Part- 2

1987 Words
Si dante na ang umiwas sa dalaga hanggat kaya niyang controlin ang sarili. Ayaw niyang sirain ang magandang pagtingin sa kanya ng kaibigan. Naging tahimik naman ang dalaga, mula ng pangyayaring iyon. Lumipas ang mga araw until nagising nalang si dante na wala na ang dalaga. Panghihinyang ang naramdaman niya at pasasalamat na rin. Dahil kong magtatagal pa si chariz na kasama niya sa iisang bubong. Baka tuloyang mawala ang control niya sa sarili. Matapos maligo ay nagmamadaling nagbihis baka maiwan pa siya ng flight. Dala ang katamtamang luggage at ang katamtamang giftwrap na ireregalo niya sa kaibigan. Nakatayo siya sa harapan ng bahay ng may tumigil na kotse sa harapan niya. Ipinagbukas pa siya ng driver at kinuha ang mga dala niya saka iyon ipinsok sa back compartment. "Sir i'm from Montemayor car company, my boss send me here to pick you up. Matapos magpasalamat ay agad na inayos ang pagkaka seatbelt saka binuksan ang cellphone. "Mahirap na baka kausapin pa siya ng kausapin ay maubos ang natutuhan niyang english hahaha. Ibinaba siya nito sa mismong harap ng departure gate, matapos maagpasalamat ay itinulak na niya ang cart. Pipila na sana siya sa check in counter ng tumunog ang cellphone niya. "Yes hello good morning... "Humnn mabait ka yata ngayon? "Naku si ms sunget" yes? Dumiritso kana sa immigration dahil private jet plane ang sasakyan mo. "O-okay salamat..."suplada talaga nagsasalita pa siya ay pinutol agad ang line. Malalaki ang hakbang na dumiritso na sa immigration at matapos matatakan ang passport. Bitbit ang giftwrap at hinila ang katamtamang luggage. Hinanap ang gate kong san siya magbo boarding. Dalawang lalaki ang lumapit sa kanya. Mr. Dante? "Yes i am. Kinuha ang dala niya at iginya na siya patungo sa naghihintay na private jet. "Magandang araw sir, sabay sabay na pagbati mula sa mga staff ng plane. Matapos magpasalamat at naglakad na siya sa luob. Palingalinga pa siya ng marinig ang pangalan niya sa announcement. "Hey!Mr. Caretaker, dumiritso ka sa second floor. "Fvck!si Ms. sunget naririto sa luob at talagang ipinangalandakan pa ang tawag sa kanya. Namumula ang mukha na nagmamadaling umakyat. Mauupo na sana siya ng tawagin siya ng boses babae. "Sa vip ka pumasok Mr. Caretaker... "Takte talagang babaeng ito! Nilingon niya ito at seryosong tinitigan ng matalim. Pero sa halip na matakot ay tinaasan pa siya ng kilay nito. "Sabagay nasa terretory siya nito kaya behave muna siya ngayon. "Masusunod mahal na reyna...Ha Ha Ha sinikap na pigilin na hindi marinig. Sa klase ng tingin sa kanya ng dalaga ay malinaw na narinig ang impit na tawa niya. "Wow! Hangang hanga siya sa ganda ng luob, para na siyang mayaman ngayon. Kahit dito na siya tumira Ha Ha Ha... Nagpasalamag so dante at buong fligh na hindi siya binwesit ng babae. Narinig nalang niya ang announcement na palanding na sila sa int'l airport ng pilipinas. Agad na inayos ang kanyang suot at nag ready sa pagbaba. Nakagulatan pa sila ni chariz ng sabay na lumabas ng vip room. Tumabi na muna siya mahirap ng banggain nanaman siya nito. "Let's go... "Humnn siya ba ang kinakausap nito? "Hey! Mr. Care... "Ayan na Ms. Sunget! Pagpuputol ni dante sa pagsasalita ni chariz. Agad namang namula ang mukha ng dalaga sa inis. Gusto namang magdiwang ng luob ni dante dahil nakabawi siya ng kaunti. Ang mga flight attendant ay natatawa sa kanilang dalawa. Nang bumukas ang pintuan ng plane saka lang napansin ni dante ang suot ni chariz. "Bakit ganyan ang suot mo? Ang iksi iksi sana naghubad kana lang! Natakpan ni dante ang sariling bibig ng ma realize ang salitang lumabas sa bibig niya. "Pakialam mo! Eh di mag suot ka din ng maiksi! Tse! "Ha Ha Ha 'bagay na bagay sila ni ma'am and sir... Napapahiyang sumunod nalang si dante sa dalaga. Pero nagdidiwang ang kaluoban sa papuri ng mga staff. Isang lemo ang naghihintay sa kanila, nagmamadaling sumakay si dante. Ni hindi niya nilingon ang dalaga, baka manaya awayin nanaman siya nito. Hanggang marating ang destination ay wala silang imikan. Sinalubong sila ng kaibigan, "kumusta pare? "Oh kumusta naman kayong dalawa, magkasama pala kayo sa flight? "Hi kuya hello ate, sabay halik ni chariz kay drake at aqua. Masayang nagkukwentohan habang papasok sa malaking bulwagan. Si chariz at aqua, si drake at dante. Dunritso sila sa dinning at duon nag patuloy sa kwentohan. Manaka naka sinusulyapan ni chariz ang binata na seryosong kumakain. Ng makaisip nanaman ng pang asar,"ilang araw kang hindi kumain Mr. Caretaker?para kang pg.. Namula ang mukha ni dante at natigilan, pakiramdam niya ay lulubog siya sa insultong sinabi ni chariz sa kanya. Kahit si drake ay natilihan at nagpalipat lipat ng tingin sa dalawa. Si chariz ay napatungo, nabigla din siya sa nabitiwang salita. Gusto lang niyang asarin ang binata pero kitang kita niyang nasaktan ito. Gindi din niya alam bakit iyon ang lumabas sa bibig niya. Dumaan ang katahimikan at hindu nagtagal ay tumayo na si dante. Tinanguan lang ito ni drake saka matalim na tinitigan ang pinsan. Nang mawala sa paningin nila si dante ay kinabahan si chariz. "Kailan kapa naging bastos chariz? I think masamang influence ang boy friend mo. Hindi na ikaw ang mabait na mahal kong pinsan. Nasaktan ang dalaga sa lamig ng boses ng pinsang si drake. Pero tama naman ito masyado na siyang naging bastos. Naiinis na kasi siya kay dante at hindi din niya aalm kong bakit. Matapos ang nangyari ay agad na nagpaalam si chariz na uuwi muna sa sa mansion ng mga magulang. Bagsak ang balikat na lumabas ng kabahayan at naglakad palapit sa nakaparadang kotse. Si dante ay naka masid lang sa dalaga habang nakatayo sa gilid ng pool. Gusto niyang habulin ang dalaga para sabihing okay lang siya. Kahit ganon ito ay ayaw niyang nakikitang malungkot at nasasaktan ito. Siguro pinagalitan ito ni drake dahil sa itsura nitong parang iiyak. "Do you love her? Nalingunan niya si drake at seryoso ang mukha habang nakapasok ang kamay sa magkabilang bulsa. "H-hindi ko alam, isa pa hindi naman pwede 'saka alam mo namang hate na hate ako ng pinsan mo. "I know you bro, hindi mo hahayaan at titiisin ang mga pang iinsultong ginagawa niya sayo kong hindi mo siya mahal. "Ano kaba pare wala yon sa akin, siguro ganon lang talaga yang pinsan mo. Saka obvious na biro lang naman ang lahat ng 'yon, gustong gusto lang non akong asarin. "I give you access basta ipangako mo lang na hindi mo siya sasaktan. I know her, sana lang hindi mo seryosohin ang mga nabibitiwan niyang salit. Ha Ha Ha ikaw talaga pare, halika na nga diba sabi mo may pupuntahan tayo. "Ay muntik ko nang makalimutan, saglit lang magpapaalam ako kay aqua. Sakay ng latest model na Lamborghini si drake at dante havang kasunod ang isabg BMW black na sinasakyan ng apat na body guard. Mabilis ang takbo nila habang panay kwento ni drake sa kanya, tungkol sa bagong bahay na pupuntahan nila. Forty minutes ang tinakbo nila ng pumasok sila sa isang villages. Ilang liko lang at tunugil sila sa two story bungalo na. Hindi na sila nag doorbell pa itunlak ni drake ang malaking gate at pumasok an sila naiwan sa labas ang dalawang sasakya . "Ano bro maganda ba? "Oo pare ito ba ang magigjng bahay ninyo ni aqua? "Ha Ha ha hindi pare, may mansion na kami yong regalo ni dad. "I see, eh kaninong bahay ito.... "D-dante anak,"kuya...!patakbong sumalubong sa kanya ang kapatit at ang ina. Agad na ang mano siya na miss niya ang nanay niya, niyakap at hinalikan ang kapatid. Oh bakit bakit kayo naririto?i mean pare bakit pala naririto sila? "Ito yong sinasabi ko sayo na bahay para sa mama at kapatid mo. Gustong maiyak ni dante, ang akala niya ay nasa malayong lugar ang kanyang pamilya at naghihirap duon. Kaya gusto niyang masumikap para mabigyan ng kaginhawahan ang pinakamamahal niyang nanay. Pero dahil sa kaibigan ay naririto ang pamilya niya at masarap na ang buhay. "Namumula ang mata na nagpasalamt sa kaibigan. Basta para sayo bro, alam mo namang ikaw lang ang nag iisang best friend ko. Gusto kong maging masaya ka kapiling ng mga mahal mo sa buhay. Masaya silang nag luto ng pork grill at kasalo nila ang apat na body guard. May iniabot na carkey si drake sa kanya. Susi yan ng kotse na nasa gilid ng bahay, sayo yon. Hindi halos makapagsalita si dante, niyakap nalang niya ang kaibigan. Tinapik tapik ni drake ang balikat ni dante. "Paano maiwan kana muna dito at ng makapag bonding kayo ng pamilya mo. "Salamat ng marami pare. "Welcome bro. Wala na ang kaibigan at mga bodyguard nito ng marinig niya ang boses ng ina. "Anak napaka swerte mo at nagkaron ka ng napakabait na kaibigan. Ingatan mo ang pagkakaibigan ninyo, sa tingin ko hindi lang basta mayaman si diego, si drake pala. " Nay he's Montemayor po top rank billionaire sa buong asia. "Talaga ba anak? Kaya pinagpapala ang pamilya nila dahil mababait sila. "Tama ka nay at naikilala ko na ang ibang kamag anak nila at talagang may mabuti silang kaluoban. "Tara nay, bunso ipapasyal ko kayo... "Naku anak baka mahuli kapa ng LTO wala kang lisinsya... "Mayron po nay, int'l license po duon ko kinuha sa spain. Walang pagsidlan ng katuwaan ang ina at kapatid ni dante, kitang kita ang kislap sa kanilang mga mata. Kung saan saan dinala ni dante ang nanay at kapatod niya, inubos nila ang buong araw sa pamamasyal. Dinala din niya sa mamahaling restaurant ang mga ito, ipinag shopping niya at ang huli ay nanuod din sila ng movie. "Anak ang dami mong gastos sa amin ng kapatid mo, baka naman maubos na ang pera mo. Dapat mag ipon ka para kong dumating ang oras na mag aasawa kana may naitabi ka. "Nay h'wag mong isipin iyon, ang lahat ng ito ay para talaga sa inyo. "Salamat anak. Pagod sa maghapong gala kaya agad na nakatulog ang nanay at kapatod niya. Siya ay nanatiling gising, hawak ang brandy na panay lagok havabg nakatayo sa veranda. Hindi maalis sa isipan ang sinabi ng kaibigan,"i give you access". Masaya siya na nagtitiwala sa kanya ang kaibigan pero ang labo namang magkagusto sa kanya ang pinsan nito. Napaka ganda ng dalaga at napakayaman nila. Siya wala kahit ano, walang pinag aralan. Naiiling nalang si dante para sa sarili. Kailangan niyang dumistansya sa dalaga dahil habang sinusungitan siya nito ay unti unting nahuhulog siya. Suntok sa bwan na pangarapin niya ang isang Chariz Montemayor. Tinapos ang natitirang laman ng baso at pumasok na sa sariling room. Naligo lang at nahiga na, dahil pagod siya sa byahe at maghapong galaan ay agad ba nakatulog. Sa mansion ng mga magulang ni chariz ay hindi makatulog ang dalaga. Hindi mabura sa isipan ang mukha ni dante nang mapahiya ito sa sinabi niya. Hindi din maintindihan ni chariz kong bakit naasar siya kay dante pag nakikitang masaya ito sa ibang tao. Pag silang dalawa halos hindi siya nito kausapin at palaging umiiwas sa kanya. Kaya naman kong ano ano naalng naiisip niyang sabihin para lang makuha ang attention nito. Pero yong huling nabitowan niyang salita ay talagang pinagsisihan niya. Napaiyak pa siya dahil pinagalitan siya ng pinsan, unang beses na nagalit sa kanya si drake. Kaya ngayon lalo na siyang naiinis kay dante, pakiramdam niya ay sinasadya nito para mapahiya siya sa harap ng pinsan. Bumangon at nagtungo sa terasa, duon ay matagal siyang nakatayo habang nakasandal sa wall at nakahalukipkip. Bukas na ang kasal ng pinsan niyang si drake at napag alaman  niyang si dante ang bestman at siya ang maid of honor. At hindi niya alam kung paano pakikiharapan ang lalaki. Hindi naman siya hihingi ng sorry, parang inamin na niya na siya ang may kasalanan. Bumalik sa kwarto kailangan an niyang matulog otherwise puro eyebag siya bukas. Dapat siya ang pinaka maganda sa lahat ng brides maid. _____
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD