“So, ready ka na ba for our trip?” tanong ni Mira sa akin.
Today is December 25 at hindi na talaga makapaghintay ang babaeng ‘to na makasama ako kasi nakipag facetime pa talaga sa akin.
“I guess so. I mean, I don’t feel anything.” kalmado kong sabi kay Mira at umakto naman siya na nasasaktan dahil sa sinabi ko.
“Hoy! How dare you bruha ka! Dapat excited ka kasi makakasama mo na naman ako!” she shouted while mixing her orange juice.
Alas dose pa ng hapon pero binubulabog niya na ang araw ko. Tinawagan niya ako para sabihing inimbita ako ng mga magulang niya para kumain sa bahay nila mamaya. My parents also invited her for a dinner so we are planning on how we can go to each other’s house at ang oras naming dalawa. So she will be here at eight in the evening since mas gusto ng mga magulang ko ang maaga and then I will be going to their house on ten in the evening. Hindi ba din daw kasi nakakauwi ang dad niya mula sa business trip kaya baka mamayang gabi pa daw iyon makakauwi.
She was currently on her kitchen having her lunch while I am sitting here on Zeus’ bed because he is sleeping at my legs.
“Alright. I’ll get excited then.” matamlay kong sabi kahit na natatawa na ako sa loob ko.
Hindi ko naman kasi talaga ipinapakita kung ano talaga ang nararamdaman ko lalo na kay Mira na kilalang-kilala ako.
“I know you’re excited so I won’t ask you anymore.” See? That’s what I was talking about. hahahahahamaarte niyang sabi at nakita kong pumasok siya sa kanyang kwarto.
“Ang aga-aga pa kaya.” ang layo-layo pa ng oras bago siya pumunta dito sa bahay.
“No. I mean, pupunta kami sa simbahan mamayang hapon.”
“Kasama ba ang dad mo?”
“Depende. Baka kasi mamayang gabi pa talaga siya makakauwi.”
“Pero nasa byahe na siya?”
“Oo. My mom is busy preparing all the foods since my dad can’t cook. And I won’t let my mom cook as well so we ordered foods nalang.”
“Mom ordered the foods as well. Nagpaluto na lang siya sa kakilala niyang chef at ihahatid daw ang mga iyon ngayon.”
“We really are similar.” tumawa kaming dalawa dahil sa sinabi niya. Nagpaalam na si Mira sa akin dahil maghahanda na daw siya.
Kami naman ay pumunta na sa simbahan kaninang umaga. Kaya nga ako pagod at nakatulog na sana nang tawagan ako ni Mira.
“Asher?” narinig ko naman ang katok mula sa labas ng kwarto ko at ang pagtawag ni mommy sa pangalan ko.
“Mom?” dahan-dahan kong nilagay si Zeus sa higaan niya at binuksan ang pintuan.
“I need you to help me with something.”
“What is it?”
“The crews for the catering is here and they will be setting up the things outside. I can’t check it because I’ll be checking the foods. Can you do it for me?”
“Sure. Nasa likod na po ba sila?”
“Yes.” umalis na si mom matapos ipaalam sa akin ang dapat kong gawin. Pumunta ako sa likod at nakitang sinisimulan na nila ang pagpapatayo sa canopy. So, dad came up with this idea of having the party outside since the weather will be so nice this evening and he wanted to make my mom’s work less stressful.
I helped with everything and we finished at five in the afternoon. Nag set-up kami ng isang mahabang upuan na kasya kaming lima dahil kami lang naman ang kakain. We also have the lights, the balloons and so many flowers because my mom love them so much. Naglagay din sila ng mga ilaw sa buong lugar pati na nga sa swimming pool kaya napakaliwanag ng lugar.
“Excuse me ma’am. . .” kinuha naman ng lalaki ang atensyon ko. Isa siya sa mga crew ng catering na kinuha ni mom at may dala-dala siyang itim na notebook at ballpen.
“Yes?”
“Can you sign this one?” ipinakita niya sa akin ang bill kung saan nakasulat doon na hanggang bukas gagamitin ang mga gamit nila. Nagulat naman ako dahil they usually cater for four hours only and if you wanted to make it longer, you should pay them per hour. Ang mahal!
“Did mom told you to just set up everything?” tumango naman ang lalaki kaya wala akong ibang nagawa kundi pirmahan ang papel.
Umalis sila agad at babalik daw sila bukas ng umaga para ligpitin ang mga gamit. Pagpasok ko sa loob ng bahay, napakatahimik nito. Wala din kasi sina manang at si manong Oscar dahil umuuwi talaga sila tuwing pasko at babalik lang pagkatapos ng bagong taon.
“Sis!” I heard Blake’s voice from upstairs so I looked up.
“What?” I went to the kitchen and got myself some bread and nutella.
“Do you have something for mom and dad?” tanong niya.
“I have. Why?”
“Because I still don’t have.”
“And so?”
“Can you come with me?”
“Where?” mahirap magsalita dahil kumakain ako tapos tanong pa ng tanong ang kapatid ko.
“Sa mall nga eh.”
“No. I’m sorry.”
“What?” bumaba siya at pumunta sa kusina kung nasaan ako. “Why?” naguguluhan niyang tanong.
“Because I don’t want to and I am tired. Kakatapos lang naming ayusin ang labas, pwede mo ba ako bigyan ng pagkakataon na magpahinga?”
“Tch.” maarte niyang sabi at tinalikuran na ako.
“Hoy! Saan ka pupunta?”
“Back to my room. You are useless.” he said calmlyas if his words will not hurt me. Tsk. That boy.
Tinapos ko na lang ang kinakain ko at pumunta sa kwarto. Naligo ako dahil punong-puno na ako ng pawis at nagsuot lang ng pangtulog. Matutulog na muna ako dahil malayo pa naman ang oras. I went to my bed and as I lay on it, I immediately fell into a deep slumber.
Nang magising ako, madilim na sa labas. Napakalamig din ng kwarto ko dahil hindi ko pala napahinaan ang aircon kanina. I adjusted the temperature and decided to get dress. Alas syete na rin pala at hindi ko pa alam kung nakauwi na ba si mom at si dad.
“Merry Christmas sis.” walang ganang bati ni Blake sa akin pagkalabas ko ng kwarto.
“Don’t mock me. Tsk.” I said and then tried to ignore him. Nakaharap lang siya sa cellphone niya na parang may nilalaro. Why do guys really love to play games?
“Do you know where mom and dad is?”
“They are outside.” tumango ako at iniwan si Blake sa living room.
Nadatnan ko si mom at dad na nag-uusap habang nakatingin sa mga pagkain sa mesa. I went near them and were not even surprise to see me. Tumingin din ako sa mga pagkain na nasa katabing mesa kung saan kami kakain mamaya. Hindi ako makapaniwala dahil ang daming pagkain na nakahanda. Aakalain mo na birthday party ang gagawin namin ngayon. At may lechon pa! We also have the sweet buffet set up on a cute vintage cart and the drink also have its own table. Kapag talaga si mom ang nag-aasikaso, you should really expect so much kasi lalampasan talaga niya ang expectations mo.
“Do you like all of the foods?” biglaang tanong ni dad.
“I do. Ang rami po yata?”
“You know your mom.” tumingin kaming dalawa ni dad kay mom at ngayon naman ay abala siya sa kung sino man ang kinakausap niya sa cellphone.
“KERENNNNN!” pareho kaming nagulat ni dad ng biglang may sumigaw. Sabay napadako ang tingin namin sa pintuan papunta dito sa likod at nakatayo nga si Mira at malaki ang ngiting nakatingin sa akin.
Tumakbo siya ng mabilis at niyakap ako ng mahigpit.
“Mira, mira. . .” mahina kong sabi at tinapik-tapik ang likod niya.
“I miss you so much.” malungkot niyang sabi. Kulang na lang ay umiyak siya para maniwala akong na miss niya talaga ako.
“Pwede mo na akong bitawan.” pinakawalan naman niya ako. Napatingin siya kay dad na nakatitig lang sa aming dalawa at agad naman siyang lumapit para batiin ito.
“Good evening po tito.” binati din siya ni dad at pinaupo niya kaming dalawa.
“Good evening tita.” bati ni Mira nang makabalik si mom matapos ang pag-uusap niya sa hindi ko alam kung sino.
“Good evening.” ngumiti si mom sa kanya kaya tumingin ako kay Mira.
Bigla siyang yumuko at ngumiti ng malapad. I know her. Kapag talaga pinapansin siya ni mommy, kikiligin siya. Ganun na ba talaga ka big deal ang atensyon ng mommy ko?
Nang dumating si Blake, hindi na nagtagal pa si mommy at sinimulan na naming kumain. After eating, we exchange gifts. Kasama din si Mira kasi alam na naman niya na nagbibigay talaga kami ng regalo sa isa’t-isa and my family also prepared gifts for her.
“Tita, aalis na po kami.” pagpapaalam ni Mira kay mom. It’s almost ten and I will be on Mira’s house this time. Gusto ko rin kasing mabigay ang regalo ko para sa mga magulang niya.
“Both of you should take care.”
“Yes tita.”
“Yes mom.”
Umalis na kami ni Mira at nilakad lang namin ang daan papunta sa bahay nila. Kahit na malapit nang maghating-gabi, napakaliwanag pa rin ng daan at ang mga bahay dahil sa christmas lights at mga dekorasyon. We heard people loudly laughing at each other, may nagkakantahan at may mga batang namamasko kahit hindi sila nakatira dito sa subdivision.
It was a fun thing to watch and I guess, christmas will always br what it is no matter what happens.
December 26, I woke up having headache and I felt the pain in my abdomen. Wait. . . may dalaw ba ako ngayon? I immediately stood up and went to the bathroom. I checked and I really have my period today.
Damn!
Ngayong araw ang trip namin ni Mira papuntang Japan. I already prepared everything last night para hindi na ako maabala ngayon. Sh*t! Bakit ngayon pa dumating?
Agad akong naligo at pagkatapos ay humiga pabalik sa higaan ko. Hawak-hawak ko ang puson ko dahil sa sakit. Sh*t! I have no more medicine. Kailangan ko sigurong tawagan si tita Tessie para makakuha ako ng recommendations mula sa kanya. Damn!
I called tita Tessie and she was really caring kasi agad siyang pumunta sa bahay matapos marinig ang kailangan ko.
“Thank you tita Tessie for coming.” I sat down on the edge of the bed while tita Tessie is sitting on my chair in front of me.
“You always make me worry dear. I guess I should be calling you every month to check up on you.” wika niya at naglabas ng gamot na dala-dal niya.
“The usual medicine. Hindi ako nakabili ng marami kasi naubusan na kami ng stocks. I’ll drop by next time to give you more.”
“Salamat po talaga tita Tessie and merry christmas po.”
“About that. . .” umangat naman ang tingin ko sa kanya. Tumalikod siya sa akin at may kinuha sa bag niya.
“This is for you.” she handed me a box and I think I already know what it is.
“Tita Tessie. . .” mahina kong sabi at halos maluha na.
“I also gave Blake his gift. Hindi na kayo iba sa akin. You are my family as well.” lumapit si tita Tessie sa akin at niyakap ako.
“Thank you tita.” I said as I looked at the Rolex watch placed inside the box.
“Alright then. I guess my job here is done. I’ll see you on new years eve.”
“See you tita Tessie.”
“Bye.”
“Bye!” I waved my hand at her as she closed the door of my room.
I wasn’t really expecting a gift from tita Tessie but holding this watch, it was so overwhelming. Mom also gave me a Channel bag, dad gave me a Louis Vuitton handbag as well while Blake gave me a pair of shoes. That boy really knows how to please me. Mira on the other hand gave me jewelries and make up sets. Her parents gave us their card for our trip today. And just by thinking about all of those gifts, I remember someone that I haven’t heard about since the last time that I went to school.
Hindi ko alam kung bakit naisipan ko na bilhan siya ng regalo. Pero paano ko naman ibibigay sa kanya ang regalo ko? Bago ko isipin kung paano, kailangan ko na muna siguro bumili kung ano man ang ibibigay ko sa kanya. I searched the web through my phone and found something that I think will surely fit him.
But damn! Hindi nga ako makalakad dahil sa sakit ng puson ko.
Agad kong tinawagan si Mira para magpatulong at hindi naman nagtagal bago niya ako sinagot.
“Yes? I know you are excited for our trip. And I know you can’t wait to be with me alone.” she said.
“Shut up Mira. Your dad sent three people to guards us so don’t pretend that you don’t know. And, you did not even tell me at first that your grandmothers are there. Tsk.”
“Alright. Fine. I’m sorry okay? Dad just told me and I think it’s not that important so I did not tell you.”
“Liar.”
“Eh bakit ka tumawag kung hindi mo ako na miss?” tanong ni Mira.
Agad naman akong napahinga ng malalim at ipinikit ang mga mata ko.
“Can you do me a favor?”
“A favor? Hmm. . .”
“Don’t misinterpret this!” I immediately shouted na naging dahilan para magulat ako. Damn! Bakit napaka defensive ko naman yata?
“Ay! Defensive ka gurl?” pangungutya ni Mira sa akin.
“Shut up.”
“Fine. Ano naman ang favor mo?”
“I can’t go out right now because I still have my pe— ouch!” I shouted dahil biglang sumakit ang puson ko.
“You have your period?”
“Yes.”
“I have mine too!” excited niyang sabi na para kaming nursery students na nakatanggap ng stars mula sa teacher.
“Are you sure your excited about that?” I asked disgustedly.
“I just think that we are really meant for each other.”
“Eww.”
“What was your favor again?” she asked leaving my remarks unheard.
“Can you buy me a shoes?”
“A shoes?”
“Yes. An Air Jordan XI.” wika ko kay Mira.
“YOU WILL SPEND A HUNDRED THOUSAND FOR JUST A GIFT?” nailayo ko ang cellphone dahil sa sigaw niya.
“It’s for Connor.” mahina kong sabi na naging dahilan para tumahimik si Mira.
“Hmm. Okay. . .”
“Will you do it for me or not?”
“I will basta babayaran mo ako ha? I’m broke beb kaya wala akong pera ngayon.”
“Liar.”
“And how would I give the gift to Connor?”
“You know how.” the last thing that I said before I dropped the call.
Alam kong pwede niyang utusan si Marco dahil may something silang dalawa. I think papasalamatan pa ako ni Marco sa ginawa ko.
Inilagay ko ang phone sa dibdib ko at mahigpit itong hinawakan. What did I just do? I bought a gift for Connor and I will spend thousands for him. Damn! Baka na guilty lang siguro ako. Wait, bakit naman ako ma g-guilty at saan naman?
Sh*t!