nasasaktan ang hitsura gwapo pa rin. Saka ang katawan.. Ohlalaa! anlalaki ng muscle grabe! Ano kayang pinaggagawa nito? Bakit malaki ang pinagbago nito? ilang taon lang naman kaming di nagkita ah! "Baka matunaw nako, kakatitig mo sungit ha? Ano! Nahuhulog kana ba sa kagwapuhan ko ha? Wag kang mag alala sasaluhin naman kita e hahahah." "Tse." Napapahiyang tinalikuran nyang binata at nagmartsa paalis sa lugar na yun. Naririnig pa nyang malutong na tawa ni Aeris na nakasunod lang sa kanya.. Napapangiti na lang sya dahil ngayong bumalik ng binata. Sigurado syang maraming magbabago sa buhay nya,... ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD