Chapter Two

1420 Words
"May gusto akong ipakilala sa 'yo, hija." Excited na bungad ni Lolo J pagkababa ko pa lang ng sasakyan. Agad akong napasimangot sa bungad nito. "Lolo!" reklamo ko rito dahilan para matawa ito. "Binibiro lang kita. Mabuti naman at nagpakita na sa akin ang apo ko." Mabilis ko itong niyakap. Nami-miss ko rin naman ito, pero dahil nga palagi na lang nito akong pinagtutulakan na makipag-blind date ay mas pinipili ko na lang na huwag umuwi. Alam ko naman kung bakit nito iyon ginagawa eh. Pero tutol lang talaga ako sa gusto n'yang mangyari. Sabay kaming pumasok nito sa sala kung saan ang unang bubungad ay ang larawan namin ni Kuya Soul at ng Lolo Jesus namin. Pormal ang ayos namin doon. Seryoso ang expression ng mga mukha. Tanda ko pa kung kailan kinunan ang larawang iyon. Kaarawan ko iyon, walang bonggang party na pinagigiitan ni Daddy, walang bisita at kahit ang mga kaklase ay 'di imbitado. Ako ang nag-request sa matanda na magpakuha kami ng larawan. Tanging larawan na ipinapakita ko sa tuwing kailangan nang family picture. "Nagpahanda ako ng pagkain kay Ate Raquel mo. Halika, excited akong matikman mo 'yong paborito kong merienda." "Si Lolo J talaga, for sure banana cue lang naman 'yan." Sinulyapan ko si Ate Calline na bahagya ring napabungisngis. Totoo naman kasi, saka iyon ang paborito naming kainin kapag magkasama kami ng matanda. "Apo, may gusto sana akong ipakilala sa 'yo." Narating namin ang garden, paupo pa lang ako at padampot ng banana cue pero sinimulan na agad ng matanda ang parang ritual na nito sa tuwing nagkikita kami. "Sino na naman po?" tanong ko rito. "Apo s'ya ng matalik kong kaibigan. Gusto ka lang naman n'yang makilala. Ang hirap naman kasing tanggihan. Ayos lang naman kung hindi mo matipuhan. Kahit isang beses lang talaga." Nakikiusap na ani nito. "Isang beses lang? Ako ang pipili ng lugar? Ako ang masusunod?" naninigurong tanong ko rito. "Oo, apo." Mabilis nitong tugon. "Okay. Pero ito na ang huling blind date, Lolo. Oras na i-set up mo pa ako sa iba ay hindi na ako uuwi rito." Warning lang naman iyon, gusto ko lang talagang limitahan din ang matanda sa trip nito. "I understand. Ito na talaga ang huli. Kung magiging matandang dalaga ka man ay wala na akong magagawa pa." Sinabayan pa nito nang buntonghininga. Sinimulan ko nang kainin ang banana cue. Tahimik na ang matanda na pinagmamasdan ako. "Ang dami kong pera, pero hindi ko naman makuha 'yong gusto ko." Nag-angat ako nang tingin. Takang pinagmasdan ito. "Ano po 'yon?" "'Yong oras ninyo ng Kuya mo. Tumatanda na ako, ang laki-laki ng bahay ko. Pero bihira ko kayong makasama." Nagdra-drama na naman ito. Pero nauunawaan ko rin naman ito. Pero sadyang gano'n talaga, kailangan ko rin namang magtrabaho dahil ayaw kong iasa 'yong sarili ko sa matanda. Honestly, may gusto akong patunayan sa sarili ko. I guess, sa ibang tao na rin. Lalo na roon sa taong nang-iwan sa amin ng kapatid ko. "Huwag kang mag-alala, tiyak na bibigyan ka ni Kuya ng maraming apo. Arborin mo 'yong isa kapag nagkataon." Pareho kaming natawa at sabay pang nasamid dahil sa ginawang pagtawa. "Pumasyal noong nakaraan ang ama mo, kasama ang Kuya mo." Natigilan ako. Kuya? For sure hindi si Kuya Soul ang tinutukoy nito. Bahagya akong umayos nang upo. Inilapag ang tinidor na gamit saka deretsong tinignan sa mata ang matanda. "Lilinawin ko lang, isa lang ang Kuya ko, si Kuya Soul lang, Lolo J." Paalala ko rito. Bumuntonghininga naman ito. "Pero itinuring na ng ama mong anak n'ya si Steve." "Unfortunately... tapos kaming anak n'ya ay hindi n'ya trinatong anak n'ya talaga." "Hija..." "Aakyat muna po ako sa kwarto ko. Ibigay n'yo na lang kay Ate Calline 'yong contact number no'ng lalaking tinutukoy n'yo na makaka-blind date ko. Bye!" ani ko saka mabilis nang tinalikuran ito. Alam ko namang gumagawa ng paraan si Lolo na maayos ang problema namin ng parents ko. Pero hindi kasi maaayos iyon sa isang pagkikita lang tapos paulit-ulit ka lang na madi-disappoint. Tinanguan ko lang si Ate Calline na nagme-merienda sa sala at nilagpasan na ito. Tinatawag n'ya pa ako pero hindi ko na s'ya pinansin. Pagpasok ko sa loob ng silid ko ay agad kong ibinagsak ang katawan sa kama saka tumitig sa kisame. Kailangan kong umisip nang paraan para ma-turn off ang makaka-blind date ko, kilala ako tiyak ng taong iyon. Kung magpapapangit ako ng outfit ay tiyak na iisipin no'n na pakulo ko lang 'yon. Tiyak ding hihirit pa ng second date. Hindi effective kapag gano'n. Umikot ako padapa saka mas nag-isip ng dapat na gawin. Mukhang gagawin ko na naman 'yong 'pinagbabawal na technique' na madalas kainisan ni Ate Calline sa akin kapag nasa mood ako. Napangisi ako. Nang bumukas ang pinto na hindi man lang kumatok ang salarin ay huling-huli nito ang ngisi na naka-display sa labi ko. "Creepy! Tiyak na may naiisip ka na namang kabaliwan. Ano 'yon? Nang maihanda ko naman ang sarili ko," seryosong ani ni Ate Calline at naupo sa gilid ng kama. Gumaya rin ito, humiga rin sa kama katabi ko. "Iniisip ko kung paano ko ididispatsa ang date ko." Honest na sagot ko rito. "As expected... anong klaseng pakulo na naman kaya 'yan? Sumakit ang t'yan? Fake fart para ma-turn off ang lalaki? Lalamon ng bonga?" napabungisngis ako, gusto ko 'yong something new. Lalo't last blind date ko na ito. 'Yon bang hindi na talaga uulit si Lolo na i-set up ako ng blind date sa mga anak ng mga kaibigan nito. Sa dami nang naka-blind date ko ay wala man lang akong natipuhan. Masyado kasing tinaasan ng mga kaibigan ni Kuya ang standard ko pagdating sa lalaki. Nakita ko 'yong tipo ng lalaki na hahangaan mo talaga sa mga kaibigan ng Kuya ko. May ilang playboy pero mas marami sa kanila ang matitino. Pero kahit pa may standard akong gano'n ay wala pa rin talaga sa isip ko ang mag-settle down na halos ritual-an na ni Lolo simulan noong magdesisyon akong bumukod ng bahay at bumisi-bisita na lang dito. "Baka naman kaya ayaw mo talaga na makipag-date dahil kay Yko?" agad akong napatingin kay Ate Calline at mabilis na tumawa. "Joker ka, Ate Calline. Tagal na no'n. Isang malaking joke 'yon na hindi na mauulit. Saka hindi naman naging kami. Best friend, I guess?" tumawa pa ako. Kaibigan lang talaga kami no'n. Naging close lang noong high school and college ako. Saka normal lang siguro iyon lalo't kaibigan din si Yko ng Kuya Soul ko. "Friends lang ba talaga?" curious na tanong nito sa akin. Umagat pa ang kilay nito. "Oo, Ate. Huwag kang ma-issue." "Pero nakita ko kaya noon na nag-kiss." Nanlaki ang mata na napatingin ako rito. "Of course not! Baka friendly kiss." Dahilan ko pero halata naman na hindi bumenta rito. "May naghahalikan ba sa lips na friendly kiss lang? Anong tingin mo sa akin, mangmang?" "Bakit pa kasi kailangan balikan iyon? Wala lang iyon. Saka hindi namin type ang isa't isa." "Bible, hindi mo type pero s'ya sigurado akong type na type ka no'n. Halos wala na nga akong silbi noong college ka kasi halos s'ya na ang naghatid sundo sa 'yo." "Sinusundo lang n'ya ako noon kapag pinakisuyo ni Kuya." "Araw-araw?" sarcastic na ani nito na ikinasimangot ko. "Exaggerated, Ate. Hindi araw-araw." Umiling pa ako rito. "Medyo matanda s'ya sa 'yo, mas bata lang ng konti kay Kuya Soul mo. Pero ngayon, nasa tamang edad ka na rin, successful at single, why not subukan n'yo ulit mag-date?" "Hindi kami nag-date noon, para gamitin mo iyong word na 'ulit'. Saka I'm not really interested na makipag-date, saka kung makikipag-date, bakit sa kanya pa?" "Kasi nga s'ya lang naman iyong hinayaan mong lalaki na makalapit sa 'yo, iyong iba ay nadidikit nga lang sa 'yo dahil sa trabaho. Pero s'ya nakakasama mong gumimik tapos kinakausap mo rin." "Kasi nga kaibigan s'ya ni Kuya." "Kasi nga type mo rin s'ya. Ano ka ba naman?" "Paladesisyon ka sa feelings ko, Ate!" nakasimangot ng ani ko rito. Ang kulit din nito, pero mas masakit ang ulo ko kapag si Ate Calline at Batsy ay nagsanib pwersa. Hindi ako makaligtas sa pang-o-okray nila sa pagiging single ko. Ano ba kasing masama kung single? Masaya naman ako. Napapangit ko naman ang sarili ko, kahit mag-isa lang ako. Tumatawa rin naman ako kahit mag-isa. Hindi ko kailangan ng lalaki para pangitiin ako. Hindi ko kailangan ng magpapatawa sa akin. Kasi kaya ko namang gawin iyon ng walang lalaki sa buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD