MAKE-OVER TIME
“Let’s get over it!” palakpak ni Will sa malawak na hallway ng fashion boutique na iyon at napalabas naman ng dressing room si Stace.
Kanina ay sinamahan din siya nito sa Makeup store upang mamili ng mga make-up na babagay sa new look niya. Pumunta din sila ng salon upang ipagupit ang buhok niya.
Hindi magkanda-ugaga si Stace sa pagpihit ng suot na latex material, na kawangis ng sinusuot ni Kim Kardashian. Yung sa kaniya ay kita ang pusod at hapit na hapit sa balakang at puwet niya pati sa gitna ng hita niya ay nakaulbo. Naka leopard print heels naman siya at iniklian ang cut ng buhok niya. Kung tutuusin ay hindi na niya halos kilala ang nasa harap ng gahiganteng salamin sa hallway.
“Amazing!” komento ni Will, “I think maganda iyang suot mo. Hindi masyadong revealing pero lumalabas ang ka-seksihan mo. Parang nasa James Bond movie ka. Suwak sa magiging next video ni Lucas.”
“How about you turn around and walk?” add-on ni Will, “so you can feel the vibe of the dress?”
“Kaya ko ba talaga ‘to?” hingap niya, at inabot naman ni Will ang palad niya. Even though Will appeared manly as Lucas, she can feel softness with him. Pero wala naman siya sa posisyon na tanungin ang preference nito?
“You can do it!” cheer-up sa kaniya ni Will. “You signed the contract, right?” ngiti lang nito, at pinatayo siya ng maayos ulit. He leveled her shoulders with both palms, relaxing her tense muscles.
“Okay, I’ll just think that this is work, that this is acting.”
“You can do that, but you need to feel it Stace. You need to actually believe that you’re sexy! Remember, you’re the bomb!”
“Ano kayang iisipin ng mga tao?” hindi pa rin siya kumbinsido.
“This is the last thing you should think of, mahalaga ba iyon? You want to prove something right?”
Napatango siya. I can do this, I can do this…bulong niya sa sarili. She trotted the runway and imagined no one was watching. She remembered the times when she was carefree on the bed, when she was on the peak of orgasming while listening to the husky voice on the other line-
Ngak! Napatigil siya at muntik ng matapilok. Ba’t ba iyon ang naisip niya.
Nasa kotse na sila at bitbit na niya sa paperbag ang susuotin niya sa first shoot nila ni Lucas bukas. Alas sais ng gabi ang call time na gaganapin sa isang posh bar. Ise-send ni Will ngayong gabi ang script. Wala naman daw siyang linya masyado, it’s more of an introduction video tomorrow. Parang teaser lang.
Napababa na siya at napaharap siya sa bahay nila. Maganda ang bahay nila, pero ang totoo’y binabayaran pa nila ito buwan-buwan. Marami pang babayarin at nag-aaral pa ang isang kapatid niya. Hindi naman din stable ang income ng mommy niya bilang Insurance agent. Mas malaki pa ang kinikita niya sa social media. Sumubok na siya ng ibang trabaho noon tulad ng sa opisina at sa call center, ngunit simula ng mag-boom sila ni Nylon ay nakita nilang malaki ang potential nila and they can be the next big thing.
Nakaipon sila at una nilang binili ay kotse, sunod naman ay condominium ngunit nakapangalan iyon sa damuhong si Nylon. Noong una ay tinutulungan pa siya ni Nylon sa pagbabayad ng kinuhang bagong bahay para sa pamilya niya, pero iyon na nga – iniwan na siya nito sa ere at nasa piling na ito ni Nikka ngayon. Dinig niya ay may bagong bili na bahay si Nylon sa mga magulang nito, all this time ay may tinatago pala itong pera.
She can’t help but feel the ache and throb in her heart again. She’s all alone. But she needs to fight and get-up.
Para din naman ito sa pamilya niya. That offer was hard to reject, lalo na’t hindi naman niya makukuha iyon sa simpleng trabaho lang. Naging praktikal lang siya. Isa pa, mainam na revenge iyon kay Nylon. Parang ‘in your face, look at me now’ kumbaga.
Pumasok na siya ng bahay, at naabutan niya ang mommy niya na naghihiwa ng oranges. “Oh anak, kamusta ang meeting?”
Nasa kitchen table naman ang kapatid niyang si Soleil, may ginagawa itong assignment. First Year college pa ito at kumukuha ng Tourism. Maganda din ang kapatid niya tulad niya.
Inabot ng mommy niya ang plato ng orange at watermelon. Kinuha niya iyon at nagpatuloy ang mommy niya, “Ano, okay ba ‘yung boss? Malaki ba offer sa ‘yo?”
“Okay naman, mababayaran natin tong bahay, at hindi na tayo lilipat,” usal niya na nagpalundag sa mommy niya. “At magpapatuloy si Soleil sa course niya,” napatili rin ang kapatid niya at parehong dumalo ito ng yakap sa kaniya.
Gumaan ang pakiramdam niya ngunit mapabuga siya ng hangin, “pero…”
“Pero?” ulit nila.
Napapikit siya ng mata. “Pero huwag sana kayong mabibigla kung may makikita kayo sa internet, okay?”
“Bakit ate?” kunot ng noo ni Soleil.
“Anong makikita namin sa internet, anak?”
She can’t help but blush but she said it anyway, “Magko-collab kami ni Lucas. Lucas Monteloyola.”
“Oh My God!” natutop ni Soleil ang labi. “That Mr. Lucas?”
“Huwag mong sabihin kilala mo siya, Soleil?”
“But everyone knows her, ate! He’s the hottest guy in town! He does this sexy videos, come on, I’m first year na kaya!”
“That Lucas?” anas ng mommy niya na mukhang kilala rin ang damuho.
“Apparently, he’s the boss of Insginia too.” Napangalumbaba siya. “That’s why I want you guys to be open minded.
“Kaya pala ganiyan na ang hair cut at lipstick mo ate!” parang na-excite pa si Soleil.
“Do you like it?” ingos niya.
“Yes, I feel that you’ve matured, hindi ka na O.A at patweetums,” tawa lang nito. Sumali rin ang mommy niya sa pagpuri ng hairstyle niya na mala Dua Lipa ang igsi.
“I can’t believe you guys,” irap niya.
“But it’s very comfy and sexy, anak. I want this hairstyle too,” aniya ng mommy niya. “Let me guess, so magre-rebranding ka, tama ba?”
Tech at social media savvy ang mommy niya at minsan ay mas alam pa nito ang mga new terms. “Ang alam ko, matapos ni Hera ay naghahanap iyong Lucas na iyon ng new muse, ipina-televised pa nga eh. So, ikaw ba ang muse niya, anak?”
“Mommy!” sobrang gulat niya. Mas alam pa nito ang tungkol sa Naughty Games series? “What do you think, diba kayo mahihiya kung a-appear ako dun?”
“Ba’t naman?” ingos ni Soleil. “Isa pa, maganda iyon, hindi naman malaswa ‘eh, may taste naman iyong si Lucas. At guwapo pa!”
“Soleil!” tawag niya dito ngunit napabalik na ito sa laptop.
“So what?” tayo niya ulit. “Ganoon lang ang reaction niyo?”
Thank you for reading, dont forget to FOLLOW Me :)