"Good morning Mama!" ang lapad pa ng pagkakangiti ko sa kanya. Nasa hapagkainan kaming dalawa. "Wow! Ang sarap ng breakfast natin. Mukhang mapapadami ang kain ko." Hinimas ko pa ang tiyan ko at pagkatapos umupo na ako at nagsimulang kumuha ng pagkain. "Good morning." Sagot ni Mama. "Uhmmm... ang sarap! Ang galing niyo talagang magluto Mama." Sabi ko pa habang nginunguya ko ang pagkain. Kumunot-noo si Mama. "Anong nakain mo sa birthday party ng Tito ni Rhina bakit mukhang nag-iba ka?" curious na tanong ni Mama sa'kin. Bigla akong napahinto sa pagkain at muli kong inaalala ang nangyari kahapon. "He kissed me." Unti-unting lumapad ang nga ngiti ko habang iniisip ko ang nangyari. "Aceshelle, anong nangyari sa'yo?" Pinilig-pilig ko ang ulo ko. "Kyaahh!" bigla akong tumili na ikinagulat ni