LANA'S POV
"Ang sweet talaga nila Sir Chief at Maya, noh?"
"Oo nga eh.. Maghahanap na nga lang din ako ng mayamang binatang amo baka sakaling magkagusto din sakin."
Haay! Ano ba yan, araw-araw na lang ganyan ang naririnig ko ng usapan ng mga kasama ko dito sa bahay. Pang ilang replay na ba ng be careful with my heart at hindi pa sila nagsasawa.
"Ayan na naman yang imagination n'yong sky is the limit Ate Lisa. Masyado kayong nagpapaniwala diyan sa TV eh hindi naman nangyayari sa totoong buhay yan. kaya dumarami ang mga katulad natin na nagiging kabit eh." Pangangatwiran ko naman.
Totoo naman kase 'di ba?! Sinong mayaman at gwapo naman ang magkakagusto sa isang katulong?! Such wild imagination.
"Bakit Lana, minsan ba hindi mo man lang pinangarap na makapangasawa ng gwapong mayaman?" Tanong ni Ate Lisa.
"Kaysa maghanap ng mayamang mapapangasawa, magtatapos nalang ako ng pag aaral, maghahanap ng magandang trabaho saka magta trabaho ng magtatrabaho hanggang sa yumaman. Bakit ko naman iaasa sa ibang tao yung pag asenso ko? Atsaka, allergic nga ako sa gwapo. Masakit lang yang mga 'yan sa ulo. Tignan mo si Berto ko, kahit isang linggo kong hindi nakikita alam kong wala akong magiging problema."
Call me anything you want, but my pride is higher than my height. Agaw ko pati ng ganun. Ayaw kong umasa sa ibang tao. Mas masarap kaya sa pakiramdam yung perang ginagastos mo e galing sa pinaghirapan ko at hindi sa ibang tao.
At walang hinihintay na kapalit.
"Lana andyan na yung service ni Miel."
"Sige Ate Liza, una na kami."
Ako nga pala si Lana Leviste, twenty four years old and I'm a trained professional, which specializes in child care and development. Sige na nga, isa po akong Yaya.
Pero hindi ko kinakahiya yun ah. Nang dahil sa trabaho ko, dalawang kapatid ko na yung nasa college. Isang first year b.s engineering saka isang third year b.s elementary education. Oh 'di ba bongga?
Yun nga lang, napakarami ko nang advance sa Tiyahin ko na amo ko rin. Hahaha
Nag aaral din ako pero sa gabi naman, Fourth year irregular nga lang sa kursong management.
Pitoo kaming magkakapatid, may magulang pa rin naman pero syempre ang dami namin kaya tulong-tulong na lang.
Yung pag aaral ko naman, sagot na ng tiyahin ko kaya okay na rin. Ganun talaga e, sa isang angkan meron talagang mahirap at meron ding mayaman.
Matagal nang hiwalay na ang Tiyahin ko sa asawa niya. Gwapo kase kaya ang lakas ng loob mambabae. Sabagay, halos lahat ng gwapong kilala ko babaero.
Kaya hindi n'yo ako masisisi kung bakit ako allergic sa gwapo.
"Miel, alis muna si Ate Lana ha.." Paalam ko sa alaga ko pagkarating namin sa school niya. May kailangan akong bilhin para sa project na ginagawa ko kaya kailangan kong magpunta sa mall.
"San ka punta?" Tanong nung alaga kong si Miel. Five years old. Nursery student.
"Mayy bibilhin lang ako sa SM. May assignment kase akong gagawin mamaya e.
"Babalik ka ba?" Inosenteng tanong ng bata.
"Oo naman po. Mamimiss kita e." Kiniliti ko pa siya para tumawa. "Gusto mong pasalubong?"
"Jobilee!"
"Sige, Intayin mo 'ko, ha?" Tumango ito bago tumuloy sa pagpasok sa classroom niya.
----------
IÑIGO'S POV
"Where the f**k is my daughter?!" Kanina pa ako bad mood sa trabaho ko tapos malalaman ko pang nawawala si Zylie?
"Eh.. s-sir.. I-iniwan ko lang n-naman k-kase siya sa labas ng re-restroom kanina.. Pag-pagbalik ko wala na siya dun.." Nauutal na sabi ng yaya ni Zylie.
"DAMNIT!!!" Naihilamos ko nalang yung kamay ko sa mukha ko. "You only have one job. And that is to take care of my daughter. Kapag hindi nakita si Zylie within one hour. Magbalot balot ka na." Galit na sabi ko.
"Pe-pero sir..."
"No buts! Napaka iresponsable mo! Isang bata lang ang aalagaan mo hindi mo pa magawa ng maayos. Get out of my office. Now!"
Umupo ako sa swivel chair paglabas ng pintuan nung yaya ni Zylie. Nahagip ng mga mata ko yung picture ni Riza sa ibabaw ng table ko. Kinuha ko yun at niyakap.
'Kung nandito ka hon, hindi sana mangyayari ang mga 'to.'
Napabuntong hininga na lang ako. Mag iisang taon na palang wala sakin si Riza. parang kelan lang masaya pa kami.. ngayon--
*RING*
Kinuha ko yung telepono ko.
"Hello? Saan? Ok ok.. I'll be there in ten minutes.. Thank you." Agad kong pinutol yung tawag. Hindi na ako nag abalang tignan kung anong itsura ko basta lumabas nalang ako ng office, sumakay sa kotse ko at nagdrive palayo.
------------
LANA'S POV
"Kumpleto na yung mga kailangan ko. Pasalubong na lang ni Miel ang bibilhin ko."
Sasakay na sana ako ng escalator nung may napansin akong batang nakaupo sa may gilid. Hindi ko na sana papansinin pero nung narinig kong humikbi nag alala ako.
"Uhmm, bata.. okay ka lang?"
Tumingin lang siya sakin saka yumuko ulit.
Ay hindi ako pinansin? Suplada? Baka naman hindi lang nakakaintindi ng tagalog. Mukhang mayaman eh. Ulit ulit.
"Hey baby, Are you ok?" Umiling lang yung bata. Ibig sabihin hindi siya okay.
"Are you lost, baby girl?" Bakit naman si Massimo ang naalala ko. Hahaha!
Tumango naman siya pero humihikbi parin. Ibig sabihin nawawala nga siya.
Hahaha ang galing ko mag interpret.
"What's your name, baby?" Yun ang hindi na niya sinagot.
'Pipi siguro. Sayang ang ganda pa namang bata. Napaka iresponsable naman ng magulang niya.'
"Do you wanna come with me? We're going to look for your Mommy?" Parang nag aalangan pa siyang sumama nung una pero nung inabot ko na yung mga kamay ko kinuha niya naman.
Una kaming nagpunta sa information desk. Ipinaalam ko muna na nawawala itong bata.
"Kuya, kawawa naman tong bata eh. Iyak ng iyak. Ganito nalang i-susurrender ko nalang yung I.d ko sa inyo pati yung number ko para in case may maghanap sa kanya, makokontak niyo ako." Binigay ko sa kanila yung school I.d ko pati yung number ko. Ewan ko nga ba.. Hindi ko naman dapat gawin ito pero feeling ko kase responsibilidad ko itong bagets na to eh.
Pumayag din naman sila nung ayaw tumigil sa pag iyak yung bata. Tinatanung ko yung pangalan pero hindi naman siya sumasagot.
"Do you want to eat?" Tumango siya kaya dinala ko siya sa jollibee. Pang budget meal lang ang budget ko.
Umorder ako ng two piece chicken saka extra gravy para kay Miel, Spaghetti and burger naman sa bata. Pinanood ko siya kumain, gutom na gutom nga siguro siya. Halata mo naman kase na hindi siya marunong pero pinipilit niya.
"I'll feed you." Ngumiti siya saka ibinigay sakin yung tinidor. Lumipat ako sa tabi niya saka ko siya sinubuan.
Magandang bata. Kitang-kita mo naman sa kutis niya eh. Medyo curly yung hanggang balikat niyang buhok. Mapula pula yung pisngi at labi niya. Para siyang buhay na barbie doll. Sayang nga lang hindi siya nakakapagsalita.
"My name is Lana, what's your name?" Nagkibit balikat lang siya saka ipinagpatuloy ang pagkain.
*Ring*
"Hello?"
----------------
IÑIGO'S POV
"Where's my daughter?" Tanung ko agad dun sa information desk.
"Sir.. may nagdala po sa kanya dito kanina kaya lang iyak po ng iyak yung bata kaya isinama ulit siya nung nakakuha."
"What?! You let my daughter roam around with a stranger?! Paano kung kidnapper yun o kaya miyembro ng sindikato? Kapag may nangyaring masama sa anak ko idedemanda ko kayo."
Mukhang natakot naman yung babae sa sinabi ko.
"Ah, eh sir iniwan niya naman po yung I.d niya saka yung contact number niya in case may maghanap daw sa bata ng hindi pa sila dumadating." Natatarantang sabi pa nung babae habang inaabot sakin yung I.d at contact number. Hindi ko muna pinagtuunan ng pansin yung I.d inilagay ko muna yun sa bulsa ko. Yung number muna ang inasikaso ko. Unang ring pa lang may sumagot na, handa ko na sanang murahin kung sino man ang tumanggay kay Zylie eh.
/Hello?/ Bumalik sa tiyan ko lahat ng dapat na sasabihin ko. Bakit ganun kalambing ang boses nun?
"He-hello?" Damn! Bakit ako nauutal?
/Sino po sila?/ Tanong niya ulit. Napalunok na lang ako, why am I this affected upon hearing her voice? tsk.
/Kayo po ba yung uhmmm, guardian ni.. baby girl? Andito kami sa jollibee, pasensya na po. Babalik nalang kami diyan./
'Baby girl?'
"No need. Ako nalang ang pupunta diyan." Gusto kong makita ang hitsura niya!
/Ah, okay po.. nasa second floor po kami. Katapat ng Mcdo./
In-end ko na yung tawag saka nagmamadaling umakyat sa may second floor. Nagtingin-tingin pa ako sa paligid. Hindi ko na pinapansin yung mga taong kumukuha ng litrato ko.
I'm Iñigo Crisologo. Model, business man. Multi billionaire. Single, no. Widowed. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit maraming nakakakilala sakin.
"Sir, ayun po si maam Zylie oh!" Sa sobrang pag-aalala ko kay Zylie, nakalimutan ko ng may kasama pala akong bodyguard.
Tinignan ko agad yung tinuro niya. Sa may dulong part nung food chain, nakaupo si Zylie na may katabing babae. Sinusubuan siya nun ng spaghetti habang kitang kita mo kay Zylie yung saya kahit hindi siya nagsasalita.
Zylie suffered from trauma. Hindi na siya nagsasalita simula nung nangyari yung.. Ipinilig ko nalang yung ulo ko. Ayoko na kaseng maalala yun.
Dahan dahan akong lumapit sa kanila kaya I overheard them talking.
"Ako si Lana.. Ikaw muna si baby girl, okay ba yun?" nag thumbs up pa si Zylie habang nakangiti. Indikasyon na okay sa kanya yun.
So Lana pala ang pangalan niya.
"Zylie ang pangalan niya." Hindi ko na napigilan yung sarili ko na hindi sumabat. Natawa pa nga ako nung halos mapatalon pa siya sa gulat nung nagsalita ako.
Nag slow motion pa siya ng paglingon at unfortunately, nakita ko lahat ng expression na ipinakita niya. Nakita ko ding natulala siya.
What can i say, i know my effects on woman. And she's not an exemption.
"Ahh.. ehh, Kayo po ba ang guardian ni..."
"Zylie.. Her name is Zylie. She's my daughter."
Natigilan siya saglit saka kinompose yung sarili niya. Maya-maya itinaas niya yung kilay niya saka ipinatong yung mga braso niya sa dibdib.
"Paano ako nakakasigurong anak mo nga si baby girl? Baka mamaya kidnapper ka?"
A-ano?! ako kidnapper?! Itong mukha kong ito pagkakamalang kidnapper?
Inilabas ko yung wallet ko para ipakita yung picture sana ni Zylie pero ako yung natulala.
Nakita ko kase yung last picture naming magkakasama. It's a wallet sized picture last year nung birthday nung dalawa kong anak.
"Hello mister?" she snapped. Nun lang ako parang bumalik sa mundo.
"Here take a look at this." Ipinakita ko sa kanya yung picture namin.
"Hindi pa rin ako naniniwala."
Hay ang kulit ng lahi nitong babaeng to.
"Zylie.." Tumingin naman sakin si Zy.
"Come to daddy.." Agad na sumunod si Zylie saka yumakap sakin at hinilig ung ulo niya sa balikat ko. Tinignan ko lang yung babae. "Satisfied?"
"Ah.. hehehe naniniwala na nga ako." tumingin siya sa wrist watch niya. "Shoot! Late na ako!" Inayos niya agad yung mga gamit niya saka humarap ulit sakin. "Bye baby girl. Una na si Ate Lana ha, sige po sir. Bye!" Yun lang at nagmamadali siyang umalis.
Nung inangat ulit ni Zylie yung ulo niya, nagpalinga-linga siya saka umiyak.
"La-la-la-na." Nagulat ako nung nagsalita siya. Hindi agad ako nakapagreact. Natulala ako na parang hindi ko naiintindihan yung nangyari.
"La-na.." Umiiyak pa rin si Zylie. Who ever that Lana is.. kailangan ko siyang makilala.
Naalala ko yung I.d niya sa bulsa ko.
Lana Leviste
Kinuha ko yung phone ko saka nag dial.
"Hello, I need you to do something for me."