“Hello, good morning po manang.” bati ko kay manang pagkaupo ko sa dining area.
“Magandang umaga rin. Anong gusto mong almusal?”
“Kahit ano lang po basta luto niyo.” wika ko at kinindatan si manang. Ngumiti naman siya ng malapad at napailing-iling na lang ang ulo.
“Ikaw talagang bata ka. Sige, tawagin na lang kita sa kwarto mo kapag nakapagluto na ako.” lumabas muna siya ng kusina at hindi ko alam kung saan siya pupunta. May itatanong pa naman sana ako sa kanya.
Tatanungin ko lang sana kung gising na ba si manong Oscar o kung nasa labas na ba siya. Alas kwatro pa kasi ng umaga at nagigising si manang sa ganitong mga oras. Kahit na alas syete pa ng umaga kami kumakain, alas sais pa lang ay nagsisimula ng magluto si manang. Malinis na din ang lahat dito sa kusina at sa sala kaya gustong-gusto talaga naming pamilya si manang. All-around kasi siya at hindi siya kinuha nina mom at dad mula sa agency which is way cheaper than the maids from an agency.
Bigla kong nakita si manang mula sa labas na papalapit dito sa pintuan sa kusina. Nang makapasok siya, agad kong tinanong kung nasa labas ba si manong Oscar.
“Mukhang nasa quarters pa si Oscar ma’am. Importante po ba ang kailangan niyo?”
“Ay hindi naman po. Itatanong ko lang sana kung nauwi ba si mommy kagabi. Ang lakas po kasi talaga ng ulan.” sabi ko sa kanya.
“Naku, hindi nakauwi ang mommy mo kagabi. Kukunin sana siya ni Oscar at ng dad mo pero doon na lang daw siya matutulog sa opisina niya. Ang lakas kasi talaga ng ulan kagabi at ni hindi man lang ito humina o huminto.” pailing-iling pang sabi ni manang.
“Sige manang. Hindi ko nalang po didistorbuhin si manong Oscar.” saad ko at bumalik na sa kwarto para matulog ulit.
Pagdating ko sa kwarto, nasa higaan ko na si Zeus at mahimbing na natutulog sa unan ko. Did he wake up? Nasa higaan pa niya kasi siya kanina at madali lang naman akong nakipag-usap kay manang. Ang dali naman niyang makatulog uli.
Kinuha ko nalang ang laptop ko at binuksan ang twitter account ko. Hindi talaga ako gumagamit ng f*******: o messenger dahil facetime ang gamit namin ni Mira at wala naman akong ibang kinakausap maliban lang sa kanya. And I never experienced having conversation with guys on messenger or through video call because I honestly never dated anyone before. May mga iilan naman na tinangkang kunin ang number ko pero hindi ko binigay kahit kanino. So far, Connor is the only one who has my number. Well except for dad and manong Oscar.
Matagal pa naman bago matapos magluto si manang kaya nag post ako sa twitter ko.
-.-. .- -. ’- / ... .-.. . . .--. .-.-.- / .. / -.. --- -. ’- / -.- -. --- .-- / .. ..-. / --- -. . / --- ..-. / -.-- --- ..- / -.-. .- -. / ..- -. -.. . .-. ... - .- -. -.. / - .... .. ... / -... ..- - / .. / -. . . -.. / .- / - .. .--. / --- -. / .... --- .-- / - --- / --. --- / -... .- -.-. -.- / - --- / ... .-.. . . .--. / ...- . .-. -.-- / . .- ... .. .-.. -.-- .-.-.- (Can’t sleep. I don’t know if one of you can understand this but I need a tip on how to go back to sleep very easily.)
I posted it after typing and I never expect anyone to answer my question. And yes, I always use a code, a morse code to be exact in posting what I think, what I feel, what my mood is and my questions on twitter. I reached almost sixty thousand followers but no one even understands my code. They will just simply retweet my tweet and then message me saying hi. At hindi naman iyon problema sa akin. I am happy that they are enlightened and curious by my tweets.
Naghintay ako ng tatlumpong sampung minuto habang nanonood ng pero wala talagang sumagot sa tanong ko. Guess it’s yet the time to have someone who understands me.
Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Inihain na ni manang ang niluto niya at ngumiti ng makita ako.
“Naghanda po ako ng bacon, egg, hotdog, garlic rice, grapes at sliced apples ma’am. Alam kong ito talaga ang gusto niyong kainin.” nakangiti niyang sabi at ibinigay sa akin ang tray.
“Salamat manang. Pasensya na po kung napaaga ng masyado ang paghahanda niyo.” paumanhin kong sabi sa kanya.
“Walang problema po sa akin ma’am. Sa kwarto niyo lang po ba kayo kakain?” tanong niya.
Tumango ako at pumunta na pabalik sa kwarto ko. Nagising si Zeus pagbukas ko ng pintuan at tumalon naman siya papunta sa paanan ko.
“Hey there little sweetheart. Are you hungry?” tanong ko at sumagot naman siya ng meow.
“Alright, alright. I’ll go refill your trays.” wika ko at kinarga siya papunta sa area niya. May malaki naman din siyang higaan dito na binili pa talaga ni manang kasabay ng mga trays at lalagyan niya ng tubig. Lahat ng gamit niya ay kulay itim kaya lumilitaw talaga ang gold niya na kulay dahil itim lahat ang nakapaligid sa kanya.
Inayos ko ang higaan ni Blake at nilagyan ng pagkain ang trays niya. Matapos kong gawin ang mga kinailangan, naghugas ako ng kamay at bumalik sa kama ko. Nakaharap pa rin ako sa laptop ko at nakabukas pa rin ang twitter account ko. Isinubo ko ang garlic rice at bacon ng makita ko ang isang retweet sa tweet ko kanina.
“What the. . .” I said whispering while staring at the screen.
Did someone just put a morse code on my tweet. Did someone finally understand what I am trying to say? F*cking hell! I found someone who knew about the code!
I stood up at nagsayaw-sayaw ako dahil sa saya. I’m glad that someone already knew about my codes!
-.. .-. .. -. -.- / .- / --. .-.. .- ... ... / --- ..-. / -- .. .-.. -.- .-.-.- (Drink a glass of milk.)
That’s the reply of the stranger on my tweet. Agad kong pinindot ang profile niya at tiningnan ang displayed pictures niya pero wala akong nakita na mukha ng isang tao. I only saw a black cat. Buti pa ang pusa, alam ang code na ginamit ko. Tsk. Baka naman die hard cat fan ang taong ‘to. But nevertheless, at least I got someone already. Yes!
For those who don’t have any idea about morse code, let me enlighten you. It is a code represented by different long and short signals of light or sounds that are combined. It used dots and short dashes in writing and usually tapping or any sound that represents a dot and a dash. It can also be use by just through blinkin. Basta kailangan lang talaga alam mo ang short and long sounds para sa dots at dashes para ma translate ng maayos ang kung ano man ang sasabihin mo.
I tweeted another code another and here’s our long conversation.
-. --- .-- --..-- / .. / .- -- / .... .- .--. .--. -.-- / - .... .- - / .. / --. --- - / -.-- --- ..- .-.-.- (Now, I am happy that I got you.) I tweeted at nagbabakasakali na mapansin niya ito at mag retweet. Hindi naman ako naghintay ng matagal dahil agad din siyang nag retweet at may nakasulat na message through morse code.
-.-- --- ..- / .- .-.. .-- .- -.-- ... / --. --- - / -- . .-.-.- / .- .-.. .-- .- -.-- ... .-.-.- (You always got me. Always.) Maikli na sabi niya pero naging dahilan pa rin ito para ngumiti ako ng malaki. Sino ba ang taong ito?
-.-. .- -. / .. / .... .- ...- . / .- / .... .. -. - / - --- / -.- -. --- .-- / .-- .... --- / -.-- --- ..- / .- .-. . / .- -. -.. / .-- .... . .-. . / -.-- --- ..- / -.-. .- -- . / ..-. .-. --- -- ..--.. (Can I have a hint to know who you are and where you came from?) tanong ko kasi wala naman akong nakikitang mukha niya o kung taga saan siya sa profile niya.
.. / .- -- / -.-- --- ..- .-.-.- (I am you.) Simple niyang sabi at naguluhan naman ako? Anong ibig niyang sabihin na siya ay ako?
.-- .... .- - / -.. --- / -.-- --- ..- / -- . .- -. ..--.. (What do you mean?) Hindi ko mapigilang itanong.
-. --- - .... .. -. --. .-.-.- / .. ’-- / ... --- .-. .-. -.-- / .. / .- .-.. .-- .- -.-- ... / ... .--. .- -.-. . -.. / --- ..- - .-.-.- (Nothing. Sorry I always spaced out.)
-. --- .-.-.- / .. - ’... / --- -.- .- -.-- .-.-.- / .- - / .-.. . .- ... - / -. --- .-- --..-- / .. / .... .- ...- . / ... --- -- . --- -. . / .-- .... --- / .. / -.-. .- -. / - .- .-.. -.- / .-- .. - .... .-.-.- / -.-- --- ..- / -.- -. --- .-- --..-- / .. -. / .- / ... . -.-. .-. . - / .-- .- -.-- .-.-.- (No. It’s okay. At least now, I have someone who I can talk with. You know, in a secret way.) Hindi nalang ako nagtanong pa sa kanya tungkol sa ibig niyang sabihin dahil baka ayaw talaga niyang pag-usapan.
... .- -- . / .... . .-. . .-.-.- / -.-. .- -. / .. / -.. -- / -.-- --- ..- ..--.. (Same here. Can I dm you?) Kinabahan naman ako sa tanong niya. Is this what I think it is? Baka kasi ang taas lang ng expectations ko tapos nakikipag-kaibigan lang talaga siya o baka babae siya.
.. / -.. --- -. ’- / .... .- ...- . / .- -. / .. -. ... - .- --. .-. .- -- / -... ..- - / -.-- --- ..- / -.-. .- -. / -.-. .... .- - / -- . / .... . .-. . / .. -. / -- -.-- / - .-- .. - - . .-. / .- -.-. -.-. --- ..- -. - .-.-.- (I don’t have an i********: but you can chat me here in my twitter account.) Sagot ko kasi iyon naman talaga ang totoo. I wanted to use my twitter account on everything.
Ngunit, iyon na ang huling pag-uusap namin dahil hindi na siya nag reply pa hanggang umaga. Hindi na ako nakatulog pabalik kaya nanood na lang ako ng mga movies. Sabado naman bukas kaya walang problema kung hindi ako maagang gigising.
Nasa pangalawang movie na ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Nagising si Zeus at tumingin sa akin. I called him and he jumped into my bed and cuddled my hand. Humiga siya sa tiyan ko at hindi naman mabigat dahil nakasandal ako sa headrest. Kinuha ko ang cellphone mula sa bedside table at si Mira pala ang tumatawag. Alas singko pa lang ng umaga! Wala akong nagawa kung hindi sagutin ang tawag dahil hindi talaga titigil si Mira, alam ko.
“Hello?” sagot ko.
“Glad you answered my call!”
“Bakit ba?”
“Itatanong ko lang sana kung bakit ka umalis bigla kahapon. Dahil ba kay Connor? Ginugulo ka ba niya?” seryosong sabi ni Mira at napabuntong-hininga ako.
“No. I just don’t like him.”
“That’s it?”
“That’s it.” I said kasi ayoko na munang sabihin kay Mira ang nangyari dito sa bahay. Baka mas ipitin pa ako nito sa sitwasyon at e-ship pa kaming dalawa ni Connor.
“Umalis ka bigla sa cafeteria at bumuhos ang malakas na ulan. Nagkita ba kayo ni Connor?”
“Huh?” naguluhan naman ako dahil paano kami magkikita ni Connor eh nilayasan ko nga siya mula sa cafeteria.
“Nang bumuhos kasi ang malakas na ulan, hiniram niya ang payong ko at tumakbo palabas. Susundan ka daw dahil baka nabasa ka. Nagkita ba kayo?”
“No.” sagot ko at nabagabag naman ang loob ko dahil sa sinabi ni Mira.
Why would he follow me kung alam niya naman na umuulan. May problema ba sa utak si Connor?
“Anyways.” biglang sabi ni Mira kaya kinalimutan ko nalang ang tungkol kay Connor. Baka hiniram lang niya ang payong ni Mira para hindi siya mabasa sa ulan at umuwi. Yes, that’s what he did.
“Ano? Bakit ka ba tumatawag? Napakaaga naman.”
“Ang nega mo talaga. Nakita ko ang mga tweets mo hoy! Kilig ka naman diyan. Naiintindihan ko kaya! Nag morse code translator ako para lang makita kung ano ang pinag-uusapan niyo nung stranger na iyon. And guess what?”
“What?”
“Josh called me!” she exclaimed.
“Josh?”
“Duh! The president of the student council.”
“And?”
“Inaya ka niyang makipagdate sa kanya bukas.”
“Bukas?!” sigaw ko kasi hindi ko inaasahan ang sinabi ni Mira. And what? Date?!
“I mean mamaya pala kasi kahapon siya tumawag sa akin at sabi pa niya ay bukas, so ngayon.”
“What the f*ck did you just do Mira?!”
“Sorry. I agreed in behalf of you. I love you!” huling sabi niya at binabaan ako ng tawag. Tinapon ko ang cellphone ko sa paanan ng kama ko at pinigilan ang mapasigaw dahil nasa tabi ko lang si Zeus at natutulog. F*ck you Mira! Huwag lang magpakita ang babaeng iyon sa akin dahil ako talaga ang unang papatay sa kanya. Damn!
Kinalma ko ang sarili ko at ipinagpatuloy ang panonood habang nag-iisip kung ano ang pwede kong idahilan para hindi matuloy ang pag-aya ni Josh sa akin. F*ck!
Alas syete na ng umaga ng maisipan kong matulog ulit. At hanggang ngayon, wala pa rin akong naisip na paraan para tanggihan si Josh. F*cking Mira!
Pinuntahan din ako ni mommy dito kanina at sa akin siya nagpaalam na aalis na siya. Alas sais pa ng unaga pero pupunta na agad siya sa trabaho. Sina dad at Blake ay nasa taas pa at natutulog. Dahil sa antok ko, hindi nagtagal ay nakatulog din ako.