Tila gumuho bigla ang kinatatayuan ko noong marinig sa bibig ni Ricky ang pangalan ni Sir James na siyang sentro ng tinaguriang “mother of all scandals”. “Hah! Paano nangyari iyon? At anong ginawa niya? Sinong kasama niya?” Ang taranta kong tanung kay Ricky. “Hinay-hinay lang, tol. Kaw naman masyado kang excited. Heto, nakakuha ako ng kopya, mejo mainit-init pa. Doon tayo sa may likod ng campus at panuorin natin.” Noong pinaandar na ni Ricky ang video, si Sir James nga ang nandoon. Ang mukha niya ay nakatutuk sa walang saplot na harapan ng isang lalaki; ang isang kamay noong lalaki ay pwersahang dumidiin-diin naman sa ulo ni Sir. Mapapansing lasing si Sir James sa video, at ang lalaki ay pawang ibabang katawan lang ang nakikita. Halos di ako makapaniwala sa nasaksihan. Iyon din ang v