MALALIM ngunit banayad na paghinga ang pinakawalan ni Sakura sa ere kasabay niyon ang marahan niyang pagpunas ng kaniyang mga luha na kanina pa malayang naglalandas sa kaniyang mga pisngi. Tahimik lamang siyang umiiyak habang nakaupo siya sa gilid ng kama. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya dahil sa nangyari sa kanila ni Sebas kanina sa opisina nito. Hindi pa rin mawala-wala sa isipan niya ang mga salitang binitawan ng kaniyang asawa. Maging ang kaalaman na hinuhubad pala ni Sebas ang wedding ring nito kapag nasa trabaho ito. She let out a deep sigh and leaned against the headboard. “Tiisin mo pa, Sakura.” Aniya sa sarili at mapait na ngumiti. “Ganoon naman siguro kapag mahal mo ang isang tao, e! Kahit minsan nasasaktan ka na, hindi ka agad basta-bastang susuko at patuloy mo pa r