I ran so fast to where Josh is heading para habulin sana siya pero ni anino niya ay hindi ko nakita. Nakalabas na ako ng campus pero wala akong nakitang Josh. I smiled bitterly and a tear fell from my eyes.
“So that’s it?” bulong kong tanong sa sarili ko.
How ironic. He decided to leave me by the time I said that I love him and I will accept him fully. Inisip ko kagabi kung ano ba dapat ang piliin ko o kung ano ang mas nakakatimbang para sa akin. As I close my eyes last night, an image of Josh appeared. He is smiling at me and we are both laughing at each other. We were so happy and so gullible that I thought of making it last.
Naramdaman ko naman na may pumatak na tubig sa kamay ko at sunod-sunod na akong nababasa. Great! Nakisabay talaga ang panahon sa akin. Pinaulan pa talaga para mas madama ko ang sakit ng nangyari sa akin. Great timing!
Naglakad ako papalayo sa campus dahil wala din namang kukuha sa akin ngayon. Wala na din kami ni Josh kaya there is no reason for him para ihatid ako pauwi. I can’t even call Mira right now dahil baka mabasa ang phone ko kapag ipinalabas ko ito. Mabuti na lang at naisipan kong magpalit ng bag ngayon na water resistant kaya wala akong problema sa mga gamit ko. I did not bring my laptop as well dahil wala naman akong panggagamitan ngayon. Hindi ko alam kung iyon ba talaga ang plano ng tadhana o matalino lang talaga ako. Tsk.
Dahan-dahan lang ang naging lakad ko dahil basang-basa na naman ako ng ulan. Nasa tabi ng campus gate ang waiting shed pero hindi na ako nag-abala pang magpasilong. Basang-basa na kaya ako.
Bigla ko namang naramdaman na hindi na ako nababasa habang naglalakad. Nakita ko sa paanan ko na tumutulo pa rin ang ulan ngunit bakit hindi ako nababasa?
I looked up and I saw a transparent umbrella protecting me from the droplets of the rain. My gaze shifted at the man beside me. His serious face made me want to look at him more but I cut off my stares at tumingin sa harap.
“What are you doing here?” tanong ko sa kanya.
“I think I should be the one to ask you that one.” he said and he started walking. I also started walking to be at the same pace with him.
“We just finished the class. I mean, I did. Hindi ka nga pala pumasok ngayon.”
“I have to.”
“Is there something much more important than listening to lectures and going to school?” I asked as we stop on the bus stop. Ibinaba niya ang payong at tiniklop ito dahil may bubong naman dito sa station kahit na hindi naman karamihan ang mga taong sumasakay mula dito.
“There is.” he said and we both sat on the attached bench.
Nakaharap lang kaming dalawa sa ulan at napatingala ako. Maitim na ang kalangitan at walang kahit isang bituin ang makikita Tsk. Bakit pa kasi umulan?
“Did Josh and you broke up?” tanong ni Connor na naging dahilan para mapahinto ako.
And yes, si Connor nga ang nakakita sa akin na naglalakad sa ulan. He then shared his umbrella with me and he is now sitting with me here in the station.
“Why are you here? At paano mo ako nakita kanina?” tanong ko trying to avoid his question.
“Don’t try to mess up with my question.” saad niya at seryoso ang mukhang tumitig sa akin.
“Paano mo naman nasabi na wala na nga kami?” wika ko at sinubukan na ipataas ang boses para hindi halatang malungkot ako.
“I saw both of you at the back of the law building.” ani niya na naging dahilan para mapatingin ako sa kanya at kumunot ang mga kilay ko.
“Where were you?” I asked.
“I was walking through the back because I wanted to surprise you by pulling you directly to my car.”
“Pero hindi ka naman pumasok.”
“I didn’t. I came here to pick you up.”
“Why?”
“Remember what I told you last night? I will answer your question. But I think this is not the right time for that.” he said and then looked at the rain.
“Bakit hindi mo na lang sabihin sa akin at kailangan pang isama ako? Ha?” tanong ko.
“No reason.”
“Ang ewan mo talaga.” nagtitimpi ng galit kong sabi sa kanya.
“So you and that idiot are over now?” tanong niya.
Natahimik naman ako at mapait na ngumiti. Hell yeah, I totally forgot that Josh and I are not together anymore. He cut of the mess up relationship. He cut off the chase. Ayaw na niyang habulin pa ako. Kung kailan niya nalagay ang tali, saka siya susuko at kunin itong muli. Not knowing that I am also in pain because of what he did.
Siguro nga ay nahulog na siya sa mga pinagsasasabi ni Bianca sa kanya. Lahat naman kasi ng mga sinasabi ng babaeng iyon ay kasinungalingan at kahit na isang guhit ng katotohanan ay wala.
Nabalitaan ko nga na suspended ang kaibigan ni Bianca na si Sleya dahil daw sa ginawa niya sa akin. Si Josh nga mismo ang nagsabi sa counselor ng guidance council kaya agad din nilang pinaniwalaan ang sinabi nito. If I will have the chance to meet that girl one day, I would probably ask for an apology from her. She did not do anything to be suspended like that.
“Yeah. . .” matamlay kong sagot kay Connor. “I guess that’s how my first love life went. I mean, he’s my first and I never know when will I get over him.”
“You love him that much?” tanong niya.
“I just realized last night. Ang tanga ko nga para malaman kagabi lang, sa araw pa talaga ng monthsary namin na mahal ko siya. If it weren’t for you talking to me about Josh and how I feel for him, I would not know.” I said and sighed.
“If I did not talk to you last night, you and that idiot will still be together right now.” napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya. He then looked at my direction as well and smirked. “Right?”
Agad akong tumingin sa kabilang direksiyon dahil sa pagtingin niya sa akin. I just said last night that I am comfortable when I am with him pero ngayon, naiilang na naman ako sa mga titig niya.
“I can’t blame you. Ako naman ang nag decided na hindi sagutin ang mga tawag niya. Kung hindi mo pa nga ako sinabihan na tawagan siya, hindi kami magkakaayos at maghihiwalay kami na galit sa isa’t-isa.”
“Aren’t you angry at him?”
“I don’t think I should be. I mess up and I know that.”
“But he did something that will surely upset you as well.”
“As what I have said, I can’t blame anyone here except for myself only. Bianca is his best friend for years. How about me? I am just a friend for less that five months and a girlfriend for a month and one day. Anong laban ko sa taong kilala niya ng ilang taon?”
“But he told you that he already like you back when you were still in grade school. That’s absurd for me and exaggerating but who knows? Maybe he really likes you back then. Imagine how painful it is for him to decide to break up with you.” mahaba niyang sabi at nakakunot ang kilay kong nakatingin sa kanya.
“Teka nga lang. . .” panimula kong sabi at hinawakan ang noo niya. Agad naman siyang umatras at mahinang pinalo ang kamay ko.
“What the f*ck are you doing, you creep?” wala sa sarili niyang tanong sa akin.
Kinuha ko ang kamay niya at hindi naman ito mainit. Wala naman sigurong lagnat si Connor ngayon noh?
“Kahapon pa ako nabibigla dahil palagi kang nagsasalita at ang haba-haba pa ng mga sinasabi mo. Na amnesia ka ba Connor?” I asked at malungkot na tumingin sa kanya. “Kung na amnesia ka nga, sana hindi mo natandaan ang pagiging boyfriend mo sa akin noon.” bulong ko habang hindi mapigilan na mairita. That memory again. Tsk.
“I heard you.” tumayo na siya at biglang naglakad papalayo sa akin.
May huminto naman na bus sa harapan ko kaya I get it why Connor left like that. Sinamahan niya lang ba ako hanggang sa may bus na dumating? I stood up as well and walked towards the bus. Bago ako pumasok, tinawag ko ang pangalan ni Connor at kahit na hindi man siya lumingon sa akin, at least huminto siya.
“Thank you for your expensive words! I will surely treat you next time!” matapos kong sabihin iyon ay muli na naman siyang naglakad. Napangiti ako at pumasok na sa bus.
Narating ko ang station na malapit sa amin at mabuti nama’y huminto na ang ulan ng makauwi ako.
“Hala ma’am!” sigaw ni manang ng makita ako papasok ng kwarto. “Ano po ang nangyari sa inyo?” nag-aalalang tanong niya.
“Hindi naman po masama. Nabasa lang po talaga ako. Magbibihis na po muna ako manang.”
“Sige. Lumabas ka pagkatapos kasi ipagluluto kita ng mainit na sabaw.” saad niya at tinalikuran na ako para siguro maluto. Ako nama’y pumasok na sa kwarto at hindi naman nagtagal ang pagligo at pagbihis ko.
Kinuha ko ang bag na gamit ko kanina at isa-isang nilabas ang mga gamit mula doon. I wanted to check if there’s anything na nabasa dahil sa ulan. Sa paghila ko ng libro, sabay nito ang pagkahulog ng maliit na piraso ng papel o canvas, kung saan may painting ng isang babae. Sino kaya ‘tong babaeng ‘to? Baka naman art student siya sa St. Prestons.
I nearly forgot about this. Matagal na noong nakita ko to sa mga librong ako lang at si Connor ang nanghihiram. If this is not mine, then this is surely Connor’s piece. Since nakikipag-usap na naman siya sa akin ng maayos, tatanungin ko sa kanya bukas kung sa kanya ba ito.
And yes, papasok ako bukas. Kahit na kaka-break lang naming dalawa ni Josh, ayoko namang maapektohan ang pag-aaral ko. Atsaka, hindi ako iiyak ng ilang oras dahil lang doon. Masakit man, I know I needed to move on.
Before going to bed, I checked my twitter account nang biglang may sinend na link si Mira sa akin.
“What is this?” tanong ko sa sarili ko.
I decided to open it at bumungad sa akin ang picture naming dalawa ni Josh noong araw na sinagot ko siya sa gymnasium. We were so happy back then. Ngunit, katabi ng larawan namin ang madilim at malabong picture ng isang lalaki at isang babae na naghahalikan.
Guess what the headline is?
JOSH AT ASHER: HIWALAY NA NGA BA?
Hindi ito ang official website ng school dahil kadalasang post nito ay kung ano ang mga chismis sa school, hindi ang kung ano ang mga balita. Pero marami pa ring mga estudyante ang tumatambay at nakikibalita dito dahil nakaka-comment sila ng hindi maganda at kahit ano mang saloobin nila tungkol sa issue nang hindi pinapakialaman ng mga guro o staff sa school.
According to the article I have read, Josh and I broke up because of third party. The picture of a guy and a woman kissing was Josh and Bianca. I am not surprise, luckily. Magkasama sila palagi, anong dapat na i-expect ko? I know na hindi kayang gawin ni Josh ang lokohin ako and now that we broke up, he doesn’t care anymore. Single na siya ulit! Bakit kailangan niya pang humindi sa iba kung alam niya wala na siyang jowa?
Marami sa mga estudyante ang nagsabi na kawawa daw ako at pinaglalaruan lang ni Josh. May iba naman na nag comment na baka may pagkukulang din ako kay Josh. Honestly, some comments that are against me do have a point. Nagkulang nga naman talaga ako. I don’t need to deny it because it’s too obvious.
*tok tok tok*
I immediately closed my laptop and took my phone to browse my twitter. The door opened and mom dad went inside.
“Are you okay?” unang bungad niya sa akin at umupo sa couch ko sa study table.
Naguluhan naman ako sa tanong ni dad kaya napataas ang kilay mo sa kanya.
“I’m sorry. Josh called us hours ago saying that you broke up with him.” tanong niya.
I broke up with him? I think that’s the other way around.
“Us which means?”
“He called your mom as well. He said sorry and ask for forgiveness from the two us.” dahil sa sinabi ni dad, mas lalo akong naguguluhan ngayon.
First, I did not broke up with him. HE broke up with me. HE was the one who ended up our relationship. And why did he call my parents? Why did he said sorry to them? And why did he ask for forgiveness? May topak ba siya sa utak para gawin at sabihin ang lahat ng iyon?
“I’m fine dad. You don’t have to worry.”
“Your mom is so worried about you. She told me that you’re gonna be okay since you and Josh are not together for long. But she’s afraid that it will affect your studies.”
“I’ll make sure that it won’t. Kayo na nga po ang nagsabi na hindi kami nagtagal ni Josh kaya hindi malaking problema sa akin ang paghihiwalay namin. Besides, I’m still seventeen dad. Your support is more than enough for me to continue. Though, parang nasobraan yata ang suporta ni mom, at least, she’s still always on the go when it comes to studies.” mahaba kong sabi kay dad at ngumiti sa kanya.
“You have grown up to be just like your mom.”
“Who else could it be?” I said and shrugged off my shoulders. “By the way, okay na po ba si Blake at si mommy? O nagtatampo pa rin ang kapatid ko?”
“He is still not talking with your mom. Nagtatampo pa rin for sure. Sinabihan ko na nga ang mom mo na kausapin ang bunso para maging okay na sila pero pareho talagang matataas ang pride.” napakamot naman si dad sa ulo niya dahil sa nangyayari.
Siya kasi ang naiiipit sa sitwasyon nilang dalawa ni Blake at mom. Syempre, silang tatlo ang palaging magkakasama at ngayong walang imikan ang dalawa, kailangan talaga mag adjust ng isa. That’s quite challenging.
“I think I can talk with Blake about that. Kayo na po ang bahala kay mommy. Sabihan niyo lang na hindi kami magkapareha ni Blake. Hindi pa kasi nasabay si bro sa mga sermon niya kaya ganun talaga.” nakangiting sabi ko. Tumayo naman si dad at tumango.
“Alright then. I’m just here to check if you are alright. Inutusan ako ng mommy mo eh.” bulong ni dad na naging dahilan para matawa naman ako.
Super caring naman talaga ni mom pero hindi talaga niya pinapakita. Mas ipinapakita niya pa ang pagiging strikta niya sa amin bilang ana kesa maging caring.
Lumabas na si dad sa kwarto at ako naman ay niligpit na lang ang mga gamit ko. Nagpalit din ako ng bag at doon nilagay ang gamit ko para bukas.
I sighed after lying down the bed. I am staring at the ceiling and I suddenly smiled, bitterly. Kailan kaya ako makakalimot sa nangyari?