Chapter 4 : First Sight

2926 Words
SUMMER/ JANGMI “IYAN ang napapala mo sa sobrang kayabangan mo!” at dumampi sa balat ko ang isa pang latay ng latigo. I am being punished, the court lady higher than me was bribed by that epalog girl to punish me. They call her sanggung or the main palace matron, there are also different Palace matrons, mayro'ng na-promote at mayroon din na naging matron dahil sa hari. Samantalang kaming mga assistant naman ay nain tapos ang mga gumagawa ng mga household chores at mahihirap pa na bagay ay tinatawag nilang musuri. “Hindi porket alaga ka ng reyna ay makakaligtas ka sa parusa!” Saad n'ya ulit sa akin. Panibagong latay ang ang tumama sa likod ko. Pinigilan kong mapasigaw sa sakit pero napaluha ako. Sobrang sakit ng ginagawa nila sa akin. “Nilalatigo niyo ako dahil lang sa tsaang natapon! Napaka-unfair n'yo!” sigaw ko. “Aba ay sumasagot ka pa!” Isang latay pa ulit ang tumama sa aking likod. Naparusahan akong latiguhin ng mahigit 100 beses. Hindi ko nga alam kung mabubuhay pa ako sa dami no'n at hindi ko rin alam kung nakailan na sila. Pakiramdam ko ay namamanhid na ang likod ko. Kasing manhid na ng puso ko ang likod ko. “Aah!” sigaw ko dahil sa sobrang sakit. Nakita ko ang ibang court ladies na nagngingitian habang nilalatigo ako. Isang latigo pa ang natanggap ko, kahit na kailan ay 'di ako pinalo ng mga magulang ko pero ito... “Ano?! Sasagot ka pa sa akin!” pagalit n'yang tanong sa akin kasunod no'n ang isa pang hagip ng latigo. “Anong ginagawa mo sa kaniya, Lady Han?” Napabuntong hininga ako ng makita ko si Lady Seo na papalapit sa aking pwesto. Shizz, I’m saved by the bell. “Ang baguhang babaeng ito ay nakatapon ng tsaa at humawak sa mahal na hari. Pinaparusahan ko lang s'ya, Lady Seo.” sagot niya at saka nag hair flip kaya muntikang malaglag ang fake braids  n'ya. “Totoo ba 'yon?” tanong niya sa akin. “Natalisod ako dahil sa mga babaeng 'yan tapos nasalo ako ng hari,”sabi ko sa kaniya. “Alam mong bawal iyon, sinabihan na kita diba? Na dapat mag-ingat ka sa mga kinikilos mo!”  “Ililigtas mo ba ako o sesermonan mo lang din?” tanong ko sa kaniya. “The hell! Kung ‘di naman ako pinatid ng mga babaeng inggratang ‘yan e ‘di ko matatapon ang tsaa.” Pagtatanggol ko sa aking sarili. “Pakawalan mo s'ya!” utos n'ya kay Lady Han. Nagsmirk ang court lady na 'yon. “Sinuway niya ang mga palatuntunan dito sa Damiwon kaya dapat siyang maparusahan bago ang hari mismo ang kumitil sa buhay n'ya.” sabi niya kay Lady Seo. “Hindi ko maaring pakawalan ang alaga mo, paparusahan ko muna s'ya,” dagdag pa niya at muli akong nilatigo. Napatili ako sa sobrang lakas at sakit no'n, pakiramdam ko puno na ng latay ang likod ko. “Sa ngalan ng Mahal na Reyna, pakawalan mo siya!” gigil na saad ni Lady Seo sa kaniya pero hindi ito pumayag. “Hindi, ayoko! Paparusahan ko siya!” pakikipag-argue n'ya rito. “Paano kung ako ang magsabing pakawalan mo siya?” Isang seryosong boses ang gumising sa katawang tao. His voice crept up into my spine, nanghihina akong tumingin sa kaniya.  “Kamahalan!” yumuko ang mga courtladies na nandoon maging ang Lady Han na 'yon pero ako, 'di na ako nag-abalang yumuko. Nakatali na nga ako at sugat- sugat tapos yuyuko pa ako. Hindi naman sa hindi ako magalang pero iniisip ko rin ang sarili ko no? Papahirapan ko pa ba ang sarili ko? Graduate na ako sa pagpapahirap ng sarili ko. Nang minahal ko siya puro pahirap na lang, nakakasawa na. “Pinaparusahan ko po ang tagapagsilbi na ito dahil sa pagkakamaling nagawa n'ya, kamahalan. Umasa po kayong 'di na mauulit ang pinakita n'yang kagaspangan.” saad ni Lady Han.  “Wala namang siyang pinakitang pagkakamali. Nakita kong pinatid siya ng mga babaeng nakatayo sa likod mo. Sila dapat ang pinaparusahan mo at hindi s'ya,” saad niya. Tumingin siya sa akin at saka siya mahinang ngumiti. It is a smile, it might a small one but it's a smile. “Kamahalan...” “Ayoko ng maulit ang pagkakamali na ito, Lady Han. Pakawalan mo na siya at dalhin sa doktor para mapagamot ang mga sugat niya.” anito. Tumingin siya kay Lady Seo at sumenyas na pakawalan na ako. Agad na lumapit si Lady Seo sa akin. “Mabuti nandito ang hari kung 'di baka mamatay ka dahil sa mga sugat at pasa mo!” aniya. Tinanggal n'ya ang tali ko dahilan para bumagsak ako sa sahig. Hindi na ako makatayo ng maayos, nanghihina na ako. Nakita kong lumapit ang hari at lumebel sa harap ko, inalok n'ya ang kamay niya na tila ba tinutulungan n'ya ako makatayo. Nang mga oras na 'yon, nagtagpo ang aming mga mata. Pakiramdam ko may bumalik sa akin, I am suddenly fascinated for no reason. Naalala ko noong unang beses ko s'ya nakita. ”Kunin mo ang kamay ko at ng makatayo ka,” aniya. Inangat ko ang kamay ko at inabot ang kamay n'ya pero bigla akong nag-hesitate. “Ayaw mo ba ng tulong ko o mas gusto mong latiguhin na lang ulit kesa ang kunin ang kamay ko?” tanong n'ya muli sa akin. “Ha?” “Kapag hindi mo kinuha ang kamay ko, hahayaan ko sila ipagpatuloy ang parusa mo. Gusto mo ba 'yon?” tanong n'ya sa akin. “Hi-hindi...” “Kung gayon, kunin mo na ang kamay ko at nang mailigtas na kita,” nakangiti n'yang saad sa akin. NANGINGINIG akong bumagsak sa daan ng madaanan ako ng motor. Sa sobrang gulat ko dahil sa pokus ako sa pagtakbo ay muntikan na akong masagasaan ng motor. Minsan talaga ang katangahan ko wrong timing e. Nakakabwisit din. Hindi nagtagal ay nadinig kong bumalik ang motorsiklong nakadaan sa akin. “Miss, are you okay?” tanong ng isang lalaki. Tumingin ako sa harap ko at nakita ko ang isang lalaking nakasuot ng leather jacket at itim na pants, nag-aalala s'yang tumugon sa akin.  “Pasensya ka na, bakit ka ba nasa gitna ng daan ha? Are you lost or something?” tanong n'ya sa akin. “Tu- tulungan mo ako. That guy wants to rape me.” saad ko sa kaniya at tinuro ko ang direksyon kung nasaan si Royce. Si Royce ang mapapangasawa ko daw, pinilit ako ni Mommy na makipagdate sa kaniya and we end up being in this place. Mom told me that he’s nice but he’s not. He’s not a prince charming type he is very perverted pa. He kissed me and tried to touch my boob pero hindi ako pumayag. He told me that he will own me anyway kaya makipag-s*x na daw ako sa kaniya. I said no but he forced himself again, he touched me on my woman part and tried to get his finger inside it. I screamed in pain and kicked his egg before he could get any further. “Sa itsura mong 'yan manggagahasa sa'yo? Niloloko mo ba ako, miss?” natatawa n'yang tanong sa akin. “Hi-hindi, tulungan mo ako, please. I can't marry that guy! If my Mom knew this happen sure ako they'll force me even more. Please, take me away from here!” pagmamakaawa ko sa kaniya. “Miss wala na akong pakialam sa problema mo ha? Aalis na ako,” aniya. Nakita ko s'yang tumalikod sa akin. “No! Don't leave! Help me please! Just this once!” Saad ko sa kaniya. “Kasalanan mo kapag mawawala ang V-card ko kung 'di mo ako tutulungan.” “I'm not the one who'll break it, so I'm safe.” natatawa n'yang saad. “Alexis! Alexis! Baby ko! Halika ka na dito! Magugustuhan mo 'to, promise! Saka wala namang mali sa gagawin natin diba? We will marry each other anyways!” He stopped when he heard Royce's voice coming from afar.  “Anak ng tokwa naman o!” he cussed at saka siya muling bumaling sa akin. “Halika na!” aniya at nilahad niya ang kamay niya sa harap ko. As if he wants me to go with him. Ililigtas ba n'ya? Is he going to be my Knight in shining armor? Kahit 'di bagay sa moment na 'to ang ngumiti ay napangiti ako. “Ngingiti ka na lang ba d'yan o magpapagahasa ka? Iiwan kita kapag 'di ka sumagot ng matino!” banta n'ya sa akin. “Sasama ako sa'yo!” “Halika ka na, sumama ka na sa akin. Kunin mo na ang kamay ko.” Aniya. ”Oo, ito na...”  “Ang tagal naman. Kunin mo na nga ang kamay ko!” saad n'ya muli sa akin. Agad kong kinuha ang kamay n'ya at ilang saglit lang ay natagpuan ko ang sarili kong nakayakap sa kaniyang likod, nakaupo na ako sa motorsiklo n'ya. At doon na nagsimulang magbago ang buhay ko. “BITAWAN mo na ang kamay ng mahal na hari,” nadinig kong sita sa akin ni Lady Seo, nagising ako sa katotohanan na hawak ko ang kamay ng nasa harap ko. At wala man lang siyang reaction o 'di man lang n'ya inalis ang pagkakahawak ko sa kamay n'ya. He was just looking at it. Looking at it as if my hand was a discovery. “Masyadong malambot ang kamay mo para sa isang tagapagsilbi,” aniya. Napalunok ako, alam ko na dapat dumadaing ako dahil sa pagkakalatigo sa akin o 'di kaya nagpapasalamat na sa kaniya. Dahil hari siya at kahit paghinga niya ay dapat ipagpasalamat ko pero, masyado akong caught on act. “Wala ka bang masyadong ginagawa sa Damiwon?” tanong n'ya sa akin. “Ah-- eh... ano...” “Maraming Salamat po, Mahal na hari. Salamat sa awa at habag na pinakita n'yo kay Jang mi!” saad ni Lady Seo at nag-bow ito sa harap ng hari. Kinuha n'ya ako dahilan para matigil ang paghahawak ng kamay namin. “Aray... dahan dahan naman Lady Seo!” sita ko sa kaniya. Ang lakas kasi makahila ng babaeng ito e kita n'yang injured ako. “Magpasalamat ka!” utos n'ya sa akin. Binalik ko ang tingin ko sa Mahal na Hari, pero 'di ako nakapagsalita. He smirked, “Hindi mo na kailangang magpasalamat sa akin,” giit n'ya at saka na ito umalis kasama ng mga alipores niya. MASYADONG marami ang sugat mo, kailangan muna natin itong pagalingin bago kayo magtabi ulit ng hari,” saad ni Reyna Yoona sa akin. Ginagamot ni Lady Seo ang mga sugat ko, dahan- dahan niya tong pinapahiran ng medicinal herbs. “Ang sabi ko naman diba mag-iingat ka. Paano kung buntis ka na tapos nangyari 'yon?” tanong n'ya sa akin. “Matagal na naming hinihintay ng Mahal na hari ang batang maari mong dalhin kaya 'di ka maaring mapahamak.” Saad n'ya muli sa akin. “Hindi pa ako buntis okay? Saka sabihin mo na lang sa kaniya na meron ka kaya 'di ka pwede,” sagot ko sa kaniya. Lumapit siya sa akin at sinuri ang mga sugat ko, “Masyadong malalim ang mga sugat sa iyong likod,” saad n'ya. “Bakit may peklat ka rito?” tanong n'ya sa akin. Agad kong inangat ang damit ko at inayos ang pagkakasuot nito. “Salamat sa panggagamot n'yo, pupunta na ako sa kwarto ko.” Sabi ko sa kaniya. “Jangmi, ano bang nangyari diyan at may peklat ka?” tanong n'ya muli sa akin. “Mabuti ay 'di 'yan nakita ng Mahal na hari noong unang nagtabi kayo. Bawal makisiping ang hari sa isang taong namarkahan na o may peklat dahil sumisimbolo iyon sa pagiging madumi.” Pinikit ko ang mata, pakiramdam ko nagpintig ang tainga ko ng madinig ko iyon. Madumi, kaya nga ako may peklat dahil madumi ako diba? Natigil ako sa paglalakad ko at parang isang flashback na rumagasa ang mga nangyari. “Wala ka ng pakialam sa nangyari sa peklat ko. Learn to stay at your lane, dude.” Sagot ko sa kaniya at umalis na ako ng tuluyan. “Jangmi! bumalik ka rito, 'di pa ako tapos sa paggamot sa mga sugat mo!” saad ni Lady Seo pero 'di na ako lumingon pa. I decided to come back to the quarters para libangin ang sarili ko. Since the queen noticed my scar, ‘di na naman matahimik ang aking utak. “Hoy! Hindi porket nakaligtas ka sa parusa ay buhay reyna ka na.” Saad ng isang court lady, bumuntong hininga muna ako bago sila nilingon. “Ano na--” natigil ako sa pagsasalita ko ng tapunan nila ng isang malaking timba. “Diligan mo ang halaman sa hardin ng hari, lahat ng halaman doon.” “Sa pagkakaalam ko, Court lady ako at 'di tagadilig ng halaman. Iutos mo ‘yan sa hardinero at ‘di sa akin.” Tumawa sila na tila ba biro ang sinabi ko sa kanila. Napakunot ang aking noo at saka ko pinag-cross ang braso ko.  “Lahat kami nagdidilig ng halaman dito. Hindi porket niligtas ka ng hari ay ganyan ka na. Magdilig ka na doon!” utos n'ya sa akin sabay turo sa malaking timba at tabo na gawa sa kahoy. Kinuha ko ang timba at saka binuhat 'yon, kailangan ko pang lagyan 'yon ng tubig. Given na injured ako, wala silang consideration. “Paalam na Jangmi, maging masaya ka sana sa pagdidilig ng halaman!” nang-aasar nilang saad sa akin at saka na sila umalis Makakabawi din ako sa mga bruhang ito! Nag-igib ako at pumunta sa hardin ng palasyo. Bumungad sa akin ang sobrang daming halaman. “How will I water everything in a day?” I asked my self. Ay Diyosko! Makakailang balik ata ako sa igiban ng tubig kung nagkataon. Binuhusan ko ng tubig ang mga halaman na nakita ko. “Diyos ko, mas malala pa 'to sa Detention na binigay ng nanay ko sa akin! I rather prefer the charity stuffs than doing this!” saad ko sa sarili at saka ko sinipa ang timba na may tubig. “Bwisit!” “Sinong nandyan?” Napalunok ako ng madinig ko ang isang pamilyar na boses. “May tao ba r'yan?” tanong muli nito at 'di na ako sumagot. Dahan- dahan akong umatras para umalis. Kilala ko ang boses na 'yon, boses 'yon ng Mahal na Hari at 'di magandang magkita ulit kami kasi baka masunggaban ko siya. Ay biro lang, basta 'di magandang magkita kami dahil baka... Baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at... Pinagpatuloy ko ang pag-atras ko ng may matamaan ako sa likod. “Oh f**k! Ang sakit!” sigaw ko ng sumakit ang mga sugat ko dahil sa natamaan ko. It's not that hard but the wounds are fresh. “Aray ko... Aww!” napahawak ako sa likod ko at tumingin din sa nabangga ko. “Tanga! Tanga ka ba ha? Bakit ka ba humaharang sa likod ko e kita mong umaatras ako! Bobo ka ba ha?! Dapat automa--” natigil ako ng nakita ko kung sino 'yon. Pinaglalapit ba kaming dalawa ng tadhana? Tangina sa laki ng palasyong ito bakit dapat lagi kaming magkita. “Ano ulit ang tinawag mo sa akin?” tanong n'ya. “Mahal na Hari, kayo po pala. Hello!” saad ko at saka ko ni-wave ang aking kamay. “Tinawag mo lang ba akong tanga at bobo?” tanong n'ya muli sa akin. “Hindi naman po sa gano'n kasi diba, kita mo na nga umaatras ako tapos naatrasan kita, injured ako. So masakit 'yung sugat ko ng dahil sa'yo. Yon lang naman kamahalanan pero 'di ibig sabihin no'n, tanga at bobo ka. Expression lang naman po 'yon,” saad ko sa kaniya at saka ako ngumiti pero walang ngiti na rumehistro sa kaniyang mukha. “Sa dami ng ginawa mong kasalanan sa akin mula ng makita kita, maari na kitang ipapatay. Alam mo naman 'yon diba?” tanong n'ya sa akin. Lumapit siya sa akin at saka nilebel ang makisig n'yang mukha sa akin, inilapit niya 'yon na tila ba gusto niya akong mahulog sa kaniya. Bakit ba ako nahihiya ng ganito sa kaniya? I shouldn't be feeling this way. “Patawad po, kamahalan. Hindi na po mauulit,” sabi ko sa kaniya. I stuttered when I said that, pakiramdam ko mahihimatay ako sa kaba. “Bigla ka atang kinabahan? Parang kailan lang, ang tapang mo pa sa harap ko. Nakakatakot ba ako?” tanong n'ya sa akin. “Hindi po, kamahalan...” sagot ko sa kaniya. “Hindi kayo nakakatakot. Gwapo po kayo,” “Gwapo? Anong ibig sabihin ng salitang gwapo?” tanong n'ya sa akin. “Magandang lalaki, maganda kayong lalaki para maging hari. I mean, uhmm... Kasi diba pag sinasabi hari ang nasa isip ng mga tao ay matanda, mahaba ang bigote tapos ano.. ang daldal ko na basta patawad kamahalan!” saad ko at saka ako yumuko. He smiled, and laugh with my response. He's got a laugh that make someone's day bright. “Ikaw lang ang nakapagpatawa sa akin ng ganito, tagapagsilbi.” Tumingin ako sa kaniya at nakita ko kung paano pa siya mas naging gwapo dahil sa ngiti n'ya. Hindi ko namalayan na napangiti na rin ako ng dahil sa ngiti niya.  “Anong pangalan mo, tagapagsilbi?” tanong n'ya sa akin. “Ako si Jangmi, isa akong nain ng palasyo.” Sagot ko naman sa kaniya.   “Mahal kong hari, ano'ng ginagawa mo rito?” nadinig ko ang malambing na boses ni Reyna Yoona sa aking likod. Tumingin ako sa kaniya at nakita kong kasama niya ang Inang Reyna, at si Daerin. Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Daerin ng makita n'ya ang ngiti sa akin ng hari. “Mahal na Reyna, anong ginagawa mo sa aking hardin?” “Hinahanap ka namin dahil gusto sana naming makasama ka sa pag-inom ng tsaa. May pinagkakaabalahan ka ba mahal kong hari?” tanong n'ya rito. “Wala naman mahal kong reyna. Magtungo na tayo sa silid para makapag-tsaa.” Saad nito at nakita kong pumunta na s'ya sa direksyon ni Reyna Yoona. Napangiti ako dahil kumpara dati, mas magkalapit na sila sa paglalakad. Siguro effective nga na pang develop ng relationship ang pakikipags*x ko sa kaniya as Yoona gabi- gabi. Good for them, they are going to have a happy ending if this continues. “Jangmi…” napalingon ako ng may tumawag sa akin. Si Daerin. “Bakit?” “Maari ba tayong mag-usap saglit?” tanong n'ya sa akin. “Tungkol saan?” “Tungkol sa mga bagay na nakalimutan kong sabihin sa'yo...” saad n'ya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD