Part. - 1

1880 Words
AUTHOR NOTE: Sa mga readers po na ayaw ng may wrong grammar, hindi po dumaan sa editing ang story na ito, kaya nasa inyo po kung babasahin niyo o hindi. Marmaing salamat po. --- "Ikaw?" “You?” Sabay pa silang nagka gulatan at ang lalaking kasama ng dalaga ay palipat lipat ang tingin sa kanilang dalawa. "Yes, ako nga bakit hindi ba nabanggit sayo ng pinsan mo kung sinong makakasama ninyo dito?” Nilakihan niya ang pagkaka bukas at gumilid muna siya ng tayo, ngunit talagang nanadya ang babaeng ito. Banggain ba naman siya at dahil hindi handa ay nauntog sa wall. "Tsk tsk, talagang napaka suplada ng babaeng ito huh!” "May sinasabi ka?” "Ah, wala,” aniya at sumunod na siya paakyat sa dalawa. "Mr. Boyfriend, doon ang kwarto mo feel at home at ikaw Ms. Sungit, este ma'am Chariz ay sa kabilang side naman ang room mo, malapit sa kwarto ko.” "Oh, excuse me at kailan ka pa nagkaroon ng karapatang mandohan ako Mr. Caretaker?” Saka niya tinalikuran ang binatang antipatiko at sumunod sa loob ng kwarto ng boyfriend niya. "Ops! Hindi ka maaaring pumasok dyan, doon ka sa kwarto na para sayo. At huwag matigas ang ulo dahil may permission ako mula sa kataas taasan, ma'am,” aniya na agad dinampot ang bag ng dalaga at dinala patungo sa kabilang kwarto. Subalit hindi pa man lang siya nakapasok sa loob ay isang suntok ang dumapo sa likuran niya. "Aba’t!” Sabay lingon niya at mukha ng dalagang malapad ang ngiting sumalubong sa kaniya. Binitawan muna ang bag nito at nilampasan. Saka pinalipad ang isang malakas na sipa. "Kung hindi kayo makikinig sa sinasabi ko, lalo ka na Ma'am ay mapipilitan akong palabasin ng bahay ang lalaking yan!” Uminit na ang ulo niya dahil sobrang makulit ang dalagang ito at talagang sinusubokan ang pasensya niya. Kaya nilapitan pa niya ang lalaki at susuntokin pa sana ito ng humarang sa harapan niya ang dalaga. Kaya’t sa inis ay hinila niya ang ito sa bandang likuran at hinablot ang lalaking astang lalaban. "I'm warning you! Or else, I'll break your neck!” sabay baling sa dalaga. "Doon ka sa kwarto mo Zuzzeth Chariz!” sigaw niya sa dalaga. Saka pa lang ito kumilos at mabilis na tumalikod na halos takbuhin ang kwartong binigay niya rito. "Takot naman pala huh!” sabay baling sa lalaki. "Ikaw aangal ka? Oh baka gusto mong sa labas ka matulog?” at tinalikdan ang nanggagalaiti na lalaki. Pangiti ngiti pa siya habang pababa ng hagdan na-imagine niya ang itsura ng dalaga ng sigawan niya, agad na na takot sa kaniya at namutla. Tumuloy sa kusina at pasipol sipol na nagluto muna siya ng makakain nila. Dalawang putahe lang ang alam niyang lutuin ang paborito nilang kainin ni Drake sa probinsya. Bahala ang dalawang 'yon kong kakain sila or magluto sila ng para sa sarili nila. After one hour, dumaan sa harapan niya ang dalaga kasunod ang boylet nito, habang nakaupo siya sa mahabang sofa ay dumiretso sa kusina ang dalawa. Alam na niyang kakain ang mga ito dahil almost two pm na kaya ipinagpatuloy na lang muna niya ang pagbabasa ng libro. "What the hell! Anong klase bang pagkain ito parang pagkain ng animal!” Narinig niyang sigaw ng dalaga kaya mabilis niyang nilapitan ang mga ito. "Kung ayaw nyo ng luto ko ay huwag ninyong kainin, wala namang problema huh!” Subalit nanlaki ang mga mata niya ng makitang tumaas ang kamay na may hawak na ulam. Alam na niya ang pinaplano nito kaya mabilis na tumalon siya para agawin ang hawak nito, “takte itatapon talaga ang pinagpaguran niyang lutuin at talagang sa carpet pa.” "Ouch!” Muntik nang magtihaya sa sahig si Chariz kundi ito nasalo ng boylet nito, mas inuna pa talaga niya ang ulam kisa sa dalaga. Aba mahirap kaya maglinis ng carpet saka sigurado siyang pagtatawanan na naman siya nang dalaga, mas maigi na ang maagap. "Alam mo bang pinaghirapan ko ang pagkaing ito ha? Pagkatapos ay itatapon mo lang at plano mo pa akong pahirapan linisin ang carpet?” "Yuck! kadiri ka, palibhasa probinsyano huh!” "Masarap kaya ito and for your information ma'am, paborito namin ng pinsan mong si Drake ang pagkaing ito. Kaya huwag mong pinandidirihan dahil maraming sustansya ang dala nito sa katawan, hindi kagaya ng mga kinakain ninyo puro cholesterol.” Para namang napahiya si Chariz dahil natameme at nang lingunin niya si Dante ay wala na ito sa harapan nila. Sa paglipas ng mga araw ay iniwasan na ni Dante ang dalaga, maigi na ang dumistansya dahil sa tingin niya ay hindi basta magpapatalo ang malditang babaeng ito. Isang araw… "Iniiwasan mo ba ako at ang boyfriend ko?” “Hindi ah! At bakit ko naman gagawin iyon Ms. Sungit?” "What?” “Wala Ms. Chariz, sige maiwan na kita at marami pa akong gagawin,” aniyang nagmamadaling umakyat sa hagdan ng nakasalubong ang lalaking na shirtless lang. "Hey Mr. Boyfriend, mag damit ka nga hindi uso dito ang pa display ng fats huh!” "Eh ‘di maghubad ka rin,” sagot nito na balewala siyang nilampasan at nagmamadaling bumaba. “Aba’t naghahamon yata ang lalaking ito,” halos pabulong niyang sambit. Sige pagbibigyan niya ito. Mabilis na pumasok sa banyo upang maligo at nag spray pa talaga siya ng men's cologne saka hubad baro na bumaba na rin ng hagdanan na tanging jeans lang ang suot. Patay malisya na dumaan mismo sa harapan ng dalawang busy sa kung anong ginagawa. At para mapansin siya ng mga ito ay sinadya pang ilaglag ang hawak na maliit na libro sa tapat mismo ng dalaga. Agad namang dinampot iyon nito at akmang ibabato sa kaniya nang bigla siyang humarap at humakbang papalapit sa dito. Ang nakataas na kamay na may hawak na libro ay na bitin sa eri at natameme ng makitang hubad siya. Sindaya pa niyang medyo lumiyad ng dibdib habang nakatingin sa boyfriend nito na parang naghahamon kung makatingin. "Chupi ka pala eh, ano laban ang katawan mo sa matigas kong muscles?” Halos pabulong lang yon pero malinaw na narinig ng dalaga. At nang ma realize ni Chariz ang ginagawa ni Dante ay agad na hinampas niya ito ng librong hawak, "umalis ka nga sa harapan ko bastos! At pwede ba na magdamit ka!” Para namang napahiya siya kaya mabilis na inagaw ang libro niya saka nagmamadaling tumalikod. “Talo talaga siya ng malditang babaeng ito,” bulong niya sa sarili. Sa araw-araw ay palagi silang nagbabangayan na parang aso’t pusa, hanggang dumating ang huling araw ng dalaga at ng asungot nito. “Good bye, Mr. caretaker mapanis sana ang laway mo dahil wala ka ng kausap!” Pinigilan na lang ni Dante ang sariling sumagot total paalis na naman ang dalawa. Kahit ang totoo ay nakakaramdam siya ng lungkot. Dalawang linggo rin siyang nag iisa at tahimik ang buhay nang isang araw ay may kumatok sa pintuan. Iniwan ang ginagawa at naka boxer short lang na lumapit sa pinto binuksan iyon. "Bastos!” “Naku patay na naman ako nito,” sinilip pa niya ang likoran ng dalaga pero wala yata ang asungot. Kaya nluwagan niya ang pintuan at hinayaang makapasok ang dalaga. Gusto sana niyang tulungan ito sa paghila ng maleta pero baka sigawan na naman siya. Kaya nagmamadali nang tumalikod subalit mali ang inaakala niya dahil nagulat siya sa malakas nitong sigaw. “Talagang hindi mo ako tutulungan! Napaka sama talaga ng ugali mo!” "Oh, sorry akala ko kayang kaya mo eh sabay smirk niya na lalo pa yatang ikina inis nito sa kaniya dahil sa pamumula ng mukha nito. Kaya hindi na siya sumagot pa at nagmamadaling binuhat ang mga bagahe nito. Nang madala sa taas ang maleta ay mabilis bumaba rin agad siya. Hinanap ang cellphone niya ngunit hindi na iyon makita. Sa pagkakaalam niya ay doon lang iyon ipinatong sa table pero wala na roon. Kaya’t kung saan saan niya iyon hinanap baka nahulog o sa iba niya nailpatong ngunit wala talaga at nahihilo na siya sa kakaikot nang biglang tumunog iyon, yon naman pala ay hawak ni Chariz habang naka taas pa ang kilay na nakatingin sa kaniya. Akmang lalapitan niya ito nang biglang tumunog iyon at mabilis na sinagot ang tumatawag. "Hello who is this? Narinig niyang suplada na sagot nito sa kabilang linya. Samantala sa kabilang linya ay nagtataka si Drake kung sino ang babaeng sumagot sa phone ng kaibigan niya. "Eherm, can I speak to Dante please?” "Who are you?'' I said!” "Hey! Miss, can you give it to him?” "Akina nga yan, bakit mo pinakikialaman ang cellphone ko, sino bang tumatawag?” "Ewan ko sayo Mr. Caretaker!” Pabalang na sagot nito sa kaniya ngunit hindi na niya iyon pinatulan pa. "Aba't talagang napaka suplada nito ah! Hey, Ms. Sungit sabi ko ay ibigay mo iyan sa akin? Sino ba talaga ang tumawag?” “Hindi ko alam! At huwag mo akong tanongin ng ganyan dahil wala akong sasabihin sayo kahit kilala ko pa ang tumawag ay hindi ko pa rin sasabihin sayo kung sino siya!” "Haist, kong ‘di kalang pinsan ng bestfriend ko ay nakatikim ka na sa akin ng ultimatum hmp!” Subalit tinalikuran siya nito at nagtungo sa mahabang sofa. Saka pa lang niya napansin na naka pa rin ang tawag. Kaya mabilis na sinagot iyon. Eherm, Hello may I know your name please?” Subalit malakas na tawa ang kaniyang narinig. "Sino ang pinsan ko ang nariyan bro?” "Oh, pare kumusta ka na, si Aqua at ang baby ninyo ay kumusta naman?” “Ayos naman bro, pero sino ba talaga si Ms. Sungit na patitikimin mo kamo ng ultimatum?” "Ah, eh wala pare, ang pinsan mong si Chariz ay naririto dahil may bubuksan daw na branch dito sa Spain. Kaya dito siya naka-stay, kisa mag hotel pa daw siya. Malakas na namang tawa ng kaibigan ang kaniyang naulinigan. “Hindi naman suplada at masungit ang pinsan kong ‘yon ah, kaya nagulat din ako kung bakit ang sungit niya. "Sorry pare, pero masyadong makulit ang pinsan mong ‘yon at pati ang Cellphone ko ay hinulog sa toilet kaya hindi ko na alam ang number mo. "Pakibigay mo sa kaniya ang cellphone at kakausapin ko siya.” "Sure pare, saglit lang,” at mabilis na lumapit siya sa dalaga. Sa kanilang linya ay nanatiling nakikinig si Drake habang napapangiti. "Ms. Chariz may tawag ka, gusto ka daw kausapin ng sinungitan mo kanina.” "Ayuko sino ba siya? Wala akong panahong makipag usap sa hindi ko kilala!” "Bilis na at naghihintay sayo saka agad na idinikit niya ang cellphone sa tainga ng dalaga. Akmang sisigaw na naman sana ang nakasimangot na babae nang marinig ang boses sa kabilang line.” "Humn, kailan ka pa naging suplada, my dear cousin?” "Oh, my God! Ikaw ba ito Kuya Josh?” "It's me, Drake.” "Kuya, sorry bakit kasi hindi ka nagpakilala sa akin kanina, sorry talaga Kuya ko.” At pulang pula ang mukha ni Chariz dahil sa nadamang kahihiyan mula sa pinsang si Drake. Matapos ay mabilis na ibinaba ang cellphone sa upuan at tumakbo na palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD