“SA ORAS na mahulog ang loob mo sa mahal na hari ay maaring kamatayan ang sumunod sa'yo. Dahil ang dalawang tao na galing sa magkaibang panahon ay 'di dapat magkaroon ng kahit na anong koneksyon.” Her words, parang sirang plakang umulit- ulit iyon sa aking isipan. Tho dumbfounded ako ay pinilit kong sagutin ang statement niya.
“Iniisip mo bang mahuhulog ako sa hari mo?”
Ngumisi siya, “Tanungin mo 'yan sa sarili mo, Summer. Tingnan mo kung paano ka tumitig sa haring katawan mo lang ang gusto sa'yo...”
“Hindi ko katawan ang gusto niya kung 'di katawan ni Yoona. Iniisip n'yang ako si Yoona, diba?” tanong ko sa kaniya. “Ang iniisip niya ay ang babaeng nakakatabi niya sa t'wing nakikipagsiping siya at 'di ang Mahal na Reyna.” sagot naman n'ya sa akin.
“How did you know?” tanong ko sa kaniya.
“Magsalita ka sa lenggwaheng mas naiintindihan ko, pwede ba?” tanong n’ya sa akin.
“Ingatan mo ang kilos mo, Summer. Dahil isang maling galaw mo lang ay maaring makaapekto sa buong Joseon. Nandito ka para ibigay sa Hari at Reyna ang kaligayahan nila at hindi para sirain ang isang dinastiyang nagmula pa sa kalangitan.” Aniya.
Napabuntong hininga ako ng ma-analyze ko ang lahat ng sinasabi ni Daerin. I mean, bakit naman maiisip n'yang mahuhulog ang loob ko sa haring 'yon. I mean that will never happen. And I don't have plans on falling in love again.
I just want to make use of my broken life, that's all. At isa pa, I'm already married to Royce, we just live together because I don't want to be with him. I just agreed on marrying him so that my Dad's money would multiply for his campaign. Yon lang naman ang gusto ni Daddy at gagawin niya ang lahat matupad lang ang gusto niya. Nagawa nga n'yang mamagitan sa amin ni Lawrence dati.
Napabuntong hininga ako at tumigil sa isang maliit na tindahan. Oh yes, I decided to leave the palace for a while para malibang ang isip ko dahil sa mga matalinhagang statements ni Daerin but it turns out na ‘yon pa rin ang iniisip ko habang naglalakad.
Why am I so affected?
Nakita kong nagtitinda sila ng mga necklace doon kaya tiningnan ko 'yon. Inangat ko ang isang necklace, “Magkano 'to?” tanong ko sa tindera.
“10 yang lang. Galing pa 'yan sa China at napakaganda talaga ng kwintas na 'yan!” Ni-salestalk pa ako. Kinuha ko ang purse ko at ang isang bungkos ng pera na nandoon. Binigyan ako ni Daerin ng maraming pera para daw gamitin ko dito kaya naman ito gagamitin ko na.
“Sige kuku--”
“Hindi, ako ang bibili n'yan.” Saad ng isang boses, napakapamilyar ng boses na iyon sa akin. Nanlaki ang mga mata ng saleslady ng makita n'yang inagaw ang kwintas. “Akin 'yan! Ako ang naunang bumili d'yan!” sigaw ko.
Napatingin ako sa nagsalita at nanlaki rin ang mga mata ko ng makita ko kung sino iyon. “Mahal na--” Tinakpan niya ang bunganga ko kaya 'di ko na natapos ang sasabihin ko. Our eyes met again. Siya 'yon! Sure ako na ang hari ito pero bakit... bakit siya nakasuot ng maduming damit?
Bakit ganito ang itsura n'ya? Bakit mukha siyang rebelde? At bakit ang gwapo pa rin kahit mukha s'yang rebelde?
“Ang rebeldeng si Han! Narito na! Narito na ang rebeldeng si Han! Ang rebeldeng may gintong espada!” sigaw nung tindera na 'yon. Tiningnan ko ang espadang nakasupbit sa kaniyang beywang at nakita kong puro kalawang naman 'yon.
“Manang saan ang ginto sa espada n'ya?” tanong ko sa nagsalita pero masyado na s'yang takot. Why the hell would they get scared to this rebel? I mean, dahil ba sa nakakatetano ang espada n'ya?
“Tumawag kayo ng mga sundalo! Nandito na ang rebelde!” sigaw muli no'n at nagsi-panic ang mga tao na tila takot na takot sila sa rebeldeng nagngangalang Han.
“Bwisit naman o!” sigaw ng mahal na hari. “Bakit ba takot na takot sila sa akin e naglalakad lang naman ako?” inosente n’yang tanong sa sarili niya. Halata ang inis sa kaniyang mukha na tila ba nagulo ang kaniyang mapayapang buhay.
Nanlaki ang mga mata n’ya ng may mga kabayong nagsitakbuhan at nakita ko na paparating ang sundalo ng palasyo. Talagang kilala s'ya dito bilang rebelde? Hindi ba nila nakilala na hari ang lalaking ito?
”Putang ina naman oh!” mura n'ya at saka niya kinuha ang mga kamay ko. It’s the first time that I heard him curse that way. I mean ang lutong ng mura niya, sobrang lutong.
“Teka, Mahal na--” Pero hinila na niya ako paalis. Nagulat na lang ako ng tumakbo na kami. Tumakbo kami palayo sa mga sundalong humahabol sa kaniya. He was holding my hand as if he won't let it go.
“Huliin ang rebelde! Huliin!” sigaw ng mga sundalong humahabol sa amin. Ang ilan sa kanila ay bumaba na ng kabayo para sundan kami ng mas mabilisan. Hingal ako ng hingal habang nakikisabay sa kaniyang takbo.
”Saan ba tayo pupunta, mahal na hari?!” tanong ko sa kaniya.” Sumunod ka na lang sa akin kung 'di mamatay tayo!” sagot n'ya sa akin.
“Bakit naman tayo mamatay, mahal na hari?! Hari ka kaya!” tanong ko sa kaniya. “Bwisit naman! Rebelde ako at hindi hari ngayon. Rebelde!” pag-ulit n'ya sa akin at saka n'ya inikot ang mga mata niya.
“Hari ka kaya! Baka kapag nakita ka ng mga iyan e lumuhod sila. Bakit ka ba nila papatayin ha? Mahal na hari! Pagod na akong tumakbo!” reklamo ko sa kaniya.
“Huwag mo akong tatawaging hari!” sabi n'ya sa akin. “At huwag ka ng magreklamo. Nakita na nilang magkasama tayo kapag nahuli ka nila, sasaktan ka rin nila para paaminin kung nasaan ako.” Paliwanag n'ya sa akin.
Bwisit naman oh!
Pumasok kami sa isang eskinita kung saan may malawak na gubat sa duluhan. Tama, gubat iyon. “Wala na tayong tatakbuhan, gubat na 'to!” saad ko sa kaniya pero hindi siya nagpatinag.
“Habulin sila! Sugurin ang buong gubat!” sigaw ng isang sundalo. Takbo kami ng takbo hanggang sa marating namin ang isang bangin kung saan may maliit na ilog.
“Bwisit naman! Mga anak ng! urgh!” Sigaw n'ya at saka siya tumingin sa akin tapos maliit na ilog.
“Tatalon tayo…” sabi n'ya sa akin.
“Ano?! Nahihibang ka na ba?! Aa---” hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglaan siyang tumalon at sinama niya ako sa pagtalon niya. Maging sa pagtalon namin ay hindi niya binibitawan ang mga kamay ko. I just felt the water agaisnt my body, imbes na umahon agad ay 'di niya pinaahon.
He pulled me close to him at saka siya umiling. It seems like he wanted to say that we need to hide like this. He pulled me closer to him at saka siya tumingin sa taas. Maraming paa ang nagtatakbuhan, maging mga boses na tinatakot kami. Hinihintay na umahon kaming dalawa.
I can't breathe, di ko alam kung paano ko pa pipigilin ito. Muli ay umiling siya sa akin, stating that no, you can't resurface because we will be f*****g dead. Why can't he just tell them that he's the king at case of mistaken identity lang ito? I tried swimming up but he pulled me down again. Inis ang rumehistro sa kaniyang mukha. He pulled me closer to him at this time kinagulat ko ang ginawa niya.
He kissed me.
He kissed me, parang nawala ang nararamdaman kong pagka-kapos sa hangin dahil nilibang na ako ng halik niya. He was able to distract me with his kisses, hindi ko alam kung ilang minuto ang inabot no'n. At hindi ko rin alam kung namaga na ang labi niya sa tagal ng aming halikan.
We stopped, at saka na kami nag-re-surface sa tubig. When we resurfaced, no one was there. Parehas kaming humihingal. “Bwisit naman, papatayin mo ba ako sa ilalim ng tubig ha? Hoy, alam kong hari ka pero please, h'wag mo akong idadamay sa mga kalokohan mo. Wala pa akong balak mamatay kahit para na akong patay!” sigaw ko sa kaniya.
Binuhat ko ang damit ko at saka pumunta sa pampang ng ilog. “Sandali lang! Niligtas na nga kita sa mga sundalong 'yon ha? Dapat ay magpasalamat ka sa akin,” saad n'ya at saka rin siya umahon ng tubig.
“Sundalong humahabol sa'yo, mahal na hari na nagpapanggap na rebelde sa labas ng palasyo!” singhal ko sa kaniya. Hinila niya ako at inilagay ang daliri niya sa bunganga ko. “Tahimik baka may makadinig sa'yo at malamang nandito pa tayo.” sabi n'ya sa akin. Inikot ko ang aking mga mata.
“Che! Wala akong pakialam! Baka ituro pa kita kasi nilagay mo sa panganib ang buhay ko!” sigaw ko sa kaniya at piniga ko ang dulo ng dress ko.
“Tumahimik ka nga sa--”
“May tao doon! Balikan natin! Nandoon pa sila!”
“OM--”
“Bwisit ka ang daldal mo kasi!” muli n'ya akong hinigit at pinaghihila kung saan- saan.
“Hoy! Saan na naman tayo pupunta, mahal na hari?!” singhal ko sa kaniya.
“Kung saan pwedeng magtago!” sigaw n'ya pabalik at napunta kami sa gitna ng gubat. May nakita kaming lumang bahay doon na matagal ng iniwan.
“Dito tayo!” sabi niya sa akin at hinila ako ulit. Pumasok kami sa loob no'n, naubo pa nga ako sa sobrang alikabok na bumungad sa amin.
“H'wag kang maingay...” sita n'ya sa akin at naupo kami sa likod ng pintuan. Halos di kami huminga habang pinapakinggan ang mga nagtatakbuhang footsteps ng mga tao. Ano bang pag-iisip ang mayro'n sa haring ito? Akala ko maloko lang s'yang hari pero nagpapanggap s'yang rebelde?
He have all the luxuries in this world. Why would he do that?
“Anong tinitingin- tingin mo sa akin?” tanong n'ya. Agad akong umiwas ng tingin sa kaniya at saka lumayo. Napalunok ako at saka umubo, he was making the atmosphere awkward. “Kailangan na nating umuwi, mahal na hari?”
“Hindi tayo makakauwi ...” sagot n'ya sa akin.
“Bakit?”
“Buong gabi nilang susugurin ang gubat ng dahil sa akin, hindi tayo makakaalis dito ng buhay kung babalik tayo ngayon sa palasyo.” Sagot n'ya sa akin.
“Ano?! So anong gusto mo matulog tayo sa mabahong bahay na ‘to?” sagot ko sa kaniya. “Wala tayong ibang opsyon, tagapagsil-- ano ulit ang pangalan mo?”
“Jangmi, mahal na hari.” sarcastic kong sagot sa kaniya. “Bakit ganyan ang tono mo sa akin ha! Hari ako ng Joseon!” saad n'ya sa akin. “Diba rebelde ka ngayon at hindi hari? Saka ngayon ikaw ang rebeldeng nagdala sa akin sa pangit na lugar na ito!” sagot ko sa kaniya at saka ako napasabunot sa ulo ko.
Actually this place is not ugly at all. It just it looks so simple, naalala ko lang ang tinirhan ko nung magkasama kami ni Lawrence. This place gives me that vibe, and I hate how my memories flash with no permission.
Sinasaktan ako ng ala-ala ko.
“Tapos basang- basa pa ako sa tubig. Paano kung sipunin ako o kaya magkalagnat ako ha?!”reklamo ko sa kaniya at piniga ang ilang parte ng damit ko, inikot niya ang mga mata niya.at saka tumayo. He lifted his dirty shirt up. “Anong gagawin mo?” He removed his clothes in front of me. He was now half naked, piniga niya ang damit niya na tila ba ‘di big deal ang pakitaan niya ako ng abs sa lugar na walang ibang tao kung ‘di kami lang.
“Anong ginagawa mo? Bakit ka naghuhubad ha?!” pagalit kong tanong sa kaniya.
“Kesa gayahin kita na nagdaldaldal edi maghuhubad na lang ako para matuyo ang damit at katawan ko. Sa ganitong paraan ay 'di ako magkakasakit,” confident niyang sagot sa akin at saka tinanggal ang tali ng buhok n'ya. His long hair doesn't look bad on him. In fact, mas bagay nga sa haring 'to kung nakalugay siya at kalahating buhok lang ang nakapuson.
It made him a lot more hotter, and the rebel's clothes looks cool on him. Hindi ko alam kung bakit nila kinakatakutan ang rebel side niya e mukha lang naman s’yang napadaan sa kalye. “Lagi ka bang hinahabol ng mga sundalo?” tanong ko sa kaniya.
“Ganyan ang lahat ng sundalo sa mga rebelde sa kapitolyo basta nadinig nilang may rebelde sa paligid ay huhuliin nila.”Sagot n’ya sa akin. Hindi siya astig, nakakatawa nga s’ya kanina e. Takot na takot ang rebeldeng may kalawanging espada..
Agad akong tumalikod ng makita ko na aktong huhubarin rin n'ya maging ang pantalon niya. Kahit nilalamig ako ay bigla akong pinagpawisan. Oo nakita ko na s'yang hubad, nahawakan, nakapa at kung ano- ano pa nga pero... kaming dalawa lang ang nandito ngayon at hindi 'to alam ng reyna.
I mean, parang sobrang makasalanan ng dating kung papanoorin ko ang maganda n'yang katawan.
Napalunok ako. “Hindi ka pa ba maghuhubad?” tanong n'ya sa akin. Umiling ako bilang sagot sa kaniya. “Hindi as in never!” sagot ko sa kaniya. Naupo ako sa kabilang parte ng bahay habang s'ya naman ay nasa kabila rin. Sinampay niya ang damit niya matapos itong pigain ng maayos.
Hindi nagtagal nagsimula na akong bahingin ng dahil sa lamig. Tumingin ako sa kaniya na nagsisimula ng makatulog, tinitigan ko siya mula sa malayo. This man, why can't I refrain from looking at him? Iniwas ko ulit ang tingin ko sa kaniya dahil nagising siya saglit. “Hindi ka pa rin ba maghuhubad?” nakakaloko n'yang tanong sa akin.
I made face in front of him that caused him to laugh. “Anong nakakatawa mahal na hari na magaling magmura?” tanong ko sa kaniya.
“Tangina mo ha?” natawa ako sa sinabi niya sa akin.
“Ay tangina! Tangina!” sigaw n'ya. Nagtirikan kaming dalawa ng mata pero sumuko din ako, his face was so funny. Hindi ko akalain na s'ya yung hari na puno ng manners na nakakasalubong ko sa loob ng palasyo. It seems like this is the real him, kung ito man ang tunay na s'ya... Natahimik kaming dalawa, I took a deep breath just to break the silence going on between us.
“Bakit ka ba nagpapanggap na rebelde ha?” tanong ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin, “Maraming nagagawa ang isang rebelde na hindi nagagawa ng isang hari na katulad ko,” sagot n'ya sa akin.
“So, gusto mong lumaya? Ayaw mo bang maging hari kasi diba kapag hari ka nasa'yo na ang lahat?” tanong ko sa kaniya.
“Wala kang pagsasabihan ng nalaman mo ngayon, Jangmi. Sa oras na maging usapan sa palasyo ang kahit na ano tungkol sa katauhan ko bilang isang rebelde. Hindi ako magdadalawang isip na ipapatay ka.” banta n'ya sa akin.
“Anong tingin mo sa akin tsismosa?” tanong ko pabalik sa kaniya. Ngumisi siya sa akin sa nakakainis na paraan.
“Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, ayaw mo bang maging hari?' tanong ko muli sa kaniya.
“Lahat dapat gustuhin ko dahil ako ang hari ng Joseon... basta para sa Joseon, basta para sa ikakaunlad nito kahit ikakasakit na ng puso ko. Kahit wala ng matitira sa akin dahil ang pagiging hari ay biyaya ng maituturing. Higit pa sa lahat ng kahit anong bagay sa mundo.” Sagot naman n'ya sa akin. “Iyan ang sabi ng Inang Reyna sa akin, dapat lahat nang para sa Joseon ay gawin ko... kaya ginagawa ko kahit kapalit pa no'n ay ang pagkawala ng karapatang kong lumigaya at maging masaya.”
“Bakit kaya ganyan ang mga magulang natin no?” tanong ko sa kaniya. I rested my head on my shoulders at tumingin sa kaniya.
He also did the same, “Anong ibig sabihin mo?”
“Ang akala nila alam nila kung ano ang magpapasaya sa atin pero ang alam lang talaga nila ay kung ano ang magpapasaya sa kanila.” Sagot ko sa kaniya, ngumiti siya sa akin. “Bakit ayaw mo rin ba sa palasyo?”tanong n'ya sa akin.
Tumango ako bilang sagot sa kaniya. “Ang gusto ng mga magulang ko noon ay magkaroon ako ng magandang buhay sa paraang gusto nila. Gusto nila akong sumaya gamit ang mga bagay na magpapasaya sa kanila. Hanggang sa isang araw... hindi ko na alam kung paano maging masaya kasi nawala na lahat ng bagay na pwedeng magpasaya sa akin.”
“Hindi ko alam kung magiging masaya ako ulit,” dagdag ko pa sa kaniya.
“Hindi naman 'yan sa ‘di mo alam. Ayaw mo lang ulit maging masaya dahil natatakot kang masaktan ulit. Ako, nagiging masaya ako kapag ako si Han kapag ako ang rebeldeng ito.” sabi n'ya sa akin.
“Hindi ka ba nagiging masaya kapag kasama mo ang Mahal na Reyna?” tanong ko sa kaniya.
Ngumiti siya sa akin, “Ang mahal na reyna ay ang aking matalik na kaibigan. Kaibigan na kinagalitan ko noong pinilit n'yang magpakasal kaming dalawa at gawin ang lahat para makuha ang pagiging reyna. Katulad mo, nawala na rin ang nagpapasaya sa akin pero nahanap ko 'yon ulit sa pamamagitan ng mga bagay na nagpapasaya sa kaniya.” Sabi n'ya sa akin, he smiled sweetly as if he remembers a sweet memory.
“Subukan mo 'yon... gumagana 'yon,” saad n'ya.
“Pero bakit sila takot na takot sa'yo e puro kalawang naman 'yang espadang dala- dala mo,” nagkibit balikat siya sa akin. “Yon nga din ang pinagtataka ko. Siguro dahil 'yung isang lalaking inatake ako at nasaksak ko ng espada ay namatay ilang araw matapos kong masaksak. Simula noon e takot na sila sa akin. Isa lang naman akong gumagalang rebelde na gustong mamasyal sa kapitolyo,” natawa ako sa kaniya. Sabi ko na nga ba, akala lang nila ginto ang kalawang sa kaniyang espada.
“Sabi ko na nga ba, sa tetano sila ng kalawangin mong espada natatakot at 'di sa'yo!”
“Aba e awtomatikong takot na rin dapat sila sa akin! Ako ang nagmamay-ari ng ginintuang espada. Ang rebeldeng si Ha--” binato ko siya ng lumang unan kaya nanahimik siya. Para naman siyang batang tumahimik at tumitig sa akin.
And that night, I remember falling asleep, falling asleep as I look in his sweet smile. A smile that made me spend the night without nightmares at all.
UMAGA na nang makabalik kami sa palasyo. Dumaan kami sa likod ng palasyo, isang sikretong lagusan na tanging ang mahal na hari lang ang may alam. Isa daw 'yon sa ligtas para makabalik kami ng walang nakikita.
“Tandaan mo ang pinag-usapan natin, tagapagsil-- ano ulit ang pangalan mo?”
“Ilang beses mo ba makakalimutan ang pangalan ko ha? Nakaka-asar ka na ha?”
Tumawa siya ng mahina, “Biro lang. Basta Jangmi h'wag mong kakalimutan ang mga sinabi ko.”
“Oo na, 'di ko sasabihin na ikaw ang rebeldeng si Han...” he placed his finger on my mouth making me shut up.
“Tahimik!” namula ako ng gawin n'ya 'yon.
“Sige na, mauuna na ako...” sabi n'ya sa akin at saka siya tumalikod sa akin. I watched him walk away from me. Nakita ko pa kung paano n'ya kamutin ang buhok niya na at tumigil saglit sa paglalakad tapos ay tumakbo na siya at naglaho na ng tuluyan sa paningin ko. Hindi ko alam kung gaano katagal na akong nakatayo dito sa labas pero isa lang ang alam ko. Nakangiti ako ng dahil sa hari s***h rebelde na 'yon.
When I realized that I look like an idiot, pumasok na ako sa loob ng kwarto ko at saka nag-ayos para makapasok na sa aking tungkulin bilang courtlady.
“KAGABI pa kita hinahanap,” tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Reyna Yoona na nakangiti sa akin.
“Mahal na Reyna...”
“Saan ka ba nanggaling ha?” tanong n'ya sa akin. “Namasyal lang ako sa bayan kasi nainip na ako rito. Bakit may problema ka ba doon?” Pagmamataray ko sa kaniya. Hindi ata alam ng Mahal na Reyna na nagpapanggap na rebelde ang asawa niya.
“Wala naman, nawawala din kasi ang mahal na hari kagabi...” sabi n'ya sa akin at saka siya ngumiti sa akin .
“Pero nakabalik na siya ng maayos at ligtas.”
“Okay, may kailangan ba sa akin?”
“Oo, gusto ko sanang surpresahin ang Mahal na Hari. Ah, sa silid aklatan kung saan siya nagbabasa madalas... ah.. ano... gusto ko s'yang surpres--- yung surpresang ahh...” she stuttered in front of me.
“Gusto mong akitin ang mahal na hari sa silid aklatan, tama ba?” tanong ko sa kaniya.
“Oo sana... kasi nakita ko siya dati kasama ang anak ng punong ministro doon. Gusto ko sanang gawin ang ginawa n'ya doon pero... hindi ko naman alam kung paano gawin 'yon.”
Nagkunot ang noo ko, she wants me to do it instead of her. “Bakit hindi na lang ikaw, para naman makita ka niya ng walang maskara diba?” tanong ko sa kaniya.
“Hindi ko alam at saka... hindi ako magaling sa ganiyang bagay baka hindi siya matuwa at lalo mas mainis sa akin.”
“Pero mas maganda nga kung ikaw diba? Saka kung ganitong tirik ang araw tapos nakamaskara ako edi magtataka siya.”
“Nakikiusap ako, ikaw ang gumawa nito para sa akin, Summer. Bumabait na ang mahal na hari sa akin kaya mas maganda kung magtutuloy- tuloy ito sa tulong mo... pakiusap...” At ano pa bang magagawa ko. Hindi ako makahindi sa reyna na ito at magkikita na naman kami ng hari.
Pero keri lang 'di pa naman ako nagsasawa sa kaniyang mukha at makakadaupang palad ko pa ang nagrerebelde niyang hari sa ibaba.