Pagkarating ni Neil sa bahay ay nagulat siyang nakapatay lahat ng ilaw. Nagtaka siya kung si Papa Bong talaga niya iyong nag-text, nang bigla siyang nagulat dahil nakabukas ang ilaw sa tapat ng refrigerator. Pagkalapit niya rito ay walang iba kundi si Elise na nangangalkal ng makakain habang punong-puno ng chocolate ice cream ang bibig.
Nagulat din ang dalaga nang makita ang kanyang kuya. "Diyos ko naman, Kuya! Bakit ka nanggugulat?"
"Ako nga dapat magtanong niyan sa 'yo, bunso."
"Sorry, nagutom lang. 'Lam mo na, may period ako. Gurl thing, duh!"
Pagkatalikod ni Elise ay biglang iniangat ni Neil ang cellphone ng tatay niya. "Ano 'to? Kindly explain, bunso."
Humarap naman sa kanya si Elise sabay nag-peace sign. "Kuya kasi, ayoko na mauwi ka ro'n sa malanding babaeng 'yon, noh! Sasaktan ka lang niya, promise!"
"Bunso, masama 'yang ginagawa mo. Hinuhusgahan mo agad ang isang tao. Tsk! Isusumbong kita kina Mama. Makaka-score na sana ako. eh! Sayang!"
"Anong score, Kuya? Ganitong gabi ay naglalaro kayo ng basketball?" Inis na nagtataka ni Elise.
"Ah, basta! Wala! Akin na 'tong cellphone ni Papa at matulog ka na rin. Tama si Mama, dapat magkaroon ka rin ng crush para 'di mo na pakialaman si Andrea ko!"
Nainis si Elise sabay bumelat na lang sa kuyain at umakyat sa hagdan na nagdadabog.
~~~
Kinaumagahan, habang nasa klase si Elise. Biglang dumating ang isang lalaki na guwapo, medyo mahaba ang buhok at chinito't maputi. Ito'y si Marky. Ang kaisa-isahang crush niya.
Hindi maalis-alis ang mata ni Elise sa kanya kaya talikod siya nang talikod para lang nakawan ng tingin si Marky habang nagtuturo ang guro.
"Ang kyut mo talaga, Marky. Sana ligawan mo na lang ako para 'di ko na mapakialaman si Kuya at ang gf niyang nagliliyab ang yaskep," bulong ni Elise.
"Class, get one-half sheet of pad paper dahil may surprise quiz tayo sa Math!" anunsiyo ng guro.
Itinago naman ni Elise ang kanyang pad paper para walang manghingi dahil madalas siyang hingan at nauubos ito. Ang mga close lang niyang mga babae ang binibigyan niya ngunit 'di nakalusot nang lumapit sa kanya si Marky.
"Uy! Nakita ko 'yon! Pahingi naman, oh! Please!" ani Marky sabay kinindatan niya ang dalagita.
"'Wag, Elise!" pangungulit ng kaibigan ni Elise na si Khien habang kinikilig naman na kumakantiyaw sina Akira at Angel.
'Di naman nakatanggi si Elise kaya napapayag siya ni Marky.
Pagkaabot ni Marky ay nagsalita muli ito. "Puwede bigyan mo rin ang mga kaibigan ko na boys, Elise?"
"Ilan ba sila?"
"Lahat ng boys!"
Nagtimpi si Elise at binigyan ang lahat ng boys sa classroom kaya nagreklamo 'yong mga girls.
"Grabe kadamot itong top 2 natin. Mga boys lang ang binigyan ng one-half sheet ng pad paper! Tayo hindi!"
Kaya no choice si Elise kundi bigyan ang lahat na girls sa classroom ng papel hanggang sa maubos ang buong pad paper niya.
"Okay ka lang, besty?" tanong ni Akira pagkatapos niya hawakan sa balikat si Elise.
"Oo," sagot naman ni Elise kahit sa kaloob-looban niya ay hindi siya okay.
Nang magsimula na ang quiz nila ay tahimik ang klase. Biglang tumayo ang guro nila.
"Class, I have to go outside first dahil may kakausapin lang ako sa cellphone kaya ipagpatuloy n'yo lang sagutin ang quiz n'yo. Mabilis lang ako, class," hinging-permiso ng guro.
Pagkalabas na pagkalabas ng guro ay lumapit na naman si Marky kay Elise. "Elise, pasuyo naman, oh! Pakisagutan itong 1!"
Biglang kumabog ang puso ni Elise sa 'di niya maintindihang nadarama at namula siya dahil masyado na malapit ang mukha ni Mark sa kanya kaya napapayag siya ng binata.
Ngunit kasunod naman niyon ay ang pagkapit muli sa kanya ng buong kaklase niya na pinapasugatan ang kanilang mga quiz. Sinagutan naman ni Elise ang mga test papers nila o pinakopya niya silang lahat dahil baka makahalata ang iba na crush niya si Marky kaya ito lang ang pinagbibigyan niya.
~~~
Makalipas ang isang linggo ay palaging ganoon na lang ang ginagawa ni Marky kay Elise, at oo naman din nang oo si Elise sa pinapagawa ni Marky dahil crush niya ito.
Habang pauwi na sila nina Akira at Angel...
"Besty, hindi ko na nagugustuhan 'yang ginagawa ni Marky sa 'yo! Abusado na siya, lalo na 'yong buong klase."
"Hayaan mo na, bes. Para malaman niya gaano ko siya ka-crush at sabi rin sa akin ni Mama na dapat magka-boyfriend na rin ako para 'wag ko na pakialaman ang relasyon ni Kuya Neil at Andrea! Kaya I will try hard for Marky to fall in love with me!" seryosong ani ni Elise.
"Speaking of boyfriend, look!" Sabay itinuro ni Angel sina Marky at Khien na magkasama na tila nililigawan ito ni Marky.
Sa pagkainis ni Elise ay sinugod niya ang dalawa sabay kinalabit si Marky nang pagalit. Pagkaharap nito ay sinigawan siya ni Elise.
"Marky! Ano 'to? Nililigawan mo ba kaibigan ko?"
"Oo, eh ano ngayon sa 'yo?" sigaw rin ni Marky at pinandilatan ng mata ang dalaga.
"Halos lahat ginagawa ko, pinapakopya kita kahit mga best friend mo at buong klase tapos ito kapalit?"
"Tapos na ano, Elise? Hoy! Baka nakakalimutan mo na 'di kita niligawan! Nagpapasagot lang ako ng mga assignments at quizzes pero hindi ibig sabihin no'n eh gusto na kita! 'Wag kang assumera! Wala akong gusto sa 'yo. Tingnan mo nga sarili mo. Ang itim mo, dami mo pimples, tapos hindi ka pa nagsusuklay. Balita ko 'yong kuya mo ang gumagawa ng lahat! Stage kuya! 'Di ka siguro mabubuhay kung wala ang kuya mo!"
Sumingit bigla si Khien sa bangayan nila. "Hoy, Marky! 'Wag mong sigaw-sigawan ang best friend ko! Dahil sa totoo lang, ikaw ang assumero! Hindi mo ba alam na kaya ako masyado lumalapit sa 'yo dahil sinusubukan ko kung tini-take advantage mo best friend ko at tama ako! Tara na, Elise! Iwanan natin 'yang feelingero na 'yan! Sumusobra na, eh! "
Napikon si Marky pero nag-sorry at nagmakaawa kay Khien pero 'di pa rin ito pinatulan ni Khien at umalis na silang apat na magkakaibigan.
Habang naglalakad sila ay napayakap naman si Elise kay Khien habang umiiyak.
"Sissy, 'wag ka nang umiyak. Lagi mo tatandaan na lagi kami nandito para sa 'yo," ani Khien.
"Kaya nga sorry, Khien. Hinusgahan kita agad!"
"Wala 'yon ,Elise. Hindi ka namin gagano'nin. Balewalain mo sinabi ng lalaki na 'yon. Wala siyang kuwenta and he never deserves a girl like you! Para sa amin, ikaw ang pinakamaganda!"
~~~
Pagkalipas ng ilang araw, medyo nalulungkot si Elise dahil hindi na siya pinapansin ni Marky ngunit ito'y lapit naman nang lapit sa kalaban niyang si Shamcey na top 1 ng classroom.
Hanggang sa makalipas ang ilang mga buwan ay tila mas nangunguna na sa marka si Elise kaysa kay Shamcey.
Ngunit kapalit naman ng pagiging top 1 ni Elise ay pag-iibang ugali ng Kuya Neil niya.
Habang nakaupo si Elise sa canteen ay bigla na lamang dinaanan siya ni Neil na parang hangin. Hindi man niya ito pinapansin o tiningnan man lang sa mata.
"Uy! Sissy! Pangalawang araw na 'to na ganyan ang kuya mo! Hindi ka man lang pinapansin. Ano ba problema no'n?" usisa ni Angel kay Elise.
"Hindi ko nga alam, sis. 'Pag kinakausap ko siya sa kotse, parang ang tamlay niya at walang gana makipag-asaran sa akin," malungkot na sagot ni Elise.
"Why don't you talk to him?" tanong ni Khien.
"Inggit lang siguro 'yan dahil magkapantay kami ngayon na parehong top 1. Well, if ayaw niya 'ko pansinin, 'di 'wag! Patigasan kami! Yabang niya! Takot na baka mapunta sa akin atensyon nina Mama at Papa!" galit na sabi ni Elise.
Sa sobrang inis ni Elise ay tumayo ito nang padabog sa mesa at lumapit kay Neil. Wala siyang pake kahit kasama ni Neil ang mga barkada niya at hinila niya ito sa braso sabay sinigawan niya ito kahit mas matangkad sa kanya ang kuyain niya na kailangan pa niyang tumalon.
"Kuya! Ano ba problema mo? Porke't mas mataas na mga grades ko sa 'yo ay ganyan ka na kung mang-isnab? Harapin mo nga ako! Hindi 'yong dinadaan mo sa ganito at itinatago ano man 'yang kinagagalit ng damdamin mo sa akin! Kuya! Just be fair! Kung gusto mo makipag-compete sa akin sa grades, hindi sa ganitong pamamaraan na you count me as one of your enemies! Rivals in grades ay okay pa! Pero 'wag naman sa pagiging siblings! Kuya naman, eh! What happened to you? Ano ba kasi?" sigaw ni Elise.