KABANATA 2

1078 Words
KABANATA 2:     NAGPANGGAP akong natutulog kahit na rinig na rinig ko ang mahinang pagtatalo ni Tita Jocelyn at Tito Ricardo dahil sa aming dalawa ni Mika.     "Wala nga mapupuntahan ang bata! Maawa ka at may baby rin siya. Kahit siguro isang buwan. Maghahanap din 'yan ng trabaho," dinig kong sabi ni Tita Jocelyn.   "Isang buwan?! Hoy, josie! Iyong pera ko nga hindi na kasya sa inyo. Dadagdagan pa ng pamangkin mo tapos may bitbit pang baby! Sino bibili ng gatas niyan? Ako?" si Tito Ricardo.     Kumirot ang dibdib ko. Nag-iinit ang mata ko sa naririnig na pagtatalo nila. Ganitong-ganito rin iyon noong tumira ako kila Mama pati kay Papa. Pinag-aawayan nila ako palagi. Noon pa wala ng may gusto sa akin. Minsan ko ng naitanong kung ano bang purpose ko? Bakit ako nabuhay sa mundo samantalang wala naman palang may gusto sa akin? Sana hindi na lang ako binuhay ni Mama kung pagsisihan lang din niya. Kung hindi rin naman nila ako kayang alagaan 'di ba? Hindi ko naman ginusto ang mapunta sa ganitong sitwasyon. Hindi ko ginusto na maging anak nila pero bakit ako ang nagdurusa?   Masakit. Walang salita ang puwede kong ihambing sa kung gaano kasakit ang wala kang mapuntahan at lahat ng tao ayaw sa'yo. Kaya ayokong maranasan iyon ni Mika. History repeats itself. Nag-asawa si Mama ng maaga. Ako ang bunga. Dahil sa hirap ng buhay naghiwalay sila ni Papa. Naghanap ng iba si Mama. Iyong may magandang trabaho. Kaya niya nakilala si Tito Dennis na isang waiter sa restaurant.   Duon nagsimula na lahat. Sa murang edad, hindi ko na malaman saang bahay ba talaga ako titira. Ngayon na may anak ako. Ayoko na ganoon ang mangyari sa kanya. Okay na sa akin na hindi na mag-asawa. Basta may maayos na trabaho at bahay. Masaya na ako. May anak na ako. Siya nag priority ko. Kung darating ang panahon na iibig akong muli. Ipapangako ko na si Mika pa rin ang uunahin ko. Dapat matanggap ng lalaking may gusto sa akin si Mika. Kung hindi niya kayang tanggapin ang anak ko at ituring na kanya. Mabuti ng maging single ako habang buhay. Hindi ko ipaparanas sa anak ko iyong pakiramdam na walang matakbuhan.   "Dalawang linggo lang, Josie. Iyon lang ang kaya ko. Pauuwiin mo na 'yan. Nasaan ba ang Nanay at Tatay niyan? Responsibilidad nila tapos iaatang sa atin? Anong klaseng buhay naman, o!" reklamo ni Tito.     "Shhh! Huwag mong lakasan ang boses mo at baka magising! Nakakahiya na maski dito ayaw natin siya tanggapin! Nakaawa na nga, ayaw mo pa tulungan..."     "Aba! Ako pa ang ayaw tumulong? Masama na ako, ganoon ba?! Ikaw kaya magtrabaho at ikaw bumuhay sa amin para malaman mo!"     Hindi ko alam paano ako nakatulog sa pagtatalo nilang dalawa ng gabing iyon. Paggising ko kinabukasan ay wala na si Tito Ricardo. Lumuwas ulit para magtrabaho. Hindi ako matignan ni Tita Jocelyn. Marahil guilty sa nangyari kagabi.     Nagkagulo ang magkakapatid dahil sa almusal. Isang pirasong itlog na lang ang natira. Hindi pa nakakakuha si Tita.     "Sige na, kumain ka na..." Nakangiting sabi ni Tita at binigay sa akin ang ulam. Umiling ako.     "Busog pa po ako. Okay na po ako sa kape," nahihiya kong sabi. Nagsinungaling ako. Sa totoo lang gutom na ko ayoko lang sabihin. Wala naman akong ambag sa pagkain nila kaya nahihiya akong makikain.     "Sigurado ka?" tanong ni Tita na tinanguan ko lang. Binalik nito ang ulam sa plato at kumuha ng sinangag na kanin. Sinilip ko si Mika na dumedede sa aking tabi. Tumingin siya sa akin sabay yakap.   "Ang sweet ng anak mo, ano? Maka Mama. Kapag ganyan ang edad talagang dikit sa Nanay..." puna ni Tita habang pinagmamasdan kaming dalawa. Ngumiti lang ako. Isang pack na lang ng gatas ang mayroon si Mika. Kasya naman iyon hanggang susunod na linggo. Hindi naman kasi siya malakas kumain.     "P'wede na 'yan sa pagkain 'di ba? Dapat huwag mo na igatas. Magastos. Sanayin mo na sa tunay na pagkain..." ani ni Tita. Iyon naman dapat talaga ang gagawin ko kaso nahihiya ako na pati si Mika makiki-share ng pagkain sa kanila. Pero naisip ko rin na kaysa bumili nga naman ng gatas. Mas mahal iyon, pakakainin ko na lang siya ng mashed potato. Magkano lang naman ang patatas o di kaya carrots. Healthy pa.   Wala akong choice kundi pilitin si Mika. Nasanay ito na puro gatas. Sa tuwing pakakainin ko ng solid food ay sinusuka niya. Hindi ko na sinubukan dahil nai-stress ako sa tuwing sumusuka siya.   "Oo nga pala... nag-usap kami ng Tiyo mo kagabi..." Sumulyap si Tita sa akin. Uminom ito ng tubig bago muling nagsalita.   Napalunok ako. Alam ko na kung anong gusto niyang sabihin. Paalisin niya na ba kami dito?     "Hanggang dalawang linggo lang ang kaya namin, Lota. Hindi na kakayanin ng Tito mo na gastusan ang... alam mo na..." Sinulyapan niya si Mika na nakapikit na ang mga mata kaya binuhat ko na ito at hinehele sa aking bisig.     "Naiintindihan ko po, ta..." Kagat labi ko ng sabi. Hindi ko siya matignan sa mga mata dahil naiilang ako.     "Kakausapin ko si Kriselda kung anong plano niya. Dapat na alam ito ng Mama mo. Hindi p'wedeng sarilinin mo lang. Oo nga pala, kinokontak ka pa ba ng Tatay niyan?" Nginuso ni Tita si Mika.     Tumawag si Dave sa akin kagabi at nag-iwan ng mensahe na puro naman mura sa akin. Minabuti kong i-block ang number niya. Tumahimik din kagabi pero kanina nagtext na gamit ang ibang number at pinagmumura ulit ako. Akala ko hahanapin niya ako. Nakahinga ako ng maluwag na sabi nito ay huwag na kong magpakita at isama ko na rin si Mika. Mas okay iyon kaysa sa hahanapin niya ako at sasaktan lang din. Hindi ko rin ibibigay ang anak ko dahil baka maging impyerno lang ang buhay niya sa Tatay niya.     Tumango ako. "Magpapalit ako ng number. Ayoko na rin magkaroon ng koneksyon sa kanya. Ako ng bahala sa anak ko."     Tinawagan ni Tita si Mama. Alam ko naman ang magiging sagot ni Mama pero bakit masakit pa rin. Masakit na marining na ayaw niya akong tanggapin.     "Naku, iuwi na 'yan sa probinsya! Doon sa Lola niya! Ayoko ng konsumisyon, ano! Mag-aaway na naman kami ng asawa ko Josie kapag tinanggap ko 'yan! Subukan mo kausapin ang Tatay niya kung gusto ba. Eh, kung hindi. Iuwi na 'yan sa Cebu," sabi ni Mama sa kabilang linya.     Naawa akong tinignan ni Tita Jocelyn. Binagsak ko ang mga mata sa sahig.     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD