December 31 - today will be the last day of the year.
My mom was very busy with the celebration that we will have tonight. His friends will drop by tonight to maybe greet her. The same thing with my dad’s. Some of Blake’s friends will be here as well to drop their gifts for him. Although he doesn’t like the idea of them giving him a gift, wala na siyang magagawa dahil gusto iyon ni mommy.
While me?
I was stuck here in my room deciding whether to call Connor or not. My mom asked me to call him so that he can celebrate his new year here with us. Alam na din kasi ng mga magulang ko ang kalagayan ni Connor and I even asked Connor that I will tell my parents about him. Mira on the other hand went here after their trip. Dala-dala niya pa ang mga bagahe niya para lang pagsabihan ako. My parents even knew what happened kasi nagsumbong si Mira sa kanila.
Marco and Mira said that they will not be coming here because they will spend the new year’s eve with their families. Naiintindihan ko naman kasi pumunta si Mira dito noong pasko. Right now, si Connor lang talaga ang inaalala ko. The last time that we saw and talked with each other was when he stayed here in our house for a night. I guess that was five days ago and things didn’t go well that time.
*knock knock knock*
“Yes. Bukas lang po ang pintuan.” pagbukas nito ay si dad ang nakita ko. He went inside and sat on the couch in front of me.
“Natawagan mo na ba si Connor?” tanong niya sa akin.
“Hindi pa po. May ginawa pa po kasi ako. Tatawagan ko na po siya ngayon.” pilit akong ngumiti kay dad dahil nakatitig lang siya sa akin. He smiled because of my response but I heard him sighed right after.
“Are you suffocated with your mom pushing you to Connor?” tanong niya at napawi ang ngiti sa mukha ko.
“Ano po ba ang ibig niyong sabihin?”
“Alam kong alam mo na gusto ng mommy mo si Connor para sa’yo.”
“I’m not that blind to see that one dad but I can’t blame mom. Baka nag-alala po siya sa akin na baka hindi ko pa rin nakakalimutan si Josh.” and that I think is true.
Kahit na gaano pa kalupit si mommy sa akin, alam ko naman na nag-aalala pa rin siya dahil anak niya ako. She wants me to be happy and be successful at the same time in the future. Sanay na rin naman ako kaya hindi na dapat ako aarte pa.
“Pwede ko namang pakiusapan ang mommy mo na ihinto na ang matchmaking sa inyong dalawa ni Connor. Hindi naman sa ayaw ko sa lalaking iyon dahil mabait siya at matalino pero ikaw pa din ang inaalala ko Asher.”
I smiled upon hearing what dad told me. Siya talaga ang palaging nandiyan kapag kailangan ko ng makakausap o makakasama.
“You don’t have to dad. Connor is my block mate as well so hindi po kayo dapat mag-alala. Besides, you just said na mabait nga siya kaya hindi niyo na dapat pagsabihan pa si mommy.”
“Sigurado ka ba? Iyan ba talaga ang rason mo o baka naman nahuhulog ka na sa taong ‘yon?” umiling ako sa tanong ni dad at ngumiti.
“I just want to make my mom happy and make Connor forget about how would it feel to be lonely. We already know that his parents are not here so I am happy to help him. Nandiyan din si Blake para palipasin ang oras niya.”
“Okay, fine.” tumayo si dad at lumapit sa akin. “Just don’t forget that I am always here to listen and help you.”
“Thanks dad.”
“You’re welcome. Just prepare for tonight and make sure to invite Connor okay? Baka awayin ka pa ng kapatid mo kapag hindi mo siya napapunta dito.”
“Yes dad.”
“And one more thing,” lumingon si dad sa akin habang hawak-hawak niya ang doorknob. “your tita Tessie will drop by to give you your new stocks of medicine. Just keep an eye on your phone for she will just call you.” saad ni dad at nagpaalam na sa akin.
Hayst. Kailan pa kaya matatapos ang araw-araw kong pag-iinom ng mga gamot.
Nakatitig lang ako sa cellphone ko ngayon. I opened the contacts app and searched for Connor’s number. I have his number since the first time that we got paired for a research project. Remember Samantha? The flirty girl who asked for Connor’s number? Tsk. Imbes kasi na sa kanya ibigay ang papel kung saan nakasulat ang number ng lalaki, dumeretso si Connor sa akin at ginawa niyang rason ang research project namin. That guy really knows how to annoy people. Kahit nga ako ay nagagawa niyang bigyan ng problema sa buhay. Tsk.
With having enough courage, I clicked the call button and waited for the call to be picked up by him. Habang naririnig ko ang sunod-sunod na pag ring, mas lalo akong kinabahan.
“Hello?” nanlamig ako matapos marinig ang malamig na boses ni Connor. Wait, kakagising niya lang ba? It’s already two in the afternoon.
“Hello? Who is this?” sunod-sunod niyang tanong. I cleared my throat before answering him.
“It’s Asher.” sagot ko.
Wala akong narinig na sagot mula sa kanya at tanging katahimikan lang ang naririnig ko. Matapos ang halos dalawang minuto sigurong paghihintay, narinig ko din ulit ang boses niya.
“Why are you calling me? Did you pressed the wrong button or do you think I am Josh?” for the first time, narinig ko din siyang binanggit ang pangalan ni Josh. Ang palagi kasi niyang tawag sa lalaking iyon ay “idiot” or “that man”. Tsk. Baka napasukan ng anghel sa katawan ang lalaking ito.
“Shut the f*ck up. My mon insisted on asking me to call you.”
“Why? Did Blake missed me already?”
“Tumahimik ka nga? Ang laswa ng pagkakasabi mo.”
“What?” Tsk. He is hopeless. Nakalimutan ko nga pala na englishero pala ang kausap ko. Tsk.
“Mom invited you for a dinner tonight. We are celebrating the new year’s eve. She wants you to come.”
“Oh. . .” tanging naisagot niya. “I don’t have a car right now.”
“Wala ka bang ibang sasakyan?”
“All of them are not here because I thought I have no plans for today.” walang gana niyang sabi. I heard footsteps on his line kaya malamang ay pababa na siya ng hagdan o paakyat pa lang.
“You can ride a cab or call through grab. Alam mo naman siguro kung paano diba?” tanong ko sa kanya. Kasi kahit gaano pa kayaman ang isang tao, alam talaga niya mag taxi or kumuha man lang sa grab.
“Unfortunately. . . no.” matigas niyang sabi na naging dahilan para malaglag ang panga ko. What the f*ck? Nasa legal age na si Connor pero ang tanging alam niya lang ay mag drive ng sasakyan? Damn!
“You are hopeless.” sabi ko matapos maka recover sa sinabi niya.
“You can get me then. You know how to drive.”
“What the f*ck is wrong with you?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya? Ano ba ang nakain ni Connor at ganyan siya makipag-usap sa akin? Nasapian ba siya o ano?
“Pick me up at five.”
“No! I will not pick you up. F*c—“
“I will tell tita Elizabeth in advance.”
“No! I have my dysmenorrhea oka—”
“Exactly five.”
“What th—“
*toot toot toot*
Great! At binabaan niya pa talaga ako? So now what?
Argh! Itinapon ko ang unan ko at napunta ito sa sahig. F*ck that Connor! Wala talagang panahon na hindi niya ako iniirita.
“Sis!” nabigla ako ng pumasok na lang si Blake sa kwarto ko. He is holding a confetti at pinaputok niya ito dito sa kwarto ko. Nalaglag ang panga ko habang nakatingin sa mga nakakalat na pira-pirasong papel sa sahig.
“What is wrong with you?” mahinahon kong tanong sa kapatid ko habang siya naman ay nakangisi lang sa akin.
“Surprise!” sigaw niyang muli sa akin.
“It’s not even my birthday! DADDDDDDD!” sigaw ko.
“Anong nangyari? May masama ba sa inyong dalawa?” sunod-sunod na tanong ni dad habang tinitigan kami ni Blake mula ulo hanggang paa.
“Tingnan mo po kung ano ang ginawa ni Blake sa kwarto ko.” wika ko at itinuro ang mga kalat sa sahig pati na sa kama ko.
“I just want to surprise her. There is nothing wrong with that.” depensa naman ni Blake at ginamitan pa talaga niya ito ng malungkot na boses.
“Bakit mo naman so-sorpresahin ang kapatid mo Blake?” seryosong tanong ni dad sa kanya.
“Because today is the last day of the year?” hindi ba siya sigurado sa sagot niya? Kasi kung hindi, trip niya lang talaga na asarin ako.
“And so? You can even surprise your mom. Do you want that?”
“I’m sorry dad.”
“Huwag ka sa akin humingi ng tawad. Sa kapatid mo dapat.” wika ni dad at itinuro ako.
“Sorry sis. Will not do it again.”
“It’s fine. I’ll just clean this mess up.” wika ko at tumayo. Ginulo ko ang buhok ni Blake at nagpaaalam na siyang lumabas.
“Tinawagan mo na ba si Connor?”
“Opo.” hindi ako nakatingin kay dad dahil winawalis ko ang mga kalat sa sahig. Kinuha ko rin ang unan at tinapon pabalik sa kama ko. Tsk. Kakalinis ko lang nito kahapon eh.
“Anong oras daw siya pupunta dito?”
“Ako po ang kukuha sa kanya. Wala kasi ang mga sasakyan niya ngayon.”
“Ahh. Okay lang ba kung ikaw?” napahinto ako sa pagwawalis at nakaisip ng paraan. Dad is totally my savior!
“Pwede po ba kayo ang kumuha sa kanya dad? Ibibigay ko po ang address!” sigaw ko dahil excited akong mawalan ng trabaho mamaya.
“I don’t think I can. Your mom and I will be going somewhere later. Mga alas syete na kami makakauwi.” nanlumo naman ako matapos marinig ang sagot niya.
“Alright. I can’t do anything about that.”
Ngumiti lang si dad at lumabas na. Tumingin ako sa oras at alas tres pa naman ng hapon. Bakit ba ako palaging nakatingin sa oras? Tsk. Hindi naman ako excited makita ang mokong na iyon. Bwesit! Dagdag pa sa problema ko ang taong iyon. Tsk.
Inilaan ko ang dalawang oras sa pagtulong kay Blake. Nililinis niya kasi ang kwarto niya incase na baka gustong pumasok ng isa sa mga kaibigan niya. Tsk. At ipinalabas pa talaga lahat ng game collections niya. Hindi naman masyadong hambog ang kapatid ko noh?
“Five na sis. You can go. I can manage on my own.” Blake said as he pushed me outside.
Alas singko na nga ng hapon pero parang ayaw ko pa ring umalis. Dumeretso ako papunta sa garahe at isinuot ang helmet ko. Nagdala din ako ng extra para kay Connor. Hindi na ako nagbihis. Naka tattered jeans at hoodie jacket lang ako. Nag sapatos lang ako ng puti dahil kailangan talagang magsuot ng sapatos ang driver. Kay Blake lang ako nagpaalam dahil umalis na din sina mom at dad kanina pa para maaga daw silang makakabalik.
I drove out and in less than an hour, I was already waiting for Connor outside his house. Hindi na ako nag-abala pang mag doorbell o tawagan siya dahil alam niya na alas singko niya ako pinapunta dito.
I waited for almost twenty minutes bago ko narinig ang pagbukas ng gate. Mukha ni Connor na walang gana ang unang nakita ko. He then looked at my direction and walked towards me.
“I’m not surprise but I am disappointed.” bati niya sa akin.
“I don’t have my own car. Wala ang driver namin ngayon kaya magtiis ka muna sa motorsiklo ko.”
“But I have no experience on this thing before!” he shouted as he pointed at my motorcycle with a disgusted look on his face.
“Ikaw mismo ang nagsabi na ako ang kukuha sa’yo kaya magtiis ka.” itinapon ko sa kanya ang helmet at isang kamay lang ang ginamit niya para saluin ito.
Ngayon ko lang nakita na halos pareho lang din ang suot namin. Tattered jeans, hoodie jacket at white shoes. Nagmukha kaming magkasintahan dahil sa mga suot namin.
“Are you sure you are a good driver? I mean no offense. I am not afraid. I just don’t want to die right now.”
“We’ll see.” the last thing that I said bago ko pinaandar ang motorsiklo ko.
But guess what? Akala ko ay matatakot siya on his first try pero ni hindi ko nga narinig na nagrereklamo siya sa likod. Hindi din siya humawak sa balikat ko dahil sa takot. First time ba talaga niya?
“Is it really your first time on this thing?” I asked habang kinukuha ang helmet ko.
“Yes. And you drove so well. I’m gonna say that you are good at this.” napahinto ako sa paglalagay sa helmet sa cabinet ng marinig ko ang sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit pero naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko kaya napahawak ako dito.
Ito ang unang pagkakataon na nakarinig ako ng puri dahil sa pagmamaneho ko. Si Mira lang kasi ang palagi kong angkas at palaging pangaral ang inaabot ko dahil ang bilis ko daw magpatakbo.
“Binagalan ko lang dahil baka mamatay ka sa takot.” lumingon ako sa kanya pero nabangga ako sa dibdib niya.
How did he get so near? And when did he walked towards my back?
“I. . . I’m so—sorry” nauutal kong sabi.
Itinaas niya ang kanang kamay at inilagay sa cabinet ang helmet. Nanatili ang mga kamay niya malapit sa ulo ko at yumuko siya para tingnan ako.
“I just realized that we look like a couple.” malamig niyang sabi. I gulped because of his voice at parang nawawalan ako ng pagkakataon na huminga dito. “Don’t you think so?” he asked as he leaned more to see me.
“I. . . don’t think so. He— Hehe.” I forcefully laughed. Please, umatras kang mokong ka kasi hindi na ako makahinga!
“Will you say yes if I offer you a friendship?” agad akong napatingala sa kanya dahil sa sinabi niya. Nang magtagpo ang mga mata naming dalawa, hindi ako makapagsalita. Nilalamon ako nito at ginagawa akong parang tanga. Ako na mismo ang bumitaw dahil parang wala din siyang plano na putulin ang pagtititigan naming dalawa.
“No.” tinulak ko ng mahina ang dibdib ni Connor at nagsimulang maglakad matapos akong makawala sa mga bisig niya.
“Why not? We’re block mates. We always see each other at school”
“So that’s it. I don’t treat you as one. You are my rival. You are intelligent and I am as well. I treat people who are smart as a threat. That’s how I see you.” I honestly told him.
He’s my rival. Siya ang pwedeng maging dahilan para hindi ako ang una sa klase dahil matalino si Connor. Kahit natutulog lang siya sa klase, kaya niya pa rina kong pabagsakin mula sa posisyon ko.
“Then I will make myself as an ally to you.” wika niya at huminto ako sa paglalakad. An ally huh? I looked back at Connor at nakatitig lang din pala siya sa akin. I smiled at him and said.
“Then prove it to me. If I can see you as an ally and not a threat then you can be my friend.”