8

2891 Words

Focus Rinig na rinig ko ang alon sa ibaba at ang tawanan ng magpipinsang Delafuente. Nagkakatuwaan na silang lahat roon at mukhang walang nakakapansin sa presensya naming dalawa na hindi pa tumatalon at nagsusukatan ng tingin. Binawi ko ang aking braso sa kanya na binitiwan niya rin naman. Bumaling siya sa inihagis kong seethrough sa lupa at pinulot iyon. "Wear this again," utos niya na ipinagsalubong ng aking kilay.  Marahas ko iyong hinila sa kanya at sinamaan siya ng tingin. Ano ba talagang gustong mangyari ng lalakeng ito?  "Bumaba kana," utos niya ulit, malamig na ang boses at nakikipagkompetensya sa malamig niyang paninitig sa akin.  "Bakit hindi pwede? Dahil bata ako? Dahil malalaki na kayo? Hindi na ako paslit para pagbawalan mo—"  "Dahil delikado!" putol niya sa boses niyan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD