MALAPAD pa rin ang ngiting nakapaskil sa mga labi ni Sakura habang pababa na sila sa mataas na hagdan. Hawak-hawak pa rin ni Sebas ang kaniyang kamay kaya hayon, idinuduyan pa rin sa alapaap ang kaniyang puso. Parang nasa cloud nine ang pakiramdam niya sa mga oras na iyon. Muli siyang napatingin sa magkasalikop nilang mga palad pagkuwa’y iniyakap na rin niya sa braso ni Sebas ang isa pa niyang kamay. Lumingon naman sa kaniya ang kaniyang asawa nang gawin niya iyon. Nginitian niya itong lalo. Nang makababa na sila sa sala, saka namang pumasok sa main door ang ina ni Sebas. “Hi po, Mama Cattleya!” nakangiting bati niya sa doña. “Hello, hija!” nakangiti ring bati nito sa kaniya at kaagad siyang niyakap at hinalikan sa magkabilang pisngi nang tuluyan itong makalapit sa kanila ni Sebas. “Ho