“Ms. Cy.” lumingon ako pabalik matapos marinig ang pagtawag ng professor sa akin.
“Yes Ms. Reyes?”
“Can I talk with you for a moment please?”
“Yeah. Sure.” bumalik ako papunta sa desk niya at hinintay namin na maubos ang mga estudyante sa loob.
“Did I do something that is wrong Ms. Reyes?” tanong ko sa kanya matapos makitang kami nalang dalawa ang nandito sa loob.
“No.” tumawa siya ng mahina bago nagsalita ulit. “I just want to ask you about Mr. Brick.” saad niya.
“What about him?”
“I guess you know him or at least you have his number since I paired you last time and you are seat mates. Hindi na kasi pumapasok si Mr. Brick. This is the third day that he is not attending any of the classes. Ayoko naman na mawalan ako ng isa pang matalinong estudyante sa klase ko.” mahabang sabi ni Ms. Reyes.
And yes. Simula noong Monday ay hindi na pumapasok si Connor ng klase. Hindi ko din siya nakikita sa campus kaya malamang ay wala talaga siya dito at hindi siya pumasok. Ito ba ang sinasabi niyang proof para maniwala ako na ally ko talaga siya? Damn! Ang seryoso niya naman masyado.
“I will think of what I can do Ms. Reyes.”
“Maraming salamat Ms. Cy. Sana ay may balita ka na tungkol sa kanya bukas.”
“No worries po.” niligpit na ni Ms. Reyes ang mga gamit niya at nauna na siyang lumabas sa akin. Ako naman ay napaisip kung paano ko kakausapin si Connor. Kailan ba ako lulubayan ng kaluluwa ni Connor? Argh! Sa bahay at siya ang bukambibig ng mga magulang ko tapos dito naman sa classroom ay siya pa rin ang inaalala ng professor namin. Tsk. Kailangan ko sigurong turuan ng leksyon ang taong iyon.
“Hoy tulala ka diyan!” napapitlag naman ako nang bigla akong hinawakan ni Mira. Inilagay niya ang kamay niya sa kanang braso ko at malaki ang ngiti.
“Bakit mo ba ako binibigla?” tanong ko sa kanya.
“Kanina pa kaya kita tinatawag. Ni hindi mo nga napansin na nasa labas ako ng classroom niyo. Mabuti pa si Ms. Reyes binati ako pabalik.” tapos lumungkot ang mukha niya.
“Naghintay ka sa labas ng room?” pababa na kami ni Mira at iilan na lang ang estudyante na nakakasalubong naming dalawa. Alas sais na rin kasi kaya iyong mga estudyante na may klase sa gabi na lang ang nandito. Nasa kanya-kanyang club rooms din kasi ang mga may activities ngayon kagaya na lang ng Arts Department dahil may activity daw sila this month. Ewan ko lang kay Mira kung tumutulong ba talaga siya sa department niya. Tsk.
“Oo naman noh! Hello? Ngayon lang tayo magkikita ulit tapos hindi mo man lang ine-expect na mag-aantay talaga ako sa labas ng room mo? Wala ka talagang katamis-tamis sa katawan mo. Hmp!” saad ni Mira at inirapan pa talaga ako.
“I’m sorry okay? Bothered lang talaga ako ngayon.”
“Bakit? Dahil kay Connor na naman? Alam mo napapadalas ang pagbanggit mo sa pangalan ng lalaking i— Ouch! Bakit mo ako kinu—“
“You’re too loud.” napatingin na rin si Mira sa babaeng kanina ko pa tinititigan kahit nasa malayo pa siya. Nakaabot na kami sa harap ng law department at nakasalubong namin ang vice president ng student’s council. Who else could it be? Si Bianca lang naman ang nag-iisang vice president ng school.
“I’m sorry but who are you again?” mataray na tanong ni Mira sa kanya at pumunta pa talaga siya sa harapan ko para mas lumapit kay Bianca.
“How dare you to not know who I a—“
“Oh, right!” pumalakpak si Mira ng dalawang beses na parang naalala na niya kung sino si Bianca. Malaki naman ang ngiti ng huli matapos niyang marinig ang sinabi ng kaibigan ko. “Aren’t you the one who purposely hit Keren because you are a jealous brat and because you are ugly as well?” sunod-sunod na sabi ni Mira.
Nakikita ko na sa paningin ko ang nag-uusok na ilong ni Bianca at ang nanlilisik niyang mga mata. Mga tingin na parang kahit anumang oras ay kaya niya kaming kainin ng buhay ni Mira. Damn! Bakit ba kasi masyadong palaban ang kasama ko? Hindi niya naman kailangan na patayin si Bianca sa mga salita niya. Tsk. Nakakita pa kami ng away dahil sa bibig ng babaeng ‘to.
“Mira stop.” bulong ko sa kanya. “Ayoko nang pumunta pa sa clinic ulit o baka mas malala, ma guidance pa tayong dalawa.” mahinang sabi ko sa kanya pero wala sa akin ang atensyon ni Mira. Nakatitig pa rin siya sa babaeng nasa harap namin.
“Don’t let me see that b*tch side of yours because I swear, I can even make you kneel in front of me.” galit na galit na wika ni Bianca.
“Oh. You are using that I-am-the-vice-president card again?” Mira said sarcastically habang ginagaya niya ang pananalita ni Bianca. We are in big trouble. Ayoko nang pumunta sa clinic ulit.
“Mira enough. Huwag mo nang pansinin pa. We need to go now.”
“Go where? Are you afraid of me?” Bianca said na parang nanghahamon siya ng away. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at sinubukan na ikalma ang sarili.
“We just accidentally saw you. We don’t have time for your stupidity.” hinila ko ang kamay ni Mira at hindi naman siya umangal sa ginawa ko.
“Back off you stupid woman!” sigaw ni Mira sa kanya at ako naman ay luminga-linga dahil baka narinig kami ng isa sa mga teacher namin.
Narating namin ang parking area at hawak ko pa rin si Mira sa braso niya.
“What was that Mira?” tanong ko sa kanya.
“Didn’t you see her eyes raging with anger as we left her there calling her stupid?” tanong niya matapos ay tumawa ng napakalakas.
“Bakit mo ba siya hinahamon ng away? Alam mo na ayoko na sa gulo. Baka mapano pa ang grades ko Mira at baka ano pa ang gawin ni mommy sa akin.” paliwanag ko sa kanya.
“Oh right. Forget about that. Sorry.” she said while smiling at me.
I sighed and looked straight.
“Basta huwag mo nang ulitin iyon. Hindi niya naman tayo sinaktan o kinalmot kaya huwag mong unahan.”
“Yes boss!” sigaw niya at nag salute pa siya sa akin. Tumawa nalang ako at naglakad kaming dalawa sa bench kung saan namin hihintayin ang kukuha sa amin.
“Si manong Oscar ba ang kukuha sa’yo?”
“Yep. Tinext niya ako kanina at papunta na daw siya dito.”
“Tch. Buti ka pa. Mom will take me. Mag sh-shopping daw kaming dalawa.” walang ganang sabi ni Mira.
“Lucky.” tanging nasabi ko at nanlaki naman ang mga mata ni Mira matapos iyon marinig mula sa akin.
“How could you say that?!” singhal niya.
“You’re lucky. Kasama mo ang mama mo mag shopping. Isn’t that what a mother and a daughter should usually do together? I mean, hindi lahat pero it’s kinda similar to having fun or bond, you know?” paliwanag ko sa kanya.
“Tch. You know my mom.”
Right. Her mom? She’s very an exaggerated type of person. Kapag nag sh-shopping silang dalawa ni Mira, nagmistulang yaya ang sarili niyang anak dahil halos lahat ng bitbit ay sa kanya lang. Ayaw din daw nitong isama ang driver nila para may nakatulong naman dahil bonding lang daw nilang dalawa ni Mira. Hindi ko nga alam kung naiintindihan ba talaga ni tita ang sitwasyon.
“I can’t say anything else but just goodluck.” tumayo ako at huminto na ang kotse namin sa harap. Kanina pa lang ay nakita ko na si manong Oscar na papason dito sa parking area.
“Bye beb!” sigaw ni Mira at nagpaalam na din ako sa kanya. Pumasok ako ng kotse at sinimulan nang paandarin ni manong ang sasakyan.
“Manong pwede niyo po ba akong ihatid sa bahay ni Connor?”
“Ay ka sir Connor po? Oo naman po. Alam ko din kasi ang bahay niya.” biglang sumigla ang pananalita ni manong Oscar matapos marinig ang pangalan ng kaklase ko.
Hindi ko na lang sinagot pa ang sinabi niya at nagpasalamat na lang. Hindi naman kalayuan ang bahay niya kung magmumula ako dito sa St. Prestons U.
When we reached Connor’s place, hindi na ako nagpahintay pa kay manong at tatawagan nalang siya kung magpapakuha na ako. Sinabihan ko na rin siya na ipaalam kina mom at dad kung nasaan ako.
Madilim na sa labas dahil malapit na mag alas syete ng gabi. Ngayon ko naisipan na kausapin si Connor para bukas ay papasok na siya sa klase. I don’t know why but I am not at ease when Connor isn’t at school. Nasanay kasi ako na may kasagutan tuwing class debates at may sasagot sa akin sa mga tanong ko sa klase. Tsk. My classmates are boring you know.
*ding dong*
I can even hear the sound of the bell after I pressed the circle button. Ilang ulit ka pa iyong pinindot pero wala talagang lumalabas para pagbuksan ako ng gate. I slightly pushed the iron door and it swung open. Bukas lang naman pala ‘to bakit may doorbell pa siya? Tsk.
Deretso akong pumasok sa loob at hindi na ako nag-abala pang kumatok sa malaking pintuan niya. Alam ko naman na hindi pa rin niya ako pagbubuksan dahil tamad ang taong iyon. Pumasok ako sa loob ng bahay at wala akong nadatnan na tao sa loob. Kahit si manang Esla ay hindi ko rin nakita. Malamang ay umuwi na iyon dahil halos alas syete na rin kasi.
“Connor. . .” mahina kong tawag sa pangalan niya. Naglakad ako papasok pa ng bahay hanggang makaabot ako sa living room.
“Hello? Connor!” sigaw ko. Asan na ba siya? Gusto ko na rin kayang umuwi. Tsk.
“Conno—“
“You don’t need to shout okay?” pinutol agad ako ng boses ng taong hinahapan ko at napatingala ako dahil nasa taas siya at nakadungaw sa akin. Gulong-gulo pa ang buhok niya at naka pajama pa siyang itim at itim din na t-shirt na v-line.
“I’m here to talk to you.”
“Of course you’re here to talk to me. As if you will come here to grab a dinner.” saad niya at dahan-dahang bumaba ng hagdan.
“Pinadala ako ni Ms. Reyes dito para tanungin ka kung bakit tatlong araw ka nang hindi pumapasok. You don’t even look sick?”
“I’m not?” he blankly said as he checked his body.
Tsk. Liar.
“Of course you are not sick. Kahit na kakagaling mo pa lang sa tulog, hindi ka pa rin nagmukhang may sakit.” wika ko at inilagay ang bag ko sa sahig.
Umupo si Connor sa kaparehong couch kung nasaan ako nakaupo pero malayo pa rin ang agwat namin sa isa’t-isa.
“Why are you here again?” wala sa tamang katinuan niyang tanong sa akin.
Argh! Nabagok ba ang ulo ni Connor at ganito siya makipag-usap sa akin ngayon? Tsk. Kailan ko sigurong ibato ang libro ko sa kanya para mahimasmasan naman siya.
“I am here to ask you kung bakit ka absent ng tatlong araw. Tatlong araw ‘yon Connor.” saad ko at hindi mapigilan na manggigil dahil hindi ko talaga matiis ang taong lumiban lang sa klase ng walang dahilan.
“Are you the class president?” tanong ni Connor at tiningnan ako. Kumunot ang noo ko at nagtagpo ang mga kilay habang nakatingin sa kanya ng deretso.
“What did you just said?”
“Are you the class president? Why did you allow our professor to ask you to know why I am absent? Only a president in a class can have that task.”
“Wh. . . at?” nauutal kong tanong sa kanya dahil hindi ko talaga naiintindihan. Bipolar ba ang taong to?
“Anyway, so much for that. I was absent for three days because I am tired.” simple niyang sabi na parang hindi niya alam na kaya ko siyang isumbong at sabihin na tamad lang talaga siya mag-aral.
“Go ahead then. Tell Ms. Reyes that I am so lazy to even drive to school.”
“Wait— what? How did you. . .”
“Your fave expression tells me what is inside that dumb head of yours.”
“Dumb your ass. I am not dumb!”
“Then why did you let our professor boss you around? Because you are dumb.” tumayo si Connor at nakangisi sa akin habang kinukutya ako.
I also stood up at tinapon sa kanya ang unan na nasa likod ko kanina. Natamaan ang ulo niya at napahawak naman siya dito.
“Then why are you here then?”
“Because I am also worried about you!” I shouted.
Sh*t! After realizing what I just said, umupo ako pabalik sa couch at kinuha ang bag ko sa sahig. Nilagay ko ito sa tiyan ko at niyakap sabay pikit ng mga mata ko. F*ck! What did I just said?! I am an idiot!
Tumahimik din si Connor matapos marinig ang sagot ko. He stopped moving for a while bago siya naglakad papunta sa direksiyon ko at umupo sa tabi ko. Hindi siya malapit sa akin at mukhang nasa magkabilang end kami ng couch.
“I didn’t mean to. . . I mean I. . .m so—sorry I shouted.” nauutal at nagdadalawang-isip kong sabi kay Connor.
I’m doomed. Hindi ko naman talaga sasabihin iyon sa kanya pero hindi ko napigilan ang sarili ko at isinigaw ko pa talaga. Because honestly, I was also worried about him. Just by knowing that he’s alone in this gloomy house, mas lalong lumalalim ang pag-aalala ko sa kanya. Pero hindi ko naman kasi dapat iyon sasabihin sa kanya eh. Napilit niya lang talaga ako. Tsk.
“It’s frustrating isn’t it?” tanong niya at napatingin ako dahil a g seryoso ng boses niya. Nakatingin si Connor sa harap namin kaya sa tingin ko ay ayaw niyang makipag-usap na magkaharap kami sa isa’t-isa. It will surely end up into a fight. Following his lead, I also looked at the front and just stared at the big screen tv.
“You visibly cared for someone yet you don’t know how that person feels about you. Would it be the same or the opposite of what you have showed to him or her?” malungkot ang boses ni Connor kaya tahimik lang akong nakikinig sa kanya.
This would probably be the second time that we talked with each other seriously. Una iyong gabing nawala si Blake at nag-usap kami sa harap ng pool. That was mine and Josh’s anniversary but because I choose to lie to him, we broke up and I am trying to lift myself up until this time.
“This is the first time that someone told me that she cares for me.” yumuko si Connor at narinig ko ang tunog ng pagngiti niya. I smiled as well because of the fact that I found someone like Connor. Iyong palagi kaming nag-aaway pero at the end of the day, we still talked with each other about stuffs that we both relate to.
“I guess this will be the first time that I said that to someone as well. Except for Mira and my family of course.” wika ko at mapait na ngumiti.
“You know, I used to have someone whom I always take care of. You know the student council’s vice president?” tumingin si Connor at hinintay ang sagot ko.
What the f*cking hell is happening? Don’t f*cking tell me?
Bianca?!